"Gwin, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala," untag sa akin ni Beth. Kaklase ko. "Umayos ka nga, kanina pa nakatingin sa'yo si Prof," dagdag pa nito. Nasa harap na rin ang tingin niya.
Tumikhim ako at umayos sa pag-upo. Ilang linggo na nga akong ganito, laging wala sa sarili, laging lutang, hindi mapakali, at hindi maka-fucos sa klase. Pati sa trabaho ko ay madalas na rin akong sablay. Lagi na nga akong napapagalitan ni Nana Puring. At alam kong nagtataka na sila gaya ni Beth."That's all for today, class. Happy weekend." Napangiti ako. Sa isang oras na klase, iyon lang ang narinig ko na sinabi ng aming Professor.Mabuti na lang at patapos na rin ang semister. Sigurado kasi na lalagapak ang mga grades ko dahil maski ang mag-aral ay hirap na rin ako. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Matamlay kong niligpit ang mga gamit ko."Ano ba talaga ang problema mo, Gwin? Palagi ka na lang wala sa sarili. Hindi ba't nagka-ayos na naman kayo ni Brent? Bakit lutang ka pa rin?" sunod-sunod na tanong ni Beth. Tinapik niya rin ang balikat ko."Wala akong problema, pagod lang. Alam mo naman na utusan ako, hindi ba?" mapaklang tawa ang tumapos sa sinabi ko.Nailing naman siya. "Ewan ko sa'yo. Hindi ka naman dating ganyan. Kahit pa pagod ka, focus ka pa rin sa klase natin."Hindi na ako tumugon. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makalabas kami ng room."Sige na, mauna na ako. Nandyan na ang sundo ko." Kaway na lamang ang tugon ko sa kaklase ko na masayang sinalubong ng mga barkada niya. Hindi naman kasi kami gano'n ka close ni Beth. Naging magkaibigan lang kami dahil madalas kaming magtabi sa upuan na assign ng mga professor namin.Napabuntong-hininga naman ako pag-alis niya. Sumandal ako sa dingding at sandaling tiniim ang mga mata. Inuuntog-untog ko pa ang ulo ko sa dingding. Baka sakaling mawala sa isip ko ang nangyari noong gabi na nalasing kami ni Fred.Nasapo ko rin ang noo ko kalaunan. Kahit anong untug kasi ang gawin ko, talagang hindi maalis sa utak ko. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Para na akong mababaliw. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko akalain na ang pagdamay ko sa matalik kong kaibigan ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali.Oo, may nangyari sa amin ng gabing 'yon. Nagising na lang ako na nasa tabi niya at pareho kaming walang saplot. Saka lang nag-flashback sa isip ko ang nangyari. Nadala ako. Natangay sa impluwensya ng alak. Sa mga haplos niya, sa mga halik niya. Ang gaga ko.Hindi matigil ang pag-iyak ko habang nakatingin sa dugong bumakat sa puting kumot na nakita ko no'ng araw na 'yon. Gusto kong awayin si Fred. Gusto kong suntukin siya. Bakit niya ba nagawa sa akin 'yon? Bakit ba kami nauwi sa gano'n?Ang masakit paggising niya, si Mitch pa rin ang bukambibig niya. Nanaginip daw siya. Kasama niya raw ang mahal niya. Nahawakan, nahahal¡kan. Totoong-totoo raw at parang hindi panaginip. Sira-ulo siya. Ako 'yong kasama niya. Akong 'yong inangkin niya na akala niya lang ay panaginip.Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sigawan at sampalin. Gusto kong sabihin ang totoo pero natatakot ako na baka masira kami. Masira ang pagkakaibigan namin. Ayokong mangyari 'yon. Siya lang kasi ang mayro'n ako. Siya lang ang karamay ko sa lahat ng oras. Paano kung tuluyang magbago ang lahat? Paano na ako?Kahit na masakit. Kahit ang bigat sa loob ko na ilihim ang nangyari. Ginawa ko. Kasalanan ko rin naman. Nagpadala ako sa impluwensya ng alak. Nadala ako sa mga haplos at mga halik niya at tuluyang nawala sa sarili.Kahit ilang ulit pa akong magsisi. Hindi na mababago ang lahat. Hindi na maibabalik ang nawala sa akin. "Ang tanga-tanga ko. Ang bobo-bobo," mahina kong sambit, kasabay ang paulit-ulit na tampal sa noo ko habang nakapikit."Gwin, pinagsasabi mo? Bakit ka naman naging bobo at tanga? Bumagsak ka na naman ba sa exam n'yo?" biglang sulpot ni Fred. Hinawakan niya ang kamay kong nakalapat sa noo ko, saka hinaplos ang noo ko."Lumayo ka nga," pagtataray ko at tinulak din siya, saka matamlay na naglakad papuntang parking."Hoy, ano ba'ng problema, Gwin?" tanong niya, kasabay ang biglang pag-akbay sa akin. Gulat akong napalingon sa kanya.Sandali pa akong napatitig sa mga mata niya na may bakas pagtataka at naghihintay sa sagot ko. "Walang problema. Pagod lang," matamlay ko pa ring tugon, kasabay ang paglayo sa kanya.Simula nang may mangyari sa amin. Hindi na ako komportable na hawakan niya o kahit nga lang lumapit sa kanya ay naiilang na ako."Pagod? Sigurado ka, pagod ka lang? Ilang araw ka nang ganyan, Gwin. Akala mo ba, hindi ko napapansin? Ano ba talaga ang problema? May sakit ka ba?" pangungulit nito. Niyugyog pa ako."Wala nga akong problema. Wala rin akong sakit. Bakit ba ang kulit mo?" medyo irita ko nang tugon."Kasi nag-aalala ako. Alam kong may problema ka. Kilala kita, Gwin. Alam kong may tinatago ka. Ano man 'yon, sabihin mo na para matulungan kita. Sabay nating malutas ano man ang problemang dinadala mo. Dadamayan kita," seryoso niyang sabi.Napangiti ako. Sabay lutasin. Kaya nga nauwi ang lahat sa ganito, kasi sinabayan ko siya. Dinamayan ko siya. Anong napala ko ngayon?"Best friend kita, Gwin. Gulo mo, gulo ko. Problema mo, problema ko. Kaya sabihin mo na."Sandali akong napatitig sa kanya. Gulo at problema nga namin 'to. Gulo na kaming dalawa ang may gawa, pero ako lang ang nagdurusa ng ganito.Pero pwede kaya 'yon? Pwede ko kayang sabihin sa kanya ang totoo? Wala pa rin ba kayang magbabago sa amin kapag nalaman niya ang totoo? Magiging mag-best friend pa rin ba kaya kami?Napabuntong-hininga ako. "Pag-iisipan ko," nasabi ko kalaunan kasabay ang pag-iwas ng tingin.Tipid siyang tumawa. "Talaga? Pag-iisipan mo pa? Bago 'yon ah," biro niya. "Pero sige, kung 'yan ang gusto mo, sige pag-isipan mo. Kapag handa ka na, sabihin mo sa akin agad at gawan natin ng paraan."Mapait ngiti ang tugon ko. "Sasabay ka na ba sa akin umuwi o may ibang lakad ka pa?" pag-iba ko sa usapan.Friday nga kasi ngayon. Fly day. 'Yon ang lagi nilang ginagawa ng mga kaibigan niya, simula no'ng maghiwalay sila ng girlfriend niya. Sinusubukan niyang mag-move on. Pero katulad ko madalas pa rin siyang malungkot at tulala.Siya tulala dahil sa sugat na gawa ng mahal niya. Ako tulala kasi, naisuko ko ang sarili sa kanya na hindi man lang niya alam."Mauna ka na lang—" Sumabay ang pagtunog ng cellphone niya sa pagtugon niya sa tanong ko.Hinayaan ko na lang siya at hindi na rin nagpaalam. Alam ko naman na kaibigan na niya ang tumatawag. Hindi na nga rin niya ako napansing umalis."Pakasaya ka, Fred," bulong ko. Kasunod ang pagpakawala ng malalim na buntong-hininga.Mabagal pa rin ang mga hakbang ko papunta sa parking at walang imik na sumakay sa kotse. Ni hindi ko na nga magawang batiin si Tonyo o sumulyap man lang sa kanya."Wala ka na bang dadaanan, Gwin? Wala ka nang bibilhin?" rinig kong tanong niya pero hindi ko nagawang sagutin.Ang dami ngang gumugulo sa isipan ko. Maraming tanong, takot, at alinlangan. Hindi ko na kayang sumagot pa sa mga simpleng katanungan. Pakiramdam ko mababaliw na ako."Ilang araw ka nang ganyan, Gwin," sabi ni Tonyo, kasabay ang pag-andar ng kotse.Matamlay na tingin ang pinukol ko sa kanya. "Pagod lang," tugon ko.Puro 'yon lang talaga ang tugon ko. Paano ko naman sasabihin sa kanila ang problemang dinadala ko? Ni ako nga, hindi ko matanggap sa sarili ko na humantong kami sa ganoon ni Fred.Paano na kaya sila? Paano na kaya ang mga magulang ni Fred? Siguradong palalayasin nila ako. Natampal ko ang noo ko. Wala akong utang na loob.Unti-unti nang namuo ang luha sa mga mata ko. Sinayang ko ang lahat ng oportunidad na mayro'n ako ngayon. Ang bait ng mga amo ko. Ang laki ng tiwala nila sa akin. Pero sinira ko ang lahat ng 'yon.Paulit-ulit kong tinampal ang noo ko. Hindi ko na rin napigil ang mga luha ko."Gwin," bakas sa boses ni Tonyo ang pag-aalala. Kasabay ng paghagulgol ko ay ang pagtigil ng kotse. "Gwin, bakit ka ba nagkakaganyan?" Hinawakan niya ang kamay kong tampal pa rin ang noo ko."Tonyo—" hagulgol ang tumapos sa sasabihin ko. Gusto ilabas itong bigat na dala-dala ko. Pero hindi ko magawa, hindi ko kaya. Ayaw lumabas sa bibig ko ang mga salitang gusto kong sabihin.Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Tonyo sa balikat ko. Niyugyog niya pa ako. "Tahan, Gwin. Ano ba kasi ang problema mo?" nag-aalala nitong tanong.Mapakla akong ngumiti at umiling. Pinahid ko na rin ang mga luha. "Walang problema, na miss ko lang si Nanay," pagsisinungaling ko."Gwin, kaibigan kita. Hindi man katulad ng mayro'n kayo ni Sir Fred. Pero kilala kita, katulad ng pagkakilala niya sa'yo. Alam ko na may problema ka. Kahit anong tanggi at kahit anong tago mo pa. 'Wag mo'ng hintayin na maging komplekado ang lahat. Baka kasi, hindi mo na magawang ayusin pa ang problemang mayro'n ka ngayon at mas lalo ka lang masasaktan," mahabang payo ni Tonyo.Napangiti ako. Akala ko kasi, puro kalokohan lang ang laman ng utak nitong si Tonyo. May sense din pala siyang kausap."Salamat, Tonyo. Sa totoo lang, pinagaan mo ang loob ko." Pinahid ko ang natitirang luha ko at mapaklang ngumiti."Ayos ka na ba?" tanong niya, kasabay ang pag-andar ng kotse."Hindi pa ako ayos, Tonyo. Hindi ko rin alam kung magiging maayos pa ba ako. Pero salamat dahil sa'yo. Dahil sa sinabi mo, nagbukas ang isip ko. Tama ka, hindi ko na dapat hintayin na magiging komplikado pa ang sitwasyon. Tatanggapin ko lahat kung ano man ang magiging kahihinatnan ng maling nagawa ko.""Mabuti naman at may silbi pala ang sinabi ko," sabi niya, kasabay ang sandaling sulyap sa akin."Talagang may silbi. Dahil sasabihin ko na kay Fred ang totoo.""Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok. Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang? Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip."Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook. "Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi. Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored? "Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din. Baka may nasabi s
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili. Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo. "Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagt
Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag
"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
"Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam
Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang
"Anak, Widmark—" "Gwin..." tawag mula sa likuran ko. Dobleng lingon ang nagawa ko. Nalito ako kung hahabulin ko pa ba ang Anak ko o haharapin itong bagong teacher ng mga estudyante ko at si Chairman. Tipid akong ngumiti at hinarap na nga lang sila. Hinayaan ko na lang ang anak ko na habulin iyong nakita niya na familiar daw ang mukha. "Chairman, magandang umaga po... Michelle," bati ko pero sumulyap pa muli ako kay Widmark, na ngayon ay nakipagpatentero na sa ibang estudyante. Pero grabe naman. Ito ba ang ugali ng teacher na magiging kapalit ko at magiging ihemplo "raw" ng mga bata, sabi ng ina niya? E, tingin niya pa lang sa akin ay nanglalait at nangmamata na. Sa bagay, dati pa naman ay ganyan na siya makatingin. Hindi ko alam kung talagang masaya siya dahil ganap na nga siyang teacher o masaya siya dahil napatalsik na niya ako na alam ko rin na matagal na rin niyang gustong gawin. "Magandang umaga, Gwin," tugon ni Chairman. "Magandang umaga, Gwin," plastik na bati naman ni M
Nataranta ako nang marinig ang pangalang binigkas ng lalaking masungit mula sa loob ng kotse. Napahawak ako sa sombrero ko at kaagad na lumayo. "Pasensya na po uli," sabi ko. Halos patakbo akong bumalik sa tricycle ni Opaw. "Tara, Opaw... bilis!" kaagad kong sabi, pagsakay ko ng tricycle. Kaagad namang lumarga si Opaw. Sandali pa siyang sumulyap sa akin. Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagmamadali, pero hindi na nagtanong. "Hoy, Miss, ang mansanas mo—""Mansanas mo raw, Gwin," sabi ni Opaw at akmang hihinto. Nilingon niya pa ang lalaki. "Hayaan mo na 'yon. Ano kasi, nag-text na si Aling Taning, saan na raw ako," palusot ko, hindi lang siya huminto. "Ikaw bahala, pero sayang 'yong perang pinambili mo no'n," sabi nito Nakagat ko ang labi ko. Talagang sayang nga. Pero hindi na ako tumugon. Kinapos kasi ako sa paghinga. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Takot din akong lumingon at baka nakasunod lang sila. Hindi pa nga ako mapakali sa kina-uupuan ko. Gusto kong agad n
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant