My Best Friend's Baby

My Best Friend's Baby

last updateHuling Na-update : 2023-09-14
By:  sweetjelly  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 Mga Ratings. 6 Rebyu
121Mga Kabanata
72.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Hindi akalain ni Gwin na ang pagdamay sa matalik na kaibigang bigo sa pag-ibig ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali. Nagkunwari siyang walang nangyari no'ng gabing nalasing sila, sa kagustuhang ayaw masira ang pagkakaibigan nila. Pero hindi niya pala kayang magkunwari ng matagal. Sa araw na handa na siyang sabihin ang totoo ay siya namang pagbalik ng girlfriend nito. Ramdam at kita niya kung gaano kasaya ang matalik na kaibigan sa pagbalik ng babaeng mahal. Kaya sa huli ay pinili na lamang niya na lumayo at nangako sa sarili na habangbuhay na ilihim ang nangyari sa kanila. Pero paano kung muling mag-cross ang landas nila? Magagawa niya pa bang ilihim ang nangyari gayong nagbunga pala ang pagkakamaling nagawa nila?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

"Gwin, I really need your help. Please naman oh, pumayag ka na. Huli na talaga 'to, promise." Hindi kaagad ako sumagot sa pakiusap ng lalaking kaharap ko, na walang ka hiya-hiya na humarap sa akin na tuwalya lang ang suot. Sa bagay, bakit naman siya mahihiya? Bukod sa guwapong mukha at dimples na pamatay, katawan niya ay talagang makatulo laway at kahimas-himas. Siya si Fredrick Calderon—my best friend. Ang lalaking lubos na pinagpala. Nasa kanya na kasi ang lahat, pati ang pagiging tanga—tanga pagdating sa pag-ibig. Totoo nga yata ang sinasabi ng karamihan na ang matalino, bobo pagdating sa pag-ibig. "Gwin…" paawa niyang tawag sa pangalan ko, at hinawakan ang kamay ko. Walang ka kurap-kurap na tumitig sa akin na parang tuta na nagpapa-cute."Heto ang pera, make sure na 'yong pinakamagandang bulaklak ang bilhin mo ha."Napanganga ako. Sira-ulo dinaan ako sa lambing at matamis na ngiti. Sinadya niya talanga na ilabas ng dimples niya na alam niya na siyang kahinaan ko. Pero hindi pa

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
sweetjelly
26/125 Words Standard Fluency Natural Formal Academic Simple Creative Expand Shorten Custom Your comments are much appreciated. Please do not hesitate to leave one. Thank you(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
2024-08-17 11:18:47
0
user avatar
Ferah Marie Gee
highly recommend ...
2024-05-11 21:28:20
2
user avatar
sweetjelly
Completed na po 'to. Maraming salamat sa mga suporta, nagbasa, at sa mga magbabasa pa◕⁠‿⁠◕⁠。 (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠
2023-09-16 10:15:16
5
user avatar
Nan
Recommended! Ganda Ng story
2023-05-20 12:23:55
5
user avatar
sweetjelly
Maraming salamat sa patuloy na sumubaybay sa kwentong ito. Silent readers man o hindi, taos puso po akong nagpapasalamat sa suporta ninyong lahat. Sa mga nagbigay ng gems at gumastos mabasa lang ang kwentong ito. Sana samahan n'yo kami hanggang sa dulo...
2023-05-18 11:07:16
8
user avatar
smiley
simple yet heart warming love story, must read.
2023-05-13 11:51:55
4
121 Kabanata

Kabanata 1

"Gwin, I really need your help. Please naman oh, pumayag ka na. Huli na talaga 'to, promise." Hindi kaagad ako sumagot sa pakiusap ng lalaking kaharap ko, na walang ka hiya-hiya na humarap sa akin na tuwalya lang ang suot. Sa bagay, bakit naman siya mahihiya? Bukod sa guwapong mukha at dimples na pamatay, katawan niya ay talagang makatulo laway at kahimas-himas. Siya si Fredrick Calderon—my best friend. Ang lalaking lubos na pinagpala. Nasa kanya na kasi ang lahat, pati ang pagiging tanga—tanga pagdating sa pag-ibig. Totoo nga yata ang sinasabi ng karamihan na ang matalino, bobo pagdating sa pag-ibig. "Gwin…" paawa niyang tawag sa pangalan ko, at hinawakan ang kamay ko. Walang ka kurap-kurap na tumitig sa akin na parang tuta na nagpapa-cute."Heto ang pera, make sure na 'yong pinakamagandang bulaklak ang bilhin mo ha."Napanganga ako. Sira-ulo dinaan ako sa lambing at matamis na ngiti. Sinadya niya talanga na ilabas ng dimples niya na alam niya na siyang kahinaan ko. Pero hindi pa
Magbasa pa

Kabanata 2

Awtomatikong nahinto ang paghakbang ko at kaagad nilingon ang sira-ulong si Brenton na ngayon ay dahan-dahan nang naglakad paatras."Gwindelyn..." Taas ang dalawang kamay niya, pero mapang-asar pa rin ang ngiti. "Joke lang 'yon, 'di ka naman mabiro—"" 'Di mabiro? Sira-ulo ka!" Hindi ko na hinayaang matapos ang pagsasalita niya. Kaagad ko na siyang sinugod ng sapak. Tumama ang suntok ko sa ilong niya na nagpadaing at napayuko sa kan'ya. "Gwin—" nasambit niya habang hawak na ang dumudugong ilong. Kaagad lumapit sa kan'ya ang mga kaibigan pero nasa akin lahat ang tingin. "Buwesit ka! Matagal na akong nagtitimpi sa ugali mo," duro ko siya. "Sinagad mo ang pagtitimpi ko!" Akmang susugurin ko na naman siya. Pero hinarang ako ni Fred, sabay sabing "tama na nga, Gwin, nakakahiya!" Hawak na niya ako sa braso. Nilibot pa nito ang paningin sa paligid habang pinipilit akong ilayo mula kay Brent na ngayon ay hindi na makapagsalita. Suntok lang pala ang kailangan para matahimik ang bibig niyang
Magbasa pa

Kabanata 3

Hindi ko na nagawang magbihis ng maayos-ayos na damit, kaagad na akong umalis ng mansyon na walang ibang nakakaalam kun'di ang mga guard lang. Hindi ko na rin kasi ginising si Tonyo, hating gabi na nga. Mainit na nga ang ulo ng mga amo ko kanina dahil sa ginawa ko. Heto at ang anak naman nila ang nahibang dahil sa katangahan sa pag-ibig. Ayoko nang dagdagan ang inis nila. Hindi ako mapakali habang sakay ng taxi. Nasa Calderon Hotel lang naman kasi siya. Hotel na magmamay-ari nila. Mabuti na lang at may nakuha pa akong taxi sa ganitong oras. "Manong paki bilis naman po, emergency po," paki-usap ko sa driver. Ang tindi ng kabang nararamadaman ko. Sa lahat ng away nila Fred at girlfriend nito, ngayon ko lang narinig na umiyak siya ng gano'n. Matinding iyak na akala mo ay katapusan na ng lahat. Kaya hindi ko mapigil ang mag-alala. Alam ko nga, kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. First girlfriend niya kasi. Dream girl niya. High school pa lamang kami ay crush na niya si Mitch. Gin
Magbasa pa

Kabanata 4

"Gwin, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala," untag sa akin ni Beth. Kaklase ko. "Umayos ka nga, kanina pa nakatingin sa'yo si Prof," dagdag pa nito. Nasa harap na rin ang tingin niya.Tumikhim ako at umayos sa pag-upo. Ilang linggo na nga akong ganito, laging wala sa sarili, laging lutang, hindi mapakali, at hindi maka-fucos sa klase. Pati sa trabaho ko ay madalas na rin akong sablay. Lagi na nga akong napapagalitan ni Nana Puring. At alam kong nagtataka na sila gaya ni Beth. "That's all for today, class. Happy weekend." Napangiti ako. Sa isang oras na klase, iyon lang ang narinig ko na sinabi ng aming Professor. Mabuti na lang at patapos na rin ang semister. Sigurado kasi na lalagapak ang mga grades ko dahil maski ang mag-aral ay hirap na rin ako. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Matamlay kong niligpit ang mga gamit ko. "Ano ba talaga ang problema mo, Gwin? Palagi ka na lang wala sa sarili. Hindi ba't nagka-ayos na naman kayo ni Brent? Bakit lutang ka pa rin?" su
Magbasa pa

Kabanata 5

"Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok. Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang? Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip."Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook. "Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi. Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored? "Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din. Baka may nasabi s
Magbasa pa

Kabanata 6

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili. Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo. "Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagt
Magbasa pa

Kabanata 7

Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag
Magbasa pa

Kabanata 8

"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
Magbasa pa

Kabanata 9

"Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam
Magbasa pa

Kabanata 10

Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status