Si Ashley, nagising na lang isang araw na mahal na niya ang kanyang brother in-law. Asawa ng kanyang kapatid, hindi lang basta kapatid, kung hindi sarili niyang kakambal. Guilty and at the same time ay nasasaktan sa tuwing sweet ang mag-asawa ngunit wala siyang magawa dahil wala siyang karapatan. Alam niyang hindi niya pag-aari ang kanyang bayaw kaya naman nakukuntento na lang siya sa nakaw na sandaling pinagsasaluhan nila. Hanggang saan aabot ang kataksilan nila? Ano ang gagawin niya kung malaman niya na hindi pala totoo ang lahat ng pinaniniwalaan niya?
View MoreAshynIsang linggo pa ang lumipas matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Sandro. Kahit hindi siya makapaniwala na hindi ako ang tunay na Ashley ay unti unti na rin niyang tinanggap iyon ng maluwag sa kanyang kalooban.Nanatili pa rin ako sa condo at patuloy lang din sa pagsusulat. Nabuksan ko na rin ang isang writer account ko matapos kong sikaping marecover ang aking email account dahil hindi ko pa rin matandaan ang password ko. Password. Dahil doon ay mas nakumpirma ko nang matagal ng alam ng kambal ko ang lahat lalo at alam niya ang password dito sa condo na siya ang tunay na may-ari.Patuloy ako sa pagsulat dahil ito ang talagang alam kong trabaho ko na lingid sa kaalaman nila Marco, Ashley at ng mga magulang ko noon. Hindi naman sa mapaglihim ako, sadya lang hindi ako mahilig magkwennto at isa pa, nahihiya akong ipaalam sa kanila iyon dahil hindi naman ako talaga confident sa ginagawa ko.Naalala ko na dahil sa hiya kong sabihin sa kanila ang tungkol dito ay sinabi ko na lang na
Note: Ang POV po ng kambal ay ang mga original na po, remind ko lang para po hindi kayo malito. Salamat.AshlynGusto ko mang puntahan sa hospital si Ashley para kamustahin ay hindi ko na ginawa. Sa paglipas kasi ng mga araw ay lalo ko lang naiisip na may alam siya sa lahat na hindi ko naman din matanggap dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya.“Ash, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Sandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko sure kong nakakahalata na siya na marami na akong naaalala, hindi naman din kasi siya nagtatanong. “Oo naman, bakit naman magiging hindi?” tanong ko na sinamahan ko pa ng bahagyang ngiti.Lately ay lalong naging madalas ang pagtambay niya dito sa unit ko. Ang sabi niya ay wala namang masyadong ginagawa sa office niya.“Napapansin ko lang na masyado kang tahimik. Baka kako kung ano na ang naiisip mo dahil sa unti unting pagbalik ng alaala mo.”“Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ko ang sarili ko at kahit papaano ay may takot naman ako sa Diyos kaya h
MarcoIsang linggo na sa hospital si Ashlyn at hindi pa rin siya nanganganak, pero sabi ng doktor ay any time soon ay lalabas na nga ang aming baby.Sa buong linggong iyon ay sinikap kong maging attentive sa kanya. Desidido na akong magsimulang muli, alang-alang sa magiging anak namin at sa ikatatahimik ni Ashley.Napansin ko namang ang pagiging masaya ng asawa ko kaya naisip ko na tama na talaga ang ginagawa ko.Tanghaling tapat, habang kumakain kami ni Ashlyn ng lunch ay bigla niyang nabanggit ang kakambal.“Hindi man lang nagpupunta ‘yon, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Kumusta na kaya ang kambal ko?”Mukhang malungkot siya ng tignan ko at halos hindi manguya ang pagkaing nasa bibig niya. Nag-aalala siguro dahil kagaya ng sinabi niya ay hindi na nga namin nakita si Ashley pagkatapos ko siyang dalin dito.“Baka naman busy lang,” simpleng tugon ko sabay tingin sa aking kinakain. Ayaw kong may makita pa siyang ibang expression sa mukha ko na maaaring magsimula ng isipin niya.“Sana
MarcoNapapansin ko ng sinisikap ng asawa ko na huwag akong mapalapit or makalapit sa kakambal niya.Sa tuwing susubukan ko, kagaya ng sa kanina ay bigla na lang itong may nararamdaman. At isa lang ang maaaring dahilan kung bakit. Alam niya kung anuman ang namamagitan sa amin ng kapatid niya.Ang tanong, bakit hindi niya kami kinumpronta? Ipinilig ko ang aking ulo at tiningnan ang natutulog na ngayong asawa ko.Sinadya ba niyang hindi kami sitahin dahil alam na niyang pipiliin ko ang kakambal niya?Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa anak namin. Nasa tiyan pa lamang ay makakaharap na sa pagkasira ng aming pamilya.Sumandal ako sa couch at pumikit. Kung si Ashley ang nakahiga sa hospital bed na yon ay sigurado akong hindi ako aalis sa tabi niya.Speaking of Ashley. Kamusta na kaya siya? Sobra ang sakit ng kanyang ulo siguro dahil napansin ko ang pagluluha ng kanyang mga mata. Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin at baka sakaling kahit papaano ay mabawasan ang sakit.Ngunit
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon. “Okay po,” tugon ng doktor b
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
Ashley“Hmm… ang bango bango mo sweetheart.” ang sabi ni Marco habang sige ang pagsimsim niya sa aking leeg habang sarap na sarap naman ako. Feel na feel ko ang ginagawa niya habang gumagapang ang kanyang mga kamay sa aking katawan lalo na sa aking mga dibdib. Ang mga maliliit na koronang nasa tuktok ay marahan din niyang nilalaro na nagbibigay ng ibayong ligaya sa akin lalo na kung medyo ipi-flick niya iyon. “I miss you so much sweetheart, sana huwag ka ng aalis ng ganon katagal.” Ang sabi pa niya sabay tingin sa akin. Sinalubong ko naman ang kanyang mga mata at tsaka nakangiting sinabi “I just buy some groceries Marco,” lagi na lang siyang ganyan. Kapag nasa bahay ito ay hindi ako pwedeng umalis. Ang gusto niya ay lagi niya akong nakikita at ganun din naman ako.“Kahit na, let the maids do it instead.” Ang sagot niyang akala mo ay bata sa pagmamaktol. Nasa office niya kami. Isa iyong spare room sa bahay at ginawa niyang office dahil dati ay madalas siyang mag-uwi ng trabaho. Isa pa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments