Nataranta ako nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaking masungit mula sa loob ng kotse. Napahawak ako sa sombrero ko at kaagad na lumayo. "Pasensya na po uli," sabi ko. Halos patakbo akong bumalik sa tricycle ni Opaw. "Tara, Opaw... bilis!" kaagad kong sabi, pagsakay ko ng tricycle. Kaagad namang lumarga si Opaw. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagmamadali, pero hindi na nagtanong. "Hoy, Miss, ang mansanas mo—""Mansanas mo raw, Gwin," sabi ni Opaw at akmang hihinto. Nilingon niya pa ang lalaki. "Hayaan mo na 'yon. Ano kasi, nag-text na si Aling Taning, saan na raw ako," palusot ko, hindi lang siya huminto. "Ikaw bahala, pero sayang 'yong perang pinambili mo no'n," sabi nito Nakagat ko ang labi ko. Talagang sayang nga. Pero hindi na ako tumugon. Kinapos kasi ako sa paghinga. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Takot din akong lumingon at baka nakasunod lang sila. Hindi pa nga ako mapakali sa kina-uupuan ko. Gusto kong agad n
"Miss, mansanas mo," ngising sabi ni Opaw, pagharap ko sa kanya. "Mansanas, mukha mo. Ano ba ang kailangan mo, at talagang sumugod ka pa rito sa oras ng pasada mo?" tanong ko, kasabay ang pagsara ng gate. "Wala akong kailangan, 'yong kasama ko ang mayro'n," tugon nito. "Oo nga pala, may kasama ka raw sabi ni Aling Taning. 'Asan na?" tanong ko. Nilingon ko pa ang tindahan ni Aling Taning, wala naman akong nakikitang ibang tao. "Umalis na. Pinabibigay niya lang 'to.""Talagang mansanas ko pala 'yan?" tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Opaw, at sa sando bag na inabot nito sa akin. "Oo nga, tanggapin mo na. Pasalamat ka, mabait 'yong binangga mong lalaki. Talagang sinadya pa ako sa terminal kanina para ibigay lang 'to," nakangiting sabi ni Opaw. "S-sinadya ka sa terminal?" utal kong tanong. Bigla na naman kasing nagtambol ang dibdib ko. "Nakuha niya ang numero ng tricycle ko. Nagtanong-tanong daw siya. Hanggang sa may nakapagturo sa kanya na naka rota ang tricycle
Sandali akong natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Pero na isip kong imposible ang sinasabi ng Anak ko. Paanong nakita niya si Fred? Mapait akong napangiti. Pinilig ko rin ang ulo ko ng paulit-ulit. "Anak, imposible na siya ang nakita mo. Hindi taga rito ang lalaking nasa picture," madiin kong sabi. Gusto kong magalit, at piliting isiksik sa utak niya na mali nga ang nakita niya. Na hindi si Fred ang nakita niya, pero pinipigil ko. Wala naman kasing kasalanan ang Anak ko, para magalit ako sa kanya. Ako ang may kasalanan sa kanya. Ako ang may mali, ako ang nagsinungaling at piniling itago ang lahat. Umiling siya ng paulit-ulit. "No, Mama, it's really him. They are exactly the same. The face, the hair, the dimples," giit niya. Kumislap ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. Umupo ako sa harap niya para magpantay kami. Kinulong ko rin ang pisngi niya sa mga palad ko, saka matamis na ngumiti. "Where's the picture, Anak?" Imbes tumugon o kontrahin na naman ang sinasabi niya. Hin
Hindi ko sadyang mapahawak kay Opaw. Para akong nawalan ng lakas. Madami kaagad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng mangyari ngayong kaharap ko na si Tonyo. Ngayon alam na niya kung nasaan ako. Naisip ko pang magkunwari na hindi siya kilala o 'di kaya wala akong matandaan sa nakaraan ko. Pero imposeble 'yon, lalo't nandito si Opaw. Alam nga niya ang kwento tungkol sa buhay ko. Kung paano ako tinulungan ni Aling Taning. Kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang balikat ni Tonyo. Napako na rin siya sa kinatatayuan niya. "Gwin?" walang kurap niyang bigkas sa pangalan ko. Bakas sa mga mata niya. Sa tingin niya ang pagkagulat nang makita ko. "Ikaw 'yong nakabangga sa akin?" utal nitong tanong. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Napayuko ako at natiim ang mga mata. Ano ba itong nangyayari? Bakit ba 'to nangyayari? "Gwin, intensyon mo'ng magtago at lumayo? Kaya ka nagmamadaling umalis, no'ng nabangga mo ako?" sunod-sunod nitong tanong na hindi ko pa rin magawang sagutin. "Hindi
FRED POV "Parating na ang ambulansya!" I smirked as I heard those words. Walang disgrasya na nagaganap. May madidisgrasya pa lang kung hindi ako makapagpigil.Ako lang naman kasi ang ambulansyang parating na tinutukoy nitong mga tauhan sa hotel na kaagad gumilid at humilira sa dadaanan ko. Yuko ang mga ulo na animo mga maamong tuta. Hands in my pocket. Mabagal akong naglakad sa ginta nila habang tinitingnan sila isa-isa. Huminto ako sa tapat ng isa sa mga tauhan ko na hindi magawang kontrolin ang panginginig ng mga kamay. Tingin ko nga, pati paghinga ay pinigil niya. Inayos ko ang bow tie niya, saka tinapik ko ang balikat niya. "Breath, kung ayaw mong tuluyang sumakay ng ambulansya," sabi ko, saka iniwan na silang lahat na sabay pa yatang huminga. Malaki at mabilis ang mga hakbang ko papunta sa elevator. "My schedule for today?" tanong ko sa personal assistant ko, si Tonyo.Hindi na lang siya basta driver ko, kung hindi, personal assistant na rin. Nakitaan ko ng potential, kaya p
Paglingon ko ay nakadapa na ang bata, katabi ang mga basag na hollowblocks. Kita ko ang agad na paglapit ng isang teacher habang ang iba ay nakiki-usyoso lang. May kumuha pa ng video. "T-tumawag kayo ng ambulansya," sigaw ng teacher na ngayon ay kandong na ang bata habang hawak ang ulo nitong may dugo. "Tumabi kayo..." Hinawi ko ang mga taong naki-usyoso, at Kaagad kong binuhat ang bata. "Teacher sumama ka na, dalhin na natin siya sa hospital," sabi ko. Walang tugon, pero sumunod naman sa sinabi ko ang teacher. Patakbo naming tinungo ang gate. Mabuti na lang at maraming tricycle na naka-abang sa labas. Uwian na nga kasi. Pero itong batang pasaway na 'to, imbes na umuwi kaagad. Bumuntot-buntot pa sa akin, kaya ito ang napala. Binigyan pa ako ng problema. Sa pinakamalapit na hospital kami nagpahatid. Mahigpit ang pagyakap sa akin ng bata. Umiiyak at walang tigil ang pagbigkas ng salitang Papa hanggang makarating kami sa hospital. Nasa labas lang ako ng ER. Inaasikaso na kaagad ng
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, o talaga bang si Gwin ang babae na nakikita ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang lumapit sa kanya.Kaagad siyang sinalubong ng teacher at tinuro ang kinaroroonan ng bata. "Mama..." humihikbing sigaw ng bata. Sabay bumaling ang tingin namin ni Tonyo sa bata na ngayon ay nakaupo na. Nakalahad ang mga kamay, at hinihintay na lumapit si Gwin na tinawag niyang Mama. Kahit may luha sa mga mata, ngiting-ngiti naman. Sandaling bumagal ang paglalakad ni Gwin. Bakas ang pagkagulat nang makita kami ni Tonyo, pero maya maya ay patakbo itong lumapit sa bata at kaagad niyakap. "Anak, Widmark, anong nangyari? Masakit ba?" tanong niya. Banayad niyang hinaplos ang ulo ng bata at hinalikan ang sugat nito. Kumunot ang noo ko. Talagang si Gwin nga ang babae na nasa harap namin ngayon. Umiiyak habang yakap ang batang sinasabi niyang anak. Nahagod ko ang buhok ko kalaunan. Ano ba itong nangyayari? Akala namin nawala na siya. Akala namin may nangyari
Awtomatikong nahinto ang paghakbang niya. Kita ko rin ang pagtaas-baba ng kanyang balikat bago niya ako muling hinarap. "Anong kasinungalingan ba ang pinagsasabi mo sa Anak mo, Gwin? Hindi kita hinuhusgahan o nilalait sa naging buhay mo ngayon. Pero ang gamitin ako at sabihin sa kanya na ako ang Papa niya, mali 'yon, Gwin." "Hindi mo ba narinig kanina, Fred. Paulit-ulit ko na ngang sinasabi sa kanya na hindi ka niya Papa," madiin nitong tugon. "Kung gano'n, bakit niya pinipilit na Papa niya ako?""Kasalanan ko, inaamin ko naman 'yon. Naging burara ako. Nakita niya ang picture nating dalawa. Pero 'wag kang mag-alala, Fred. Ginagawa ko naman ang lahat, mawala lang isip niya na may Papa siya. Sunog na nga ang picture na 'yon, hindi na niya makikita. Wala nang magiging problema." "Sigurado ka?" tanong ko. Lumapit ako at hinawakan ang braso niya . Matalim din ang mga titig ko sa kanya na bahagyang nagpaatras sa kanya. Kaagad niya ring hinablot ang kamay niya. "S-siguradong ano, Fred?"
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant