Share

Kabanata 7

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2023-04-18 06:44:50

Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis.

Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari.

Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko.

Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.

Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.

Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nagawa ko rin ang ngumiti. Ayoko na ako pa ang magmukhang walang modo.

"Hi, Mitch," bati ko. Sinabayan ko pa ng pagkaway.

"Hello, Gwin,"tugon niya, kasabay ang pagsulyap kay Patrick.

"Gwin, thank you. Tama ka nga, babalik din si Mitch," sabi niya pero wala naman sa akin ang tingin.

Na kay Mitch pa rin. Ang tamis din ng ngiti niya pero hindi naman para sa akin ang ngiti niya, kun'di para kay Mitch. Bakas ang sobrang saya sa mukha niya.

"Sabi ko naman sa'yo, babalik din siya. Ang drama mo lang kasi," tugon ko.

Pinipilit kong hindi bumakas ang pagiging plastic. Hindi nga ako masaya pero wala akong magagawa, kun'di ang magkunwaring masaya para rito sa kaibigan ko.

Ngiti na lang ang tugon ni Fred, kasabay ng pagbawi niya sa kamay ko mula sa paghawak ng pinsan niya, at kaagad akong hinila palapit sa lamesa. Umupo ako sa upuan na kaharap ni Mitch. Nilingon ko na lamang si Patrick, na nanatiling nakatayo pa rin sa tapat ng pinto.

"Patrick, halika na," tawag ko rito.

Ngumiti siya at kaagad naman na sumunod at umupo sa upuang katabi ko. Kaharap naman niya si Fred. Kakainis nga, kitang-kita ko ang lampungan nila. Nagsusubuan pa.

Napalingon lang ako kay Patrick, nang binigay niya sa akin ang chopstick. May kasama pa 'yong kakaibang ngiti. Hindi ko nga alam, kung gusto niya ba na gamitin ko itong chopstick para kumain o gusto niya na itusok ko kay Mitch?

"Ito tubig, Gwin," ngisi nitong sabi, kasabay ang pag-abot niya sa tubig.

"Thank you," sabi ko, kasabay ang pagtanggap no'n. Napangiti na rin lang ako matapos uminum. May silbi rin pala ang isang 'to. Alam niya kasi kung kailan ko kailangan ng tubig.

"Mabuti naman, at magkasundo na kayo—" pahapyaw na sabi ni Sir.

Sabay kaming napasulyap sa Tiyuhin niya na napapailing na lang habang tanaw kami. Paanong hindi siya mapapailing, nasaksihan nga niya ang bangayan namin ni Patrick kanina. Pero ngayon, parang walang nangyaring bangayan. Magkasundo na nga raw kami, sabi ni Sir.

"Pinsan, wala ka man lang bang balak na ipakilala ako sa girlfriend mo?" tanong ni Patrick, na may pilyong ngiti at malagkit na tingin kay Mitch.

Kita ko ang agarang pagngiti ni Mitch. Inipit pa nito ang ibang hibla ng buhok sa tainga niya. Kahit pa pinsan ng boyfriend niya ang kaharap niya ngayon, talagang bumakas pa rin ang pagiging maland¡ niya. Ang lambot din talaga ng ilong ng isang 'to. Kaya nga madalas niyang iwan itong matalik kong kaibigan dahil sa kung sinong lalaki na lalandi sa kanya.

"Hi, I'm Mitch," kaagad na pakilala ni Mitch, kasabay ang paglahad ng kamay.

Hindi man lang siya naghintay na ipakilala sila ni Fred sa isa't—isa. Inunahan na niya. Ang landi talaga.

Kaagad namang tinanggap ni Patrick ang kamay ni Mitch.

"Patrick," pakilala nito, kasabay ang paghalik sa kamay ni Mitch.

Kita ko ang pagsalubong ng mga kilay ng kaibigan ko. Bakas ang inis at selos nito. Pinsan nga kasi niya itong si Patrick, kaya malamang ay alam niya hilatsa ng kukuti nito.

"Pinsan, hawak mo na nga ang kamay ng best friend ko kanina, pati ba naman girlfriend ko?" inis na sabi ni Fred, pero may bakas na biro naman sa boses niya.

" 'Wag kang mag-alala, hindi ko naman sila aagawin sa'yo," tugon ni Patrick.

"Kumain na nga muna kayo. Mayaya n'yo na ituloy iyang asaran ninyo, " sabat ni Ma'am.

Bahala nga sila. Basta ako, kakain ako. Ang appetizers ang binanatan ko. Ang sarap kaya ng spring roll, may gyoza pa or dumplings, prawn tempura, pero ang pinakagusto ko ay ang sushi roll.

"Siya nga pala, wala nang pasok sa susunod na linggo. Ano ba ang plano ninyong gawin, Fred, Gwin?" tanong ni Sir."

Tuwing bakasyon kasi, binibigyan nila si Fred ng isang buwan na bakasyon, at ako isang linggo. Iisang lugar lang din ang pinupuntahan namin pero nauuna akong umuwi at naiiwan itong kaibigan ko.

Ang bait mga kasi nila, kahit madalas akong napagagalitan, ramdam ko naman ang malasakit nila para sa akin.

"Hindi pa namin napag-uusapan, Sir," tugon ko.

Ako na lang ang tumugon. Si Fred kasi, hindi na maalis ang tingin kay Mitch. Sobrang saya talaga niya. Kailan pa kaya matatauhan ang kaibigan kong 'to na hindi nga siya mahal nitong si Mitch.

Nakapa ko ang tiyan ko. Hindi yata ako natunawan dahil sa nakikita ko." Excuse po, punta lang ako sa ladies room," paalam ko, kasabay na ang pagtayo.

Matapos kong magpunta sa ladies room, hindi na ako bumalik sa loob ng secluded private room kung saan kami kumain.

Sa waiting area na lamang ako naghintay. Hindi ko na rin kasi kayang panoorin ang kaibigan ko na masaya kasama si Mitch, habang ako hindi na alam ang gagawin kung sasabihin ko pa ba sa kanya ang totoo o hindi na.

Bakit ba naman kasi ngayon pa bumalik si Mitch, gayong buo na sana ang pasya ko na sabihin sa kanya ang totoo?

Panay ang pagbuntong-hininga ko habang tanaw ang mga naglalakihang mga koi sa loob ng aquarium.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," bungad ni Patrick.

Sulyap lang ang ginawa ko at hindi tumugon. Wala nga rin akong balak na kausapin siya. 'Tsaka nag-iisip nga kasi ako kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.

"You really don't like her, don't you?" tanong na naman niya, kasabay ang pag-upo sa tabi ko.

Sulyap at mapaklang ngiti ang tugon ko. Saka bumuntong-hininga na naman.

"Gano'n ba, talaga ka obvious?" Mapait na ngiti ang kasabay ng tanong kong 'yon.

"That's why I gave you the chopstick. Kaya lang naisip ko, na sobrang harsh na kung tutusukin mo si Mitch gamit 'yon, so, I just replaced it with water, but you drank it instead of pouring it on Mitch."

Natawa at napailing na lamang ako. Malakas din pala ang pakiramdam nito. " Alam naman nilang lahat, na noon pa, ayoko na talaga sa babaeng 'yon para sa matalik kong kaibigan."

"Talaga? Anong sabi ni Fred?"

"Wala. Mahal nga niya. Kaya kahit anong sabihin ko, walang silbe. Bulag, pipi at bingi siya sa totoong ugali ng babaeng 'yon. Kita mo naman kung gaano siya kasaya kanina, hindi ba? Halos ayaw na niyang lubayan ng tingin. "

"Anong balak mong gawin ngayon?"

Natawa ako. "Balak? Wala akong balak. Best friend nga lang niya ako, Patrick. Wala akong karapatan na manghimasok sa mga desisyon niya sa buhay. Ang papel ko lang ay taga-untog ng ulo niya minsan at madalas na support buddy niya. Kahit hindi ko gusto ang ugali ng Mitch 'yon. Suportahan ko pa rin siya dahil do'n naman siya magiging masaya," seryoso kong tugon.

"Ang swerte talaga ni Fred, may kaibigan siyang kagaya mo. Ako kasi, wala. Lahat ng kaibigan kong babae, katawan ko lang ang habol," biro niya.

"Ayan ka naman sa mga biro mong ganyan. Hindi ka pa ba nadala' sa bangayan natin kanina? Gusto mong mapahiya na naman?" Duro ko siya.

"O, kalma! Malala pa sa dala' ang naramdaman ko! Kaya nga ang bait ko na sa'yo, at handa na rin ako na maging support buddy mo," nakangiti nitong sabi.

"Support buddy, para namang magtatagal ka rito."

"Kung pipigilan mo ako, bakit hindi?"

"Tumigil ka na nga sa mga biro mo—"

"Nandito lang pala kayo. Akala namin ay nauna na kayong umuwi," biglang sabat ni Fred.

"Sinamahan ko lang si Gwin, sumakit kasi ang tiyan," seryosong tugon ni Patrick.

"Fred, bilisan muna. Para namang hindi kayo magkikita sa mansyon mamaya," bagot na sabi ni Mitch.

"Sige na, mauna ka na sa kotse. Susunod ako kaagad," tugon ni Fred."

Papadyak na naglakad si Mitch, palabas ng resto.

"Sundan mo na lang 'yon, Fred, bago pa tuluyang mabagot 'yon at umalis," taboy ko sa kanya. Wala din naman kasi ang tingin niya sa amin, kung hindi na kay Mitch.

Ngumiti siya. "Pinsan, ikaw na muna ang bahala sa best friend ko."

Binilin pa ako sa pinsan niya. Alam niya naman siguro ang kapilyohan nito.

"Siya nga pala, Gwin, ano nga ba iyong gusto mong sabihin sa akin kanina?" seryosong tanong nito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Ay Nako! sira ulo talaga si Fred baka huli na pag matauhan siya na Hindi siya mahal ni Micth
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 8

    "Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin

    Last Updated : 2023-04-19
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 9

    "Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam

    Last Updated : 2023-04-20
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 10

    Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang

    Last Updated : 2023-04-21
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 11

    "Anak, Widmark—" "Gwin..." tawag mula sa likuran ko. Dobleng lingon ang nagawa ko. Nalito ako kung hahabulin ko pa ba ang Anak ko o haharapin itong bagong teacher ng mga estudyante ko at si Chairman. Tipid akong ngumiti at hinarap na nga lang sila. Hinayaan ko na lang ang anak ko na habulin iyong nakita niya na familiar daw ang mukha. "Chairman, magandang umaga po... Michelle," bati ko pero sumulyap pa muli ako kay Widmark, na ngayon ay nakipagpatentero na sa ibang estudyante. Pero grabe naman. Ito ba ang ugali ng teacher na magiging kapalit ko at magiging ihemplo "raw" ng mga bata, sabi ng ina niya? E, tingin niya pa lang sa akin ay nanglalait at nangmamata na. Sa bagay, dati pa naman ay ganyan na siya makatingin. Hindi ko alam kung talagang masaya siya dahil ganap na nga siyang teacher o masaya siya dahil napatalsik na niya ako na alam ko rin na matagal na rin niyang gustong gawin. "Magandang umaga, Gwin," tugon ni Chairman. "Magandang umaga, Gwin," plastik na bati naman ni M

    Last Updated : 2023-04-22
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 12

    Nataranta ako nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaking masungit mula sa loob ng kotse. Napahawak ako sa sombrero ko at kaagad na lumayo. "Pasensya na po uli," sabi ko. Halos patakbo akong bumalik sa tricycle ni Opaw. "Tara, Opaw... bilis!" kaagad kong sabi, pagsakay ko ng tricycle. Kaagad namang lumarga si Opaw. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagmamadali, pero hindi na nagtanong. "Hoy, Miss, ang mansanas mo—""Mansanas mo raw, Gwin," sabi ni Opaw at akmang hihinto. Nilingon niya pa ang lalaki. "Hayaan mo na 'yon. Ano kasi, nag-text na si Aling Taning, saan na raw ako," palusot ko, hindi lang siya huminto. "Ikaw bahala, pero sayang 'yong perang pinambili mo no'n," sabi nito Nakagat ko ang labi ko. Talagang sayang nga. Pero hindi na ako tumugon. Kinapos kasi ako sa paghinga. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Takot din akong lumingon at baka nakasunod lang sila. Hindi pa nga ako mapakali sa kina-uupuan ko. Gusto kong agad n

    Last Updated : 2023-04-24
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 13

    "Miss, mansanas mo," ngising sabi ni Opaw, pagharap ko sa kanya. "Mansanas, mukha mo. Ano ba ang kailangan mo, at talagang sumugod ka pa rito sa oras ng pasada mo?" tanong ko, kasabay ang pagsara ng gate. "Wala akong kailangan, 'yong kasama ko ang mayro'n," tugon nito. "Oo nga pala, may kasama ka raw sabi ni Aling Taning. 'Asan na?" tanong ko. Nilingon ko pa ang tindahan ni Aling Taning, wala naman akong nakikitang ibang tao. "Umalis na. Pinabibigay niya lang 'to.""Talagang mansanas ko pala 'yan?" tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Opaw, at sa sando bag na inabot nito sa akin. "Oo nga, tanggapin mo na. Pasalamat ka, mabait 'yong binangga mong lalaki. Talagang sinadya pa ako sa terminal kanina para ibigay lang 'to," nakangiting sabi ni Opaw. "S-sinadya ka sa terminal?" utal kong tanong. Bigla na naman kasing nagtambol ang dibdib ko. "Nakuha niya ang numero ng tricycle ko. Nagtanong-tanong daw siya. Hanggang sa may nakapagturo sa kanya na naka rota ang tricycle

    Last Updated : 2023-04-26
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 14

    Sandali akong natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Pero na isip kong imposible ang sinasabi ng Anak ko. Paanong nakita niya si Fred? Mapait akong napangiti. Pinilig ko rin ang ulo ko ng paulit-ulit. "Anak, imposible na siya ang nakita mo. Hindi taga rito ang lalaking nasa picture," madiin kong sabi. Gusto kong magalit, at piliting isiksik sa utak niya na mali nga ang nakita niya. Na hindi si Fred ang nakita niya, pero pinipigil ko. Wala naman kasing kasalanan ang Anak ko, para magalit ako sa kanya. Ako ang may kasalanan sa kanya. Ako ang may mali, ako ang nagsinungaling at piniling itago ang lahat. Umiling siya ng paulit-ulit. "No, Mama, it's really him. They are exactly the same. The face, the hair, the dimples," giit niya. Kumislap ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. Umupo ako sa harap niya para magpantay kami. Kinulong ko rin ang pisngi niya sa mga palad ko, saka matamis na ngumiti. "Where's the picture, Anak?" Imbes tumugon o kontrahin na naman ang sinasabi niya. Hin

    Last Updated : 2023-04-27
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 15

    Hindi ko sadyang mapahawak kay Opaw. Para akong nawalan ng lakas. Madami kaagad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng mangyari ngayong kaharap ko na si Tonyo. Ngayon alam na niya kung nasaan ako. Naisip ko pang magkunwari na hindi siya kilala o 'di kaya wala akong matandaan sa nakaraan ko. Pero imposeble 'yon, lalo't nandito si Opaw. Alam nga niya ang kwento tungkol sa buhay ko. Kung paano ako tinulungan ni Aling Taning. Kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang balikat ni Tonyo. Napako na rin siya sa kinatatayuan niya. "Gwin?" walang kurap niyang bigkas sa pangalan ko. Bakas sa mga mata niya. Sa tingin niya ang pagkagulat nang makita ko. "Ikaw 'yong nakabangga sa akin?" utal nitong tanong. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Napayuko ako at natiim ang mga mata. Ano ba itong nangyayari? Bakit ba 'to nangyayari? "Gwin, intensyon mo'ng magtago at lumayo? Kaya ka nagmamadaling umalis, no'ng nabangga mo ako?" sunod-sunod nitong tanong na hindi ko pa rin magawang sagutin. "Hindi

    Last Updated : 2023-04-28

Latest chapter

  • My Best Friend's Baby   Special Chapter

    "Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun

  • My Best Friend's Baby   Wakas

    Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 119

    Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 118

    Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 117

    Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 116

    "Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 115

    "Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 114

    THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 113

    Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant

DMCA.com Protection Status