Share

CHAPTER 03

“Sige na Ashra ba, pumayag kana, once in a lifetime lang naman ito, kapag nakapunta ka na roon saka mo na lang sabihin na ayaw mo ng bumalik ulit sa loob. Sige na, pero sa tingin ko babalikan mo pa rin," pangungulit ni Kimberly sa akin na magbar kami one of these days at ang gusto niya na bar ay ang bar ng bossing namin.

  Matagal na nila akong kinukulit ni Cha-cha na samahan ko sila magbar total malapit lang naman, ilang hakbang lang ang layo at makakarating na kami sa loob ng bar.

  Wala namang masama magbar pero wag lang daw na may trabaho pa kinabukasan, ang pwede lang sa aming mga staff ay Friday and Saturday. Close ang restaurant ng Sunday pero dahil may trabaho kinabukasan ay hindi kami pinapayagan unless kung may pasaway at makalusot pa rin.

  Sa next Friday ay birthday niya kaya gusto niya na kasama ko siya sa celebration, wala na akong trabaho sa restaurant ng Saturday dahil focus ako sa anak ko tuwing Saturday at Sunday.

  “Sige na, malay mo makahanap ka ng new daddy para kay baby Ian.” hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Kimberly. Kalaunan ay napailing na lang ako ng ulo dahil sa palaging advance nila mag-isip, gusto nila na makahanap na ako ng ibang mamahalin di porke't may anak na ako, kaya kong buhayin ang anak ko kahit wala ang ama niya. Habang sila nga, ay wala pa namang boyfriend. Fling palang naman daw kaya gusto nila na itulad nila ako sa kanila.

  Sa mga nangyari sa akin noon at condition ng anak ko ay hindi ko ilalagay ang sarili ko na hindi pa ako handa, at mas lalong ayoko na munang maghanap ng iba at once na malaman nila na may anak na ako ay ang masaklap kung hindi nila magustuhan ang anak ko. Hindi nila tanggap ang anak ko. Masakit iyon sa parte ko. Ang pagtanggap lang sa condition ng anak ko ang hinihiling ko kung sakali, hindi naman ibig sabihin na ipapasa ko sa kanya ang obligasyon pero dahil ayoko muna ay akala nila hindi ako masaya.

  Kung darating man ang isang araw na buksan ko muli ang puso ko sa pagtanggap ng bagong kasintahan ay mas mainam na alam ko muna o makita ko mismo kung paano nila tanggapin ang anak ko.

  Pero ang tanong kung may tatanggap pa sa akin bilang single mom?

  Well…pakialam ko ba? Wala na pala iyan sa isip ko dahil ang priority ko ngayon ay ang nag-iisang anak ko.

  “Pero alam niyo naman kung bakit ayokong pumunta, hindi pwede na palagi kong iiwan sa landlady ang anak ko, ayoko kasing pag nagka-trantrum ang anak ko ay wala ako sa bahay. Pwede naman na dito na lang tayo magcecelebrate ng birthday mo Kimberly at kahit libre ko pa papayag ako, basta huwag lang akong magpakagabi dahil delikado.” sabi ko sa kanila. Nakita ko sa kanilang mga mukha ang panghihinayang ngunit kalaunan ngumiti naman sila.

  “Ayos lang, naiintindihan ka namin, baka sakali lang naman ang amin pero don't worry, no hurts feeling dahil naiintindihan ka namin. Kahit naman siguro ako ay hindi ko rin kayang matagal na wala sa tabi ko ang anak ko. Sa kalagayan lang kasi ni Ian ay mahirap na, kaya sobrang proud kami sa ‘yo Ashra at nakaya mo ang lahat.” si Kimberly sa akin.

  "At mabuti na lang na mataas ang bakod ng bahay dahil kung maliit lang ay delikado at sana hindi laging nakabukas ang pinto kung saan mo siya iniiwan para hindi nakakalabas ang anak mo sa gate, ay naku mas lalong delikado. Mas mahirap iyon,” pag-alala na wika ni Cha-cha.

  “Iyon na nga eh at thankful din kasi hindi rin sobrang malayo ang inuupahan ko at dito sa tinatrabahuan ko, pwede ko namang lakarin pero dahil nagmamadali ako ay mainam na rin na sumakay nalang ako ng jeep o tricycle or basta paunahan sila kung saan sa mga transportation ako makasakay. Basta makauwi lang ng mas maaga,” saad ko sa kanila kaya kanya- kanya silang sang-ayon.

  “Baka sa next next Sunday, pupunta ako sa inyo para maki-kain I mean para bisitahin si baby, ok?” natawa ako sa sinabi ni Kimberly at tumango ako. Anytime naman ay pwede silang pumunta sa bahay, may pagkakataon din naman na bumibisita kami sa bahay nila lalo kapag may birthday.

  Nakakagaan sa kalooban na nakatagpo ako ng mga kaibigan na kagaya nila, kung marahil hindi ko sila nakilala ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon, hindi ko rin alam kung magtatagal pa ba ako kung saan ako nagtatrabaho ngayon kung hindi mabait ang landlady ko. Sana lang Lord na hindi magtitrigger ang anak ko at para walang problema.

Ma swerte lang talaga ako ngayon dahil nalampasan ko ang mga pagsubok ko sa buhay kahit papano.

  Lumalaban dahil sa aking anak. The feeling of being a mother, I couldn't describe it in one sentence. Ganito pala ang pakiramdam, what more pa kaya kung—

  “Table 8," narinig kong sabi ng kasamahan namin na server kung saan nakatuka rin siya sa kung saan ang kusina.

  Kinuha ko sa counter ang tray na may laman na pagkain at dali-daling pumunta sa table 8.

  Marami ngayong tao sa restaurant dahil lunch break. May malapit kasi na office building na napapaligiran sa area na ito kaya ang ibang ka officemate ay dito pumupunta para kumain.

Meron ding kakabukas lang na building malapit rin dito sa restaurant, mismong tapat at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang may-ari. At sino namang CEO ang nais magpakita sa 'yo Ashra? Hays

  “Thank you -"

  “You're welcome po, enjoy your meal ma'am and sir," agad na sabi ko sa mag-asawa at ngumiti sa customer bilang paggalang. Bago ako bumalik sa counter ay kinuha ko muna sa bakanteng lamesa ang mga pinggan na pinagkainan ng bisita na kakatapos lamang kumain at umalis na.

  Nahagip ko sina Kimberly at Cha-cha na busy rin sa kanilang trabaho.

  At nang makita ko na malinis ang lamesa ay bitbit ang isang tray ay tumalikod na ako patungo sana sa loob ng kusina kung saan ang lababo para mahugasan na itong mga pinggan ngunit pagtalikod ko ay bigla kong nabitawan ang tray na may laman na plato dahil natisod ang paa ko at laking gulat ko na ang ibang sauce ay tumilapon.

  Mabuti na lang at makapal na carpet ang sahig kaya hindi nabasag ang mga plato kaya walang masyadong nakakarinig na ingay. Ngunit dahil may malapit sa area namin kaya halos kinapos ako sa paghinga at ramdam ko na ang pamumutla ng mukha ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung kanino ba ako titingin dahil sa takot na magalit na kung sino man ang natapunan ng sauce.

  Sa sobrang kaba ay unti-unti kong inangat ang mukha ko para makahingi ako ng paumanhin sa ginawa ko sa kanya bago pa siya magalit, pero laking gulat ko kung sino ang nakikita ko.

  Pareho kaming nakatingin sa isat-isa. Hindi ko alam kung paano magso-sorry, natatakot ako, nahihiya, bakit siya pa? Bakit siya pa talaga?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status