Mahuhuli na ba sila?
Mature ContentAshley“Are you not done yet?” Ang tanong ni Ashlyn na makapasok na ito ng silid. Magpapaalam lang sana ako kay Marco na aalis bukas at kasama na rin nga ang paglalambing. Akala ko ay tulog na ang kapatid ko kaya hindi ko inaasahang bigla itong dadating. Maaga kasi itong matulog, ayaw niyang napupuyat dahil bumabawi sa bawat araw na may trabaho ito.“I'm done. Papunta na nga ako sa kwarto natin eh.” Narinig kong sagot ni Marco na hindi ko mapigilang masaktan. “Let's go.” Sabi pa niya. “Wait,” Pigil dito na Ashlyn na nagpakaba sa akin. “How long has it been ng huling may mangyari sa atin dito?” Ang tila nang-aakit na sabi pa niya na ikinapikit ko. Gusto ko sanang makita ang reaksyon ni Marco ngunit hindi ko magawang sumilip man lang dahil sa takot na baka makita ako ng kakambal ko.“Are you not sleepy yet?” Tanong naman ni Marco. “Hindi pa naman. Actually, I was waiting for you na bumalik na sa ating silid.”“Then let's go.”“Uhm… Can we, you know..” Ang tugon naman ni
AshleyNakita kong nagdilim ang mukha ni Marco pagkasabi ko noon. Nawala ang ngiti ng kanyang mga labi at mataman niya akong tinitigan. “Go back to your room and sleep. Magpapanggap akong hindi ko narinig ang mga salitang iyan.” sabi niya.“Marco,”“I said, go back to your room.” Ang tila nauubusang pasensiya niyang putol sa gusto kong sabihin. Napahinga ako ng malalim dahil wala talaga akong lakas ng loob para makipagtalo sa kanya.“We will talk about this again, Marco. And sana, pag-isipan mo ito ng mabuti.” ang sabi ko na naging dahilan ng pagtingin niya na sa akin ng masama kaya naman para hindi na kami magtalo pa ay tinalikuran ko na siya para bumalik sa aking silid at ipagpatuloy ang aking pagtulog.Nang magising ako ay wala na si Marco at ang maaliwalas na mukha ni Ashlyn ang sumalubong sa akin. Paanong hindi eh nadiligan siya kagabi? “Hi, sis. Mukhang napuyat ka ah, ngayon ka lang natanghali ng husto ng gising,” ang puna niya. Nginitian ko siya bago niyakap ng mahigpit. “Wow, w
AshleySimula ng makilala ko si Lance ay nagkaroon ako ng panibagong pag-asa. Hindi ko pinaalam kay Ashlyn ang tungkol sa kanya dahil ayaw ko ding makarating kay Marco iyon. Sobrang seloso ito at baka kung ano pa ang gawin niya ay mahirap na. Hindi naman sa iniisip ko na sisitahin niya ako at hahayaan niyang malaman ng kakambal ko ang tungkol sa amin, gusto ko lang na matahimik kami. Hindi ko rin maiwasang maisip ang boyfriend ko, rather, ex-boyfriend dahil malamang sa malamang ay break na kami kaya nawalan na rin ito ng pakialam sa akin. Inisip ko kung anong klase siyang lalaki. Kung siya ba ang nakakuha ng aking virginity. Matatanggap ko naman iyon kung sakali dahil sabi nga ni Lance ay mahal na mahal ko iyon at nagmamahalan kami ng time na yon. “A penny for your thoughts, sweetheart?” Ang sabi ni Marco bago ako hinalikan sa aking pisngi. Hindi na ako nakailag kaya naman mabilis akong tumingin sa paligid. Sunday at nasa poolside kami at any time ay pwedeng may makakita sa amin. “Th
MarcoI can't believe that Ashley has been keeping a secret from me. For the last two weeks I was feeling restless. Pakiramdam ko ay iniiwasan at tinataguan niya ako. I stopped asking someone to look into her more than a month ago dahil pakiramdam ko naman ay hindi din niya matitiis na malayo sa akin kaya alam kong hindi niya ako iiwan. But an incident earlier made me feel threatened. I was about to leave when I heard her talking on her phone. Wala namang kaso doon dahil parang natural lang ang usapan nila. Kaya lang ay narinig kong binaggit niya ang pangalan ng kanyang kausap at iyon ay walang iba kung hindi Lance. I don't know him personally at hindi ko na nga lang sana papansinin kaya lang ay bigla akong may naalala. Bagong kasal lang kami non ni Ashlyn at bumisita si Ashley sa bahay. Hinayaan kong magkwentuhan ang magkakambal dahil alam ko naman kung gaano sila ka close.Iinom ako ng tubig at napadaan ako sa sala ng marinig kong sabihin ni Ashley, “Alam mo naman kung gaano ko kag
Ashley“Hey, I’m sorry about that.” Sabi ni Ashlyn na mukhang nag-aalala. “May problema lang siguro sa company kaya ganun.” dagdag pa niya habang matamang nakatingin sa akin habang hindi ko naman alam kung saan ko ipapaling ang aking paningin dahil sa pagkakunsensya ko. Hindi ba niya narinig ang sinabi ni Marco? Nag-aalala na talaga ako na baka nakakatunog na siya sa nangyayari sa amin ng asawa niya.“Okay lang,” ang mahina kong sabi. “Pwede bang iwan mo muna ako?”“Please, huwag kang magalit kay Marco. Hindi man niya gusto na dito ka nakatira iyon ay dahil gusto lang niyang magkasarilinan kami. Isa pa, pasensya ka na dahil mukhang ikaw ang napagbubuntunan niya ng sama ng loob dahil sa out of town ko.”“Anong ibig mong sabihin?”“Kanina lang kasi ay nagtalo kami ng magpaalam ako sa kanya na aalis. Nagalit siya dahil lagi na lang daw akong nasa labas at sinabi na baka daw kaya ko ipinilit na tumira ka dito ay para mapagtakpan ang lagi kong pagkawala.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
Ashlyn Hindi ako bulag para hindi mapansin ang mga tinginan nila Marco at aking kakambal. Pero wala din akong lakas ng loob na sitahin sila. Alam ko na may pagkakamali din ako dahil hinayaan kong mangyari ito. Ako, higit sa lahat ang may kasalanan dahil ako ang nagpatira sa amin sa kapatid ko. Ayaw kong tuluyan akong iwan ni Marco para tuluyan silang magsama kaya tinitiis ko ang lahat. Sa tuwing nasa bahay ako at may nangyayari sa kanila ay kailangan kong tiisin at pigilan ang aking sarili na kumprontahin sila. May pakiramdam akong hindi magdadalawang isip si Marco na makipaghiwalay sa akin kapag nagkataon. Noong una ay hindi ko pinapansin ang mga ilang na tinginan nila, pero ng maamoy ko ang pabango ng kakambal ko sa damit ni Marco ay naghinala na ako. Hindi naman ako nagkamali dahil totoong may nangyayari na nga sa kanila. Kaya naman pinilit kong magkaroon ng time para kay Marco. Iniwasan ko ang madalas na pag-alis at madalas na rin akong nangangalabit sa kanya. Totoong ayaw kong
WARNING!! MATURE CONTENT!! Marco Nasaktan ko na naman ang babaeng mahal ko. Hindi ko akalain na malalaman niya ang nangyari sa amin ni Ashlyn sa aking mini office. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao at kahit na gusto ko siyang sundan kanina at samahan ay hindi ko na nagawa dahil na rin sa pagka kunsensyang naramdaman ko. Dumiretso na lang ako sa aking company at nagtrabaho. Pinigilan ko rin ang sarili kong contact-in si Ashley dahil gusto kong bigyan siya ng oras para makapag-isip din na alam kong siya niyang gagawin. Pero hanggang doon lang yon, if ever she comes up with leaving and breaking up with me, I am not going to let that happen. Masyado ko siyang mahal para pakawalan. Maghapon ay nag focus ako sa aking trabaho at hindi ko rin mapigilan ang manaka nakang pagtawag sa akin ni Ashlyn na hindi naman niya dating ginagawa. Hindi ko malaman kung bakit parang hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagkakaba. Paano kung may alam na siya tungkol sa amin ng kakambal niya? Hindi naman
AshleyHindi na ako umuwi at nag stay na lang ako sa isang hotel para sana makapag-isip ng mabuti. Wala naman talaga akong binili, dahil wala naman din akong kailangan maliban kay Marco. Si Marco na mahal ko at mahal din daw ako pero hindi kailanman hindi magiging akin at hindi magiging kami ng legal. Masakit ang katotohanang iyon, pero nilalakasan at tinitibayan ko ang aking kalooban.Umuwi ako ng bahay bandang hapon, yung siguradong wala na si Marco. Hindi ko kakayaning makita silang sweet ng kakambal ko dahil napapadalas na rin ang paninikip ng dibdib ko dahil na rin sa relasyong tinatago ko.Paakyat na ako ng second floor para pumunta sa aking silid ng makita ako ng isa sa mga katulong. “Ma’am Ashley, nandyan na po pala kayo. Pinasasabi po ni Ma’am Ashlyn na kung dumating ka daw po ay puntahan nyo po siya.”“Ganon ba?” ang tanong ko. “Nasaan siya?”“Kanina po ay nasa entertainment room ko siya nakita, hindi ko lang po alam kung hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya. Baka po nasa k
Marco“Ashlyn,” mahina kong tawag na may halong pagsusumamo at pang-unawa. Nanlaki ang kanyang mga mata. Kita ko sa ekspresyon niya ang gulat na tila hindi makapaniwala na tinawag ko siya sa pangalang iyon."B- Bakit mo ako tinatawag ng ganyan? Hindi porket magkamukha kami ay pwede mo ng-"“I know,” sabi ko para awatin siya at pahintuin sa kung anumang sasabihin niya. Pinipigilan ang panginginig ng tinig ko. “Mahirap paniwalaan. But believe me… ikaw si Ashlyn. Ikaw ang asawa ko.”“A-Anong sinasabi mo?” tanong niya, kita ang kaba at kalituhan sa kanyang mukha. Kunot ang kanyang noo, at ang mga mata niya’y nakatitig sa akin na tila ba sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo.Alam ko na magiging mahirap itong paniwalaan. Isang taon na mahigit kaming may relasyon at inakala na bawal ang aming pagmamahalan dahil sa pag-aakalang siya si Ashley, ang kakambal ng aking asawa na si Ashlyn.Pero tapos na ang lahat ng pagpapanggap. Dalawa kaming naging biktima ng kasinungalingan ni Ashley.“I’m tell
MarcoExcited akong pumunta ng Nueva Ecija. Nasiguro na ng detective na inuupahan ni Andy na nandoon nga si Ashlyn, ang tunay na Ashlyn, ang aking asawa. Ang inakala kong si Ashley noon.Madilim pa lang ay nagmaneho na ako palabas ng Maynila. Gusto ko, sa pagputok pa lang ng araw, makita ko na siya. Alam kong wala pa siyang naalala, pero handa akong ipaliwanag ang lahat. Sigurado ako, mauunawaan niya kung bakit ganoon kalakas ang hatak namin sa isa't isa dahil kami talaga ang nakatadhana. Kami ang tunay na mag-asawa.Pinarada ko ang sasakyan sa kabilang kalsada, eksaktong katapat ng bahay na tinukoy ng detective. Bungalow-style iyon, may konting elevation, parang simpleng tahanan ng isang tahimik na pamilya. Bukas ang pintuan, pero nakasarado ang screen door, animo'y nag-aanyaya pero may bahagyang pag-iingat.Huminga ako nang malalim. Pinatay ko ang makina, bumaba ng sasakyan, at dahan-dahang naglakad papasok sa gate na naiwan pang nakabukas. Napakunot ang noo ko. Hindi man lang ba sil
AshlynHindi naging madali para sa akin ang lahat. Lalo na noong mga unang araw ko rito sa Cabiao, mga araw na puno ng lungkot, pangungulila, at pagtatangkang kumawala sa nakaraan.At lalo na noong tinangka ni Sandro na magkaroon kami ng espesyal na relasyon.Naalala ko pa ang araw na 'yon. Nasa loob ako ng kanyang sasakyan, habang paikot-ikot kami sa mga kalye ng bayang ito, sinusubukang iwasan ang bigat ng katahimikan."Alam mo..." bungad ni Sandro ng tumigil kami sa gilid ng kalsada, "hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako agad."Tumingin ako sa kanya, hindi alam kung paano sasagutin ang mga salitang 'yon."Pero sana... bigyan mo ako ng pagkakataon," dagdag niya, mahina pero puno ng pag-asa.Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang marahan niyang paghawak sa kamay ko. At bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, naglapat ang aming mga labi. Isang halik na puno ng pag-aasam at pag-ibig na ako lamang ang tanging pinagmumulan.Nadala man ako ng halik niya, ng init at pangungulila ay
AshlynIlang buwan ang mabilis na lumipas. Sa bawat paggising ko, unti-unti kong natutunang yakapin ang bagong buhay dito sa Cabiao. Unti-unti ko ring natutunang ngumiti, kahit pa sa likod ng mga ngiting iyon ay may nakatagong kirot.Si Sandro, hindi kailanman sumuko. Patuloy niya akong dinadalaw kung weekends at holidays, dinadala ng walang sawa ang mga paborito kong prutas at ang hindi mawawalang mainit na kape. Kahit ilang ulit ko siyang tinanggihan, kahit ilang beses ko siyang pilit na itinulak palayo, lagi pa rin siyang bumabalik na tila isang ilaw na hindi matitinag sa gitna ng bagyo."Ashlyn," malumanay niyang sabi minsan, habang iniabot ang isang supot ng suman. "Hindi ko hinihiling na mahalin mo ako... Gusto ko lang na nandito ako, kung sakaling kailanganin mo."Napapikit ako noon, pilit na itinatago ang luhang gustong kumawala. Hindi ko siya kayang paasahin. Hindi ko siya kayang gawing panakip-butas. Hindi patas at mas lalong hindi iyon makatarungan para sa kanya.Alam ko kun
Third PersonLumipas pa ang ilang araw, ngunit hindi man lang nagparamdam si Ashley kay Marco. Kahit ang kamustahin ang kanilang anak ay hindi nito ginawa.Although alam na niya na ginamit lamang nig babae ang kanilang anak upang mapasunod siya sa gusto nito at mahawakan sa leeg ay umasa pa rin siya na pahahalagahan ni Ashley ang kanilang anak.Ngunit dahil din doon ay naisip ni Marco na maaaring wala na talagang balak pang kunin ni Ashley ang kanilang anak sa kanya. At kung sakali naman na bigla na lang lumitaw ang babae, ay alam naman niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat upang hindi mapunta sa kakambal ng asawa ang kustodiya ng kanilang anak.Dahil dito, mas lalo niyang pinag-igihan ang imbestigasyon. Nagtalaga siya ng mga tauhang susubaybay sa bawat kilos ni Ashley, umaasang matutuklasan at makakakuha siya ng ebidensyang pwede niyang magamit sa korte kung sakaling ipaglaban niya ang karapatan sa kanilang anak.Isang hapon, habang abala si Marco sa pagbubuklat ng makakapal
Third Person“Anong sinasabi mo, Marco? Nababaliw ka na ba?” tanong ni Ashley, sinikap na magmukhang inosente kahit na binabalot na ng kaba ang kanyang puso. Ramdam niya ang malamig na pawis na bumabalot sa kanyang likuran. “Ito na ba ang naisip mong paraan para lang magkaroon kayo ng relasyon ng kakambal ko?”Matalim ang tingin ni Marco, parang punyal na dumudurog sa katahimikan ng silid.“Manahimik ka!” sigaw ng lalaki, dahilan upang mapaigtad si Ashley. Tumindig ang balahibo niya sa galit na naririnig sa boses nito. Nakakuyom ang mga kamay ng lalaki, nanginginig sa pagpipigil. Para bang isang saglit na lang ay sasabog na ito. Bagay nna ayaw niya pa ring mangyari dahil iniisip niya na kapatid pa rin ito ng babaeng mahal niya.Kita ni Ashley ang apoy sa mga mata ni Marco na tila hindi na ang lalaking minahal niya noon. Iba na ito. Punong-puno ng poot at pagkasuklam.“Hindi mo na ako madadaan sa pag-arte mo. Buking na buking ka na. Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman sa pagpapal
MarcoTila mababaliw na ang itsura ng babaeng inakala kong asawa ko sa mga oras na ‘yon. Para siyang naghihingalo sa sariling mga kasinungalingan at pilit pa ring nagpapatuloy sa pag-arte, pero unti-unti nang lumalabas ang tunay na anyo niya.Hindi ko na talaga siya makita bilang si Ashlyn. Malinaw na sa ‘kin ngayon, hindi siya ang babaeng pinakasalan ko. Hindi siya si Ashlyn.Kinabahan akong iwan si Asher sa bahay na si Rere lang ang kasama. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Ashley. Kaya kahit na tambak ang trabaho sa opisina, pinili kong manatili sa bahay.Nag-uusap kami ni Andy sa phone, at sa email ko na lang niya ipinapasa ang mga dokumentong kailangann ko at nangangailangan ng atensyon ko. Hindi ako komportable, pero mas importante ang kaligtasan ng anak ko.Pinili kong umiwas kay Asher. Masakit, oo. Pero kailangan. Kung sakaling magtanong si Ashley sa sinumann sa mga kasambahay kung kumusta kami ng bata, gusto kong marinig niyang wala akong amor sa anak na hin
MarcoNa-guilty ako sa anak ko dahil sa mga sinabi ko sa nanay niya. Ayaw ko kasing gamitin ng babae ang bata para lang mapasunod ako sa gusto niya. Naisip ko na kung magpapanggap akong naghihinala sa paternity ni Asher ay mag-iisip siya ng ibang paraan at hahayaan niyang maiwan sa akin ang bata.Ama ako at mahal na mahal ko ang aking anak. Kahit na hindi ang tunay kong asawa ang kanyang ina ay galing pa rin siya sa akin kaya handa akong protektahan siya sa kahit na anong pwedeng makasakit sa kanya.Si Ashley ang nanay niya, pero sigurado akong walang amor ang babaeng ‘yon sa anak namin lalo at ginamit lamang niya iyon upang hindi ako tuluyang makipaghiwalay sa kanya.Ngayon mas naging maliwanag sa akin ang lahat. Kaya niya ginawa ang bagay na ‘yon ay dahil sa alam na niya ang nangyayari sa amin ng kambal niya. Dahil hindi nga siya ang tunay kong asawa ay nagpanggap siyang walang alam. Habang ang tunay na Ashlyn ay alalang alala sa kanya at sobrang nagi-guilty dahil sa inakala niya– na
“Marco, may out of town ako pero sisikapin kong makabalik agad.” Nasa dining table kami at nag-aagahan. Tumingin sa akin ang lalaki ngunit wala namang sinabi kaya naman nilambing ko na siya.“Marco, promise sisikapin kong makabalik agad.”“Do whatever you want to do. Wala na akong pakialam the moment na pinili mo ang pagtatrabaho.”“Marco naman, pagtatalunan na naman ba natin ito? Nag-usap na tayo, hindi ba?” tanong ko.“At sinabi ko na sayo, go but we’re done.”“And what do you mean by that?” galit kong tanong. “Ito ba ang ginagamit mong dahilan para makipaghiwalay sa akin?”“Rere, pakidala muna ang bata sa kwarto niya.”“Sige po, Sir.” Agad na umalis ang yaya bitbit si Asher na titig na titig sa amin.Magsasalita na sana ako ng tuluyan ng makaalis si Rere pero naunahan na ako ni Marco.“Leave. Hindi kita pipigilan. And if you’re thinking na ginagawa ko itong dahilan para makipaghiwalay sayo, sige totoo nga.”“Marco!” sigaw ko. Wala silang komunikasyon ni Ashlyn kaya imposibleng ang k