Sa araw ng kaniyang kasal, biglang nawala si Carie at kinalaunan ay idineklarang patay. Subalit paglipas ng dalawang taon, muli siyang magbabalik na mas mayaman, mas malakas, at mas matapang dahil asawa na siya ng bilyonaryo na kinatatakutan ng lahat. Buo ang isip niyang pagbayarin ang mga taong umapi sa kaniya at bawiin ang lalaking dapat sana ay pinakasalan niya, subalit hindi madali iyon dahil sarili niyang pamilya ang kaniyang kalaban. Kahit binabalot ng galit at paghihiganti ang puso ni Carie, isang lalaki ang mananatili sa kaniyang tabi- si Leon. Leon Marquez- ang lalaking pinagkakatiwalaan ng pinakamayamang pamilya sa buong Asya. Isusugal niya ang buong buhay at trabaho alang-alang sa babaeng humihingi ng kaniyang tulong. Magpapanggap siyang mister ng asawa ng kaniyang amo habang nagtatago ito, ngunit hindi sinasadyang iibig siya kay Carrie. Gamit ang taglay na karisma, gwapong mukha, at mala-adonis na katawan; aakitin niya ang misis ng kaniyang boss. Ngunit hindi sapat ang pagmamahal niya sa mapanlinlang na tadhana. Baon ang sakit sa inaakalang kataksilan, lalayo si Carie at kamumuhian din siya nito. Hanggang sa magtagpo ang landas ni Leon at ng isang batang lalaki. Tatawagin siya nitong daddy. Matanggap kaya ni Leon ang anak na hindi niya nakikilala? Magawa kaya niyang ipaglalaban ang kaniyang mag-ina kung ang tingin ng iba ay isa lamang siyang NOBODY?
View MoreNanginginig ang mga laman ni Carie habang pinapanood niya ang pagbaba ni Donya Elizabeth sa mamahalin at bagong-bago nitong limited edition na kotse. Hindi siya mahilig sa mga sasakyan pero alam niyang dalawang piraso lang ng nasabing unit ang mayroon sa buong Pilipinas. Hindi naman magkandaugaga si Leon sa pagbukas ng pintuan para sa kaniyang amo. "Where is our visitor? Tell Miss Monte Allejo to visit me in my office. We need to talk," utos ni Donya Elizabeth. Nag-close-open si Carie ng mga kamay niya. Kahit nasa silid niya ang dalaga ay dinig niya ang boses ng donya at hindi siya mapakali lalo na at alam niya ang dahilan kung bakit ito nasa San Simon. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Carie. Ipinaalala niya sa sarili na isa siyang Monte Allejo. Oo at mas mayaman sa kanila ang mga Devanadera, hindi naman nagkakalayo ang estado nila sa buhay. Isa pa, wala siyang dapat katakutan. Simula kasi nang namatay ang kaniyang ina, dinanas niya na ang hirap na hindi aakal
Binigyan ni Donya Elizabeth ng isang linggo si Carie para makapagdesisyon. Hindi naman makapagpasya ang dalaga dahil hindi pa rin nawawala ang takot niya sa halimaw na si Wayne. Dalawang araw na siyang nag-iisip ng tamang gawin pero wala naman siyang maisip dahil batid niyang tanging ang kasal nila ni Wayne Devanadera ang pwede lang makatulong sa kaniya. Nang ikatlong araw, humingi si Carie ng papel at ballpen. Agad naman siyang binigyan ng katulong kahit nagtataka ito kung saan gagamitin ng dalaga ang hiningi nito. Pabalik na sana si Carie sa silid niya nang naalala niya si Leon na noon ay lumuwas ng Manila para gawin ang utos ng amo nitong si Donya Elizabeth. "Manang, dumating na po ba si Leon?" tanong ni Carie sa mayordoma ng mansion. "Wala pa po, ma'am. Nag-aalala na nga ako dahil baka pinagalitan na naman siya ni Donya Elizabeth." "Madalas po ba siyang pagalitan?" "Oo. Matigas din kasi ang ulo ng isang iyon. Palagi na lang dinadalaw ang mga magulang niya kahit hindi si
Isang matatag na dalaga ang nakaupo sa malawak na dining area ng mansion ng mga Devanadera. Kaharap niya sa hapag ang gwapong si Leon Marquez na nakasuot lang ng kulay grey na sando at malambot na kulay black na short. Mataman siyang nakikinig sa kwento ng binata. "A new update about you, Carie, will be out soon. Are you ready?" tanong ng binata sa dalaga. "Hihintayin ko na lang," matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Carie. "Tumawag pala si Ma'am Elizabeth. Pumayag na siyang mag-stay ka rito pansamantala." Umaliwalas ang mukha ni Carie nang narinig niya ang sinabi ni Leon. Ang kaninang pilit na ngiti ay napalitan ng totoong saya. "Talaga? Hindi ba siya nagalit?" masiglang tanong ng dalaga. "Hindi." "Thank you. Don't worry, sanay ako sa gawaing bahay. Tutulong ako sa mayordoma, sa mga katulong, at maging sa hardinero." "Hindi ka inoobliga ni Ma'am Elizabeth na gawin ang mga gawaing bahay," ani ni Leon. Halatang nagulat siya sa sinabi ni Carie dahil bisita ito sa mansi
Habang nakaupo si Carie sa napakalawak na hardin sa mansion ng mga Devanadera, may isang pares ng mga mata ang lihim na nakatingin sa kaniya. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng dalaga at pinag-aaralan din niya ang ekspresyon nito. "Carie Monte Allejo, welcome to my paradise," bulong ni Wayne sa sarili. Kinapa niya ang kaniyang dibdib. His heart is beating so fast. Nakararamdam siya ng excitement na noon niya lang naramdaman sa buong buhay niya. Ang binatang twenty-five years old ay ilang taon nang hindi nakikita ng lahat. Ang tawag sa kaniya ng mga tao ay halimaw dahilan para lalo siyang magtago. He was eight years old nang nangyari ang malagim na aksidente na kumitil sa buhay ng kaniyang mga magulang. Ang nasabing pagsabog din ng kanilang kotse ang dahilan para ma-deform ang dati ay cute niyang mukha. Lumabas sa mga dyaryo at telebisyon ang nangyari sa kaniya at simula noon ay itinago na siya ni Donya Elizabeth. Ginawa iyon ng kaniyang lola hindi lang para protektahan siya laban
Nagsigawan ang lahat nang narinig nila ang isang malakas na pagsabog sa hindi kalayuan sa simbahan at hotel. Ang mga tao ay nagkani-kaniyang takbuhan sa hindi malamang direksyon. Umiiyak ang mga bata na dapat sana ay ring bearers at flower girls sa kasal. Pilit naman silang pinatatahan ng kani-kanilang mga ina. Natutop naman ng mga babae ang kanilang mga bibig at lahat ay na-shock sa narinig nila. “What is happening?” kunwari ay tanong ni Josh. “Does anyone have any idea where my wife might be at this very moment?” Ngunit ang mga mata niya ay hindi makapagsisinungaling na tuwang-tuwa siya sa nangyayari. "Well done, men," bulong ng isip niya. Isang sulyap ang ipinukol niya kay Lexie na agad namang nakuha ng dalaga. “Sumabog daw ang bridal car na sinasakyan ni Carie,” malakas na sabi ng isa sa mga lalaking principal sponsors ng magnobyo. Hawak pa niya ang kaniyang cellphone na nangangahulugan na galing sa tumawag sa kaniya ang balita. “What? Is my daughter okay?” hysterical na tano
Araw ng kasal ng isa sa heredera ng pinakamayaman na pamilya sa Sta. Barbara. Halos buong bayan ay nagdiriwang. Napakaraming media ang nagkalat sa buong lugar para i-cover ang event lalo na at dadalo sa okasyon na iyon ang mga sikat na artista, mamamahayag, pulitiko at mga businessmen ng bansa. Si Leon ay nasa Sta. Barbara rin bilang representative ni Elizabeth. Hindi kasi makadadalo ang bilyonarya dahil may conference itong dadaluhan sa Australia. Hindi nito isinama si Leon dahil ang binata ay maraming kailangang gawin bukod pa ang pag-attend sa kasal ng isang Monte Allejo. Katulad ng karamihan sa mga bisita, sa hotel na pagmamay-ari ng mga Monte Allejo tumuloy ang binata. May naka-reserba na suite doon para sa kaniya. Thankful siya kay Elizabeth dahil nararanasan niya ang mga bagay na iyon sa kabila ng kaniyang mga suliranin na wala pang katiyakan ang kasagutan. Dahil hapon pa naman ang kasal nina Josh Mondrado at Carie Monte Allejo, pinili ni Leon na magpalakad-lakad muna sa bu
Maingay na busina ng mga sasakyan at napakatinding traffic ang nagpainit ng ulo ni Carie Monte Allejo. Pinakakabog din noon ang dibdib ng bente-singko anyos na anak ni Don Emil. Siya ang panganay sa dalawang magkapatid subalit hindi niya ramdam na parte siya ng pamilya.Carie started to hold the plastic bag full of groceries. Wala na siyang choice kung hindi ang bumaba sa jeep na sinasakyan niya at magmadali pauwi ng kanilang mansion. Kahit almost three kilometers pa iyon mula sa kaniyang posisyon, kailangan niyang gumawa ng paraan para umabot sa oras na itinakda ng kaniyang mommy. "Kuya, sandali lang po," saad ni Carie. "Bababa na po ako rito." "Ineng, malayo ka pa sa sinabi mong bababaan mo," sabi ng driver. "Kailangan ko pong makauwi bago magtanghalian. Magtatanong na lang po ako sa ibang tao," wika ng dalaga sabay tayo. Napailing na lang ang matandang driver na kanina lang ay pinakiusapan ni Carie na ibaba siya sa tapat ng gate ng Monte Allejo Mansion. Ang dalaga ay lakad-takb
"Magandang araw! Narito na ang pinakabagong balita tungkol sa The Missing Bride. Ayon sa mga imbestigador na may hawak ng kaso, ang nawawalang tagapagmana ng Monte Allejo na tinaguriang The Missing Bride ay patay na! Natagpuan ang bangkay ni Carie Monte Allejo sa isang bakanteng lote, malapit sa hotel kung saan siya huling nakita. Sunog na sunog ang kan'yang katawan." Kinuha ni Leon ang remote at pinatay ang tv. Sinulyapan niya ang babaeng nakaupo ng tahimik sa couch na nasa gitna ng living room. "You're now dead sa mata ng mga tao. Paano ka pa babalik sa pamilya mo?" tanong ni Leon sa dalagang walang kaemo-emosyon man lang. "Hahayaan ko silang isipin na patay na ako. Mas mabuti iyon para madali akong makapaghiganti. Pwede mo ba akong tulungan, Sir? Any help na ibibigay mo ay hindi ko tatanggihan." Saglit na nag-isip si Leon. Umupo siya sa katapat na upuan ni Carie. Tiningnan niya ang maamong mukha ng dalaga. Ngumiti siya ng ubod tamis. "Let's see what I can do. Kakausapin ko mun
"Magandang araw! Narito na ang pinakabagong balita tungkol sa The Missing Bride. Ayon sa mga imbestigador na may hawak ng kaso, ang nawawalang tagapagmana ng Monte Allejo na tinaguriang The Missing Bride ay patay na! Natagpuan ang bangkay ni Carie Monte Allejo sa isang bakanteng lote, malapit sa hotel kung saan siya huling nakita. Sunog na sunog ang kan'yang katawan." Kinuha ni Leon ang remote at pinatay ang tv. Sinulyapan niya ang babaeng nakaupo ng tahimik sa couch na nasa gitna ng living room. "You're now dead sa mata ng mga tao. Paano ka pa babalik sa pamilya mo?" tanong ni Leon sa dalagang walang kaemo-emosyon man lang. "Hahayaan ko silang isipin na patay na ako. Mas mabuti iyon para madali akong makapaghiganti. Pwede mo ba akong tulungan, Sir? Any help na ibibigay mo ay hindi ko tatanggihan." Saglit na nag-isip si Leon. Umupo siya sa katapat na upuan ni Carie. Tiningnan niya ang maamong mukha ng dalaga. Ngumiti siya ng ubod tamis. "Let's see what I can do. Kakausapin ko mun...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments