“Sigurado ka na ba, Sachi?”
Ngayon ay ako na ang nagtaka nang itanong ‘yon sa ‘kin ni kuya. Parang kahapon lang ay sila pa ang nangungumbinsi sa akin na magpakasal pero ngayong pumayag na ako ay halos hindi pa sila makapaniwala. Though, given naman na ang pagpayag ko dahil wala rin naman akong magagawa.
“Hindi ba ito naman ang gusto niyo?” Umirap ako sa kanila.
Ako na kasi mismo ang nag-approach kay Dad para ma-organize na ang wedding. Good thing, nandito rin si kuya sa office ni Dad kaya hindi ako masyadong naiilang sa kaniya. We’re not close kahit pa tatay ko siya.
“Alright. Let’s organize the wedding immediately.”
Napangisi ako. This means, mapapasaakin na ang lupang matagal ko nang hinihiling sa kaniya. Pinag-usapan na namin ‘yon at sinabi niyang buong-buo niyang ibibigay sa amin ang lupa. Mainam na raw na sa akin at kay Aries mapupunta ‘yon dahil kampante siyang maaalagaan namin ang lupa. He’s right, though. May iba nga lang akong balak doon.
Matapos ang usapan namin ay palabas na sana ako ng office nang bigla kong makasalubong si Tita Amelia.
“I heard you accepted the proposal. Sigurado ka na ba talaga sa planong ito ni Lorenzo?”
I look at her with disgust. “Don’t act as if you’re really concern with me.”
Napaawang ang labi niya dahil sa sagot ko.
“Sachiko.”
Napapikit ako ng mariin dahil sa tawag ni Dad. Umirap lang ako saka dumako ang tingin kay kuya pero agad din akong natigilan nang makita ang pagkaseryoso ng mukha niya.
Aaminin kong mas takot ako sa kaniya ‘pag galit siya kaysa kay Dad. Dahil na rin sa closeness namin ay ayaw kong nagagalit siya sa akin kaya naman huminga ako ng malalim.
“Fine, fine. Sorry.” Umirap ako sa paraang hindi makikita ni kuya saka nilagpasan si Tita Amelia at tuluyan nang lumabas sa office na ‘yon.
Maya-maya ay narinig ko ang mabibilis na yapak ni kuya mula sa likod at nang makalapit sa akin ay inakbayan ako.
“Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago. Mabait naman si Tita Amelia ah.”
“Mabait si Tita Amelia blablahblah. I still don’t want to replace our mom.”
Napabuntong-hininga siya at may sasabihin pa sana pero nakasalubong na namin si ate Celestine na buhat-buhat ang anak nilang 5 months old.
“Oh my God! Demi!” Biglang umaliwalas ang ekspresyon ko dahil sa ka-cute-an ng anak nila. Ngumiti rin ang sanggol na tila ba nakikilala ako kahit na kahapon ko lang siya unang nakita.
“Tama ba ang nabalitaan ko, Chi? Pumayag ka na sa kasal?” biglang tanong ni ate Celestine nang buhatin ko si Demi.
“Hmm,” simpleng sagot ko lang habang nakatutok kay Demi at naglalaro.
“Aries is a good guy.” Lumapit si kuya sa asawa saka ito inakbayan. “Sigurado akong hindi niya pababayaan si Sachi.”
Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa pagpapakasal pero nawala na sa kanila ang atensyon ko. It’s not that I like it, anyway. Ang lupa lang ang habol namin ni Aries. But of course hindi namin ito pinaalam sa kanila, given naman nang papayag ako.
Lumipas ang isang linggo at araw na ng kasal namin. Ewan ko ba kung bakit pa ito pinag-aksayahan ni Dad. Hindi naman gano’n karami ang bisita, mga business partner niya lang at iilang katrabaho ni Aries at kuya Isaiah, pero kung maghanda napakabongga. Hindi naman na ako nabahala dahil walang masyadong camera, hindi rin naka-public kaya walang media.
Nasabi ko na ang wedding vow ko at binasa ko pa talaga ‘yon sa papel dahil hindi ko ito memorize. As if pag-aaksayahan ko ng oras ‘yan. Sunod naman na ay si Aries.
“I, Aries Scott Vincenzo, take you Sachiko Falasca, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do us part.”
Pinanood ko lang ang pagsuot niya sa akin ng singsing. Mahina akong napabuntong-hininga. Ito na nga ‘yon, hanggang ngayon ay hindi pa din nagsisink-in sa akin na kasal ko ito.
“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride,” saad ng Father.
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa napagtanto. Hindi pumasok sa isip ko na mayroon nga palang ganito! Kanina pa kasi naglalakbay ang utak ko sa kung anu-anong bagay.
Tiningnan muna ni Aries ang mga mata ko bago ‘yon bumaba sa labi ko. Kumunot ang noo ko nang umangat ang sulok ng labi niya.
“The deal,” he whisper as he move his head closer and slant it.
Muli akong bumuntong-hininga. “The deal,” pag-ulit ko at kasunod non ang malambot na labing dumampi sa labi ko.
Tila may nabuhay mula sa loob ko habang magkadampi pa rin ang mga labi namin. I somehow wonder why I feel comforted with his lips. Para bang pinaparating nitong maayos pa rin ang lahat.
Pinilit ko na lang alisin ‘yon sa isipan hanggang sa maramdaman ko ang pagngisi niya bago humiwalay sa akin.
“Glittery lip gloss.”
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon doon kaya kumunot na lang ang noo ko. Maya-maya ay umakbay siya sa akin saka namin hinarap ang saksi sa kasalang naganap. Ngiting-ngiti ang pamilya ko dahil wala pa silang alam sa binabalak namin ni Aries.
Mabilis lang din kaming umalis sa reception dahil hindi sanay si Aries na pinapalibutan ng mga tao. Siya lang sana ang aalis pero sumama na ako dahil hindi rin ako komportableng makisalamuha sa mga kabusiness partner ni Dad.
Nang kaming dalawa na lang ang nasa sasakyan ay inilabas ko ang listahan ko dahilan para kumunot ang noo ni Aries.
“These are my rules and I want you to remember it all. All of them.” I look firmly at him, causing him to smile awkwardly. Masyado atang napahaba ang listahan ko. Listahan kasi ito ng mga rules ko dahil mahirap na, ngayong titira ako sa bahay niya ay dapat magkalinawan na kami sa mga rules namin.
Tahimik lang siya kaya sinimulan ko nang basahin iyon sa harapan niya.
“First, dapat magkahiwalay tayo ng kwarto.”
Tumango siya. Okay, mukhang handa naman siya roon.
“Second, walang pakialamanan sa buhay ng isa’t isa, including our relationship with other people.”
Muli siyang tumango.
“Pati na rin ang oras ng pag-uwi.”
Natigilan siya. He furrowed his brows as he look at me.
“No.”
Nagsalubong ang kilay ko. “What? Wala tayong pakialam sa isa’t isa kaya kahit pa umagahin ka sa uwi diyan ay wala akong pakialam.”
“Pero ako meron.” Umayos siya sa pagkakaharap sa akin at seryoso akong tiningnan. “Ipinagkatiwala ka ng pamilya mo sa akin kaya hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa ‘yo.”
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil na-exaggerate niya ang ibig kong sabihin.
“Hindi porket late nang uuwi ay may mangyayari nang masama, Aries.” Umirap ako.
“Still, I won’t let you. Dapat alas-otso ng gabi ay nasa bahay ka na.”
Napailing na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa. Baka isumbong niya pa ako kay kuya at mas lalong hindi na makalabas ng bahay.
Pinagpatuloy ko ang pagsabi ng mga rules hanggang sa makalipas ang trenta minutos ay nasa tapat na kami ng isang... wow, a bungalow house design. Napaawang ang labi ko sa makaagaw-pansin nitong disenyo.
It’s not too big, though. Hula ko ay one storied house lang ito or one and a half. May garden sa paligid ng daan sa harap. Dalawa ang gate, ang isa ay diretso sa pintuan ng bahay, at ang isa ay diretso sa garahe. I like the style of its veranda, malinis tingnan dahil sa kaputian.
“Bahay mo ‘to?”
That’s a stupid question, I know. Pero wala na akong maisip na itatanong dahil abala ako sa pag-obserba ng bahay nang makababa kami sa sasakyan.
Binuksan niya ang gate saka nagkibit-balikat. “Ako ang nag-design.”
Naglalakad na kami sa front porch nang makita ko sa listahan ang isa pa palang hindi ko nabanggit sa kaniya. My last rule.
“Wait, Aries.”
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nakataas ang kilay niya at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
“This is my last rule.” Ngumisi ako. “Falling in love is prohibited.”
Aries chuckles from what I said. “Sigurado ka? What if you’re the one who fell?”
Sumama ang tingin ko sa kaniya. “Asa. You’re not my type.
“Me neither. Kahit matagal ko nang kaibigan ang kuya mo, hindi sumagi sa isip kong magkagusto sa ‘yo.”
Wow! What a jerk.
“As if namang magkakagusto rin ako sa ‘yo.” I roll my eyes.
“Good, then. Mas mabuti nang magkalinawan.”
Muli akong umirap nang tumalikod na siya at naglakad papasok ng pinto. Sumusunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa loob at muli na naman akong namangha. So his house is one and a half storied house. May hagdan na nasa anim na hakbang papunta sa tatlong pinto. I think one of them is his room.
Ang kinatatayuan namin ngayon ay ang sala. Makikita rin mula rito ang kusina na may round table at apat na upuan. Kung titingnan sa labas ay mukhang maliit lang ang bahay, pero pagpasok sa loob ay mahahalatang maluwang ito dahil na rin sa kaunting mga gamit. Wala ba siyang kasama rito?
Umakyat siya sa isang kwarto habang nakasunod pa rin ako. “This is your room.” Turo niya sa bandang kaliwang pintuan. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa gitnang pintuan. “This is Nanay Flor and Sabrina’s room, katiwala ko sila rito sa bahay.” And he walk to the right door. “And this is my room. You can come here if you want.”
Nagsalubong ang kilay ko sa huling sinabi niya. “Ano namang gagawin ko diyan?”
Umangat ang sulok ng labi nito. “I don’t know. Maybe we can do something interesting inside. You know, mag-asawa naman na tayo.”
Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong tinakpan ang sarili gamit ang mga braso ko. “H-hoy! H-hindi ‘yan kasama sa usapan ha! Tsaka anong tingin mo sa ‘kin? M-may pangangailangan?”
He chuckles. “Bakit? Ano bang iniisip mo?” Nagsimula siyang lumapit dahilan para mapaatras ako at mapasandal sa railings. “But I think... mas interesting gawin ‘yang nasa isip mo.”
Muli akong napaatras. “Hoy Aries! Kapag may ginawa kang hindi maganda sa ‘kin, hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ka!”
Muli na naman siyang natawa. Namumula na ako rito pero para bang hindi niya alintana ang sinabi ko. Patuloy pa rin siya sa paglapit habang malalim ang tingin sa akin na para bang binabasa niya ako.
“Sachiko...”
Para akong kinikiliti sa tawag niya! Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil ipinatong niya na ang mga kamay sa railings na sinasandalan ko kaya naman ngayon ay para akong nakakulong sa mga bisig niya.
“I like your name. It means happiness.”
Hindi ako nakasagot. He’s right, though. Umiwas lang ako ng tingin.
“I actually wonder, why did your parents name you with a japanese origin name? Wala ka namang lahing japanese. So why?”
Okay? So he’s asking me that while he’s this inches away? Napaka-random ng question niya at kailangan ba talagang ganito kalapit?
“My mom likes japanese culture,” sagot ko habang nakaiwas pa rin ng tingin. “Tsaka ikaw rin naman ah. Bakit Aries?”
“Simply because my astrological sign is Aries.”
Oo nga naman. Napaka-obvious nga naman talaga ng sagot.
“Ano ba! Bakit ba ang lapit mo?!” Tinulak ko siya pero hindi man lang ito napaatras. Nanatiling mahigpit ang pagkakahawak niya sa railings habang kinikilatis pa rin ang mukha ko.
“Maganda ka pala talaga, ‘no?”
Naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil biglaan ang pagkasabi niya non. At dahil din do’n ay mas lalong hindi na ako makaharap sa kaniya. Ramdam kong namumula na ako at nakikita niya ‘yon ngayong ganito siya kalapit sa akin.
Maya-maya ay agad din siyang lumayo na para bang may napagtanto saka niluwagan ang necktie nito. Muli niya akong tiningnan at nang makita ang nakataas kong kilay ay agad din siyang umiwas saka tumikhim
“M-magpahinga ka na.” Saka siya mabilis na pumasok sa kwarto nito.
Wow. What was that? I was left confused!
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ikasal kaming dalawa. Hindi naman gano’n kahirap ang pag-adjust ko dahil madali lang pakisamahan ang mga katiwala ni Aries. Nakilala ko na si Nanay Flor na matagal niya na palang katiwala. Mabait siya at maalaga talaga, kaya hindi rin mapakawalan ni Aries. “Good morning, ‘Nay,” saad ko agad nang makita siyang naghahain ng pang-umagahan. She’s in her mid 50’s already at tatlong dekada nang pinagsisilbihan ang pamilya Vincenzo. Ito lang kasi ang nagsilbi at nag-alaga kay Aries simula nang maulila na siya kaya malaki ang utang na loob niya sa kaniya. Itinuturing niya na rin itong parang tunay na ina. That’s what he told me, kaya pwedeng nanay na rin daw ang itawag ko sa kaniya. “Good morning, hija. Heto, magkape ka muna.” Inabutan niya ako ng kapeng natimpla na kaya napangiti ako. Bigla kong naalala si mommy na ganito rin kaalaga sa akin no’ng nabubuhay pa siya. “Sa
Sinobra ba sa tanghali ang gising ko? Bakit ganito na agad kainit?I was just standing at the kitchen doorway, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok o babalik na lang sa kwarto?For pete’s sake, Aries is topless! At saktong pagpasok ko ng kusina ay sakto ring pagtanggal niya ng apron so I can clearly see his six pack abs! Tanging sweatpants lang ang suot niyang pang-ibaba.Tumikhim ako saka mabilis na tumungo sa coffee maker nang hindi pinapahalatang apektado ako sa presensya niya.“Day off?” tanong ko na lang bago maupo sa upuan at uminom ng kape.Tumango siya saka naglagay ng dalawang plato sa lamesa. Saka ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ang niluto niyang caldereta.“Kagigising mo lang?”Awkward akong ngumiti saka tumango. Nawili kasi ako sa pagbabasa kagabi at hindi ko namalayang
I rushed through Aries that was sitting on the floor. Nasipa ko pa ang bote ng alak sa tabi niya.He’s drunk.“Shit! Ano bang nangyari sa ‘yo?!”Kinuha ko ang braso niya at inalalayan siyang tumayo. The blood in his left arm continues to flow. Nagpapanic ko siyang pinaupo sa upuan at sinabihang huwag siyang gagalaw.Agad akong naghanap ng first aid kit. Nang makita ko ‘yon sa cabinet na nasa taas ay nanginginig ang kamay ko nang hawakan ang braso ni Aries. Ayokong gumawa ng malakas na ingay dahil baka magising ko si Nanay Flor at Ate Sab.Kumuha ako ng planggana at naglagay ng tubig doon para panghugas sa sugat ni Aries. Nang bumalik ako sa pwesto niya ay nakatungo ito sa braso. Umangat ang tingin niya at ngumiti ito nang makita ako. Only his lips are smiling but his eyes are tired.“Look.” He raised his left ar
Just when I stepped outside of my room, Aries’s door falls open. We both froze. Bigla akong napaiwas ng tingin habang siya ay tumikhim. “Good morning,” he casually said. Tipid akong ngumiti. “Morning.” Nauna na akong maglakad papunta sa kusina at sumunod din siya. We’re silent until we reach the kitchen and thank God, Nanay Flor was already there. “Oh, mabuti at gising na kayo. Kumain na kayo,” aya niya saka naghanda ng mga pagkain sa mesa. Umupo ako at kumuha ng slice bread. I’m a left handed person kaya nang hawakan ko ang kutsara gamit ang kaliwang kamay ay napadaing ako nang maalalang may sugat nga pala ako roon. Ano ba naman ‘to! Napakaliit na sugat pero ang hapdi. Ginamit ko na lang ang kanang kamay ko para sana maglagay ng palaman pero dahil hindi ako sanay roon ay napabuga ako ng malalim na hininga. Hanggang sa bigla
“What’s the meaning of this, Sachiko?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pakaseryoso ng mukha niya. Ni hindi ako makapagsalita! Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. At ipinagpasalamat ko nang biglang dumating ang waiter para kunin ang order namin. Mabilis ding sinabi ni Calisto ang order namin at muling bumalik ang atensyon sa akin. Nakataas ang kilay niya habang hinihintay ang sagot ko. “Uh... I... I b-bought this ring.” “You bought it? Ha! Don’t fool me, Sach. I know you. Ni hindi ka mahilig sa jewelries unless you’re on photoshoot or fashion show.” I bit my lower lip. We worked together for how many years, at kilalang-kilala niya na ako. Mapagkakatiwalaan ko rin naman siya, pero hindi ko lang alam ang tungkol dito. He’s still my agent, pwedeng masira ang career ko... or bumagsak ang pangalan ko. “Cali. Can we just talk ag
Nakaayos na ako at handa na sa pag-alis nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Aries at iniluwal siya mula roon.Bahagya pang kumunot ang noo nito nang makita ang ayos ko saka ako pinasadahan ng tingin pababa.“Where are you going?” he asked.“Work,” tipid na sagot ko.Kinuha ko na ang pouch ko at palabas na nang bigla ulit siyang magsalita.“Wala akong maalalang may trabaho ka na, Sachiko.”Bumuntong-hininga ako habang nakaharap pa rin sa pintuan. Hangga’t maaari ay ayokong ma-stuck dito sa bahay niya kaya napagdesisyunan ko munang puntahan si Cali. Pero para makaalis na ako sa pamamahay na ‘to ay hinarap ko siya.“Do you still remember the second rule?” I asked. Saglit pa itong napaisip saka ako tinaasan ng kilay.Hindi siya sumagot kaya umayos ako ng pagkak
Funny how I spent the entire night crying. Masakit pa rin ang pang-upo ko kaya hindi na ako masyadong nakatulog. Iniyak ko lang lahat at hindi ko alam kung bakit gano’n ako naging ka-emosyonal. I’m sensitive, yes, pero insensitive siya, e!Ni halos ayoko nang lumabas ng kwarto. May init na rin sa labas pero nakadapa pa rin ako sa kama habang nakabaon ang mukha sa unan. Dagdag pang masakit ang ulo ko dahil medyo naparami ang inom ko kagabi.Alam kong may mali rin ako, pero hindi ko alam kung bakit gano’n kalala ang impact sa ‘kin ng sinabi niya. I was offended, nanahimik na lang sana siya mas tanggap ko pa.Maya-maya ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok.“Sachiko, gising ka na ba? Anong oras na.”Rinig ko ang boses ni Ate Sab. Kanina pa ako gising at pinapakiramdaman lang ang bahay kung umalis na ba si Aries. Ayokong makita ang p
“Aries?” bulong ko sa sarili. But why is he here? Nakasuot pa siya ng blue tuxedo pero hindi ko naalalang umuwi siya ng bahay para magbihis. Hindi rin ‘yan ang suot niya kanina bago umalis ng bahay.But he’s not alone. Lumipat din ang tingin ko sa babaeng katabi niya habang nakapulupot ang kamay nito sa braso niya. Agad na nagsalubong ang kilay ko at inismiran siya dahil bigla akong nakaramdam ng inis.But damn, I can see on my peripheral vision on how he saunter towards me and lean his arm over the table while raising his eyebrow on me.“What are you doing here?” he asked.“How about you? What are you doing here?” I asked back and look firmly at him.“I thought I texted you earlier about this?”Uminom ako ng wine. “Ito pala ‘yon? Hindi ka naman handa, ‘no?” Saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa.“Ni hindi ka nagpaalam.” Pagbalewala niya sa sinabi ko.“Nagpaalam ako kay Nanay.”“Hindi s