"Gwin, I really need your help. Please naman oh, pumayag ka na. Huli na talaga 'to, promise."
Hindi kaagad ako sumagot sa pakiusap ng lalaking kaharap ko, na walang ka hiya-hiya na humarap sa akin na tuwalya lang ang suot. Sa bagay, bakit naman siya mahihiya? Bukod sa guwapong mukha at dimples na pamatay, katawan niya ay talagang makatulo laway at kahimas-himas. Siya si Fredrick Calderon—my best friend. Ang lalaking lubos na pinagpala. Nasa kanya na kasi ang lahat, pati ang pagiging tanga—tanga pagdating sa pag-ibig. Totoo nga yata ang sinasabi ng karamihan na ang matalino, bobo pagdating sa pag-ibig. "Gwin…" paawa niyang tawag sa pangalan ko, at hinawakan ang kamay ko. Walang ka kurap-kurap na tumitig sa akin na parang tuta na nagpapa-cute."Heto ang pera, make sure na 'yong pinakamagandang bulaklak ang bilhin mo ha."Napanganga ako. Sira-ulo dinaan ako sa lambing at matamis na ngiti. Sinadya niya talanga na ilabas ng dimples niya na alam niya na siyang kahinaan ko. Pero hindi pa rin ako nagsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa pera na nilagay niya sa palad ko. Talagang walang kadala-dala 'tong best friend ko. Ilang beses na kasi siyang nasaktan at harap-harapang niloloko ng pinakamamahal niya, pero sige pa rin ang loko. Mahal nga raw kasi niya. Kung hindi ba naman siya bobo't tanga. Kahit anong untog ko sa ulo niya, talagang walang silbe. Pero ano nga ba ang laban at magagawa ko? Best friend niya lang ako. Kahit pagbaliktarin pa ang mundo, talagang hanggang do'n lang ang papel ko sa buhay niya. Ang totoo, nakaka-turn on din naman talaga ang pagiging tanga niya. Siya lang kasi ang kilala kong lalaki na ang tindi magmahal. Lahat kayang gawin para sa babaing mahal, kahit pa hindi naman siya mahal. " 'To naman si Gwin oh. Alam mo naman, sixth month anniversary namin ngayon. Nagkataon na finals natin, ang dami ko pang projects na dapat tapusin—""Paki' ko ba sa month anniversary n'yo?" mataray kong sabi pero pabulong. Saglit siyang natahimik at sumimangot. "Wala na kasi akong panahon na makapaghanda ng surprise for her. Kahit sa flower man lang ay mapasaya ko siya," paawa na naman niya, sabay ang paghawak sa kamay ko. Ang higpit. Kulang na nga lang ay halikan niya 'yon o 'di kaya lumuhod sa harap ko. "Oo na, tumigil ka na sa kangangawa mo, sakit na sa tainga." Hinablot ko ang kamay ko at humalukipkip. Sinamaan ko rin siya ng tingin. "Siguradahin mo lang na talagang huli na 'to dahil sa susunod, hindi na talaga kita pagbibigyan kahit lumuhod ka pa!" pagtataray ko.Tumango siya ng paulit-ulit. Kumislap ang abuhin na mga mata na lalong nagpapatingkad ng kagwapuhan niya. Kita din ang perpekto at mapuputi nitong mga ngipin. "Thank you, Gwin! You really are my saviour." Pinisil niya ang pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit. Sandali akong nanigas. Napakurap pa ako ng paulit-ulit. "Bitiwan mo nga ako—baka makalimutan kong mag-best friend tayo at mapatos kita," biro ko, pero tinulak naman siya kaagad at tumalikod. Naka-topless nga lang kasi siya, bagong ligo. Tumutulo pa nga ang tubig mula sa basa at kulot niyang buhok. Hindi man lang siya nangimi na yakapin ako. Sira din 'to talaga. Katatapos lang kasi ng practice nila. Ewan ko ba rito sa lalaking 'to at dito pa talaga ako pinapunta sa locker room. Hindi yata talaga babae ang tingin nito sa akin. Mabuti na lang at wala na ang ka team niya. Kun'di puro kantyaw na naman ang inabot ko. "Patos ka r'yan. Hindi nga tayo talo," bulong niya, sabay ang malokong tawa. Ang sarap din niyang sapakin pero hindi ko na magawang lumingon. Nakaramdam na naman kasi ako ng kakaiba ng kakaiba nang dumikit ang basa niyang balat sa katawan ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Dati naman kahit magdikit pa ang mga katawan at nguso namin. Kahit magtabi kami sa kama magdamag habang yakap ang isa't-isa. Talagang wala lang. Walang malisya. Pero ngayon, ewan. Maya maya ay napatingin ako sa hawak kong pera. Limang libong peso, para lang sa bulaklak na malalanta rin naman. Buti sana kung deserve ng babaing pagbibigyan pero hindi. Katangahan nga nitong best friend ko. Kung binili niya lang sana 'to ng pagkain, nabusog pa siya o 'di kaya ay binigay niya na lang sa akin. Dagdag ipon din 'to, sakaling palayasin ako sa pamamahay nila, may pera akong magagamit.Hindi naman kasi ako mayaman. Anak lang ako ng katiwala nila sa bahay. Matagal nagserbesyo ang Nanay ko sa pamilya nila bago siya kinuha ng Diyos. Bilang pasasalamat sa magandang serbisyo ni Nanay, kinupkop nila ako at pinag-aral sa paaralan na pagmamay-ari nila. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. BSEd ang kinuha ko na kurso. Noon pa kasi, gustong-gusto ko nang magturo. Si Fred ay graduating na sa kursong Business Management. Siya nga kasi ang tagapagmana ng business nila, kaya ngayon pa lang ay hinahasa na siya ng mga magulang niya sa pamamalakad ng kompanya nila. Itong paaralan na pinapasukan namin ay isa lang pagmamay-ari nila. May hotel pa sila.Wala na kasing ibang ginagawa ang mga magulang niya kundi ang magpayaman ng magpayaman. Pero hindi naman nila napapabayaan si Fred. Saksi ako kung gaano nila ka mahal ang best friend ko. Pati nga ako ay naambunan ng kaunting pagmamahal galing sa kanila. Ang taray ko nga, parang anak mayaman din, utusan lang pala nitong si Fred. Pero hindi naman talaga niya ako tinuring na utasan. Nagpupumilit lang akong gawin ang trabaho ko, kahit ayaw niya. Kaya lang, itong utos niya na pagbili ng bulaklak para sa girlfriend niya ay hindi ko talaga gusto. Alam niya 'yon. Kaya nga todo ang pakiusap niya. Alam niya rin na hindi ko gusto ang girlfriend niya na mald¡ta na nga, maland¡ pa. "Sige na Gwin, lumakad kana." Lumingon ako nang magsalita siya. "Kita na lang tayo mamayang ala-sais sa library," sabi niya kasabay ang paatras na lakad palapit sa locker niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin, at saka ay napabuntong-hininga kalaunan. Nang hindi na siya lumingon ay saka na ako nagsimulang humakbang palabas ng locker room. Dapat ay uuwi na ako ngayon, nautusan pa. Ano ba ang magagawa ko? Utusan naman talaga ako. "Gwin, uwi ka na?" nakangiting tanong ni Tonyo, driver ni Fred. Halos magka-edad lang din kami. Anak din naman kasi siya ng dating driver ng mga Calderon. Matanda na ang Tatay niya, kaya siya na ang pumalit. "Hindi pa Tonyo, may bibilhin pa ako. Itong mga gamit ko, gusto nang umuwi kaya hatid mo na lang sila," bungisngis ko. Dapat kasi, ihahatid niya muna ako sa mansyon, saka naman niya babalikan ang boss niya.Nakakahiya na nga, pwede naman akong mag-commute, pero ayaw ng mga magulang ni Fred. Kailangan ko raw umuwi agad matapos ang pasok ko. Kung mag-commute pa ako, mababawasan pa ang allowance ko. 'Tsaka babae nga raw ako, delikado kung gabihin ako sa daan."Ikaw talaga puro ka kalokohan," umiling-iling na sabi ni Tonyo. "Ano ba ang bibilhin mo? Hatid na lang kita." '' 'Wag na, baka matagalan ako at hanapin ka ni Fred. May date pa naman 'yon mamaya. Baka nga, ipapasundo pa sa'yo 'yong girlfriend niya." Kasabay ng pagsasalita ko ay ang pabagsak na pagsara ko sa pinto ng kotse. Ewan, hindi ko talaga mapigil na hindi mainis sa tuwing maiisip ang babaing kinababaliwan ni Fred."Galit ka?" may himig panunuksong tanong ni Tonyo."Hindi, napakalas lang ang pagsara." Nag-iwas ako ng tingin pero bumakas pa rin ang irita sa boses ko. "Oo, napalakas nga, kasi galit!" Hinarap niya ako at nakakalokong ngumisi. Sarap din sapakin ng lalaking 'to. "Ewan ko sa'yo! Makaalis na nga." Irap ang iniwan ko kay Tonyo, mapang-asar.Dahil sa wala naman akong makitang pinakamagandang bulaklak. Bouquet of red roses na lang ang binili ko. Maganda naman kasi lahat sa paningin ko. 'Tsaka, kahit sino naman sigurong babae ang makatanggap ng one hundred pieces of red roses ay siguradong matutuwa. Maliban na lang sa akin. Mas gusto ko pera.Para sa babaing salat sa buhay na tulad ko. Importante sa akin ang pera. Kaya nga ako nagsusumikap. Pinagsabay ko ang pagiging utusan at pag-aaral. Para balang araw, maahon ko rin ang sarili sa hirap at hindi lang aasa sa mga taong tumulong at kumupkop sa akin. Hindi habangbuhay, magiging utusan ako. Agad na akong bumalik sa campus matapos bumili ng bulaklak. Hindi na kasi ako lumayo, may florist naman na malapit dito sa campus, 'tsaka malapit na rin mag-ala sais. Papunta na ako sa library, bitbit ang malaking bouquet ng bulaklak. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Pinagtitinginan kasi ako ng mga kamag-aral ko. Ang kaninang mabilis kong paghakbang ngayon ay unti-unting bumagal."Gwin, ang laki naman niyan. Sino ba ang liligawan mo at talagang sumugod ka pa rito?" nakangising tanong ni Brenton. Kaibigan ni Fred. Kasama niya rin ang iba pa niyang mga kaklse na puro ngisi lang ang ginagawa. Ito lang naman kasing si Brenton ang may lakas ng loob na asarin ako. Napakamot ako ng ulo at tipid na ngumiti. "Sino pa nga ba, e 'di ang best friend ko." Kahit nahihiya ay nagawa ko pa rin na tumugon, sinabayan ko pa ng ngiting aso. "Asa ka pa do'n, alam mo namang baliw 'yon sa girlfriend niya." Diniinan talaga niya ang kada bigkas ng salita. Isa din 'tong bwisit na 'to, nagbibiro nga lang ako. Sinampal ba naman ako ng katotohanan. "Ako na lang kasi ang ligawan mo, kahit walang bulaklak, tayo na agad," bungisngis niya at may pakindat pa. Hindi ko naawat ang pagsalubong ng mga kilay. "Tigilan mo nga ako sa mga hirit mo'ng 'yan, Brent. Mahal ko ang buhay ko. Kapag ikaw pinatulan ko, sandamakmak na konsumisyon ang aabutin ko. Ayokong mapa-aga ang pagkikita namin ni San Pedro." Tinutok ko sa kanya ang hawak na bulaklak.Sumabay naman ang tawanan at kantyaw ng mga kaibigan niya sa sinabi ko. Ang landi kasi ng Brenton na 'to. Lahat sila sa team nila ay puro malalandi. Si Fred lang talaga ang naiiba. Siya lang kasi ang tanga. Mga basketbolista kasi ang mga 'to, kaya pati mga babae, gusto nilang e-shoot sa bulsa. "Gwin," tawag sa akin ng best friend ko na kalalabas lang ng library. Ang lapad ng ngiti. Ang sarap tuloy ihampas nitong bulaklak sa mukha niya. Lalo akong nairita dahil ang saya n'ya."Ayan na ang bulaklak mo!" Diniin ko ang bulaklak sa dibdib niya at kaagad umalis. Tawanan naman ang kasunod kong narinig. Nakagat ko na lang ang labi ko sa inis. "Hoy, Gwin, hintayin mo nga ako. Bakit ka ba galit?" pasigaw niyang tanong. Hindi na ako lumingon pero alam kong nakasunod na rin sila sa akin. Rinig ko nga kasi ang walang tigil na tawanan nila at usapang walang kwenta. "Ano na naman ba ang ginawa mo, Brent?" tanong ni Fred sa mga kaibigan niyang maland¡."Wala akong ginawa," may himig pang-aasar na tugon nito. Hindi pa matigil ang pagbungisngis niya. Mas nakaka-asar lalo. "Wala, tapos biglang nagsungit? Wala ka rin talaga sa ayos, Brenton." " 'Wag nga ako ang sisihin mo, Fred. 'Yang sarili mo ang dapat mong sisihin, kasi ikaw ang wala sa ayos!" "Pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ni Fred. Gusto ko nang sumabat sa usapan nila at supalpalin ang nguso ni Brent. Nagpipigil lang talaga ako. Mapang-asar siyang tumawa. "Kaya galit 'yan si Gwin, ayaw mo raw kasi siyang ligawan!"Awtomatikong nahinto ang paghakbang ko at kaagad nilingon ang sira-ulong si Brenton na ngayon ay dahan-dahan nang naglakad paatras."Gwindelyn..." Taas ang dalawang kamay niya, pero mapang-asar pa rin ang ngiti. "Joke lang 'yon, 'di ka naman mabiro—"" 'Di mabiro? Sira-ulo ka!" Hindi ko na hinayaang matapos ang pagsasalita niya. Kaagad ko na siyang sinugod ng sapak. Tumama ang suntok ko sa ilong niya na nagpadaing at napayuko sa kan'ya. "Gwin—" nasambit niya habang hawak na ang dumudugong ilong. Kaagad lumapit sa kan'ya ang mga kaibigan pero nasa akin lahat ang tingin. "Buwesit ka! Matagal na akong nagtitimpi sa ugali mo," duro ko siya. "Sinagad mo ang pagtitimpi ko!" Akmang susugurin ko na naman siya. Pero hinarang ako ni Fred, sabay sabing "tama na nga, Gwin, nakakahiya!" Hawak na niya ako sa braso. Nilibot pa nito ang paningin sa paligid habang pinipilit akong ilayo mula kay Brent na ngayon ay hindi na makapagsalita. Suntok lang pala ang kailangan para matahimik ang bibig niyang
Hindi ko na nagawang magbihis ng maayos-ayos na damit, kaagad na akong umalis ng mansyon na walang ibang nakakaalam kun'di ang mga guard lang. Hindi ko na rin kasi ginising si Tonyo, hating gabi na nga. Mainit na nga ang ulo ng mga amo ko kanina dahil sa ginawa ko. Heto at ang anak naman nila ang nahibang dahil sa katangahan sa pag-ibig. Ayoko nang dagdagan ang inis nila. Hindi ako mapakali habang sakay ng taxi. Nasa Calderon Hotel lang naman kasi siya. Hotel na magmamay-ari nila. Mabuti na lang at may nakuha pa akong taxi sa ganitong oras. "Manong paki bilis naman po, emergency po," paki-usap ko sa driver. Ang tindi ng kabang nararamadaman ko. Sa lahat ng away nila Fred at girlfriend nito, ngayon ko lang narinig na umiyak siya ng gano'n. Matinding iyak na akala mo ay katapusan na ng lahat. Kaya hindi ko mapigil ang mag-alala. Alam ko nga, kung gaano niya kamahal ang babaeng 'yon. First girlfriend niya kasi. Dream girl niya. High school pa lamang kami ay crush na niya si Mitch. Gin
"Gwin, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala," untag sa akin ni Beth. Kaklase ko. "Umayos ka nga, kanina pa nakatingin sa'yo si Prof," dagdag pa nito. Nasa harap na rin ang tingin niya.Tumikhim ako at umayos sa pag-upo. Ilang linggo na nga akong ganito, laging wala sa sarili, laging lutang, hindi mapakali, at hindi maka-fucos sa klase. Pati sa trabaho ko ay madalas na rin akong sablay. Lagi na nga akong napapagalitan ni Nana Puring. At alam kong nagtataka na sila gaya ni Beth. "That's all for today, class. Happy weekend." Napangiti ako. Sa isang oras na klase, iyon lang ang narinig ko na sinabi ng aming Professor. Mabuti na lang at patapos na rin ang semister. Sigurado kasi na lalagapak ang mga grades ko dahil maski ang mag-aral ay hirap na rin ako. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Matamlay kong niligpit ang mga gamit ko. "Ano ba talaga ang problema mo, Gwin? Palagi ka na lang wala sa sarili. Hindi ba't nagka-ayos na naman kayo ni Brent? Bakit lutang ka pa rin?" su
"Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok. Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang? Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip."Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook. "Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi. Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored? "Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din. Baka may nasabi s
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili. Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi. Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo. "Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagt
Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis. Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari. Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko. Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nag
"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne, ang pagmamadali. Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nakaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred. "Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi. Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya, pabalik sa hotel. "Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo, nando'n na sila Ma'am at Sir," sabi ko. Dala na rin ang pagtaboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa. Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi," bilin pa nito. Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakita. Nagkunwari akong nagtitipa ng minsahe. Para umalis na rin
"Aling Taning, nakita n'yo ho ba si Widmark?" tanong ko sa aming land Lady, habang sinusuot ang sapatos ko. "Ay oo, Gwin, kalalabas lang. Tinanong ko nga kung bakit mag-isa siya—" "Widmark, talaga! Pasaway," inis kong sabi, ngunit may pag-aalala naman. "Ang bagal mo raw kasi kumilos, kaya una na lang daw siya," natatawang sabi ng matanda. "Sige po, maraming salamat," sabi ko, saka nagmamadaling sinundan si Widmark—Ang Anak ko. Walong taon na ang lumipas, mula noong umalis ako sa mansyon. Dala-dala ang lihim na nangyari sa amin ng best friend ko. Akala ko, tuluyan ko nang kakalimutan ang lahat. Magsisimula na ako lang mag-isa. Pero hindi iyon ang nangyari. Nabuo nga kasi ang Anak ko—Anak namin ng best friend ko. "Widmark!" tawag ko sa kanya. Takbo lakad na rin ang ginawa ko, mahabol lang ang pasaway kong Anak. Mabuti na lang at huminto naman. Sumandal pa sa pader, at pinag-ikes ang mga paa. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi man sila magkamukha ng ama niya, mga galawan nam
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
"Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.
THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang
Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant