A Marriage of Convenience

A Marriage of Convenience

last updateLast Updated : 2024-08-10
By:   Ezelxy  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
47Chapters
3.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Aries Scott Vincenzo is a licensed architect and is currently working in an architectural firm. Despite his success in life, walang nakakaalam sa madilim nitong nakaraan. He let himself in prison of pain... He is suicidal. On the other hand, Sachiko Falasca is a woman who was spoiled by her mother. But unfortunately, her mother died and she couldn’t accept the fact that her father wanted to marry another woman... She is impulsive. Isang kasunduan ang magbubuklod sa dalawa. Ngunit anong klaseng samahan ang mabubuo? Will they accept each other’s imperfections? O tuluyan na lang ba nilang susukuan ang isa’t isa?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

How I wish I could smash this thick glass on the side of his head.Kanina pa mahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig habang hinahayaan siyang ubusin ang pasensya ko kakadikta sa kung anong dapat kong gawin.“Did you hear me, Sachiko?”Yes, Dad. Rinig na rinig ko kung paano mo planuhin ang buhay ko nang hindi humihingi ng permiso galing sa ‘kin. Rinig na rinig ko kung paano mo ako kontrolin. Sawang-sawa na akong marinig mula sa ‘yo ang mga dapat kong gawin. But of course, I didn’t say that. I still have a bit of respect for him, pero kaunti na lang ‘yon dahil unti-unti niyang inuubos ‘yon.Inikot ko lang ang mata ko at nagpatuloy sa pagkain. Mas mabuti nang hindi ko siya sagutin kaysa makipagtalo pa ako. He wants me to marry this man na anak daw ng kaibigan niya. The reason? I don’t know, bakit pa nga ba siya mag-aabalang sabihin sa akin ang rason kung sa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
47 Chapters
Chapter 1
How I wish I could smash this thick glass on the side of his head. Kanina pa mahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig habang hinahayaan siyang ubusin ang pasensya ko kakadikta sa kung anong dapat kong gawin. “Did you hear me, Sachiko?” Yes, Dad. Rinig na rinig ko kung paano mo planuhin ang buhay ko nang hindi humihingi ng permiso galing sa ‘kin. Rinig na rinig ko kung paano mo ako kontrolin. Sawang-sawa na akong marinig mula sa ‘yo ang mga dapat kong gawin. But of course, I didn’t say that. I still have a bit of respect for him, pero kaunti na lang ‘yon dahil unti-unti niyang inuubos ‘yon. Inikot ko lang ang mata ko at nagpatuloy sa pagkain. Mas mabuti nang hindi ko siya sagutin kaysa makipagtalo pa ako. He wants me to marry this man na anak daw ng kaibigan niya. The reason? I don’t know, bakit pa nga ba siya mag-aabalang sabihin sa akin ang rason kung sa
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more
Chapter 2
“Sigurado ka na ba, Sachi?”   Ngayon ay ako na ang nagtaka nang itanong ‘yon sa ‘kin ni kuya. Parang kahapon lang ay sila pa ang nangungumbinsi sa akin na magpakasal pero ngayong pumayag na ako ay halos hindi pa sila makapaniwala. Though, given naman na ang pagpayag ko dahil wala rin naman akong magagawa.   “Hindi ba ito naman ang gusto niyo?” Umirap ako sa kanila.   Ako na kasi mismo ang nag-approach kay Dad para ma-organize na ang wedding. Good thing, nandito rin si kuya sa office ni Dad kaya hindi ako masyadong naiilang sa kaniya. We’re not close kahit pa tatay ko siya.   “Alright. Let’s organize the wedding immediately.”   Napangisi ako. This means, mapapasaakin na ang lupang matagal ko nang hinihiling sa kaniya. Pinag-usapan na namin ‘yon at sinabi niyang buong-buo niyang ibibigay sa amin ang lupa. Mainam na raw na sa akin at kay Aries mapupunta ‘yon dahil kampante siyang ma
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more
Chapter 3
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ikasal kaming dalawa. Hindi naman gano’n kahirap ang pag-adjust ko dahil madali lang pakisamahan ang mga katiwala ni Aries. Nakilala ko na si Nanay Flor na matagal niya na palang katiwala. Mabait siya at maalaga talaga, kaya hindi rin mapakawalan ni Aries.    “Good morning, ‘Nay,” saad ko agad nang makita siyang naghahain ng pang-umagahan. She’s in her mid 50’s already at tatlong dekada nang pinagsisilbihan ang pamilya Vincenzo. Ito lang kasi ang nagsilbi at nag-alaga kay Aries simula nang maulila na siya kaya malaki ang utang na loob niya sa kaniya. Itinuturing niya na rin itong parang tunay na ina. That’s what he told me, kaya pwedeng nanay na rin daw ang itawag ko sa kaniya.   “Good morning, hija. Heto, magkape ka muna.” Inabutan niya ako ng kapeng natimpla na kaya napangiti ako. Bigla kong naalala si mommy na ganito rin kaalaga sa akin no’ng nabubuhay pa siya.   “Sa
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more
Chapter 4
Sinobra ba sa tanghali ang gising ko? Bakit ganito na agad kainit? I was just standing at the kitchen doorway, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok o babalik na lang sa kwarto? For pete’s sake, Aries is topless! At saktong pagpasok ko ng kusina ay sakto ring pagtanggal niya ng apron so I can clearly see his six pack abs! Tanging sweatpants lang ang suot niyang pang-ibaba. Tumikhim ako saka mabilis na tumungo sa coffee maker nang hindi pinapahalatang apektado ako sa presensya niya.  “Day off?” tanong ko na lang bago maupo sa upuan at uminom ng kape. Tumango siya saka naglagay ng dalawang plato sa lamesa. Saka ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ang niluto niyang caldereta. “Kagigising mo lang?” Awkward akong ngumiti saka tumango. Nawili kasi ako sa pagbabasa kagabi at hindi ko namalayang
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more
Chapter 5
I rushed through Aries that was sitting on the floor. Nasipa ko pa ang bote ng alak sa tabi niya.  He’s drunk. “Shit! Ano bang nangyari sa ‘yo?!” Kinuha ko ang braso niya at inalalayan siyang tumayo. The blood in his left arm continues to flow. Nagpapanic ko siyang pinaupo sa upuan at sinabihang huwag siyang gagalaw. Agad akong naghanap ng first aid kit. Nang makita ko ‘yon sa cabinet na nasa taas ay nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang braso ni Aries. Ayokong gumawa ng malakas na ingay dahil baka magising ko si Nanay Flor at Ate Sab. Kumuha ako ng planggana at naglagay ng tubig doon para panghugas sa sugat ni Aries. Nang bumalik ako sa pwesto niya ay nakatungo ito sa braso. Umangat ang tingin niya at ngumiti ito nang makita ako. Only his lips are smiling but his eyes are tired. “Look.” He raised his left ar
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more
Chapter 6
Just when I stepped outside of my room, Aries’s door falls open.   We both froze. Bigla akong napaiwas ng tingin habang siya ay tumikhim.   “Good morning,” he casually said.   Tipid akong ngumiti. “Morning.”   Nauna na akong maglakad papunta sa kusina at sumunod din siya. We’re silent until we reach the kitchen and thank God, Nanay Flor was already there.   “Oh, mabuti at gising na kayo. Kumain na kayo,” aya niya saka naghanda ng mga pagkain sa mesa.   Umupo ako at kumuha ng slice bread. I’m a left handed person kaya nang hawakan ko ang kutsara gamit ang kaliwang kamay ay napadaing ako nang maalalang may sugat nga pala ako roon. Ano ba naman ‘to! Napakaliit na sugat pero ang hapdi.   Ginamit ko na lang ang kanang kamay ko para sana maglagay ng palaman pero dahil hindi ako sanay roon ay napabuga ako ng malalim na hininga. Hanggang sa bigla
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more
Chapter 7
“What’s the meaning of this, Sachiko?”   Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pakaseryoso ng mukha niya. Ni hindi ako makapagsalita! Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.   At ipinagpasalamat ko nang biglang dumating ang waiter para kunin ang order namin. Mabilis ding sinabi ni Calisto ang order namin at muling bumalik ang atensyon sa akin. Nakataas ang kilay niya habang hinihintay ang sagot ko.   “Uh... I... I b-bought this ring.”   “You bought it? Ha! Don’t fool me, Sach. I know you. Ni hindi ka mahilig sa jewelries unless you’re on photoshoot or fashion show.”   I bit my lower lip. We worked together for how many years, at kilalang-kilala niya na ako. Mapagkakatiwalaan ko rin naman siya, pero hindi ko lang alam ang tungkol dito. He’s still my agent, pwedeng masira ang career ko... or bumagsak ang pangalan ko.   “Cali. Can we just talk ag
last updateLast Updated : 2022-02-22
Read more
Chapter 8
Nakaayos na ako at handa na sa pag-alis nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Aries at iniluwal siya mula roon. Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita ang ayos ko saka ako pinasadahan ng tingin pababa. “Where are you going?” he asked. “Work,” tipid na sagot ko. Kinuha ko na ang pouch ko at palabas na nang bigla ulit siyang magsalita. “Wala akong maalalang may trabaho ka na, Sachiko.” Bumuntong-hininga ako habang nakaharap pa rin sa pintuan. Hangga’t maaari ay ayokong ma-stuck dito sa bahay niya kaya napagdesisyunan ko munang puntahan si Cali. Pero para makaalis na ako sa pamamahay na ‘to ay hinarap ko siya. “Do you still remember the second rule?” I asked. Saglit pa itong napaisip saka ako tinaasan ng kilay. Hindi siya sumagot kaya umayos ako ng pagkak
last updateLast Updated : 2022-02-24
Read more
Chapter 9
Funny how I spent the entire night crying. Masakit pa rin ang pang-upo ko kaya hindi na ako masyadong nakatulog. Iniyak ko lang lahat at hindi ko alam kung bakit gano’n ako naging ka-emosyonal. I’m sensitive, yes, pero insensitive siya, e!  Ni halos ayoko nang lumabas ng kwarto. May init na rin sa labas pero nakadapa pa rin ako sa kama habang nakabaon ang mukha sa unan. Dagdag pang masakit ang ulo ko dahil medyo naparami ang inom ko kagabi. Alam kong may mali rin ako, pero hindi ko alam kung bakit gano’n kalala ang impact sa ‘kin ng sinabi niya. I was offended, nanahimik na lang sana siya mas tanggap ko pa.  Maya-maya ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. “Sachiko, gising ka na ba? Anong oras na.” Rinig ko ang boses ni Ate Sab. Kanina pa ako gising at pinapakiramdaman lang ang bahay kung umalis na ba si Aries. Ayokong makita ang p
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more
Chapter 10
“Aries?” bulong ko sa sarili. But why is he here? Nakasuot pa siya ng blue tuxedo pero hindi ko naalalang umuwi siya ng bahay para magbihis. Hindi rin ‘yan ang suot niya kanina bago umalis ng bahay.But he’s not alone. Lumipat din ang tingin ko sa babaeng katabi niya habang nakapulupot ang kamay nito sa braso niya. Agad na nagsalubong ang kilay ko at inismiran siya dahil bigla akong nakaramdam ng inis.But damn, I can see on my peripheral vision on how he saunter towards me and lean his arm over the table while raising his eyebrow on me.“What are you doing here?” he asked.“How about you? What are you doing here?” I asked back and look firmly at him.“I thought I texted you earlier about this?”Uminom ako ng wine. “Ito pala ‘yon? Hindi ka naman handa, ‘no?” Saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa.“Ni hindi ka nagpaalam.” Pagbalewala niya sa sinabi ko.“Nagpaalam ako kay Nanay.”“Hindi s
last updateLast Updated : 2022-02-26
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status