Kasalukuyan...
Ashley
Iyon ang naging simula nang aming kataksilan sa iisang babaeng pareho naming mahal. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nagi guilty din si Marco. Maaaring pinaglabanan nya ng husto ang nararamdaman niya para sa akin, kaya mas pinili niya ang magalit kapag kaharap ako.
Hindi sa sinisisi ko ang aking kakambal, pero ang lagi niyang pagkawala ay nagbigay ng pagkakataon sa amin ni Marco. Pakiramdam ko ay hindi rin kayang iwan ng bayaw ko ang kakambal ko dahil nga sa sobrang bait nito. Hindi ko mapigilan ang masaktan kapag naghahalikan sila sa harapan ko. Yes, hindi pwedeng tumanggi si Marco kung ayaw niyang makatunog sa amin si Ashlyn. Kaya naman mas pinili kong manatili na lang sa aking silid kapag pareho silang nasa penthouse, at ngayon nga ay sa bahay na nila.
After ng first time namin ni Marco ay nagdesisyon akong maghanap ng trabaho. Pero pinigilan niya ako dahil mas gusto niya na nasa bahay lang ako kaya nag isip ako na mag freelancing job na lang. At ngayon nga ay novel writer ako. May nakilala ako online na artist at magaling mag drawing at nagpartner kami para sa isang web novel. Yung parang manga pero mga romance story dahil iyon ang isinusulat ko. Ang alam nila ay virtual assistant job iyon and ewan ko ba pero parang hindi naman ako ang tipo ng tao na makwento kaya hindi ko idinetalye pa sa kanila iyon.
“Ashley,” ang tawag ni Ashlyn ng makapasok siya sa aking silid. Kasalukuyan akong nagsusulat at hangga't maaari sana ay ayaw kong maabala.
“Yes?” Ang takang tanong ko. Oo at iniiwan kong hindi naka lock ang pinto. Wala si Marco at nasa kanyang opisina habang wala naman itong pasok na bihirang mangyari.
“It's lunch time, sis. Let's go and eat. Wala na nga si Marco tapos hindi mo pa ako sasabayan.” Ang sagot niyang tila nagmamaktol. “Aalis din ako mamaya for a 3 day trip kaya sana ay sabayan mo ako sa pagkain.” dagdag pa niya. Ang akala ko ay wala itong pasok, yun pala ay kailangan din niyang umalis for another out of town.
“Wala pa akong gana, lagi naman sumasabay sa atin ang mga kasambahay kaya hayaan mo muna na sila lang ang makasama mo ngayon.” Ang sabi ko naman. Yes, kahit sobrang yaman ni Marco ay kasabay naming kumakain ang mga kasambahay kapag wala ang aking bayaw. Ganun ang gusto ni Ashlyn para hindi daw mailang ang mga ito at para daw maisip nila na she treated them as part of our family.
Malapit din naman sa kanya ang mga kasambahay. Madalas nga siyang purihin ng mga ito lalo na kapag wala siya. Madalas kong nauulinigan na kahit nung simula palang ng pagsasama nila ni Marco ay sobrang mabait na ang kakambal ko sa kanila. Dahil doon ay sobrang proud ako sa kanya na nagiging dahilan upang salakayin ako ng guilt at usigin ng aking konsensya.
“Gusto ko kasabay kita, tayo na nga lang ang pamilya dito eh.” Ang sabi pa niya na tila nangungusensya na tumalab naman sa akin. Tumayo ako sa aking kinauupuan, pero bago yon ay siniguro ko muna na nai-sleep mode ko ang aking laptop. Wala namang pumapasok sa aking silid pero ayaw ko kasi na may gumagalaw sa mga personal things ko.
“Halika na nga, para kang bata.” Ang sabi ko na lubos na ikinatuwa niya. “Akala ko ba ay mas matanda ka sa akin, bakit kung umasta ka ay parang bata?” Ang pang aasar ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa hagdan. Humarap pa ito sa akin na tatawa tawa habang nagsasalita.
“Masarap din naman maging bata kung minsan– ay!” Napansin ko na mahuhulog siya sa hagdanan kaya naman mabilis ko siyang sinaklolohan at inabot ang nakaangat niyang kamay na tila iniaabot sa akin. Ngunit bigla siyang napahawak sa balustre ng hagdan at hindi yata napansin ang kamay kong umaabot sa kanya, habang ako naman ay dumiretso sa hagdanan. Dahil sa kagustuhan kong mailigtas si Ashlyn ay sobrang pwersa ng paghabol ko kaya diretso ang pagkahulog ko.
“Ash!!!!” Narinig ko pang tili ng kakambal ko bago ako tuluyang nawalan ng malay matapos kong gumulong pababa.
Masakit ang aking katawan lalo na sa bandang likod ng ako imulat ko ang aking mga mata. Napansin kong nasa aking silid ako at pamaya maya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Ashlyn kasunod si Marco. “How do you feel?” Ang nag aalalang tanong ng aking bayaw.
“I'm really sorry, sis. Sa kagustuhan mong i-save ako ikaw pa ang napahamak.” Ang umiiyak na sabi ni Ashlyn.
“Okay lang. Medyo na out balance din ako.” Ang sagot ko. “Stop crying na dahil hindi mo naman kasalanan ito.”
“Hindi ko pa rin mapigilang sisihin ang sarili ko. I'm too reckless. Hindi dapat ako naglalakad ng patalikod.”
“It's okay. I was there and we were talking happily, hindi natin gusto ang nangyari.” ang sagot ko naman habang iyak na ito ng iyak at naaawa na rin ako.
“May masakit pa ba sayo?” Ang tanong ni Marco.
“Medyo masakit lang ang katawan ko which is natural lang dahil nga nahulog ako. But sa palagay ko naman ay walang nabaling buto.” ang tugon ko para hindi na rin ito mag alala. “Magpapa check up na lang just to make sure.”
“Paano ba yan sis, hindi kita masasamahan. May trabaho ako and I will be gone for 3 days. Hindi bale, mag a-apply na lang ako ng leave.”
“No need, Ash. Sa pakiramdam ko naman ay kaya kong kumilos. Kayong mag asawa do your work, huwag niyo akong intindihin.”
“Bakit mo nasasabi yan? You're injured tapos ayaw mong magpasama.” Ang galit na sabi ni Marco. Alam kong galit siya at ayaw lang niyang ipahalata kay Ashlyn. Hindi ko alam kung bakit ganun kabilis ko siyang nakilala. Madali kong malaman ang pagbabago ng mood niya.
“Ayaw ko lang mag alala kayo sa akin at maabala pa kayo sa mga dapat nyong gawin.” Ang sagot ko naman.
“Kung ayaw mo ay bahala ka.” Ang sabi nito sabay labas ng aking silid. Hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
“I'm sorry for my husband's behavior. Nag aalala lang iyon sayo kagaya ko.”
“Okay lang. Ganito na lang, para mapalagay ka eh di magpapasama na lang ako sa isa sa mga katulong.” Ang suggestion ko sa kanya. Tumango tango naman ito,
“Mas mabuti pa nga para hindi ka nag iisang aalis. At least kahit papaano ay alam kong may mag aalalay sayo.”
“So stop worrying now, okay?”
“Yes sis. And thank you for trying to save me from falling.” Ang madamdaming sabi niya bago ako niyapos. “Hindi ka nakapag lunch kanina and sabi ng doktor ay you can eat na when you wake up. Magpapaakyat na lang ako dito ng pagkain mo.”
“Okay.” Ang tugon kong nakangiti bago siya lumabas muli ng aking silid. Don palang ako nakahinga ng malalim. Sobrang delikado ng nangyari sa akin sa totoo lang. Kung titignan ay napaka tarik ng hagdanan ng mansyon. Laking pasalamat ko at walang nangyaring masama sa akin talaga.
Sa palagay ko naman ay wala talaga dahil ang sakit na nararamdaman ko ay yung parang nabugbog lang. Isa pa sure na tumawag naman ng family doctor si Ashlyn at natignan na ako kaya wala na akong dapat pang alalahanin. Ang pag visit ko sa doktor ay para lang din mapayapa si Marco. Alam kong iyon ang gusto niyang mangyari.
Maya mayang konti ay may dumating na katulong na may dalang tray ng pagkain. “Kamusta po ang pakiramdam nyo Ma'am?” Ang tanong niya.
“Medyo okay naman, Ana.” Ang tugon kong nakangiti. Mabait ito at kasundo ko rin at ang madalas kong kakwentuhan sito sa mansyon.
“Kumain po muna kayo para malamnan ang tiyan nyo.” Sabi niya habang inaayos ang pagkain sa bed table.
“Salamat.” Ang sabi ko at gusto niya pa sana akong subuan pero tumanggi na ako dahil kaya ko naman gawin iyon mag isa kaya pinanood niya na lang ako habang nagkukwentuhan.
Medyo natagalan ako kumpara sa normal na kain ko pero ang mahalaga ay naubos ko. Inayos ni Ana ang pinagkainan ko tsaka siya nag paalam at umalis na.
Naiwan akong nagmumuni sa nangyari kanina. Sobrang natakot ako para kay Ashlyn and that made me realized that I love her. Pero bakit ko nagagawang lokohin siya? Anong mararamdaman niya kapag nalaman niya ang relasyon namin ni Marco na kanyang asawa? Kung ako siguro yon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Pero siguradong magagalit ako kung sakaling magkabaliktad kami ng sitwasyon.
I could see sincerity on her face kapag masaya siya or malungkot para sa akin. She always try to be with me and spend her time with me kapag nandito siya sa bahay at wala si Marco. Lagi niya akong pinapaalalahanan na inumin ang mga gamot ko para daw sabay kaming gumaling. Inuusig ako ng aking konsensya dahil doon. Actually, matagal na. Pero sadyang napaka rupok ko at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Sana po ay magustuhan niyo po itong story ng kambal na sila Ashley at Ashlyn. Pa-follow at pa-add na rin po sa library. paki like na rin po, salamat.
WARNING!! WITH MATURE CONTENT!!AshleyKinaumagahan na naka alis si Ashlyn. Gusto daw niyang masiguro na okay ako at na talagang magpapacheck up nga ako. Sinamahan niya ako hanggang hospital at dinala na sa doktor bago ako iniwan. Natural ay binigyan na naman ako ng gamot na kailangang inumin kahit na okay naman ang lahat ng laboratory ko.Nakakasawa na rin ang mga iniinom kong gamot dahil pakiramdam ko ay hindi naman iyon umeepekto. Minsan ay tinanong ko si Ashlyn tungkol dito, dahil kahit siya ay nagte-take din noon. Ang sabi niya ay nagkakaroon naman siya ng improvement dahil parang manaka naka ay mga alaalang nagpa-flash sa utak niya. Siguro daw kaya hindi ko maramdaman ang epekto ay dahil mas grabe ang tinamo ko mula sa aksidente kumpara sa kanya. Matagal din akong comatose kaya naman pinaniwalaan ko na lang siya.Magtatanghalian na ng matapos ako ng check up kaya naman diretso na ako sa isang fast food chain. Gutom na rin ako kaya hindi na ako namili ng makakainan. Ang sabi ni As
MarcoHindi ko akalain na magagawa kong lokohin ang aking asawa. Mahal na mahal ko siya at alam ko yon sa aking sarili. Nang mangyari ang aksidente ay parang gumuho ang aking mundo. Natatandaan kong mabilis akong pumunta sa ospital at hinanap siya. Nilukob ako ng sobrang takot ng malaman kong wala itong malay at hindi sigurado kung kailan magigising. Lumipas ang ilang araw at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong isa sa kambal ang nagising na at iyon nga ay walang iba kung hindi ang aking asawa. Noong una ay hindi nila malaman lung sino ang sino. Kasama kasi niya sa aksidente ang kanyang kakambal na si Ashley at mga magulang nila na hindi na rin nakaligtas.Magkamukhang magkamukha silang magkakambal at aaminin ko na kahit ako ay nalilito. Pero ng makita ko ang suot na sing sing ng isa sa kanila ay kinilala ko ito bilang aking asawa.Masaya akong malaman na nagising siya. Yun nga lang ay wala itong maalala. Pero okay lang naman sa akin. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari kaya
Marco“How's your trip?” Ang tanong ko sa aking asawa. Nasa aming silid kami at kakarating lang niya. Kasalukuyan akong nakasandal sa kama at nagbabasa ng pumasok ito. “Maayos naman. Sobrang ganda ng lugar at bagay na bagay sa mga scenes para sa teleseryeng gagawin namin.” Ang sagot niyang ngiting ngiti habang naghuhubad sa aking harapan. Hindi ko iniaalis ang aking paningin sa kanya kaya naman nagtataka ako kung bakit wala man lang akong maramdamang kahit na katiting na libog rito. Nagulat na lang ako ng bigla ito ulit magsalita dahil hindi ko na namalayan na lumilipad na naman ang aking isipan sa aking kasalanan sa kanya. “Yang tingin mo, pagod pa ako kaya magpapahinga na muna ako.”“Bakit, paano ba ako makatingin?” Ang curious kong tanong. “Na akala mo ay isang taon kang hindi nakakita ng hubad na katawan ng babae.” Ang mapang akit niyang sagot. I chuckled bago ko inilapag ang librong binabasa ko sa bedside table. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging tingin niya sa kinikilos
Mature ContentAshley“Are you not done yet?” Ang tanong ni Ashlyn na makapasok na ito ng silid. Magpapaalam lang sana ako kay Marco na aalis bukas at kasama na rin nga ang paglalambing. Akala ko ay tulog na ang kapatid ko kaya hindi ko inaasahang bigla itong dadating. Maaga kasi itong matulog, ayaw niyang napupuyat dahil bumabawi sa bawat araw na may trabaho ito.“I'm done. Papunta na nga ako sa kwarto natin eh.” Narinig kong sagot ni Marco na hindi ko mapigilang masaktan. “Let's go.” Sabi pa niya. “Wait,” Pigil dito na Ashlyn na nagpakaba sa akin. “How long has it been ng huling may mangyari sa atin dito?” Ang tila nang-aakit na sabi pa niya na ikinapikit ko. Gusto ko sanang makita ang reaksyon ni Marco ngunit hindi ko magawang sumilip man lang dahil sa takot na baka makita ako ng kakambal ko.“Are you not sleepy yet?” Tanong naman ni Marco. “Hindi pa naman. Actually, I was waiting for you na bumalik na sa ating silid.”“Then let's go.”“Uhm… Can we, you know..” Ang tugon naman ni
AshleyNakita kong nagdilim ang mukha ni Marco pagkasabi ko noon. Nawala ang ngiti ng kanyang mga labi at mataman niya akong tinitigan. “Go back to your room and sleep. Magpapanggap akong hindi ko narinig ang mga salitang iyan.” sabi niya.“Marco,”“I said, go back to your room.” Ang tila nauubusang pasensiya niyang putol sa gusto kong sabihin. Napahinga ako ng malalim dahil wala talaga akong lakas ng loob para makipagtalo sa kanya.“We will talk about this again, Marco. And sana, pag-isipan mo ito ng mabuti.” ang sabi ko na naging dahilan ng pagtingin niya na sa akin ng masama kaya naman para hindi na kami magtalo pa ay tinalikuran ko na siya para bumalik sa aking silid at ipagpatuloy ang aking pagtulog.Nang magising ako ay wala na si Marco at ang maaliwalas na mukha ni Ashlyn ang sumalubong sa akin. Paanong hindi eh nadiligan siya kagabi? “Hi, sis. Mukhang napuyat ka ah, ngayon ka lang natanghali ng husto ng gising,” ang puna niya. Nginitian ko siya bago niyakap ng mahigpit. “Wow, w
AshleySimula ng makilala ko si Lance ay nagkaroon ako ng panibagong pag-asa. Hindi ko pinaalam kay Ashlyn ang tungkol sa kanya dahil ayaw ko ding makarating kay Marco iyon. Sobrang seloso ito at baka kung ano pa ang gawin niya ay mahirap na. Hindi naman sa iniisip ko na sisitahin niya ako at hahayaan niyang malaman ng kakambal ko ang tungkol sa amin, gusto ko lang na matahimik kami. Hindi ko rin maiwasang maisip ang boyfriend ko, rather, ex-boyfriend dahil malamang sa malamang ay break na kami kaya nawalan na rin ito ng pakialam sa akin. Inisip ko kung anong klase siyang lalaki. Kung siya ba ang nakakuha ng aking virginity. Matatanggap ko naman iyon kung sakali dahil sabi nga ni Lance ay mahal na mahal ko iyon at nagmamahalan kami ng time na yon. “A penny for your thoughts, sweetheart?” Ang sabi ni Marco bago ako hinalikan sa aking pisngi. Hindi na ako nakailag kaya naman mabilis akong tumingin sa paligid. Sunday at nasa poolside kami at any time ay pwedeng may makakita sa amin. “Th
MarcoI can't believe that Ashley has been keeping a secret from me. For the last two weeks I was feeling restless. Pakiramdam ko ay iniiwasan at tinataguan niya ako. I stopped asking someone to look into her more than a month ago dahil pakiramdam ko naman ay hindi din niya matitiis na malayo sa akin kaya alam kong hindi niya ako iiwan. But an incident earlier made me feel threatened. I was about to leave when I heard her talking on her phone. Wala namang kaso doon dahil parang natural lang ang usapan nila. Kaya lang ay narinig kong binaggit niya ang pangalan ng kanyang kausap at iyon ay walang iba kung hindi Lance. I don't know him personally at hindi ko na nga lang sana papansinin kaya lang ay bigla akong may naalala. Bagong kasal lang kami non ni Ashlyn at bumisita si Ashley sa bahay. Hinayaan kong magkwentuhan ang magkakambal dahil alam ko naman kung gaano sila ka close.Iinom ako ng tubig at napadaan ako sa sala ng marinig kong sabihin ni Ashley, “Alam mo naman kung gaano ko kag
Ashley“Hey, I’m sorry about that.” Sabi ni Ashlyn na mukhang nag-aalala. “May problema lang siguro sa company kaya ganun.” dagdag pa niya habang matamang nakatingin sa akin habang hindi ko naman alam kung saan ko ipapaling ang aking paningin dahil sa pagkakunsensya ko. Hindi ba niya narinig ang sinabi ni Marco? Nag-aalala na talaga ako na baka nakakatunog na siya sa nangyayari sa amin ng asawa niya.“Okay lang,” ang mahina kong sabi. “Pwede bang iwan mo muna ako?”“Please, huwag kang magalit kay Marco. Hindi man niya gusto na dito ka nakatira iyon ay dahil gusto lang niyang magkasarilinan kami. Isa pa, pasensya ka na dahil mukhang ikaw ang napagbubuntunan niya ng sama ng loob dahil sa out of town ko.”“Anong ibig mong sabihin?”“Kanina lang kasi ay nagtalo kami ng magpaalam ako sa kanya na aalis. Nagalit siya dahil lagi na lang daw akong nasa labas at sinabi na baka daw kaya ko ipinilit na tumira ka dito ay para mapagtakpan ang lagi kong pagkawala.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
AshleyNgayon na talagang handa na si Marco para magsimula ulit ng aming masayang pamilya ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-isip kung ano na ang nangyari kay Ashlyn. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at kahit na noong nanganak ako ay hindi niya ako dinalaw.Gusto kong malaman kung talagang wala ng balak na manggulo ng babaeng ‘yon kaya kailangan ko ring malaman kung nasaan siya. Hindi ako maka tiempo na umalis para puntahan siya sa condo at kung sakali naman na yayain ko si Marco ay baka hindi ito pumayag.Napatingin ako sa aming anak na ngayon ay nakahiga sa sofa sa aking tabi. Mas maganda sana kung naging kambal din ang anak namin, sigurado akong lalo silang mamahalin ni Marco.“Ma’am, may sulat po.” Nilapag ng katulong sa center table ang isang sobra. Kinuha ko iyon at tinignan kung kanino galing ngunit walang nakasulat kaya binuksan ko na.May papel sa loob, kinuha ko iyon at binasa.“I know who you are.” Nanginig ang aking mga kamay kasabay ang panlalaki ng aking mga mata.
AhleyNakapamili na kami ng wedding gown ni Ashlyn at sa buong panahon na yon ay naging parang ang tahimik na ni Mommy. Tanging si Dad na lang ang siyang nakikipag-usap at nagsa-suggest ng mga bagay bagay.Nakaramdam ako ng kaba ngunit inisang tabi ko lang iyon. Sa aming dalawa ni Ashlyn ay mas madalas na ako ang paboran ng aming ina kung magkataon na sabay kaming may kailangan.“Mi, ano sa palagay niyo ang bagay na motif?” tanong ko.“Ha?” natitigilan niyang tugon.“Mi, may problema po ba kayo?” tanong ni Ashlyn. “Parang wala ho kayo sa inyong sarili eh.”“Naku hindi naman, para kasing hindi pa ako makapaniwala na mag-aasawa ka na. Parang kailan lang ay—”“Ano ba yan, Mi…” sabi ko sabay ngiti. Tinignan ko siyang mabuti at nagtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko, may gumugulo sa kanya.Inakbayan siya ni Dad kaya sumandig siya sa kanyang dibdib na madalas niyang gawin sa tuwing pakiramdam niya ay nanghihina siya. And that made me even sure na may mali.“Ilang gabi na kasing umiiyak niton
AshleyI’m overwhelmed. Hindi ko akalain na magbabago talaga ang desisyon ni Marco pagkatapos naming magkaanak. Sinasabi ko na nga ba at ang bata lang ang solusyon. Hindi ako nagkamali sa aking desisyon.Kung hindi ako nabuntis, siguradong hiwalay na kami ngayon ni Marco. No. Hindi ako makakapayag na masira lang lahat ng pinag planuhan ko para mapunta ako ngayon sa kalagayan ko.*** Flashback ***I was looking at Ashlyn. She looks so happy and I was smiling pero sa loob-loob ko ay kung ilang ulit ko na siyang pinatay.I hate her! I hate the fact that we’re siblings paano pa kaya ang katotohanang kakambal ko siya.We have the same face but people treat us differently. Bata pa lang kami ay siya na ang maganda, mabait, matulungin, mapagbigay etc.!!!Sa tingin ko ay plastic siya at nagpapanggap lamang sa harap ng mga tao. But I am not like those people na napapaikot at nabibilog niya, lalo na ang aming mga magulang. I hate them as well.Ikakasal na siya kay Marco Montecillo. Kilalang busin
MarcoSa paglipas ng araw at linggo ay sinubukan kong mahalin ulit si Ashlyn, ngunit kahit na anong gawin ko ay laging si Ashley ang naiisip ko. Bakit ganon? Bakit ang bilis na naglaho ng pagmamahal ko sa aking asawa na alam ko naman na mahal na mahal ko noon pa man kaysa sa nararamdaman ko para kay Ashley ngayon?Hindi ba dapat, dahil hindi na kami nagkikita ay tuluyan na ring mawala sa sistema ko si Ashley? Wala akong ibang nais mangyari ngayon kung hindi ang tuluyan ng maayos ang aking pamilya pati na ang kaligayahan ni Ashley. Gusto ko na pare-pareho na kaming matahimik.Mahirap man ay sisikapin kong tuluyan ng maayos at maibalik sa dati ang pagtitinginan namin ni Ashlyn.Araw ng Sabado. Kahit may pasok sa office ay hindi ako umalis. Gusto kong makasama ang asawa at anak ko. Kagaya noong nagsisimula pa lang kami ni Ashlyn. Inilalaan ko ang araw na ito para sa bonding time namin.“Oh, hindi ka papasok?” gulat na tanong ng asawa ko ng makita ako. Hindi kasi ako nakabihis ng pang-opis
MarcoMasakit para sa akin na tuluyang iwan si Ashley. Mahal na mahal ko siya. Pero anong magagawa ko? Hindi lang ang asawa ko ang iiwan ko kung sakali, pati na rin ang aming anak.Dapat ay noon ko pa ito ginawa. Di sana ay hindi ko na siya nabuntis pa. Hindi ko maaatim na iwan ang anak ko dahil sa kasalanan ko.“Hey, where have you been?” tanong ng aking asawa ng dumating ako sa bahay. Tatlong araw na ng makauwi siya mula sa hospital at ngayon ay kasama niya sa aming silid ang aming anak.“Work, may kinailangan lang akong tapusin.” Hindi ko alam kung wala man lang ba siyang nahalata pero ngiti ang itinugon niya sa akin bago tumayo sa kama. Sa itsura niya ay mukhang kanina pa siya gising.“Kaya pala mukhang pagod na pagod ka. Gusto mo bang kumain muna bago ka magpahinga?” malambing niyang tanong habang hinahaplos ang aking pisngi. Nakaligo na ako sa condo ni Ashley kaya siguradong naaamoy niya ako.“Nakaligo ka na,” sabi niya.“Oo, gusto ko kasi ay matutulog na lang pagdating.”“O sig
AshlynUmaga, ng magising ako ay mag-isa nalang akong nakahiga sa aking kama. Napabuntong hininga at walang ganang bumangon. Desisyon ko naman ito kaya kailangan kong panindigan. Alam ko na ako ang tunay na asawa, pero hindi ko kaya na magsama kami nna alam ko rin na kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya ang matagal na niyang pinapangarap. Anak.Kahit man lang sana isa ay pwede, ngunit hindi. Kung ipipilit ko ang karapatan ko ay habang buhay akong kakainin ng guilt. Ayun na si Ashley, kayang kaya niyang bigyan ng buong pamilya si Marco. Sa palagay ko ay okay na ‘yon.Naglakad ako papunta sa parador at kumuha ng malaking t-shirt at isinuot bago ako lumabas ng aking silid. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng sinangag kaya ang akala ko dumating si Sandro dahil ganon naman siya kapag maagang nagpupunta sa unit ko.“San–” natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang lalaking naglalagay ng bowl na may lamang fried rice sa lamesa.“Are you expecting someone else this morning?” tanong ni Ma
Note: Again, uulitin ko po. Ang POV ng kambal ay ang original na katauhan na po nila. Salamat. Mature ContentAshlynMinsan pa, gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng asawa ko sa huling pagkakataon. May mabaon lamang akong alaala sa paglayo ko.Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya. Ilang saglit akong nanatiling nakatayo lang sa harapan niya habang nakatingala siya sa akin at magkahinang ang aming mga mata.Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Yumukod ako para siniil siya ng halik.Noong una ay natigilan pa siya na parang nag-iisip kung tutugunin ba niya o hindi. Balak ko na sanang sumuko at lumayo ngunit hinapit na niya ako sa aking bewang dahilan upang mapakandong ako sa kanya kasunod ang pagtugon niya sa aking halik.Maalab at talagang nakakapaso ang naging palitan namin ng halik. Sa bawat pagsipsip niya sa aking labi ay katumbas din ng pagsipsip ko ng sa kanya. Kung anumang gawin niya ay ginagawa ko rin.Umupo ako ng pakandong pah
AshlynIsang linggo pa ang lumipas matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Sandro. Kahit hindi siya makapaniwala na hindi ako ang tunay na Ashley ay unti unti na rin niyang tinanggap iyon ng maluwag sa kanyang kalooban.Nanatili pa rin ako sa condo at patuloy lang din sa pagsusulat. Nabuksan ko na rin ang isang writer account ko matapos kong sikaping marecover ang aking email account dahil hindi ko pa rin matandaan ang password ko. Password. Dahil doon ay mas nakumpirma ko nang matagal ng alam ng kambal ko ang lahat lalo at alam niya ang password dito sa condo na siya ang tunay na may-ari.Patuloy ako sa pagsulat dahil ito ang talagang alam kong trabaho ko na lingid sa kaalaman nila Marco, Ashley at ng mga magulang ko noon. Hindi naman sa mapaglihim ako, sadya lang hindi ako mahilig magkwennto at isa pa, nahihiya akong ipaalam sa kanila iyon dahil hindi naman ako talaga confident sa ginagawa ko.Naalala ko na dahil sa hiya kong sabihin sa kanila ang tungkol dito ay sinabi ko na lang na
Note: Ang POV po ng kambal ay ang mga original na po, remind ko lang para po hindi kayo malito. Salamat.AshlynGusto ko mang puntahan sa hospital si Ashley para kamustahin ay hindi ko na ginawa. Sa paglipas kasi ng mga araw ay lalo ko lang naiisip na may alam siya sa lahat na hindi ko naman din matanggap dahil sa tiwala at pagmamahal ko sa kanya.“Ash, okay ka lang ba?” Tumingin ako kay Sandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko sure kong nakakahalata na siya na marami na akong naaalala, hindi naman din kasi siya nagtatanong. “Oo naman, bakit naman magiging hindi?” tanong ko na sinamahan ko pa ng bahagyang ngiti.Lately ay lalong naging madalas ang pagtambay niya dito sa unit ko. Ang sabi niya ay wala namang masyadong ginagawa sa office niya.“Napapansin ko lang na masyado kang tahimik. Baka kako kung ano na ang naiisip mo dahil sa unti unting pagbalik ng alaala mo.”“Bakit mo naman nasabi yan? Mahal ko ang sarili ko at kahit papaano ay may takot naman ako sa Diyos kaya h