Share

Chapter 3

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ikasal kaming dalawa. Hindi naman gano’n kahirap ang pag-adjust ko dahil madali lang pakisamahan ang mga katiwala ni Aries. Nakilala ko na si Nanay Flor na matagal niya na palang katiwala. Mabait siya at maalaga talaga, kaya hindi rin mapakawalan ni Aries. 

“Good morning, ‘Nay,” saad ko agad nang makita siyang naghahain ng pang-umagahan. She’s in her mid 50’s already at tatlong dekada nang pinagsisilbihan ang pamilya Vincenzo. Ito lang kasi ang nagsilbi at nag-alaga kay Aries simula nang maulila na siya kaya malaki ang utang na loob niya sa kaniya. Itinuturing niya na rin itong parang tunay na ina. That’s what he told me, kaya pwedeng nanay na rin daw ang itawag ko sa kaniya.

“Good morning, hija. Heto, magkape ka muna.” Inabutan niya ako ng kapeng natimpla na kaya napangiti ako. Bigla kong naalala si mommy na ganito rin kaalaga sa akin no’ng nabubuhay pa siya.

“Salamat po. Si ate Sab?” tanong ko. Anak siya ni Nanay Flor at mabilis ko lang makasundo dahil pareho ko ring madaldal kahit pa limang taon ang agwat namin sa isa’t isa.

“Naku, ang batang ‘yon, tulog pa. Akala mo siya ang amo e, mabuti na nga lang at hindi pinapalayas ni Aries.”

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi talaga morning person si ate Sab, siya rin naman ang pinakahuling natutulog sa gabi kaya ayos lang na hindi siya maagang magising. Nagagawa niya pa rin naman ang trabaho niya.

Maya-maya lang ay bumaba na rin si Aries at nakaayos na ito na tila nagmamadali.

“Oh Aries, kumain ka muna,” tawag sa kaniya ni Nanay Flor pero nginitian lang siya ng huli saka tinuro ang relo nito, senyales na male-late na siya sa trabaho.

Nagkibit-balikat lang ako nang tingnan ako ni Nanay Flor. Napaka-busy talaga ni Aries, minsan lang namin siya makasabay sa hapagkainan. Kahit nandito naman siya ng gabi ay hindi pa rin siya nakakasabay dahil sa tinatapos niyang blueprint, o minsan ay maaga nang nakakatulog dahil sa pagod.

Wala naman akong pakialam dahil wala naman dapat talaga kaming pakialam sa buhay ng isa’t isa.

“Napaka-busy talaga ng batang ‘yon. Akala ko nga ay tatanda nang binata dahil bente-sais na at wala pang girlfriend. Iyon pala ay asawa na ang iuuwi.”

Napalunok ako nang sabihin ‘yon ni Nanay Flor. Hindi kasi nila alam ang kasunduan namin ni Aries. Mabuti nga at hindi sila nagtatanong sa eksena naming magkahiwalay ng kwarto.

Dahil wala naman akong ibang gagawin ay nagdesisyon na lang akong bumisita sa bahay ni kuya. Gusto kong malibang habang kalaro ang pamangkin ko.

“Oh, napabisita ka?” Base sa tono ng pananalita niya ay para bang ayaw niya akong papasukin sa pamamahay niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi mo ba ako miss? Ilang linggo rin tayong hindi nagkita.”

He chuckles. “Hindi. Inistorbo mo kami ng ate mo, e.”

Mas lalong sumimangot ang mukha ko. Ngayon na nga lang dadalaw, sinabihan pa akong istorbo. Muli na sana akong sasagot nang biglang dumating si ate Celestine mula sa kusina buhat-buhat ang anak nila.

“Huwag kang maniwala sa kuya mo, Chi. Palagi ka kaya naming pinag-uusapan. Miss ka na raw niyan.”

Ngumisi ako at muling humarap kay kuya na hindi na ngayon makatingin sa akin.

“Istorbo raw ah.” I teased.

Sa apat na taon ko ba namang paninirahan sa ibang bansa, hindi rin kami madalas mag-usap. Akala ko nga mahihiya na ako sa kaniya pag-uwi ko rito pero hindi pa rin pala nawawala ang closeness namin kahit ilang taon na ang nakalipas. 

Inikot niya ang mata niya at akala mo kung sinong suplado nang lampasan kami ni ate Celestine at tumungo sa kusina.

“Anyare do’n?” tanong ko. Bigla-bigla na lang nagsusuplado.

“Hayaan mo ‘yon. Nagtatampo.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit?”

“Hindi naka-score kagabi, e.”

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Kaya pala sinabihan akong istorbo, ah. Napapailing na lang ako nang buhatin ko si Demi at laruin.

“Ano palang plano mo, Chi? May balak ka pa bang bumalik sa Cali?” biglang tanong ni ate Celestine nang kami na lang dalawa ang nasa sala habang si kuya naman ang nagpapatulog kay Demi.

“Yup, hindi pa ako umaalis sa agency.” At wala akong balak umalis. I’m a model at maganda na sana ang career ko roon pero dahil nangyari ito ay mukhang magiging alanganin ako.

“Wala ka bang balak mag-stay rito?”

Umiling ako. Pagkatapos nang maayos ang papel ng lupa ay aalis na agad ako rito. Magtatayo lang ako ng business pero wala akong balak mag-stay.

“Hindi ba kayo maayos ni Aries?” muling tanong niya. Siguro ay nakakatunog na rin siya sa kasunduan namin ni Aries, pero wala naman na silang magagawa sa kung anong gusto kong gawin.

“Ayos naman,” tipid na sagot ko na lang.

Natahimik kami ng mga ilang segundo. Para kaming nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Hanggang sa bumuntong-hininga siya at seryoso akong tiningnan.

“Chi, pasensya ka na talaga dahil napunta ka sa ganitong klaseng sitwasyon.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil bahagya pa akong nagulat sa sinabi niya. Akala ko ay wala na silang pakialam sa mararamdaman ko. But here they are, saying sorry.

“O-okay lang.” I awkwardly smile. Okay lang talaga... I think?

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinaplos ‘yon. “Nagi-guilty rin ang kuya mo dahil hindi niya napigilan ang daddy n’yo. But your father wants you to stay, to settle down. Gusto niyang makabawi sa ‘yo. At kami rin, babawi rin kami sa ‘yo.”

Makabawi? Sa paraan ng pagtali sa akin dito sa Pilipinas? Gusto kong sabihin ‘yon pero alam kong labas si Ate Celestine sa issue na ‘to kaya pilit na lang akong ngumiti. Ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol doon. Nandito ako para maglibang at hindi para pag-usapan ang bagay na ‘yan.

Iniba ko na lang ang usapan hanggang sa gutumin kami at sabay-sabay nang kumain. Saktong katatapos lang naming kumain ay narinig naming umiyak si Demi kaya agad napatakbo roon si ate Celestine. 

Nang bandang alas-kwatro na ng hapon ay pareho kaming nakaupo ni kuya sa kusina. Nakatingin lang ito sa akin na para bang kinikilatis niya ako. Napalunok ako dahil sa tuwing ganito siya ay alam kong may alam siyang tinatago ko sa kaniya.

“Kumusta naman kayong mag-asawa?” he asked. Dalawa lang kami ang nandito dahil nakatulog si ate Celestine kasama ang anak nila.

“Ayon, mag-asawa pa rin,” pabalang kong sagot.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya mahina akong natawa. Tama naman ang sagot ko, e. Kabahan na lang siya kung sabihin kong hiwalay na kami dakawang linggo pa lang ang nakalilipas.

“Did you guys do ‘that’ already? Aba galaw-galaw, gusto ko ring masilayan ang pamangkin ko,” tatawa-tawang aniya dahilan para umawang ang labi ko.

“Of course not! Pareho naming hindi ginustong magpakasal.” Umirap ako. Maya-maya ay kusa rin akong natigilan nang mapagtanto ang sinabi ko. Hindi rin nakasagot si kuya dahil tila napaisip ito kaya agad akong umisip ng ipapalusot. “I.. I mean...”

“Alam ko, Chi.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Of course kilalang-kilala niya ako kaya alam niya kung ano ang tinatago ko. Pero bakit hindi niya ako pinigilan o pinagsabihan man lang?

“Mabait naman si Aries, hindi rin malabong magustuhan niyo ang isa’t isa,” pag-iba nitong muli sa usapan. Para bang iniiwas niya rin doon ang usapan namin.

“No way, he didn’t even meet my standards.” Nakisabay na lang ako.

He chuckles. “Because he exceeded it already.”

“Not even a single, kuya.” Umirap ako.

“Hindi malabong magustuhan mo siya lalo na at nakatira kayo sa iisang bubong,” he teased.

Muli akong umirap saka tumungo sa ref para kumuha ng maiinom. Wala akong makitang fresh milk at mahilig si kuya si C2 kaya paniguradong hindi ‘yon mawawala sa ref. At tama nga ako. Kinuha ko ‘yon nang walang paalam saka binuksan sa harapan niya.

“Magkahiwalay kami ng kwarto.” Saka ako uminom.

“Gagapangin ka ni Aries.”

Agad ko ring naibuga ang iniinom dahilan para matalsikan siya.

“Yuck, Chi! Umayos ka nga!” kunyare ay naiinis pero tumatawa lang siya habang sinasabi ‘yon! 

“That’s not gonna happen, kuya. May kasunduan kami ni Aries!” Inis na bulyaw ko sa kaniya nang pumunta ito sa lababo para maghugas. Kinuha ko na rin ang basahan para punasan ang lamesang natalsikan din.

“Sigurado ka? You know, Chi. Aries is a guy. Mag-asawa rin naman kayo so there's a big possibility na gapangin ka niya,” saad nito habang naghuhugas ng kamay. Ewan ko ba kung inaasar niya pa ba ako, o nagsasabi na siya ng totoo?

“Maglolock ako ng kwarto.” Muli akong uminom.

Tumawa lang siya saka muling bumalik sa dati niyang inuupuan. “Arte mo ha, baka nga ikaw ang gumapang kay Aries.”

“Kuya! Ano tingin mo sa ‘kin? Tigang?”

“Si Aries tigang.”

Sabay na kami ngayong tumawa sa sinabi niya.

“Dahil sa sinabi mo maglolock talaga ako ng kwarto.” Umiling-iling ako.

“Baka nakakalimutan mong architect ang asawa mo?”

Kumunot ang noo ko. “Ano naman?”

“Gagapangin ka ni Aries.”

Napapikit ako ng mariin dahil malapit na akong mapikon dito. Umiiral na naman ang pang-aasar niya at ako itong maikli lang ang pasensya!

“Kuya! Kapag ‘yan talaga nangyari kakasuhan ko ng rape si Aries.”

“Mag-asawa kayo kaya walang masama roon.”

“But it’s considered rape kapag hindi nagustuhan ng isa.”

“Sigurado ka bang hindi mo magugustuhan?”

“Ano ba, kuya!” Napipikon na talaga ako. Mahigpit na ang pagkakahawak ko sa bote ng C2 at malapit na itong malukot kahit may laman pa. Tumayo na lang ako at naghanap ng makakain dahil nakaramdam ako ng gutom. Napangiti ako nang makita ang corned beef kaya ‘yon na ang kinuha ko para lutuin.

“Tsk tsk, lil sis, hindi mahirap mahalin si Aries.”  

“Pa’no mo naman nasabi?” Binuksan ko ang corned beef at naghanap ng rekado.

“I know someone na since high school ay baliw na baliw sa kaniya.”

Natigil ako sa ginagawa. Wala akong mahanap na rekado. 

“So? Wala akong pakialam. Nasaan ang sibuyas n’yo, kuya?”

“Hmm. Actually magkasama sila sa architecture firm ngayon, e. Sinusundan pa rin ata siya ng babae. Tingnan mo na lang ‘yang sibuyas diyan, nahalo ata sa mga kamatis.” Bahagya siyang natigilan. “Teka nga, Sachi. Sinong nagsabing buksan mo ‘tong delata, ha? At bakit hindi ka nagpapaalam?”

Awkward akong ngumiti nang humarap sa kaniya. “Ang chismoso mo kasi, kuya. Lulutuin ko na’t lahat-lahat, hindi mo pa rin napapansin.”

Umiling-iling lang siya. “Nasa’n na nga ba ako? Ah oo, tama! Nagkaroon ata sila ng relasyon no’ng babae. Pero usap-usapan lang ‘yon. Kilala ko kung sino ang gusto ni Aries, e. Hanggang ngayon ata siya pa rin.”

“Sino?”

Muling natawa si kuya dahil sa agaran kong tanong. Na-curious ako bigla, e. Inirapan ko nga siya.

“Akala ko ba wala kang pake?”

“Paano ako hindi magkakaroon ng pake eh kwento ka nang kwento.”

Muli ko siyang inirapan saka sinimulang hiwain ang sibuyas. At nasa lahi na yata namin ang pagkamadaldal dahil muli na naman siyang nagsalita.

“Tsk tsk tsk, I’m telling you this, lil sis.”

“What?”

“Gagapangin ka ni Aries.”

Agad siyang tumakbo palabas ng pintuan nang ambahan ko siya ng kutsilyo. Napakakulit e! Sinabi nang wala ‘yon sa usapan namin ni Aries! Ang hilig-hilig niya talagang mang-asar at hindi ko alam kung paano siya nagustuhan ni ate Celestine. Kalalaking tao napakachismoso.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagluluto hanggang sa maya-maya ay bumalik si kuya sa kusina pero hindi na ito nag-iisa. Buhat-buhat niya ang anak at talaga ngang napakamautak dahil hindi ko siya magagawan ng kahit ano ngayong hawak niya ang pamangkin ko. Maya-maya ay sunod na pumasok si ate Celestine at agad nagtaka nang makita ang hitsura ko.

“What’s with the atmosphere?” tanong niya.

“Gagapangin siya ni Aries.”

Muli akong napapikit ng mariin dahil sa sinabi niya. Unting-unti na lang talaga! Pero si ate Celestine ay tumawa lang! Kainis! Wala man lang akong kakampi rito. Bakit ba kasi ngayon lang pinanganak si Demi? Ang hina ni kuya!

“Ano ba! Bakit pa ba kasi ako pumunta rito?!” Ramdam kong namumula na ako dahil sa inis at patuloy pa rin sa pang-aasar ang mag-asawa. 

“Wala namang masama ro’n dahil mag-asawa kayo,” gatong ni ate Celestine sa asawa na mas lalo kong ikinainis.

“Hindi nga kasi!”

“Ang alin? Gagapangin kita?”

Natigilan ako nang marinig ang boses na ‘yon. Pati si kuya at ate Celestine na kaninang tumatawa ay natahimik din habang tumagos sa akin ang tingin nila. Dahan-dahan akong tumalikod para harapin siya at nakitang nakangiti ito sa amin. Damn that dimples!

“I’m here to fetch my wife.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Wife. He just called me wife. Pero paano niya nalamang nandito ako? Anong oras na ba? Nang tingnan ko ang wall clock ay alas-singko na pala ng hapon. Awkward akong ngumiti kay Aries. 

“Mabuti pa nga nang magapang mo na—I mean nang makapagpahinga na.”

Pinandilatan ko si kuya na ngayon ay nagsisimula na naman. Pinipigilan nitong tumawa pero mahahalatang gustong-gusto niya talagang naaasar ako. Gano’n din si ate Celestine na kinakain na ang corned beef na niluto ko!

Nang muli kong harapin si Aries ay may mapaglarong ngiting kumawala mula sa labi niya at nang makitang nakatingin ako ay agad din iyong binawi.

Pareho ko lang silang inirapan nang mauna na akong maglakad palabas ng bahay at papasok sa sasakyan ni Aries.

Para akong biglang naging paranoid dahil sa pang-aasar si kuya. Papasok pa lang si Aries sa sasakyan ay grabe na ang pagsiksik ko sa gilid na akala mo ay may gagawin siyang kung ano sa "kin.

Aries chuckles when he saw what I did. “Relax. Hindi ka gano’n kaganda para gapangin ko.”

Napaawang ang labi ko. Wow. Hindi ko alam kung saan na ako naiinis ngayon. Sa pang-aasar ba ni kuya o sa sinabi ni Aries.

“Gwapo mo, ha!” sarkastikong saad ko rito dahilan para muli siyang matawa.

Nagsimula na siyang magdrive at hindi ko alam kung ano ba ang mabagal, itong sasakyan ba o ang oras? Hindi naman gano’n kalayo ang bahay ni kuya sa bahay ni Aries pero dahil sa katahimikan ay tila ang tagal naming makauwi.

Muli ko na namang naisip ang sinabi ni kuya. Bwesit talaga ‘yon! Nag-ooverthink na ako! Paano nga kung gapangin ako ni Aries? O paano naman kung ako ang nahulog sa kaniya? Ako na mismo ang nagsabi na bawal. Pero bakit ko pa nga ba sinabing bawal? What the heck! Na-coconfuse na ako sa sarili ko!

Umiling ako dahil sa naisip. No, Sachiko. You shouldn’t. Over your dead body, you shouldn’t fall in love with Aries.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status