Simula ng lahat....
Ashley
Ako si Ashley Ruiz. Isa akong kerida, kabit, mistress at kung ano ano pang tawag sa taong karelasyon ng isang taong may asawa na. Ang tanging pinag-iba ko sa kanila ay mas malala ako sa kanila dahil sarili kong kapatid ang inaahas ko. Hindi lang basta kapatid, kung hindi sarili kong kakambal.
Nagsimula ang lahat ng idilat ko ang aking mga mata mula sa pagka comatose matapos maaksidente ang sinasakyan ko kasama ang aking mga magulang at ang aking kakambal na si Ashlyn. Mukha agad niya ang natunghayan ko at kahit na wala akong maalala ay sobrang gaan agad ng loob ko sa kanya. Ramdam ko ang pagmamahal at worry niya for me at ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi ay naghatid din sa akin ng kakaibang ligaya. Naisip ko na sobra ko siyang pinag-alala dahil mukha din itong walang tulog.
“Are you feeling okay?” ang tanong niya. Pinakiramdaman kong mabuti ang aking sarili bago sumagot. Medyo masakit pa ang aking katawan ngunit ayaw kong makita ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya naman,
“Hindi naman na masyado. Pero sino ka?” napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng marinig ang tanong ko tapos ay tumingin sa doktor na kakadating lang.
“She doesn't recognize me, doc.” Ang turan niya.
“Hayaan mong tignan ko siya.” Ang sabi ng doktor at medyo umurong siya to give way. May mga tinanong ang doktor at sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya.
“Nagkaroon din siya ng trauma sa ulo kaya meron din siyang temporary amnesia. Huwag kang mag alala at pasasaan ba ay magbabalik din ang alaala nyo. May mga gamot akong irereseta and just like you, she need to take it regularly.” Sabi ng doktor at tumango naman kaming dalawa bago ito tuluyang umalis.
“May amnesia ako at ganun ka din?” Ang taka kong tanong.
“Yes, we are twins and naaksidente ang sasakyan natin habang magkakasama tayo nila Mom and Dad.” Ang sagot niya. Bakit ganun, kambal kami at pati boses namin ay parang iisa kung hindi lang parang medyo paos ako. Napahawak tuloy ako sa aking leeg at hinagod ang parte ng aking lalamunan.
“Here, I know na nauuhaw ka. Ganyan din ako ng magising, parang nanunuyot ang lalamunan.” Ang sabi niya at tinanggap ko naman ang baso ng tubig na binibigay niya.
“Kamusta ang parents natin?” Ang tanong ko na nagbigay ng kalungkutan sa kanyang maamong mukha. Maluha luha na siya kaya naman nag alala ako para dito. “Hey..” Ang sabi ko,
“I'm sorry, they're gone.” Ang sabi niya at hindi na niya napigilan ang umiyak. Hindi ko man natatandaan ay ramdam ko ang sakit ng kaalamang nawala na ang aming mga magulang kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang mapaiyak.
Makalipas ang ilang sandali ay pareho na kaming payapa. “Sa bahay ka na lang mag stay.” Ang sabi niya. “Nasabi ko na kay Marco at pumayag naman siya.”
“Marco?” Ang takang tanong ko.
“Siya ang asawa ko. Huwag kang mag alala dahil mabait siya.”
“Pero hindi ba nakakahiya kung makikitira ako sa inyo? I mean, kailangan nyo ng privacy.”
“Ano ka ba, magkapatid tayo. Hindi lang basta magkapatid, magkakambal pa. Kaya hindi ko hahayaang maiwan kang mag isa dahil alam kong magiging malungkot ka. Tsaka pansamantala lang naman. Kapag nagbalik na ang alaala mo ay pwede ka ng mag decide kung aalis ka sa amin or hindi. Basta sa ngayon, ang gusto ko ay magkasama tayo.” ang mahabang sabi niya.
Na touched ako sa totoo lang. Siguro ay sobrang close talaga kami kaya ganon siya. Napangiti ako at sumang ayon nalang sa gusto niya. Kapag pakiramdam ko ay okay na ako ay magpapaalam na ako para bumukod.
“Thank God. Mag aalala lang kasi ako sayo ng husto kung magkahiwalay pa tayo ng tirahan. At least masisiguro ko ang safety mo.”
“Sa palagay ko ay ang laki ko na para mag alala ka pa ng husto. Pero pagbibigyan kita ngayon since I have no idea about sa sarili ko. Wala akong maalala na kahit na ano about sa akin at medyo confuse ako.” Ang tugon ko. Tapos ay ikinuwento niya ang ilang bagay about sa aming dalawa.
“Sobrang close tayo at lahat ng bagay ay shine share natin sa isa't isa.” Sabi pa niya. “Pero lahat ng mga sinabi ko ay ayon lang din sa asawa ko dahil wala pa rin naman akong naaalala about sa past natin.”
“Gaano katagal ba akong walang malay?”
“May isang buwan na. Pero ako ay 3 days lang daw na walang malay at simula ng magising ako at malaman ko ang tungkol sa kalagayan mo ay hindi na ako nagpalya ng pagdalaw sayo para naman kausapin ka dahil sabi ng doktor ay makakatulong daw iyon sayo to find your way and eventually open your eyes.”
Grabe isang buwan? Isang buwan akong nakahiga lang dito? Kaya pala ang sakit ng likod ko at parang ang bigat ng katawan ko. Tapos ay naalala ko bigla, “Ano ngang pangalan mo? At anong pangalan ko?”
“Ako si Ashlyn at ikaw naman si Ashley. Mas matanda daw ako sayo ayon kay Marco. Kaya siguro ganito ako ka protective sayo.”
“Grabe ka naman, akala mo kung ilang taon ang age gap natin eh sigurado ko na ilang minuto lang.” Ang natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin.
“Sabi ni Marco ay I always insist na older ako sayo dahil gusto ko raw ang pakiramdam ng pagiging ate. I always take care of you daw and happy about it.”
“Ang gaan ng pakiramdam ko sayo, siguro nga ay talagang alagang alaga mo ako. Don't worry, kung matigas ang ulo ko before the accident ay magpapakabait na ako ngayon. Lalo na at tayo na lang pala ang magkasama sa mundong ito.” ang sabi ko sa kanya. Pangako ko na rin sa sarili ko iyon at aalagaan ko rin siya.
Nagkwentuhan pa kami pero hindi namin napagkwentuhan ang tungkol sa aming mga magulang. Nasabi lang ng asawa niya na super bait din ng aming mommy at daddy. Pero bukod doon ay wala na.
Hindi pa rin naman ganun katagal ang kanilang pagsasama pala at may anim na buwan pa lang din silang kasal. Sa mga panahon daw na iyon ay puro out of town sila dahil nasa honeymoon stage pa lang sila.
Hindi ako iniwanan ni Ashlyn, inasikaso niya na rin ang discharge paper ko pero hindi pa pumayag ang doktor ko. Kailangan ko pa daw maobserbahan muna para masiguro na okay na okay na ako. “Di bale, aayusin ko na lang muna ang kwarto mo sa penthouse. Siya nga pala, pansamantala muna tayo doon dahil malapit lang dito sa ospital iyon. Ayaw ni Marco na magbiyahe ako ng may kalayuan kaya nagdecide siya na doon muna kami mag stay para madali lang kitang mapuntahan.”
“Okay lang kahit saan pa yang bahay nyo.” Ang tugon ko. “Makikitira na nga lang ako eh choosy pa?” Ang natatawa kong sabi.
Pamaya maya pa ay may kumatok sa aking hospital room at sabay pa kaming napatingin ng bumukas ang pintuan. Tapos ay iniluwa ang pinakagwapong lalaki yata na nasilayan ko. Nakangiti ito pero hindi sa akin kung hindi sa kakambal ko. “Am I late?” Ang tanong niya.
“No, ayaw pa ring pauwiin ng doktor si Ashley kaya hindi din natin siya masasabay pag uwi.” Ang sagot ni Ashlyn bago siya binigyan ng mainit na halik ng asawa. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil feeling ko ay na out of place ako. At dahil din sa eksenang iyon ay sure akong siya si Marco.
“Eh di hayaan muna natin siya dito. Since gising na siya ay kaya naman na niya sigurong asikasuhin ang sarili niya at hindi mo na kailangang matulog pa dito.” Sabi ni Marco.
Dahil sa sinabi ng lalaki ay nagulat ako, “What, natutulog ka dito?”
“Yes, hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nasisiguro na okay ka.” si Marco ang sumagot imbes na si Ashlyn. Okay lang naman sana kaya lang ay bakit parang galit ito sa akin?
“Marco,” Ang sita ni Ashlyn dito. Siguro ay naramdaman din niya ang hostility sa tono ng asawa. “May problema ba sa company?” Ang tanong ng kakambal ko sa asawa niya na para bang iyon talaga ang dahilan kung bakit ganon ang tono ng pananalita nito.
“I'm just tired. Hindi pa ba tayo uuwi?” Ang tanong niya.
“Sige na, umuwi na kayo. Kaya ko naman na ang sarili ko at madali lang naman ang nurse tawagin.” Ang pagtataboy ko sa kanila. Baka kasi kaya mainit ang dugo sa akin ni Marco ay dahil nakukuha ko na ang buong oras ni Ashlyn at nawawalan na ito ng panahon sa asawa.
“Are you sure?” Ang naninigurong tanong pa nito.
“Oo naman. You go ahead at pagod na pala ang asawa mo. I can take care of myself na.” Sagot ko naman.
“Okay. Pero magbibilin ako sa mga nurse na tawagan ako kung ano't ano man.”
“Ikaw ang bahala.” Ang sabi ko na lang para tuluyan na silang umalis dahil bakas na sa mukha ni Marco ang pagkayamot. Napaisip tuloy ako kung okay lang ba talaga sa lalaki na makitira ako sa kanila.
Naiwan akong mag isa sa akin silid at doon ko naramdaman ang sobrang kalungkutan. Naalala kong wala na ang aming mga magulang tapos ngayon ay kailangan kong makisama kila Ashlyn.
At si Marco. Napaka gwapo niya at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng paghanga rito. Nang gabing iyon ay siya ang laman ng isip ko kaya paulit ulit kong ipinipilig ang aking ulo dahil hindi tamang isipin ko siya. Asawa siya ng kapatid ko. Hindi lang basta kapatid, kung hindi kakambal pa.
Ashley“Hey sis.” ang bati sa akin ni Ashlyn. Napaka masayahin nito at napakabait. Nasa penthouse na ako at nakikitira sa kanila. Napansin ko na parang hindi ako tanggap ni Marco sa kanila, ngunit ikinibit balikat ko na lang since ang kakambal ko naman ang importante sa akin. Sinikap ko na lang na makatulong sa mga gawaing bahay para hindi naman ako magmukhang pabigat.Araw araw na nakikita ko ang lalaki ay hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya kahit na napakasungit nito sa akin kapag hindi nakatingin ang kakambal ko. Hindi naman ako batang paslit para magsumbong dahil ayaw ko rin naman na mag away pa sila ng dahil sa akin. Kapag nagkataon ay magkakaroon ng dahilan ang pagiging masungit nito.“Hey, good morning.” ang bati ko rin naman. Umaga at kasalukuyan siyang nasa kitchen. Natanghali ako ng gising kaya naman ready na ang breakfast pag labas ko. Si Marco ay nakaupo na at ready to dig in na rin.“Take your seat and let’s eat.” ang masayang sabi ni Ashlyn. Wala akong matandaan abou
WARNING!!! MATURE CONTENT!!!AshleyAnong nangyayari? Bakit niya ginagawa ang ganito? “Marco,” ang sabi ko ng bahagyang maghiwalay ang aming mga labi para sumagap ng hangin kaya naman marahan ko rin siyang itinulak palayo. Hindi siya nagsalita at muling sinakop ang aking bibig. Litong lito ako, hindi ko alam kung tutugunin ko ba siya or hindi dahil naiisip ko ang kakambal ko.Sige pa rin sa ginagawa niyang paghalik sa akin si Marco at inaamin ko, konti na lang at bibigay na ako. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako dahil sa bait ni Ashlyn ay ginagawa ko ang bagay na ito. Dapat ay itulak ko siya, tama, ganun nga. Pero kahit na anong pagtulak ko ay hindi ko siya mailayo sa akin. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking bewang habang idinidiin niya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan sa akin kaya naman ramdam na ramdam ko ang tigas ng kanyang pagkalalaki.Hindi pa rin ako tumigil at sige pa rin ang ginawa kong pagtulak sa kanya ngunit hinawakan niya ako sa magkabilang puls
Kasalukuyan...AshleyIyon ang naging simula nang aming kataksilan sa iisang babaeng pareho naming mahal. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nagi guilty din si Marco. Maaaring pinaglabanan nya ng husto ang nararamdaman niya para sa akin, kaya mas pinili niya ang magalit kapag kaharap ako.Hindi sa sinisisi ko ang aking kakambal, pero ang lagi niyang pagkawala ay nagbigay ng pagkakataon sa amin ni Marco. Pakiramdam ko ay hindi rin kayang iwan ng bayaw ko ang kakambal ko dahil nga sa sobrang bait nito. Hindi ko mapigilan ang masaktan kapag naghahalikan sila sa harapan ko. Yes, hindi pwedeng tumanggi si Marco kung ayaw niyang makatunog sa amin si Ashlyn. Kaya naman mas pinili kong manatili na lang sa aking silid kapag pareho silang nasa penthouse, at ngayon nga ay sa bahay na nila.After ng first time namin ni Marco ay nagdesisyon akong maghanap ng trabaho. Pero pinigilan niya ako dahil mas gusto niya na nasa bahay lang ako kaya nag isip ako na mag freelancing job na lang. At ngayon n
WARNING!! WITH MATURE CONTENT!!AshleyKinaumagahan na naka alis si Ashlyn. Gusto daw niyang masiguro na okay ako at na talagang magpapacheck up nga ako. Sinamahan niya ako hanggang hospital at dinala na sa doktor bago ako iniwan. Natural ay binigyan na naman ako ng gamot na kailangang inumin kahit na okay naman ang lahat ng laboratory ko.Nakakasawa na rin ang mga iniinom kong gamot dahil pakiramdam ko ay hindi naman iyon umeepekto. Minsan ay tinanong ko si Ashlyn tungkol dito, dahil kahit siya ay nagte-take din noon. Ang sabi niya ay nagkakaroon naman siya ng improvement dahil parang manaka naka ay mga alaalang nagpa-flash sa utak niya. Siguro daw kaya hindi ko maramdaman ang epekto ay dahil mas grabe ang tinamo ko mula sa aksidente kumpara sa kanya. Matagal din akong comatose kaya naman pinaniwalaan ko na lang siya.Magtatanghalian na ng matapos ako ng check up kaya naman diretso na ako sa isang fast food chain. Gutom na rin ako kaya hindi na ako namili ng makakainan. Ang sabi ni As
MarcoHindi ko akalain na magagawa kong lokohin ang aking asawa. Mahal na mahal ko siya at alam ko yon sa aking sarili. Nang mangyari ang aksidente ay parang gumuho ang aking mundo. Natatandaan kong mabilis akong pumunta sa ospital at hinanap siya. Nilukob ako ng sobrang takot ng malaman kong wala itong malay at hindi sigurado kung kailan magigising. Lumipas ang ilang araw at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong isa sa kambal ang nagising na at iyon nga ay walang iba kung hindi ang aking asawa. Noong una ay hindi nila malaman lung sino ang sino. Kasama kasi niya sa aksidente ang kanyang kakambal na si Ashley at mga magulang nila na hindi na rin nakaligtas.Magkamukhang magkamukha silang magkakambal at aaminin ko na kahit ako ay nalilito. Pero ng makita ko ang suot na sing sing ng isa sa kanila ay kinilala ko ito bilang aking asawa.Masaya akong malaman na nagising siya. Yun nga lang ay wala itong maalala. Pero okay lang naman sa akin. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari kaya
Marco“How's your trip?” Ang tanong ko sa aking asawa. Nasa aming silid kami at kakarating lang niya. Kasalukuyan akong nakasandal sa kama at nagbabasa ng pumasok ito. “Maayos naman. Sobrang ganda ng lugar at bagay na bagay sa mga scenes para sa teleseryeng gagawin namin.” Ang sagot niyang ngiting ngiti habang naghuhubad sa aking harapan. Hindi ko iniaalis ang aking paningin sa kanya kaya naman nagtataka ako kung bakit wala man lang akong maramdamang kahit na katiting na libog rito. Nagulat na lang ako ng bigla ito ulit magsalita dahil hindi ko na namalayan na lumilipad na naman ang aking isipan sa aking kasalanan sa kanya. “Yang tingin mo, pagod pa ako kaya magpapahinga na muna ako.”“Bakit, paano ba ako makatingin?” Ang curious kong tanong. “Na akala mo ay isang taon kang hindi nakakita ng hubad na katawan ng babae.” Ang mapang akit niyang sagot. I chuckled bago ko inilapag ang librong binabasa ko sa bedside table. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging tingin niya sa kinikilos
Mature ContentAshley“Are you not done yet?” Ang tanong ni Ashlyn na makapasok na ito ng silid. Magpapaalam lang sana ako kay Marco na aalis bukas at kasama na rin nga ang paglalambing. Akala ko ay tulog na ang kapatid ko kaya hindi ko inaasahang bigla itong dadating. Maaga kasi itong matulog, ayaw niyang napupuyat dahil bumabawi sa bawat araw na may trabaho ito.“I'm done. Papunta na nga ako sa kwarto natin eh.” Narinig kong sagot ni Marco na hindi ko mapigilang masaktan. “Let's go.” Sabi pa niya. “Wait,” Pigil dito na Ashlyn na nagpakaba sa akin. “How long has it been ng huling may mangyari sa atin dito?” Ang tila nang-aakit na sabi pa niya na ikinapikit ko. Gusto ko sanang makita ang reaksyon ni Marco ngunit hindi ko magawang sumilip man lang dahil sa takot na baka makita ako ng kakambal ko.“Are you not sleepy yet?” Tanong naman ni Marco. “Hindi pa naman. Actually, I was waiting for you na bumalik na sa ating silid.”“Then let's go.”“Uhm… Can we, you know..” Ang tugon naman ni
AshleyNakita kong nagdilim ang mukha ni Marco pagkasabi ko noon. Nawala ang ngiti ng kanyang mga labi at mataman niya akong tinitigan. “Go back to your room and sleep. Magpapanggap akong hindi ko narinig ang mga salitang iyan.” sabi niya.“Marco,”“I said, go back to your room.” Ang tila nauubusang pasensiya niyang putol sa gusto kong sabihin. Napahinga ako ng malalim dahil wala talaga akong lakas ng loob para makipagtalo sa kanya.“We will talk about this again, Marco. And sana, pag-isipan mo ito ng mabuti.” ang sabi ko na naging dahilan ng pagtingin niya na sa akin ng masama kaya naman para hindi na kami magtalo pa ay tinalikuran ko na siya para bumalik sa aking silid at ipagpatuloy ang aking pagtulog.Nang magising ako ay wala na si Marco at ang maaliwalas na mukha ni Ashlyn ang sumalubong sa akin. Paanong hindi eh nadiligan siya kagabi? “Hi, sis. Mukhang napuyat ka ah, ngayon ka lang natanghali ng husto ng gising,” ang puna niya. Nginitian ko siya bago niyakap ng mahigpit. “Wow, w
Author's Note: Reminder ko po, original names na po nila ang gamit sa POV dahil nagbalik na ang alaala ng tunay na Ashlyn na dating si Ashley.AshleyNakuhanan na ako ng dugo at lumabas na rin ang result. Hinihintay na lang namin ang doktora na tumingin sa akin. “Magiging okay lang ho kaya siya, dok?” tanong ni Marco habang hawak hawak ang aking kamay.“Kung gusto niyong makasiguro since malapit na rin ang due ni Mommy ay pwede niyo naman na po siyang ipa-admit. Kung dito po siya nagpapacheck at nandito ang doktor niya ay pwede po namin siyang i-inform about it,” sabi ng doktor.Tumingin ang doktora sa akin kaya naman bahagya akong ngumiwi para naman hindi niya mahalatang umaarte lang ako.“Siguro po ay mas maigi ng ma-admit siya para masiguro ang kaligtasan nila ni baby lalo at madalas sumakit ang tiyan ni mommy.”“Do what you think is necessary, doc.” Halatang halata ang concern sa tinig ni Marco kaya naman puspos ako ng kaligayahan ng mga oras na ‘yon.“Okay po,” tugon ng doktor b
Ashley“Uminom ka ba ng gamot mo? I’m sure binigyan ka ng doktor mo,” nag-aalala kong tanong pero hindi dahil sa kalagayan niya kung hindi dahil baka natuklasan na niyang peke ang gamot na pinapainom ko sa kanya.“Oo, binigyan ako ng doktor ko ng gamot. Sinasabay ko sa gamot natin at si Sandro ang madalas na mag-remind sa akin.” Nakahinga ako ng maluwag matapos niyang sumagot. Napangiti ako sa kanya at nilapitan pa siya lalo at nakita ko si Marco na tumayo mula sa kanyang kinauupuan.Hawak pa rin niya ang kanyang ulo at tila nasasaktan talaga siya dahil na rin sa luhang tumutulo na mula sa kanyang mga mata. Alam kong nag-aalala na si Marco kaya kailangan kong magdahilan.“Ah!” sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte sabay hawak sa aking tiyan. Nakita ko ng yapusin ni Sandro ang kambal ko habang mabilis na lumapit naman sa akin si Marco.“May masakit ba?” nag-aalala niyang tanong.“Masakit ang tiyan ko, manganganak na yata ako..” sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman. Hindi na ma
“Wala naman, anong sabi ng doktor?” tanong ng kakambal ko na tila kabado.“Migraine lang, kaya wala kang dapat na alalahanin.” Nakita ko kung paano lumuwag ang kanyang paghinga ng sabihin ko iyon. “Isa pa, lagi naman akong sinasamahan ni Sandro kaya wala ka talagang dapat na ipag-alala.”“Ayan Marco, makakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong may tumitingin na sa kakambal ko.” Sabi ni Ashlyn sabay tingin kay Marco na nakatingin naman sa akin.“Wala kang trabaho?” tanong ni Marco sa ngayon ay katabi ko na ring si Sandro.“Meron, pero hawak ko ang oras ko. I’m a lawyer.”“Lawyer ka?” bulalas na tanong ni Ashlyn. So, hindi niya alam ang profession talaga ni Sandro kagaya ng sinabi sa akin ng lalaki.“Oo.” Simpleng tugon ni Sandro.“Wait lang at kukuha ako ng mamimiryenda natin.” Tumayo ang kakambal ko at nagsimula ng lumakad papunta sa kitchen.“Ah, saan ang restroom niyo?” tanong naman ni Sandro. Itinuro ni Marco kung saan at umalis na rin ang lalaki kaya naiwan na kaming dalawa ng la
AshleyIlang linggo pa ang lumipas at nagiging panay panay na rin ang pagdaloy ng mga alaala kong ayaw kong tanggapin. Dahil sa mga nalaman ko at sa mga alaalang patuloy na nagpa-flash sa aking isipan ay unti-unti kong nare-realize ang katotohanang napakasakit para sa akin.“Okay ka lang ba, Ash?” tanong ni Sandro. Napatingin ako sa kanya, naisip ko na ang kakambal ko talaga ang siyang Ash na tinutukoy niya na nagkaroon siya ng friends with benefits status. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka naman hindi pa talaga nakakaalala ang kakambal ko, kagaya ng sinabi ni Dr. Encinares ay suppressant ang laman ng botelya ng gamot na pareho naming tine-take. Paano kung biktima rin lang pala siya non.“Oo naman, bakit mo naitanong?”“Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh.”“May mga plot kasi na pumapasok sa isipan ko at alam mo na, bilang writer, nagsisimula na akong isulat din iyon sa isip ko.” Natawa siya dahil sa sinabi ko na ikinatawa ko na rin. “Puro
AshleyNang umalis si Marco ay hindi na rin ako natahimik. Habang sige ang pagtawag niya sa akin ng Sweetheart ay paulit ulit na nagpa-flash sa isipan ko ang kanyang nakangiting mukha at tumatawag ng “sweet”.Hindi ko na alam ang iisipin ko dahil litong lito na rin ako. Bakit ko nakikita ang mga bagay na ‘yon? Hindi na ako lumabas ng aking silid hanggang sa gumabi at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nakatulugan ko na rin ang hapunan at maagang maaga nagising ng kasunod na araw. Tumingin ako sa salamin at nakita kong medyo maga ang aking mga mata dala ng pag-iyak. Tinapik ko ang aking magkabilang pisngi bago bumuga ng hangin at tsaka ako lumabas ng aking silid para magsimula ng aking araw.Lumipas pa ang mga araw na ni hindi na rin nag text or tumawag si Marco. Nalungkot ako at patuloy na nasaktan ngunit pinilit kong kayanin. Salamat sa presensya ni Sandro na patuloy na nagpapatawa at nagpapagaan ng aking kalooban. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at sa paglipas din ng mga araw ay may mga pag
Ashlyn“Buwisit!!!” sigaw ko sabay bato ng aking cellphone.“Bwisit ka Marco!!” tili ko pa. Nasa aming silid ako at dahil late na ay gusto kong i-check kung nasaan siya at baka kasama na naman niya ang kambal ko. Pero ano ito? Sinigawan niya ako!Unang beses iyon na ginawa ni Marco na may kasamang bad words. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Anong nangyari at mukhang mainit ang kanyang ulo? Nanggaling ba siya sa kakambal ko? Nagkausap ba sila? Nagselos na naman ba siya kay Sandro at sa akin niya ibinunton ang kanyang galit? Peste talaga ang kakambal ko na ‘yon. Kahit kailan ay tinik siya sa kaligayahan ko.Mamatay ka na, mamatay ka na Ashlyn! Kahit na pinagpalit ko na ang ating kalagayan ay ikaw pa rin, ikaw pa rin ang pinipili ni Marco! Lahat na ginawa ko para tuluyan ng maging akin ang asawa mo, pero talagang hindi mo ako pinatatahimik! Oo, ako ang tunay na Ashley at ang kakambal ko ang tunay na Ashlyn na siyang tunay na asawa ni Marco.Kinalma ko ang aking sarili bago ko kinuha ang aki
MarcoPagka-uwi namin ni Ashlyn galing sa hospital ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Si Ashley ang gusto kong dalhin sa doktor para ma-check-up dahil sa sakit niya ngunit hindi iyon ang nangyari.Sobra ang naging pag-aalala ko ng malaman kong nilagnat siya. Halos magdamag ay magkasama kami at halos magpakasawa din ako sa pag-angkin sa kanya. Pero sa isang text lang ni Ashlyn ay nagawa ko siyang iwanan. I feel guilty, dahil alam kong nasasaktan din siya.Tapos merong Sandro na nagbibigay sa kanya ng atensyon na dapat ay sa akin nanggaling. May palagay akong alam ng lalaking iyon ang nangyayari sa amin ni Ashley at sigurado din akong sinusulsulan na niya ang mahal ko para makipaghiwalay sa akin.Ilang araw na kaming hindi nagkikita at dahil sa guilty ako ay hindi ko rin magawang tawagan siya. Ang gusto ko ay makausap siya ng personal kaya naman agad akong pumunta sa condo niya ng makakuha ako ng pagkakataon.Ngunit hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig niya
Ashley“Buntis?” takang tanong niya.“Do you know her?” tanong ko. Kasi parang kilalang kilala niya ang kakambal ko. “She’s married so natural lang naman na mabuntis siya, right?” dagdag ko pa.“I see, I just couldn’t believe it. Maybe prayer did help her.”“What do you mean?” Na-curious na ako sa mga sinasabi niya at gusto ko pa siyang kausapin.“Anyway, may pasyente pa akong kailangan na puntahan.” Iyon lang at tinalikuran na niya ako. Gusto ko siyang habulin at kausapin pa, bigla kasing parang kinabahan ako na ewan. Pakiramdam ko ay may malalaman akong importante kung magkakausap pa kami. Ngunit wala akong nagawa kung hindi ang sundan lang siya ng tingin.Ako naman ay nagpatuloy na lang din sa paglalakad papunta sa Neurology Department. Mas importante na unahin ko ang sarili kong kalagayan sa ngayon kaysa ang iba.“Ms. Ruiz,” tawag ng nurse kaya naman lumapit ako sa kanya at iginiya ako papasok sa isang silid. Umabot ako sa palistahan at may cut off pala ng lunch time. Meron namang
AshleyHindi ko na ipinaalam pa kay Ashlyn ang desisyon kong magpa-check up dahil malayo naman na kami sa isa’t-isa. Alam ko naman rin na ang pag galing ko ang tangi rin niyang hiling kaya wala akong nakikitang masama kahit na hindi ko pa iyon ipaalam sa kanya.Matagal ko na rin sinabi sa kanya na hindi ako naniniwala na umeepekto sa akin ang niresetang gamot ng aming doktor ngunit kagaya nga ng sinabi niya ay nakakaranas na siya ng mangilan ngilang pagbalik ng kanyang alaala.Nang kasunod na araw ay maaga akong gumising upang ipaghanda ang sarili ko ng breakfast at idinamay ko na syempre si Sandro just in case na magpunta siya. Ayaw ko naman na siya na lang lagi ang paglutuin ko at nakakahiya naman.Hindi nga ako nagkamali dahil mga bandang 8 am ay dumating ang lalaki. “Wow, nakaluto na ah!”Ngumiti ako sa kanya at itinuro ang upuang katapat ng sa akin para sabay na kaming mag-almusal. Bihis na bihis ito at mukhang may pupuntahang importante.“May meeting ka?” tanong ko.“Sort of. Nag