Share

CHAPTER 05

TBVH 05

“Come Ian, let's eat our favorite food." Magiliw na wika sa anak ko. Pero kahit anong usap ko sa kanya ay wala akong response na maririnig. Nasa nilalaro niya na toy car siya naka-focus. “Baby-" doon palang siya lumingon sa akin na inabutan ko ng isang kutsarang pagkain, ang kagandahan din ay magana siyang kumain higit sa lahat mabuti na lang at mahilig siya sa gulay.

“Mama…”

"Hmmm-”

"Pay…paay….eee...eee” Play ang ibig niyang sabihin, ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Broom….broom…ito na ang food ni baby Ian ko. Love na love yan ni mama. Broom....open your mouth baby” masayang wika ko sa kanya kaya tumatawa siya sa ginagawa ko, sabi ng doctor niya na dapat maging kalmado kalang kapag nakikipag-usap sa anak ko na may disorder, hindi madali lalo kapag nagsasalita ako na hindi niya maiintindihan na sa edad niya ngayon ayon sa ibang mga magulang na dapat ay may salita na silang nabubuo na hindi napuputol, pero sa condition ng anak ko ay hindi pa.

Kapag kinakausap ko siya ay nasa ibang direction ang tingin niya at paulit-ulit ang binabanggit na salita at kapag tinatawag ay kailangan ko pang tumingin sa kanyang mga mata.

“Ayan….good boy, marami mong nakain anak….yeheey.” masayang sambit ko at tuwang-tuwa naman siyang pumapalakpak.

“Gooo...boy….”

"Yes good boy ang baby ko, yeehey,” hindi niya na ako narinig dahil bumalik na naman ang attention niya sa kanyang laruan.

  Dahil busy na s'ya sa paglalaro ay tumayo na ako para iligpit ang mga pinagkainan namin.

Linggo ngayon at nasa bahay lang ako. Nakafocus lang ako para bantayan ang anak ko at paglilinis ng bahay na inuupahan namin.

“Ma...ma-”

"Yes baby -” tawag ko sa kanya.

"Lo...ve.... you-” napahinto ako sa paghuhugas ng mga pinggan dahil sa narinig na galing mismo sa bibig ng anak ko. Agad akong napangiti ng malapad at timing naman tapos na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. Nilapitan ko siya na busy parin sa pag-assemble ng kanyang laruan na nasira. Umupo ako sa gray  na carpet namin na nasa sala para magpantay ako sa kanya. Hindi naman kalakihan ang nakuha ko na apartment at tama lang sa aming dalawa ni Ian.

"Mahal din kita baby…mahal na mahal ka ni mama. At lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mama loves you so much. Ikaw ang mundo niya, ipaglalaban kita kahit gaano man kapagod at mapanakit ang mundo para sa ating dalawa. Basta tandaan mo...anak kita at walang sino man ang huhusga sa pagkatao mo, ipagtanggol kita,” wika ko habang unti-unting nanunubig ang mga mata ko.

Nakita ko kung paano siya tumigil sa paglalaro at tumayo ng matuwid para puntahan ako. Itinaas niya ang kanyang kanang maliit na kamay at dahan-dahang pinupunasan ang aking magkabilaang pisngi na lumuluha na pala.

“Baby-"

“Cry mama? No…no…." tumigil ako sa pagluha dahil sa sinabi niya at baka biglang umiyak ng malakas ang anak ko. Baka akala niya inaaway ko s'ya kaya ako umiiyak.

We hugged each other para kumuha ng suporta sa isa't-isa. Alam kong bata pa siya at hindi niya pa maintindihan ang mapaglarong mundo. Pero hanggang nasa tabi ko siya ay walang sino man ang aapak sa kanya, hindi ko hahayaan na aapakan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya kahit ang kanyang ama na hindi siya tanggap.

Walang sino man para mag-utos sa akin para na itapon o ilayo ang bata, pinagtanggol ko siya noon, ganyan pa rin ang gagawin ko hanggang sa magtanda ako.

Kahit dumating man ang araw na magkikita sila ng kanyang ama, hindi ako papayag na marinig ng anak ko ang pagka dis-gusto ng kanyang ama sa kanya kung sakali.

Kinabukasan, nagmamadali akong pumasok sa restaurant, ayoko pa naman sa lahat na sobrang late na ako sa trabaho, nakakainis kasi ang tagal kong makahanap ng jeep at tricycle para sana mas maaga pa ako ngayon, iniwan ko ulit si Ian sa landlady namin na ngayon ay masayang nakikipaglaro sa anak niya. Mabuti nalang at nagkaroon ako ng kapitbahay at kaibigan na mabait at nakakaintindi lalo na sa condition ng anak ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status