Share

Kabanata 2

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2023-04-06 17:04:54

Awtomatikong nahinto ang paghakbang ko at kaagad nilingon ang sira-ulong si Brenton na ngayon ay dahan-dahan nang naglakad paatras.

"Gwindelyn..." Taas ang dalawang kamay niya, pero mapang-asar pa rin ang ngiti. "Joke lang 'yon, 'di ka naman mabiro—"

" 'Di mabiro? Sira-ulo ka!" Hindi ko na hinayaang matapos ang pagsasalita niya. Kaagad ko na siyang sinugod ng sapak. Tumama ang suntok ko sa ilong niya na nagpadaing at napayuko sa kan'ya.

"Gwin—" nasambit niya habang hawak na ang dumudugong ilong. Kaagad lumapit sa kan'ya ang mga kaibigan pero nasa akin lahat ang tingin.

"Buwesit ka! Matagal na akong nagtitimpi sa ugali mo," duro ko siya. "Sinagad mo ang pagtitimpi ko!" Akmang susugurin ko na naman siya.

Pero hinarang ako ni Fred, sabay sabing "tama na nga, Gwin, nakakahiya!" Hawak na niya ako sa braso. Nilibot pa nito ang paningin sa paligid habang pinipilit akong ilayo mula kay Brent na ngayon ay hindi na makapagsalita. Suntok lang pala ang kailangan para matahimik ang bibig niyang laging bumubula. Sayang nga at sa ilong niya tumama ang suntok ko.

"Samahan n'yo muna si Brent sa clinic. Sunod na lang ako mamaya," sabi niya sa mga kaibigan na natameme na rin lahat. Hindi maipagkakaila ang labis na pagkagulat.

Akala yata ni Brenton, katulad ako ng mga babaeng pinagtitripan nila na ngingiti lang kahit anong sabihin niya. Wala akong paki' kahit mayaman at sikat pa sila sa buong school.

"Halika ka nga rito, Gwin!" sikmat ni Fred. Hila-hila na niya ako. Halos buhatin na nga niya ako. Malayo lang kami sa mga kamag-aral na animo mga bubuyog na nagbubulungan.

"Warfreak!" rinig ko mula sa grupo ng mga babae sa hallway na nakasaksi sa ginawa ko.

"Gan'yan talaga kapag mga walang breeding!" tugon naman ng kasama nila. Sinamaan ko sila ng tingin.

Mapanghusgang tingin naman ang ganti nila na may kasamang panunudyo. Alam nga nilang lahat na utusan lang ako nitong si Fred.

Napangisi ako. Kahit ano pa ang sabihin nila, wala akong paki'. Kahit pa mayaman sila, hindi ko sila aatrasan. Ako ang napagtripan. Ako ang inasar, kaya karapatan ko'ng magalit. Pero sa kasamaang palad ay na kay Brenton ang simpatya nila.

"Ngayon, sino ang napahiya sa ginawa mo, hindi ba, ikaw lang din?" pabulong ngunit may diin na tanong ni Fred. Rinig nga rin niya ang usapan sa paligid. Puro pa rin bulungan at mahinang tawa ang aming naririnig.

"Ano ba kasi ang pamasok sa utak mo at nanapak ka na lang bigla?" Bakas ang inis sa boses niya. Syempre, inis siya dahil kaibigan niya ang sinapak ko.

"Tinatanong mo pa talaga, Fred? Narinig mo naman ang sinabi niya, hindi ba? 'Tsaka, alam mo naman, noon pa ako nagtitimpi sa ugali ng kaibigan mo'ng 'yon!"

"Nagbibiro nga lang 'yong tao, Gwin. Para ka namang hindi pa sanay—"

"Kaya nga namisaha dahil hinahayaan ko. At ikaw, wala kang paki' kahit asarin niya ako ng todo! Ngayon nga lang, imbes na ako ang kampihan mo. Ang gagong 'yon pa ang concern mo!"

"Alangan namang ikaw? Ikaw nga 'yong nanapak. Ikaw ang nakasakit. Paano na lang ko'ng makarating ito sa kanila Mommy at Daddy? Hindi ka nag-iisip, Gwin!" sermon niya. Hila niya pa rin ako.

Huminto ako at hinablot ang kamay ko. "Bakit ka ba galit? Ako naman ang pagagalitan nila, hindi ikaw. 'Tsaka, masama ba'ng ipagtanggol ko naman ang sarili sa sira-ulong 'yon? Higit sa lahat, hindi ko kasalanan kung naubos ang pasensya ko!"

"Pwede mo naman sanang kausapin lang o hindi kaya, gumanti ka ng asar. Sinapak mo kaagad! Para ka talagang hindi babae," umiiling niyang sabi.

Nadukot ko ang tainga sa narinig. Lihim na lamang akong natawa. Hindi nga pala talaga babae ang tingin niya sa akin.

"Oo na, hindi na nga ako babae kumilos. Kaya ko nga sinapak 'yon at hindi sinabunutan!" pabalang ko'ng sabi.

" 'Yang utak mo talaga—" Natiim niya ang bibig at hindi na tinuloy ang sasabihin. "Hindi ko naman sinabi na hindi ka babae. Pero sana kumilos ka naman na parang babae," giit niya.

"Umalis ka na nga. Puntahan mo na ang girlfriend mo," putol ko sa bangayan namin.

" 'Yan ka, ayaw mo'ng mapagsabihan. E, 'di sana kumilos ka ng tama para iwas sermon!"

"Alam mo naman pala. Kaya tumahimik ka na!" Tinulak ko na siya. Ayoko nang pakinggan ang sermon niya.

"Hindi pa tayo tapos!"

"Tapos na!" sikmat ko at kaagad na tumakbo papunta sa parking.

"Gwin, anong nangyari?" takang tanong ni Tonyo. Hawak ko kasi ang kamay ko'ng nabali yata dahil sa pagsapak ko kay Brent.

Hindi ako tumugon. Nanatili lang ako'ng nakatingin sa kamay ko'ng kumikirot. First time ko kaya manapak ng taong sira-ulo. Ang sakit pala sa kamay.

"Sino ba kasi ang sinapak mo at namaga 'yang kamay mo?" tanong niya. Hawak na nito ang kamay ko at hinaplos-haplos.

"Hindi kasi nag-iisip. Akala yata bakal ang kamay niya," biglang singit ni Fred, sabay hablot sa kamay ko'ng hawak ni Tonyo. "Padaloslos kasi, ito ang napala mo," dagdag pa nito.

Pareho kaming hindi naka-imik ni Tonyo. Nagkatinginan pa nga kami sandali saka napatingin naman ako sa kamay kong hawak pa rin ni Fred.

"Tonyo, hatid mo na si Gwin sa bahay. Tatawag na lang ako kapag magpapasundo ako," utos nito sa driver.

"Opo, Sir," tugon ni Tonyo at pumasok na sa kotse.

"Sige na Fred, lumakad ka na. Baka ma late ka pa sa date mo," may diin ko'ng sabi. Hinablot ko na rin ang kamay ko at kaagad na ngang pumasok sa kotse.

"Tara na Tonyo," matamlay ko'ng sabi matapos ikabit ang safey belt.

Kita ko pa rin si Fred mula sa side mirror. Hawak na nito ang cellphone. Mukhang kausap na niya si Mitch—ang beloved girlfriend niya.

"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko, Gwin? Sino ba ang sinapak mo?" tanong ni Tonyo habang nagmamaneobra ng kotse. Napatingin ako sa kanya sandali.

"Si Brent," tugon ko sabay ang muling paglingon sa gawi ni Fred. Pero wala na siya sa kinatatayuan niya. Malamang pumunta na 'yon sa usapan nilang lugar ni Mitch.

"Bakit mo kasi pinatulan? Alam mo naman kung gaano ka kulit ang lalaking 'yon. Sakit sa kamay tuloy ang napala mo."

"Mas nasaktan naman siya! Dugo ang ilong niya," maangas ko'ng sabi.

"Iba ka talaga. Ang tapang," natatawang sabi ni Tonyo. "Pero tingnan lang natin kung uubra ba iyang tapang mo kapag kaharap mo na ang mga amo natin," ngising sabi nito.

Natigil ang usapan namin ni Tonyo nang tumunog ang cellphone ko. Matamlay ko iyong dinukot sa bag.

"Lagyan mo ng yelo ang kamay mo pagdating sa bahay." Minsahe galing ni Fred ang natanggap ko.

"Okay," tugon ko sa mensahe niya.

Kaagad akong nagbihis pagdating namin sa mansyon. Kailangan ko munang gawin ang trabaho ko bilang katulong sa mansyon, bago ko naman aasikasuhin ang mga takdang aralin ko.

"Gwin, pinatatawag ka ng mga amo natin," salubong sa akin ni Nana Puring—katiwala ng pamilya Calderon. "Puntahan mo na lamang sila sa study," dagdag ni Nana Puring.

Natiim ko sandali ang mga mata ko. Ito na 'yon. Ang kinatatakutan ni Fred na umabot sa mga magulang niya ang ginawa ko.

"Okay po, Nana Puring," matamlay ko'ng tugon.

Usad pagong ang lakad ko pa punta sa study. Hindi rin matigil ang pagkamot ko sa ulo. Alam ko nga kasi na malalang sermon ang maririnig ko mula sa mga magulang ng best friend ko.

"Magandang gabi po," yuko-ulo ko'ng bati sa mga magulang ni Fred. Pinagsiklop ko ang mga palad sa harap ko. Ang bait ko nga tingnan. Parang hindi nakasapak ungas.

"Ano ang ikinaganda ng gabi?" Si Ma'am Leanne ang nagsalita. Mommy ni Fred. "Ang bait mo naman ngayon, pero no'ng sinugod mo si Brent, para ka'ng lumaki sa kanto!"

Natiim ko ang bibig. Ito na nga ang sinasabi ni Fred. Siguradong kaagad makakarating sa mga magulang niya ang ginawa ko kanina. Kahit pa man hindi sila madalas nagpupunta sa school. Lahat ng mga kaganapan tungkol sa amin ng Anak nila ay naka-monitor.

"Sorry po," pabulong ko'ng paghingi ng paumanhin. Nanatili pa ring yuko ang ulo ko. Ayoko kasing makita ang matalim na mga mata ni Ma'am. Nakakatakot.

"Ano ba ang pumasok sa utak mo, Gwin at ginawa mo 'yon? Ka babae mo'ng tao, siga kung kumilos!" Si Sir Franco naman ang nagsalita—Daddy ni Fred. Ang bigat ng boses nito na parang pumupukpok sa ulo ko.

"Naubos po ang pasensya," halos pabulong ko pa ring tugon. "Sorry po."

"Naubos ang pasensya? Paano kaya kung ang pasensya namin ang maubos, Gwin? Hindi ka nag-iisip. Ano ang silbi ng pagpapaaral namin sa'yo? Wala ka naman palang natutunan. Maski ang kumilos ng tama hindi mo pa magawa," talak ni Ma'am Leanne.

Pero kahit naman anong talak ang gawin nila. Hindi ko naman magawang magdamdam. Karapatan nila na pagsabihan ako dahil sila nga ang nagpapasweldo at nagpapaaral sa akin. Gulo ko, gulo din nila kasi nasa poder nila ako. Sila ang tumatayong guardian ko.

Carry ko pa naman ang sermon nila. Hindi pa kasi sila umabot sa maximum level. Hindi kasi nila nabanggit si Nanay.

"Ayusin mo ang gulong ginawa mo, Gwin. 'Tsaka 'wag ka sa amin humingi ng sorry. Doon ka humingi ng sorry sa taong sinapak mo! Ilong pa talaga ang pinuntariya mo!" sikmat na naman ni Ma'am Leanne. "

"Opo, pasensya na po ulit," yuko ulo ko pa ring sabi.

"Magtrabaho ka na," sikmat nito. Buti na lamang at hindi na masyadong nagsalita si Sir Franco. Tutok na tutok kasi sa harap ng laptop.

Mabagal ko'ng tinungo ang pinto palabas ng study matapos magpaalam.

"Mabuti naman at hindi ka natagalan sa loob," kaagad na sabi ni Nana Puring, pagpasok ko sa kusina.

"Short session lang po kasi ang ginawa namin ngayon, Nana Puring," ngisi ko'ng tugon.

"Sige na, tumulong ka na sa paghiwa ng mga gulay nang matapos ka na kaagad at makapag-aral ka pa." Inabot niya sa akin ang mga gulay na hihiwain ko.

Tahimik ko'ng ginawa ang trabaho. Umalis na rin kasi si Nana Puring, matapos magbigay ng utos sa mga kasama ko. 'Yon lang naman kasi ang trabaho niya. Ang masiguro na maayos ang trabaho namin at nasusunod ang gusto ng mga amo.

Nang matapos ako sa ginagawa, kaagad na rin akong kumain at pumasok na kaagad sa kwarto. Finals nga namin. Ang dami ko pa'ng projects na gagawin at marami pa'ng ere-review.

Hindi naman kasi ako gaya ni Fred na matalino. Pero kahit paano, wala naman akong bagsak. Kailangan ko lang talagang mag-aral ng maigi para kahit paano hindi ako ikakahiya ng mga amo ko.

Napangiti ako habang tinitipa ang huling salita sa laptop ko. Tapos na rin sa wakas ang project ko. Saktong maghating gabi na. 'Di bale kung puyat, natapos ko naman lahat.

Nag-unat pa ako sandali bago humiga. Pero siya namang pagtunog ng cellphone ko. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang pangalan ng caller. Si Fred.

"Hello, Fred ..." matamlay ko'ng sabi. Antok na nga kasi ako.

"Hoy, Fred, ano ba?" tanong ko. Hindi kasi ito nagsasalita. "Kung wala ka naman palang sasabihin, hindi ka na sana tumawag," pagtataray ko.

"Kainis ka naman, e!" Nakamot ko na ang ulo ko. "Alam mo ba kung ano'ng oras—" Natigil ang pagtalak ko nang marinig ang impit nitong pag-iyak.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
salamat po(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
goodnovel comment avatar
Genelyn Beker
Wow ganda nang story gusto balik balikan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 3

    Hindi ko na nagawang magbihis ng maayos-ayos na damit, kaagad na akong umalis ng mansyon na walang ibang nakakaalam kun'di ang mga guard lang. Hindi ko na rin kasi ginising si Tonyo, hating gabi na nga. Mainit na nga ang ulo ng mga amo ko kanina dahil sa ginawa ko. Heto at ang anak naman nila ang nahibang dahil sa katangahan sa pag-ibig. Ayoko nang dagdagan ang inis nila. Hindi ako mapakali habang sakay ng taxi. Nasa Calderon Hotel lang naman kasi siya. Hotel na magmamay-ari nila. Mabuti na lang at may nakuha pa akong taxi sa ganitong oras. "Manong paki bilis naman po, emergency po," paki-usap ko sa driver. Ang tindi ng kabang nararamadaman ko. Sa lahat ng away nila Fred at girlfriend nito, ngayon ko lang narinig na umiyak siya ng gano'n. Matinding iyak na akala mo ay katapusan na ng lahat. Kaya hindi ko mapigil ang mag-alala. Alam ko nga, kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. First girlfriend niya kasi. Dream girl niya. High school pa lamang kami ay crush na niya si Mitch. Gin

    Huling Na-update : 2023-04-06
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 4

    "Gwin, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala," untag sa akin ni Beth. Kaklase ko. "Umayos ka nga, kanina pa nakatingin sa'yo si Prof," dagdag pa nito. Nasa harap na rin ang tingin niya.Tumikhim ako at umayos sa pag-upo. Ilang linggo na nga akong ganito, laging wala sa sarili, laging lutang, hindi mapakali, at hindi maka-fucos sa klase. Pati sa trabaho ko ay madalas na rin akong sablay. Lagi na nga akong napapagalitan ni Nana Puring. At alam kong nagtataka na sila gaya ni Beth. "That's all for today, class. Happy weekend." Napangiti ako. Sa isang oras na klase, iyon lang ang narinig ko na sinabi ng aming Professor. Mabuti na lang at patapos na rin ang semister. Sigurado kasi na lalagapak ang mga grades ko dahil maski ang mag-aral ay hirap na rin ako. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Matamlay kong niligpit ang mga gamit ko. "Ano ba talaga ang problema mo, Gwin? Palagi ka na lang wala sa sarili. Hindi ba't nagka-ayos na naman kayo ni Brent? Bakit lutang ka pa rin?" su

    Huling Na-update : 2023-04-12
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 5

    "Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok. Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang? Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip."Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook. "Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi. Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored? "Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din. Baka may nasabi s

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 6

    Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili. Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo. "Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagt

    Huling Na-update : 2023-04-15
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 7

    Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag

    Huling Na-update : 2023-04-18
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 8

    "Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin

    Huling Na-update : 2023-04-19
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 9

    "Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam

    Huling Na-update : 2023-04-20
  • My Best Friend's Baby   Kabanata 10

    Kumalampag ang dibdib ko sa tanong ng Anak ko, pero hindi ko hinayaang madaig ako ng kaba. Kaagad akong nag-isip nang ma idadahilan. Lumapit ako sa kanya. Lumuhod sa harap niya para magpantay kami. Hinaplos ko ang pisngi niya at nakitingin na rin ako sa larawang hawak niya at ngumiti. "Sana nga, Anak. Sana siya ang Daddy mo pero hindi." Mahinang tawa ang tumapos sa kasinungalingang sinabi ko. Malungkot na sulyap ang tugon ng Anak ko, at bumaling muli ng tingin sa larawan. Nalulungkot ako para sa kanya pero wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling dahil bunga lang naman siya ng isang pagkakamali. Hindi nga alam Papa niya na nag-e-exist siya sa mundong 'to. "Then why are you hugging him, hindi naman pala siya ang Papa ko?" Parang maiiyak ang boses nito na lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Ngumiti ako at sinuklay-suklay ang buhok niya, saka ko siya niyakap. "Yakap ko siya dahil idol ko kasi 'yan noon," turo ko ang larawan ni Fred. "Really?" Nangungusap ang maluluha niyang

    Huling Na-update : 2023-04-21

Pinakabagong kabanata

  • My Best Friend's Baby   Special Chapter

    "Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun

  • My Best Friend's Baby   Wakas

    Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 119

    Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 118

    Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 117

    Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 116

    "Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 115

    "Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 114

    THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 113

    Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant

DMCA.com Protection Status