Mukhang palaban si Ashlyn.See you sa next chapter.
WARNING!! MATURE CONTENT!! Marco Nasaktan ko na naman ang babaeng mahal ko. Hindi ko akalain na malalaman niya ang nangyari sa amin ni Ashlyn sa aking mini office. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao at kahit na gusto ko siyang sundan kanina at samahan ay hindi ko na nagawa dahil na rin sa pagka kunsensyang naramdaman ko. Dumiretso na lang ako sa aking company at nagtrabaho. Pinigilan ko rin ang sarili kong contact-in si Ashley dahil gusto kong bigyan siya ng oras para makapag-isip din na alam kong siya niyang gagawin. Pero hanggang doon lang yon, if ever she comes up with leaving and breaking up with me, I am not going to let that happen. Masyado ko siyang mahal para pakawalan. Maghapon ay nag focus ako sa aking trabaho at hindi ko rin mapigilan ang manaka nakang pagtawag sa akin ni Ashlyn na hindi naman niya dating ginagawa. Hindi ko malaman kung bakit parang hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagkakaba. Paano kung may alam na siya tungkol sa amin ng kakambal niya? Hindi naman
AshleyHindi na ako umuwi at nag stay na lang ako sa isang hotel para sana makapag-isip ng mabuti. Wala naman talaga akong binili, dahil wala naman din akong kailangan maliban kay Marco. Si Marco na mahal ko at mahal din daw ako pero hindi kailanman hindi magiging akin at hindi magiging kami ng legal. Masakit ang katotohanang iyon, pero nilalakasan at tinitibayan ko ang aking kalooban.Umuwi ako ng bahay bandang hapon, yung siguradong wala na si Marco. Hindi ko kakayaning makita silang sweet ng kakambal ko dahil napapadalas na rin ang paninikip ng dibdib ko dahil na rin sa relasyong tinatago ko.Paakyat na ako ng second floor para pumunta sa aking silid ng makita ako ng isa sa mga katulong. “Ma’am Ashley, nandyan na po pala kayo. Pinasasabi po ni Ma’am Ashlyn na kung dumating ka daw po ay puntahan nyo po siya.”“Ganon ba?” ang tanong ko. “Nasaan siya?”“Kanina po ay nasa entertainment room ko siya nakita, hindi ko lang po alam kung hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya. Baka po nasa k
AshleyAlam ko na marupok ako, pero anong magagawa ko, mahal ko talaga ang lalaking ito. Para ngang wala na rin akong takot dahil kahit na alam kong nandyan lang sa silid nila si Ashlyn ay heto ako tumutugon sa halik ng asawa niya.Hindi kami nakuntento lang sa halikan at tuluyang nagpakalunoy sa kasalanan. Mahal na mahal ko si Marco, anong magagawa ko? Paano ko iiwasan ang isang taong parang siyang kumukumpleto at nagpapaikot ng mundo ko?“I’m really sorry, sweetheart. I know. I am such a jerk and walang kapatawaran ang kasalanan ko sayo. She spiked my juice kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko ng bigla niya akong halikan.” Paliwanag niya, na nag paluwag ng aking kalooban. Bakit? Dahil hindi niya kailangang magpaliwanag dahil sa katotohanang asawa niya si Ashlyn. At hindi ko rin masisi ang kakambal ko kung gawin man niya ang ginawa niya, at ngayon ako naniniwala na hindi na talaga gusto ni Marco na may mangyari pa sa kanila ng kapatid ko.“I’m sorry kung hindi rin ako umuwi kagab
AshleyLumipas pa ang mga araw at naging okay naman kami ni Marco. Si Ashlyn ay umaalis pa rin para sa kanyang trabaho at nakikita kong masaya naman siya, naisip ko tuloy na baka pinapanay nila ni Marco ang– hay naku, erase, erase. Ayaw kong isipin iyon.Nag concentrate na rin ako sa aking pagsusulat lalo at napaka ganda na ng kinikita ko. May mga fans na rin ako na madalas nagko-comment sa bawat story ko at masaya akong makipag-inter-act sa kanila. Gusto ko sana na gumawa ng social media account para sa writing career ko kaya lang ay gusto ko ng pribadong pamumuhay. Pero baka, hindi ko masabi, lalo na at nakakatuwang mabasa ang mga mensahe ng aking mga readers. Ngayon kasi ay pati romance novels ay pinatos ko na. Pero patuloy pa rin ang collaboration ko sa isang artist at okay rin ang kita ko sa w*******s ko.Tatlong linggo pa ang mabilis na lumipas at wala kaming nagiging problema, medyo nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nagkaroon ako ng buwanang dalaw. Hindi sa ayaw kong magkaan
Marco Nagpaalam si Ashley na pupuntahan daw ang condo na naalalan ni Ashlyn. Ayaw ko sanang payagan dahil may kailangan akong asikasuhin sa office at hindi ko siya masasamahan, kaya lang ay mapilit siya. Dahil para sa ikatatahimik niya iyon at palagay ko naman ay para sa kanya din iyon ay pumayag na ako basta ba madadatnan ko na siya sa bahay. Yun nga lang ay hindi ganon ang nangyari. "Hi," ang bati ni Ashlyn. Ngiting ngiti ito at tila napakasaya kaya naman napaisip akong bigla dahil baka may binabalak na naman ito. No, hindi ko dapat hayaang may mangyari na naman sa amin dahil pagkatapos ng gabing iyon na may inilagay siya sa juice ko ay sinikap ko talaga na hindi na maiputok sa loob niya sa tuwing namimilit itong may mangyari sa amin. Talagang pinipilit kong bunutin agad may pagkakataon nga lang na may nailabas na ako dahil sa paghila at pagpigil niya sa gusto kong gawin. Kapag sinusubukan kong mag condom ay nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya, tinanong pa niya ako kung may ib
AshleyUmalis sila at naiwan akong nakatunganga, alam kong pasunod sa akin si Marco pero dahil sa pagdaing ni Ashlyn ay napatigil ito at mas pinili ang samahan siya. Naiintindihan kong nag-aalala siya para sa baby at sa kambal ko, pero hindi ko maiwasan ang masaktan dahil alam kong lalo na akong magiging second option lang pag lumabas na ang baby.Nagpunta na nga ako sa aking silid at nagmukmok habang hinihintay ang pagbabalik nila. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang sakit para sa pagdating ng baby. If only I was pregnant too, but I’m not. Nagmukmok lang talaga ako habang wala pa ang mag-asawa, imbes na magsulat ay mas pinili ko ang lukubin ng takot, kaba at awa para sa sarili ko. May mga tanong na unti unting nagsulputan sa isip ko na hindi ko masagot, or ayaw kong sagutin?May dalawang Linggo pa ang lumipas matapos ang insidente ay nagdesisyon akong umalis ng bahay. “Ash, alis muna ako,” ang paalam ko sa kakambal ko na nasa living room.“Ha? Bakit, saan ka pupunta?” tanong niya bago
MarcoIlang linggo na rin ang lumipas simula ng hindi ko masipot si Ashley at simula din non ay palagi na siyang umaalis ng bahay. Hindi man niya sinasabi kung nasaan siya ay may palagay akong nandoon lang din siya naglalagi sa condo niya. Hindi ko magawang bigla siyang puntahan doon dahil kay Ashlyn. Palagi itong nakatawag sa akin kahit nasa office ako at ayaw ko naman na makipag-usap sa mahal ko ng maya’t maya ay may isang taong umaabala sa amin.Sa totoo lang ay nakokonsensya ako sa nangyari ng araw na iyon at hindi ko mapigilang maalala kung paano ko siyang napaghintay sa wala ng hindi sinasadya.***Nagdadrive na ako papunta kay Ashley ng tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ng asawa ko. Hindi ko sana sasagutin kaya lang ay naalala ko ang kalagayan niya, kahit na hindi ko na siya mahal ay hindi ko rin naman maaaring balewalain ang aming magiging anak. Iba ang pagiging asawa ko sa pagiging tatay.“Yes?” ang tanong kong bahagyang nakakunot ang noo dahil nga alam kon
Marco“Sir?” ang tanong ng assistant kong si Andy ng pumasok ito sa aking opisina ng tinawag ko ito sa aking intercom.“I expected a visitor this morning at hindi siya nakapunta,” ang sabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nag-aalala ako na hindi nakarating si nurse Mika. Hindi ko rin alam kung bakit niya nasabi na baka ipakulong siya eh hindi ko naman siya kilala personally.“Should I look into her po?” tanong ni Andy kaya naman tumango ako at ibinigay sa kanya ang cellphone number ng nurse at ang pangalan pati na rin ang ospital na pinagdalhan ko kay Ashlyn nung sumakit ang tiyan niya. “Sige po sir, I’ll work on this now.”“Salamat,” sabi ko tapos ay lumabas na siya ulit ng aking office. Nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho at bago mag-lunch time ay naka-receive ako ng text mula sa nurse.Mika: Sir, pasensya na po at hindi na ako nakapunta. May emergency po kasi sa bahay.Marco: Ganun ba, sige.Naghintay ako ng reply niya pero wala na akong natanggap. Nagbalik sa nurse ang isip ko at s
AshynIsang linggo pa ang lumipas matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Sandro. Kahit hindi siya makapaniwala na hindi ako ang tunay na Ashley ay unti unti na rin niyang tinanggap iyon ng maluwag sa kanyang kalooban.Nanatili pa rin ako sa condo at patuloy lang din sa pagsusulat. Nabuksan ko na rin ang isang writer account ko matapos kong sikaping marecover ang aking email account dahil hindi ko pa rin matandaan ang password ko. Password. Dahil doon ay mas nakumpirma ko nang matagal ng alam ng kambal ko ang lahat lalo at alam niya ang password dito sa condo na siya ang tunay na may-ari.Patuloy ako sa pagsulat dahil ito ang talagang alam kong trabaho ko na lingid sa kaalaman nila Marco, Ashley at ng mga magulang ko noon. Hindi naman sa mapaglihim ako, sadya lang hindi ako mahilig magkwennto at isa pa, nahihiya akong ipaalam sa kanila iyon dahil hindi naman ako talaga confident sa ginagawa ko.Naalala ko na dahil sa hiya kong sabihin sa kanila ang tungkol dito ay sinabi ko na lang na
Note: Ang POV po ng kambal ay ang mga original na po, remind ko lang para po hindi kayo malito. Salamat.AshlynGusto ko mang puntahan sa hospital si Ashley para kamustahin ay hindi ko na ginawa. Sa paglipas kasi ng mga araw ay lalo ko lang naiisip na may alam siya sa lahat na hindi ko naman din matanggap dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya.“Ash, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Sandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko sure kong nakakahalata na siya na marami na akong naaalala, hindi naman din kasi siya nagtatanong. “Oo naman, bakit naman magiging hindi?” tanong ko na sinamahan ko pa ng bahagyang ngiti.Lately ay lalong naging madalas ang pagtambay niya dito sa unit ko. Ang sabi niya ay wala namang masyadong ginagawa sa office niya.“Napapansin ko lang na masyado kang tahimik. Baka kako kung ano na ang naiisip mo dahil sa unti unting pagbalik ng alaala mo.”“Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ko ang sarili ko at kahit papaano ay may takot naman ako sa Diyos kaya h
MarcoIsang linggo na sa hospital si Ashlyn at hindi pa rin siya nanganganak, pero sabi ng doktor ay any time soon ay lalabas na nga ang aming baby.Sa buong linggong iyon ay sinikap kong maging attentive sa kanya. Desidido na akong magsimulang muli, alang-alang sa magiging anak namin at sa ikatatahimik ni Ashley.Napansin ko namang ang pagiging masaya ng asawa ko kaya naisip ko na tama na talaga ang ginagawa ko.Tanghaling tapat, habang kumakain kami ni Ashlyn ng lunch ay bigla niyang nabanggit ang kakambal.“Hindi man lang nagpupunta ‘yon, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Kumusta na kaya ang kambal ko?”Mukhang malungkot siya ng tignan ko at halos hindi manguya ang pagkaing nasa bibig niya. Nag-aalala siguro dahil kagaya ng sinabi niya ay hindi na nga namin nakita si Ashley pagkatapos ko siyang dalin dito.“Baka naman busy lang,” simpleng tugon ko sabay tingin sa aking kinakain. Ayaw kong may makita pa siyang ibang expression sa mukha ko na maaaring magsimula ng isipin niya.“Sana
MarcoNapapansin ko ng sinisikap ng asawa ko na huwag akong mapalapit or makalapit sa kakambal niya.Sa tuwing susubukan ko, kagaya ng sa kanina ay bigla na lang itong may nararamdaman. At isa lang ang maaaring dahilan kung bakit. Alam niya kung anuman ang namamagitan sa amin ng kapatid niya.Ang tanong, bakit hindi niya kami kinumpronta? Ipinilig ko ang aking ulo at tiningnan ang natutulog na ngayong asawa ko.Sinadya ba niyang hindi kami sitahin dahil alam na niyang pipiliin ko ang kakambal niya?Hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa anak namin. Nasa tiyan pa lamang ay makakaharap na sa pagkasira ng aming pamilya.Sumandal ako sa couch at pumikit. Kung si Ashley ang nakahiga sa hospital bed na yon ay sigurado akong hindi ako aalis sa tabi niya.Speaking of Ashley. Kamusta na kaya siya? Sobra ang sakit ng kanyang ulo siguro dahil napansin ko ang pagluluha ng kanyang mga mata. Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin at baka sakaling kahit papaano ay mabawasan ang sakit.Ngunit
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon. “Okay po,” tugon ng doktor b
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag