"Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok.
Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang?Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip."Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook."Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi.Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored?"Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din.Baka may nasabi sa kanya si Fred, kung bakit naisipan nitong magluto. Pero gaya ng ibang kasama namin sa trabaho, kibit-balikat lang din ang tugon nito. Talagang nakapagtataka dahil ngayon nga lang nangyari na pumasok siya rito at tumulong sa pagluluto.Bumaling ang tingin ko kay Fred nang marinig ko ang tawa nito. "Ano ba sa tingin mo?" tanong niya. Nakangisi at sandaling sumulyap sa akin. Inamoy-amoy niya pa ang nilulutong kare-kare."Sir, 'wag puro amoy. Tikman mo rin... ako. Ay este, 'yong niluluto mo, Sir, kung sakto na ba ang lasa."Sumimple talaga sa landi si Maya. Ang sarap isahug sa kare-kare. "Tapos lagyan mo ng kaunting black pepper," sabi pa nito, pero nasa akin pa rin ang tingin. Napansin niya yata ang pag-ikot ng mga mata ko.Ngiti at paulit-ulit na pagtango muna ang ginawa ni Fred, saka niya nga nilagyan ng black pepper ang niluluto."Oo, tingin ko, hindi ka okay, Fred. May sakit ka ba o nasobrahan ka lang sa gala kagabi?" Lumapit na rin ako sa kanya. Sinilip ko rin ang niluluto niya."Nagluto lang, hindi na kaagad, okay? Tikman mo na nga na lang 'to," sabi niya sabay saks@k sa bibig ko ang kutsarang ginamit niya sa pagtikim.Tarantado din talaga ang isang 'to. Talagang hindi siya nangingiming ipagamit sa akin ang mga bagay na nagamit na niya. Kung babae nga siguro 'to, pati panty at bra ko ay isusuot niya."Masarap?" ngising tanong niya.Tumango na lang ako. Pero ang totoo, wala akong nalasan. Ang tungkol kasi sa nangyari sa amin ang nasa utak ko. At ang kung paano ko sisimulan ang pagtatapat sa totoong nangyari no'ng gabing 'yon."Totoo, masarap?" tanong niya ulit, kasabay ang pagbigay ng sandok kay Maya. "Ikaw na ang tumapos, Maya." Sabi niya, at sumulyap sa suot niyang relo."Fred, pwede ka bang makausap sandali?" nag-aalangan kong tanong."Ano ba 'yon? Pwede ba mamaya na lang pag-uwi ko?" tanong niya, kasabay ang paghakbang palabas ng kusina." 'Yong tungkol sa tanong mo, kahapon—"Naputol ang pagsasalita ko, sumabay na naman kasi ang pagtunog ng cellphone niya sa sinabi ko. Ang ganda rin ng timing nitong kaibigan niya. Madalas kasi nangyayari na mapuputol na lang ang usapan namin, dahil sa pagtawag nila."Parating na ako," masiglang tugon niya kasabay ang pagtapik sa balikat ko at pagsuksok ng cellphone sa bulsa niya."Alis na ako, Gwin. Mamaya na lang pag-uwi ko, usap tayo." Pisil sa pisngi ang ko ang ginawa niya bago ako iniwan.Napanguso na lamang ako. Kakaiba ang kinikilos niya. Masyadong masaya. Habang ako, malungkot at 'yong nangyari pa rin sa amin ang pinuproblema. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko."Gwin, ano pa ang tinutunganga mo r'yan? Kumain ka na, nang makaalis ka na rin," sabi ni Nana Puring.Kapapasok niya lang sa kusina. Nakasalubong pa nga niya si Fred."Nagbilin si Ma'am Leanne, puntahan mo raw siya sa hotel," dagdag pa nito.Sulyap lang ang tugon ko at kay Nana Puring, at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Atat na nga kasi akong makausap ang kaibigan ko pero may lakad naman pala."Halika na, Gwin. Kainin na natin 'tong luto ng kaibigan mo," sabi ni Maya, kasabay ang paglapag ng ulam sa lamesa. Kumain na nga silang lahat. Umupo na rin ako. Isa-isa ko muna silang tiningnan. Mukhang nasasarapan naman sila."Masarap ba?" tanong ko. Naglagay na rin ako sa plato ko."Kung makatanong ka, parang hindi mo natikman," maarteng sabi ni Maya. Nagsitawa na man ang iba."Wala po kasi akong nalasahan kanina, kun'di laway ni Fred. Sira-ulo din 'yon, 'di man lang nahiyang, i*****k sa bibig ko ang kutsarang puro laway niya." Tumawa na naman ang lahat, maliban kay Maya."Para ka na mang hindi sanay sa ugali ng kaibigan mong 'yon," sabat ni Nana Puring."Sanay na sanay na nga po, sa sobrang sanay—" Napapikit ako.Muntik ko nang hindi napigil ang sarili. Pinuno ka na lang ang bibig ko ng pagkain at hindi na muling nag-angat ng tingin. Mabuti na lang din at hindi na nag-usisa ang mga kasama ko. Sanay na nga rin sila sa ugali ni Fred.Kaagad akong nagpaalam matapos kumain. Pupuntahan ko na lang si Ma'am Leanne. Total wala din naman si Fred. Pero sisiguraduhin ko na sa pag-uwi niya, sasabihin ko na lahat sa kanya.Mabagal ang naging kilos ko. Mula pagligo, at pagbihis. Ayoko pa kasi sanang bumalik sa hotel, lalo't sariwa pa sa alaala ko ang nangyari. Pero ano ba ang magagawa ko. Utos nga ng amo kong babae na puntahan siya do'n.Madalas niya kasi akong sinasama sa mall kapag sabado. Tagabitbit ng mga binibili niya. Utusan nga kasi ako. Pero ayos na rin dahil sa tuwing sumasama ako sa kanya. Na-aambunan naman ako ng damit o hindi kaya sapatos.Hindi ako nanghihingi, ugali na talaga ni Ma'am Leanne na bilhan din ako kapag nag-shopping siya. Gano'n siya kabait. Gano'n nila ako pinahahalagahan, hindi lang bilang utasan nila, kun'di bilang kaibigan din ng anak nila.Saksi nga sila kung paano kami magturingan sa isa't-isa, hindi lang basta matalik na magkaibigan, kun'di parang magkapatid na.Kaya nga, sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sinira ko ang tiwalang binigay nila.Napapikit ako. Hindi ko aasahan na hindi magbabago ang pakikitungo nila sa akin sakaling malaman din nila ang totoo. Kaya bago pa man nila malaman ay gagawa na ako ng paraan—kami ni Fred, sisikapin naming hindi aabot sa mga magulang niya ang nangyari sa amin."Gwin, aalis ka?" kaagad na tanong ni Tonyo. Niligpit niya rin ang basahang ginamit sa pagpunas ng kotse."Oo, hatid mo ako sa hotel," tugon ko, at pumasok sa kotse. Sumunod naman kaagad si Tonyo."Kumusta? Na-solve mo na ba ang problemang inayakan mo kahapon?" tanong niya na may tonong nang-aasar.Mapakla akong tumawa." Hindi pa, nag-iipon pa ako ng lakas ng loob." Kasabay ng sagot ko ang pag-andar ng kotse at pagbukas ng malaking gate."Akala ko ba, sigurado ka na kahapon? Ngayon ipon na naman? Hanggang kailan ka mag-iipon ng lakas-loob? Kapag sumabog na lang sa mukha mo—""Tonyo naman, daig mo pa si Nanay kung magsermon," putol ko sa talak niya." Ayaw mo talagang mapagsabihan, ano?" umiiling-iling siya sabay sulyap sa akin."Hindi naman sa ayaw. Puno pa kasi itong utak ko. Ang dami ko pang iniisip, dumagdag pa 'yang talak mo."Mabuti na lang at talagang may pakiramdam din ito si Tonyo. Matapos ko kasi siyang sawayin. Tumahimik na nga pero panakanaka pa ring sumusulyap sa akin. Talagang kilala nga rin niya ako. Alam niya kasi kung kailan siya dapat maging seryoso at kilan maging loko-loko."Tumawag ka na lang, kapag magpapasundo ka na," sabi nito kasabay ang paghinto."Opo, salamat, Tonyo," sabi ko, kasabay ang pagbukas ng pinto at lumabas.Napangiti ako ng mapait nang makita ang mga guard na humarang sa akin noon. "Good morning, Ma'am," sabay sabi ng dalawa at sabay nagkamot sa leeg. Namukhaan siguro nila ako.Imbes na sumbatan sila sa ginawang pagharang sa akin. Nginitian ko na lang sila ng todo. Kung nagawa sana nilang harangin ako no'ng gabing 'yon. Hindi sana kami humantong ng kaibigan ko sa ganoong sitwasyon. Hindi sana ako nahihirapan ngayon.Dumeritso na ako sa opisina ni Ma'am Leanne. Isang oras na lang kasi ay lunch break na. Kumatok muna ako bago pumasok."Magandang umaga, Ma'am," kaagad kong bati nang makapasok ako. Pero natuod ako sa kinatatayuan ko. May kausap pa kasi siya. Ang bastos tuloy ng dating ko. Hindi ko man lang kasi hinintay ang tugon niya. Nasanay kasi ako sa katok lang."Sorry, po. Labas po muna—""No, you stay," pigil sa akin ni Ma'am. Yumoko ako. Nahiya kasi talaga ako. Baka importante ang pinag-uusapan nila, tapos bigla naman akong um–enter." 'Wag ka nang mahiya, Giwn. Bisita ko lang siya pamangkin ko, pinsang buo ni Fred," paliwanag ni Ma'am. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang kakaibang tingin ng bisita ni Ma'am sa akin.Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon hindi na. Gusto ko na nga'ng dukutin ang mga mata niya. Ibang klase talaga siyang makatingin, tingin na parang naglalaway sa karne kong hilaw. Bweset din ang isang 'to."Sige na, upo ka na muna. Hintayin mo na lang ako," sabi pa ni Ma'am. Walang reklamo na sumunod na lang ako sa sinabi niya."Tita, sino siya? Girlfriend ba ni Fred?" tanong nito kay Ma'am Leanne, pero na sa akin pa rin ang tingin."Hindi, matalik na kaibigan ni Fred. Naninilbihan din siya sa bahay,"seryosong tugon ni Ma'am."Ah, best friend," sabi niya at ngumiti."Sabay na tayong umalis, Pat." Kausap ni Ma'am ang pamangkin niya na ngayon lang yata nakakita ng magandang utusan."Tatapusin ko lang itong ginagawa ko," dagdag pa ni Ma"am, kasabay ang pagbuklat ng mga folder na nasa lamesa niya."Ma'am Leanne, pwede po ba na sa labas na lang ako maghintay?" Tumayo na ako, kasabay sa tanong ko. Hindi ko na kasi matagalan ang tingin nitong si Pat. Nakakairita na."Go ahead," kaagad namang tugon ni Ma'am.Kahit naiinis sa mukha nitong lalaking mahilig sa hilaw na karne. Bahagya pa rin akong yumuko. Respeto, hindi para sa kanya, kun'di para sa tiyahin niya.Sa employee lounge ako nagpunta. Mas mabuti pang dito tumambay, kahit maraming tao dahil lunch break nga, kay sa na man magtiis sa mga tingin no'ng pinsan ni Fred.Wala din namang pakialam ang mga staff sa akin, gano'n din ako sa kanila.Ilang minuto na ang dumaan, puro scroll lang sa social media ang ginagawa ko. Silip ko lang kong may bagong post ba ang kaibigan ko. Pero wala. Kaya ang mga old videos na lang namin ang pinagkaabalahan kong tignan."Can I?" Baritonong boses ang narinig ko. Kita ko na rin ang kamay niya na humawak sa backrest ng upuan. Pero hindi ako tumugon at hindi rin nagtangkang alamin kung sina siya.Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko mahina nitong tawa kasabay ang pag-upo."I'm Patrick, by the way," nilahad nito ang kamay na kinamayan ko naman. Ang dami nga kasing tao, baka akalain pa nila na ako ng bastos at hindi itong lalaki na nakangisi habang pisil ang kamay ko.Hinablot ko naman ang kamay ko. "Are you not going to tell me your name? "tanong niya."Gwin," tipid kong tugon.Tumawa na naman siya. "Talaga bang best friend ka lang ni Fred?" tanong na naman nito.Hindi na ako tumugon. Gusto kong mabagot siya at magkusa na lang na umalis. Kaya lang, parang wala naman siyang balak umalis. Puro titig at ngisi lang ang ginagawa niya.Nagsisimula na naman akong mainis. Kaunti na lang talaga ay sasabog na ako."Ang tanga naman ng pinsan ko, ginawa ka lang niya na best friend sa ganda mo'ng 'yan—" mahinang tawa ang tumapos sa sinabi niya."Anong nakakatawa do'n? 'Tsaka pakialam mo ba kung hanggang do'n lang talaga ang tinginan naming dalawa?""I'm not saying na may pakialam ako. Nagtataka lang—" Matiim na titig ang kasunod ng sinabi niya, ngunit may pilyo at nakaka-asar na ngiti sa labi. Pinatong niya ang mga siko sa lamesa at bahagyang lumapit sa akin."Nagtataka na ano?" Hindi ko na maawat ang pagsalubong ng mga kilay ko. Gusto ko na rin tusukin ang mga mata niya."Best friend lang ba talaga kayo o with benefit?" ngising tanong nito.Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili. Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo. "Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagt
Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag
"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
"Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam
Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang
"Anak, Widmark—" "Gwin..." tawag mula sa likuran ko. Dobleng lingon ang nagawa ko. Nalito ako kung hahabulin ko pa ba ang Anak ko o haharapin itong bagong teacher ng mga estudyante ko at si Chairman. Tipid akong ngumiti at hinarap na nga lang sila. Hinayaan ko na lang ang anak ko na habulin iyong nakita niya na familiar daw ang mukha. "Chairman, magandang umaga po... Michelle," bati ko pero sumulyap pa muli ako kay Widmark, na ngayon ay nakipagpatentero na sa ibang estudyante. Pero grabe naman. Ito ba ang ugali ng teacher na magiging kapalit ko at magiging ihemplo "raw" ng mga bata, sabi ng ina niya? E, tingin niya pa lang sa akin ay nanglalait at nangmamata na. Sa bagay, dati pa naman ay ganyan na siya makatingin. Hindi ko alam kung talagang masaya siya dahil ganap na nga siyang teacher o masaya siya dahil napatalsik na niya ako na alam ko rin na matagal na rin niyang gustong gawin. "Magandang umaga, Gwin," tugon ni Chairman. "Magandang umaga, Gwin," plastik na bati naman ni M
Nataranta ako nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaking masungit mula sa loob ng kotse. Napahawak ako sa sombrero ko at kaagad na lumayo. "Pasensya na po uli," sabi ko. Halos patakbo akong bumalik sa tricycle ni Opaw. "Tara, Opaw... bilis!" kaagad kong sabi, pagsakay ko ng tricycle. Kaagad namang lumarga si Opaw. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagmamadali, pero hindi na nagtanong. "Hoy, Miss, ang mansanas mo—""Mansanas mo raw, Gwin," sabi ni Opaw at akmang hihinto. Nilingon niya pa ang lalaki. "Hayaan mo na 'yon. Ano kasi, nag-text na si Aling Taning, saan na raw ako," palusot ko, hindi lang siya huminto. "Ikaw bahala, pero sayang 'yong perang pinambili mo no'n," sabi nito Nakagat ko ang labi ko. Talagang sayang nga. Pero hindi na ako tumugon. Kinapos kasi ako sa paghinga. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Takot din akong lumingon at baka nakasunod lang sila. Hindi pa nga ako mapakali sa kina-uupuan ko. Gusto kong agad n
"Miss, mansanas mo," ngising sabi ni Opaw, pagharap ko sa kanya. "Mansanas, mukha mo. Ano ba ang kailangan mo, at talagang sumugod ka pa rito sa oras ng pasada mo?" tanong ko, kasabay ang pagsara ng gate. "Wala akong kailangan, 'yong kasama ko ang mayro'n," tugon nito. "Oo nga pala, may kasama ka raw sabi ni Aling Taning. 'Asan na?" tanong ko. Nilingon ko pa ang tindahan ni Aling Taning, wala naman akong nakikitang ibang tao. "Umalis na. Pinabibigay niya lang 'to.""Talagang mansanas ko pala 'yan?" tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Opaw, at sa sando bag na inabot nito sa akin. "Oo nga, tanggapin mo na. Pasalamat ka, mabait 'yong binangga mong lalaki. Talagang sinadya pa ako sa terminal kanina para ibigay lang 'to," nakangiting sabi ni Opaw. "S-sinadya ka sa terminal?" utal kong tanong. Bigla na naman kasing nagtambol ang dibdib ko. "Nakuha niya ang numero ng tricycle ko. Nagtanong-tanong daw siya. Hanggang sa may nakapagturo sa kanya na naka rota ang tricycle
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant