Hindi ko na nagawang magbihis ng maayos-ayos na damit, kaagad na akong umalis ng mansyon na walang ibang nakakaalam kun'di ang mga guard lang. Hindi ko na rin kasi ginising si Tonyo, hating gabi na nga. Mainit na nga ang ulo ng mga amo ko kanina dahil sa ginawa ko. Heto at ang anak naman nila ang nahibang dahil sa katangahan sa pag-ibig. Ayoko nang dagdagan ang inis nila.
Hindi ako mapakali habang sakay ng taxi. Nasa Calderon Hotel lang naman kasi siya. Hotel na magmamay-ari nila. Mabuti na lang at may nakuha pa akong taxi sa ganitong oras."Manong paki bilis naman po, emergency po," paki-usap ko sa driver.Ang tindi ng kabang nararamadaman ko. Sa lahat ng away nila Fred at girlfriend nito, ngayon ko lang narinig na umiyak siya ng gano'n. Matinding iyak na akala mo ay katapusan na ng lahat. Kaya hindi ko mapigil ang mag-alala.Alam ko nga, kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. First girlfriend niya kasi. Dream girl niya. High school pa lamang kami ay crush na niya si Mitch. Ginawa niya lahat, mapansin lang siya nito. Saksi ako kung gaano siya kasaya no'ng naging sila, anim na buwan na ang nakakaraan."Malapit na po tayo, Ma'am," tugon ng driver.Halos magkandahaba naman ang leeg ko sa katatanaw sa gusali ng hotel habang papalapit ang taxi."Manong, maraming salamat," sabi ko sa driver paghinto nito. Inabot ko ang bayad at kaagad nang bumaba. Hindi na rin ako nag-abalang kunin pa ang sukli ko.Patakbo akong pumasok sa hotel. "Hoy, Miss, saan ka pupunta? Hindi ka pwede rito," harang sa akin ng guard. Hinagod niya pa ako ng tingin.Umiling ako, kasama ang pagkumpas ng kamay. "Guard, emergency po, padaanin n'yo na ako," pakiusap ko.Hindi ko naman masisi ang guard sa ginawang pagharang sa akin. Five star hotel nga 'to. Suot ko kasi, gumang tsinelas, lumang demin short, at puting t-shirt na punit-punit pa ang kwelyo. Ang gulo pa ng buhok ko. Hindi ako mukhang guest. Mukha akong pulubi na manghihingi ng limos sa mga guest."Hindi uubra sa amin ang palusot mo'ng yan, Miss! Umalis ka na, bawal ka nga rito," mahinahong paki-usap nito pero may bakas ng inis.Umiling ulit ako. "Hindi po ako nagpapalusot. Si Fredrick ang pupuntahan ko, anak ng ng may-ari ng hotel na 'to, kaya please, padaanin n'yo na ako," seryoso ko'ng paki-usap sa guard, pero pigil na tawa ang tugon nila."Miss, umalis ka na, bago pa kita kakaladkarin palabas," may diin na nitong sabi. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. Napapa-iling pa nga iba."Nagsasabi nga po ako ng totoo," halos maiyak na ako sa inis. "Si Fred nga po ang pupuntahan ko. Kaibigan ko. Anak ni Ma'am Leanne at Sir Franco, " dagdag ko pa. Hindi ko na dapat binanggit ang pangalan ng mga amo ko. Pero ginawa ko, padaanin lang nila ako."Miss, umalis ka na lang. 'Wag ka'ng mag-iskandalo rito," sabat ng isang guard."Wala namang iskandalong mangyayari kung padaanin n'yo lang ako. Hindi nga po ako nagsisinungaling. Talagang si Fred ang pupuntahan ko, nasa presidential suite siya ngayon. Itanong n'yo pa sa receptionist," mahinahon kong paki-usap. Kahit ba gusto ko na talagang magwala. Gusto ko nang sumigaw, pero pinili ko pa rin ang magtimpi."Sige na, Miss. Lumabas ka na—""Oy, bitiwan n'yo siya. Kaibigan 'yan ni Sir Fred," awat sa kanila ng katrabaho.Sapilitan na kasi sana nila akong ilalabas. Mabuti na lang at sakto namang dumating ang katrabaho nila. Para akong tanga na napangiti ng bongga."Sigurado ka?" tanong ng guard sa katrabaho."Oo, lagi na siya rito kasama ni Sir Fred," tugon niya, pero hinagod naman ako ng tingin." Bakit naman kasi, ganyan ang damit mo?" baling nito sa akin."Emergency nga po kasi." Sinamaan ko ng tingin ang mga guard bago ko sila iniwan. Patakbo ko'ng tinungo ang elevator.Gusto ko pa sanang awayin ang mga guard na 'yon dahil sa pagpigil nila sa akin, wala na akong panahon. Ni ang magpasalamat o magpaalam nga do'n sa nakakilala sa akin ay hindi ko na nagawa.Hindi ako maperme habang sakay ng elevator papuntang 10th floor. Takbo lakad ang ginawa ko makarating lang kaagad sa kwarto kung nasaan ang kaibigan ko."Fred!" tawag ko sa best friend ko nang marating ko ang kwarto kung saan siya naroon. Hindi na lock ang pinto kaya agad akong nakapasok.Nahagod ko ang buhok ko at hindi na maawat ang mga luha habang nakatingin sa kaibigan ko. Nasa balcony siya, umiiyak habang nakasalampak sa sahig. Nakahawak sa railings ang nanginginig na mga kamay.Sa nakikita ko sa hitsura niya, mukhang sinubukan niya na gumawa ng kabaliwan."Fred, halika nga rito." Tinulungan ko siyang tumayo. Nang makatayo ay kaagad niya akong niyakap. Sobrang higpit, kasabay ang impit na iyak."Ano na naman ba ang nangyari? Bakit ka ba nagkakaganito?" Humikbi ko'ng tanong.Pinahid ko ang mga luha niya. Pero kahit anong pahid ko. Hindi pa rin matigil ang pagpatak ng mga luha niya."G-inawa ko naman ang lahat, Gwin. Bakit kulang pa rin? Ang sakit-sakit." Suntok niya ang sariling dibdib at halos hindi na siya makapagsalita sa kaiiyak.Hinawakan ko ang mga kamay niya na walang tigil sa pagsuntok sa dibdib niya. "Tama na Fred.""B-akit hindi niya ako magawang mahalin? Ano ba ang mali sa akin?" hagulgol niya.Niyakap ko siya uli, kasabay ang paghaplos sa likod niya. Gustuhin ko ma'ng pagalitan siya. Sermonan siya. Sisihin siya sa katangahan niya at sabihin na kasalanan niya dahil nagmahal siya ng babaeng hindi naman siya mahal. Hindi ko naman magawa. Durog na siya, ayukong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.Ayokong lagyan pa ng asin ang sugat sa puso niya na gawa ng pangarap niyang babae."Hindi ko kaya, Gwin, hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kaya... mahal na mahal ko siya..." Kapos na ang paghinga niya. Napapapikit na lamang ako. Pati dibdib ko naninikip na. Nahahawa ako sa lungkot niya. Ramdam ko rin ang sakit.Kung ganito rin lang naman pala kasakit ang magmahal. Ayoko nang subukan. Ayokong maramdaman ang nararamdaman ng kaibigan ko ngayon. Baka hindi ko rin kayanin."Tahan na Fred," pinahid ko uli ang mga luha niya. "Para namang hindi ka pa sanay sa ugali no'n. Babalik din 'yon. Huminga lang 'yon saglit," alo ko sa kanya.Sa anim na buwan na naging sila. Ilang beses na rin silang naghiwalay. Pero ilang araw lang ay babalik din si Mitch at uutuin na naman itong kaibigan kong uto uto.Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin at umiling. "Tapos na kami, Gwin. Hindi na siya babalik. May iba na siyang mahal. Ayaw na niya raw sa akin."Hindi ako nakapagsalita. Hindi makapaniwala. Talaga ba? Tapos na sila? Seryoso na ba talaga?Yumuyugyog pa rin ang mga balikat niya habang mabagal na naglakad papunta sa ref. Sandali pa siyang tumawa sa harap ng bukas ng ref at muling humagugol. Maya maya ay naglabas siya ng beer."Samahan mo, ako—" Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita niya.Kinuha ko ang beer sa kamay niya. Binuksan ko at inabot sa kan'ya."Kaya nga ako nandito, para samahan ka." Hinila ko siya paupo sa kama. Sabay naming tinungga ang beer.Ito lang naman ang kaya ko'ng gawin para sa kan'ya, ang damayan siya. Ang aluin siya hanggang sa humupa ang sakit na nararamdaman niya. Tahimik na rin siyang umiiyak, pero panay inum pa rin kami ng beer."Ano ba'ng mali sa'kin, Gwin? Pangit ba ako? Mabaho ba ako?" tanong niya matapos ang mahabang pananahimik.Hindi ko napigil ang matawa. "Hindi ka pangit at lolong hindi rin mabaho. Ugali ng babaeng 'yon ang pangit at mabaho. 'Di siya bagay sa'yo." Tawa ang tumapos sa sinabi ko."Alam ko naman 'yon. Pangit at mabaho ugali niya, pero mahal ko pa rin siya." Tawa, saka iyak ang kasabay ng sinabi niya. "Tanga ko, Gwin... ang tanga," sabi niya, saka inisahang lagok ang beer."Tanga ka nga, matagal na!" tugon ko, sabay ang pabagsak na humiga sa kama. Hilo na kasi ako. Naparami ang inum ko dahil dito sa kaibigan ko."Inum pa tayo, Gwin." Sinubukan niya akong ibangon. Pero hindi na niya kaya. Lasing na nga rin siya. Ilang kahon na ang naubos namin. Hanggang ngayon bukam-bibig pa rin niya ang babaeng nanakit sa kanya."Hindi... tama na ang inum. Lasing na tayo. May pasok pa bukas," pikit mata kong sabi. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Umikot na kasi ang paligid ko."Ang sakit pa rin, Gwin," hagulgol na naman niya, saka tatawa na naman. Nabaliw na siya."Matulog ka na, para mawala ang sakit kahit sandali lang," antok kong tugon.Naramdaman ko na lang ang pabagsak niyang paghiga sa tabi ko, saka humagulgol na naman ng iyak."Tumigil ka na sa kaiiyak. Hindi ka ba napapagod? Tulog na tayo." Tumagilid ako paharap sa banda niya. Nilapat ko ang palad ko sa pisngi niya. Saka pikit matang hinaplos iyon."Makakalimutan mo rin siya. Marami pa namang babae sa mundo. Mas maganda, mas seksi. Makakahanap ka rin ng babaeng mamahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa kan'ya," mahaba kong litanya habang pikit pa rin ang mata.Wala na akong narinig na natugon mula sa kanya. Napangiti ako. Siguro, nakatulog na nga siya. Gustuhin ko man sana na magdilat pero hindi na kaya ng mga mata ko. Ang bigat na ng mga talukap ko.Napilitan lang akong magdilat nang lumapat ang noo niya, sa noo ko. Tipid akong ngumiti. Nakatiim na ang mga mata niya, pero patuloy pa rin sa paglandas ang luha. Pinahid ko ang kada patak ng mga luha niya."Matulog ka na—"hindi ko na natapos ang sasabihin. Bigla niya kasi akong niyapos. Sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga."Fred," sinubukan ko siyang itulak. Pero lalo lamang humigpit ang yakap niya. Ramdam ko na rin ang init ng labi niya na dumikit sa leeg ko."Gwin, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala," untag sa akin ni Beth. Kaklase ko. "Umayos ka nga, kanina pa nakatingin sa'yo si Prof," dagdag pa nito. Nasa harap na rin ang tingin niya.Tumikhim ako at umayos sa pag-upo. Ilang linggo na nga akong ganito, laging wala sa sarili, laging lutang, hindi mapakali, at hindi maka-fucos sa klase. Pati sa trabaho ko ay madalas na rin akong sablay. Lagi na nga akong napapagalitan ni Nana Puring. At alam kong nagtataka na sila gaya ni Beth. "That's all for today, class. Happy weekend." Napangiti ako. Sa isang oras na klase, iyon lang ang narinig ko na sinabi ng aming Professor. Mabuti na lang at patapos na rin ang semister. Sigurado kasi na lalagapak ang mga grades ko dahil maski ang mag-aral ay hirap na rin ako. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Matamlay kong niligpit ang mga gamit ko. "Ano ba talaga ang problema mo, Gwin? Palagi ka na lang wala sa sarili. Hindi ba't nagka-ayos na naman kayo ni Brent? Bakit lutang ka pa rin?" su
"Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok. Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang? Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip."Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook. "Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi. Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored? "Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din. Baka may nasabi s
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili. Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo. "Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagt
Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag
"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
"Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam
Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang
"Anak, Widmark—" "Gwin..." tawag mula sa likuran ko. Dobleng lingon ang nagawa ko. Nalito ako kung hahabulin ko pa ba ang Anak ko o haharapin itong bagong teacher ng mga estudyante ko at si Chairman. Tipid akong ngumiti at hinarap na nga lang sila. Hinayaan ko na lang ang anak ko na habulin iyong nakita niya na familiar daw ang mukha. "Chairman, magandang umaga po... Michelle," bati ko pero sumulyap pa muli ako kay Widmark, na ngayon ay nakipagpatentero na sa ibang estudyante. Pero grabe naman. Ito ba ang ugali ng teacher na magiging kapalit ko at magiging ihemplo "raw" ng mga bata, sabi ng ina niya? E, tingin niya pa lang sa akin ay nanglalait at nangmamata na. Sa bagay, dati pa naman ay ganyan na siya makatingin. Hindi ko alam kung talagang masaya siya dahil ganap na nga siyang teacher o masaya siya dahil napatalsik na niya ako na alam ko rin na matagal na rin niyang gustong gawin. "Magandang umaga, Gwin," tugon ni Chairman. "Magandang umaga, Gwin," plastik na bati naman ni M
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant