TBVH 02Hindi ako nagkakamali, siya nga… siya nga…anong ginagawa niya rito? Kaibigan ba siya ng boss namin? How come? Isa ba siya sa tinutukoy ni Kimberly kanina na nasa loob ng office ni boss? Kailan pa? Anong ginagawa niya, hinahanap ako I mean? Matagal na ba siyang pabalik-balik sa office ni boss? Bumalik ako sa upuan ng waiting area at tinakpan ang mukha ko sa maliit na poste na nakatayo doon para magtago, kahit alam ko na may posibilidad na tumingin siya sa gawi ko at makita niya ako ay hindi niya ako masyadong mamukhaan dahil tinabunan ko ng buhok ang kalahating mukha ko habang nakatingin ako sa banda nila. Ang lakas ng dagundong ng puso ko. Ang tagal nang lumipas pero ngayon na nakita ko siya ay parang kailan lang. Akala ko hindi na s'ya magpaparamdam, bakit ganito pa ang nangyari? Sa dami-rami, bakit siya pa? Ang mas lalong nanlalambot ang mga tuhod ko na may lumabas na sexy na babae sa maitom na kotse, hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa banda ko at nan
“Sige na Ashra ba, pumayag kana, once in a lifetime lang naman ito, kapag nakapunta ka na roon saka mo na lang sabihin na ayaw mo ng bumalik ulit sa loob. Sige na, pero sa tingin ko babalikan mo pa rin," pangungulit ni Kimberly sa akin na magbar kami one of these days at ang gusto niya na bar ay ang bar ng bossing namin. Matagal na nila akong kinukulit ni Cha-cha na samahan ko sila magbar total malapit lang naman, ilang hakbang lang ang layo at makakarating na kami sa loob ng bar. Wala namang masama magbar pero wag lang daw na may trabaho pa kinabukasan, ang pwede lang sa aming mga staff ay Friday and Saturday. Close ang restaurant ng Sunday pero dahil may trabaho kinabukasan ay hindi kami pinapayagan unless kung may pasaway at makalusot pa rin. Sa next Friday ay birthday niya kaya gusto niya na kasama ko siya sa celebration, wala na akong trabaho sa restaurant ng Saturday dahil focus ako sa anak ko tuwing Saturday at Sunday. “Sige na, malay mo makahanap ka ng new daddy pa
TBVH 04“Oh, I'm sorry -" aniya. “No.... hindi po ma’am, ako po ang may kasalanan. Sorry po talaga, sorry po," Hingi ko ng pasensya sa kanya dahil sa ginawa ko. Kilala siyang modelo sa Pilipinas kaya ngayon palang ay takot na takot na ako dahil baka ma headline ako nito kinabukasan."I thought it was my fault-" mahinhin niya na sabi. "No ma'am, ako po...ako po ang may kasalanan." "Ashra- anong nangyari rito?” Tanong ni Cha-Cha sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko kung paano siya nag-alala sa akin. "Ay...hala ka...napano?" “Ano kasi…. pagtalikod ko ay bigla akong na out of balance at hindi ko namalayan na nariyan pala si ma’am,” sumbong ko sa kaibigan habang kumukuha ng tissue para tulungan ang babae na natapunan ng sauce. Tumingin ako kung nasaan na siya pero umalis na ito at sa tingin ko patungo ito sa restroom para tanggalin ang sauce sa damit niya. Kinabahan ako at baka magsumbong sa manager ng restaurant na may waitress na tulad ko na lampa. “Wait lang Cha-Ch
TBVH 05“Come Ian, let's eat our favorite food." Magiliw na wika sa anak ko. Pero kahit anong usap ko sa kanya ay wala akong response na maririnig. Nasa nilalaro niya na toy car siya naka-focus. “Baby-" doon palang siya lumingon sa akin na inabutan ko ng isang kutsarang pagkain, ang kagandahan din ay magana siyang kumain higit sa lahat mabuti na lang at mahilig siya sa gulay. “Mama…” "Hmmm-” "Pay…paay….eee...eee” Play ang ibig niyang sabihin, ngumiti ako sa kanya at tumango. "Broom….broom…ito na ang food ni baby Ian ko. Love na love yan ni mama. Broom....open your mouth baby” masayang wika ko sa kanya kaya tumatawa siya sa ginagawa ko, sabi ng doctor niya na dapat maging kalmado kalang kapag nakikipag-usap sa anak ko na may disorder, hindi madali lalo kapag nagsasalita ako na hindi niya maiintindihan na sa edad niya ngayon ayon sa ibang mga magulang na dapat ay may salita na silang nabubuo na hindi napuputol, pero sa condition ng anak ko ay hindi pa. Kapag kinakausap ko siya ay n
TBVH 06Pagbaba ko nang jeep ay mabilis ang mga hakbang ko para makarating na agad sa restaurant.Pagpasok ko sa loob ay laking pasasalamat ko na may twenty minutes pang natitira bago ang oras ko sa pagtatrabaho.“Ashra…dali…dali tingnan mo ito,” tawag ni Kimberly sa akin habang nakangiti itong nakatingin sa cellphone niya. Break time kasi kaya nasa girls locker room kami. Kinuha ko muna ang pantali ko ng buhok dahil kakatapos ko lang magpalit ng uniform bago magserve ng pagkain mamaya. “Ano ba iyan at abot tenga ang ngiti mo?" tanong ko habang papalapit sa kanya. “Ito oh, na picturan ko sila-" “Huh? Sino naman ‘yan? Ikaw ha, ang hilig hilig mo sa ganyan at baka mamaya makasuhan ka dahil bigla–” ngunit napatigil ang pagsasalita ko at mundo ko na makita ko kung sino ang nasa picture ng phone ni Kimberly. “Tingnan mo…tingnan mo…sa buong buhay ko, akala ko si sir lang ang gwapo sa lahat…jusmiyo…may lalamang sa kagwapuhan nila, ayan kita mo yan sila, habang kumakain sila rito ay kinuh
TBVH 07Halos malaglag ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa muli naming pagkikita. Ang laki ng mundo, ang lawak ng Maynila bakit pa kami nagkita? Pambihira naman ng tadhanang ito. Sa mukha niya palang ay alam ko na kung gaano siya kagalit na makita ako. Kitang-kita ko kung gaano lumaki ang kanyang mga mata habang nakadungaw sa akin at naka-igting ang panga na ma realize niya yata na ako ito... ang dati niyang girlfriend. Pero hindi pangungulila ang nakikita ko sa kanyang mga mata kundi galit at poot.Hindi ako nagkamali, siya talaga iyon. Siya talaga. Bigla kong naalala ang anak ko para kalmahin ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko, pinigilan na makawala ang isang butil man na luha. Ayoko ng ganitong pakiramdam, parang ang hina-hina ko kaya kapag maalala ko si Ian, ang baby ko ay kahit papano ay kumakalma ako, pinaalala niya sa akin kung paano lumaban at huwag sumuko dahil naghihintay siya sa aking pag-uwi. Hinawakan ko ang puso ko at ramdam ko kung gaano ito kabilis tumitibok.
TBVH 08"Thank you doc!" nakangiti kong pasalamat sa doctor ni Ian. Every month ay pumupunta kami sa hospital para sa check-up niya. At ayon sa doctor na si Doc Jonna na maayos naman ang kalagayan ni baby at wala siyang ibang nakita na kakaiba sa anak ko. Pero gaya pa rin sa sinabi niya na pag-alaga sa kanya lalo na sa kanyang condition na kailangan ng pag-iingat. "Eat tayo? Saan gusto mo?" nakatingin lang ito sa akin at walang reaction ang mukha, iba ang napansin niya at doon siya nakatingin. Pagkatapos kung ikabit sa kanya ang wrist strap sa kanyang pulsuhan ay kinabit ko na rin ito sa aking pulso. Bumili ako nito dahil suggestions na rin ni Manang Sidra para kung pupunta ako sa mga matao na lugar like hospital or mall na kasama ang anak ko ay kung bigla siyang pumipiglas kapag buhat ko siya ay madali ko siyang makuha kung bigla siyang tumakbo. Ayoko man siyang isama sa lakad ko minsan o di kaya sa bahay nalang papuntahin ang doctor niya pero ayoko namang ikulong siya palagi sa b
CHAPTER 09The Billionaire's Vulnerable Heart “Lola? Alam mo ba na ayaw kong tinatawag na Lola? Feeling ko I'm so old na with that." aniya habang tumatawa. “Pero dahil gusto akong tawagin na Lola ni sino nga ulit ang pangalan ni baby boy?" “Ian po-" wika ko. “Yan…yan…” pareho kaming napalingon kay baby Ian dahil sa sinabi nito na pangalan. Kahit na putol putol ay masaya ako na kahit papano, nakakapagsalita si baby Ian."Ian…ang ganda naman ng pangalan mo hijo. Wait maupo muna tayo, feeling ko nirarayuma na ako, hahanap tayo ng makainan habang nag-uusap. Mamaya pa kasi ako uuwi kaya kailangan ko nang makausap. Okay lang ba sa iyo?” Saad niya at dahil nakita ko naman na mabait siya na tao kaya sumunod ako sa kanya, kasama si Ian na buhat-buhat ko. Sinabi ko sa kanya ang gustong kainin ni Ian at napanganga siya. “Wow ha, parang gusto ko na ang ugali ni baby, pareho kami na gulay… gulay na lang ang kinakain kasi you know, as we get older, marami ng mga bawal.” tumango ako sa sinabi