Masayahin at palabiro si Halina Hernandez noong kabataan niya. Ngunit nang masaktan sa unang pag-ibig niya kay Goddy Vásquez, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw—naging malamig siya at natutong husgahan ang mga taong hindi ka-level ng kanyang estado. Ayaw na niyang bumaba mula sa pedestal na tinatayuan niya, lalo na para magmahal muli ng isang lalaking hindi niya kapantay. Makalipas ang anim na taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Akala niya, tuluyan na niyang nalimot ang sakit na dulot ng unang pag-ibig niya—pero nagkakamali siya. Dahil sa bawat paglapit ni Goddy, muli niyang naramdaman ang damdaming matagal na niyang pilit kinalimutan. Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang pagmamataas, o muli siyang mahuhulog sa isang pag-ibig na minsan nang sumira sa kanya?
view moreAPAT na katok pa si Goddy bago sumagot ang bunsong kapatid. “Hindi nga sabi ako sasama, Kuya!” sigaw nito mula sa loob ng silid nito.“Bakit ba kasi biglang nagbago ang isip mo?”“Eh, sa ayaw ko na nga!”“Okay! Hindi na kita pipilitin!”Hindi na sumagot ang kapatid kaya inayos na niya ang suot niya. Navy blue shirts at pinatungan niya lang suit na kulay gray na coat. Maong pants naman ang sa ilalim niya. Nabili niya lang ito sa murang halaga para sa reunion na gaganapin.Agad na pumara siya ng trickle papunta sa labasan. At mula naman sa labasan nila ay sumakay siya ng jeep. Pinagtitinginan siya ng ilan dahil sa semi-formal na ayos niya. Pero bagay naman sa kanya kahit na halatang pinaglumaan na ang suot. Sa ukay niya lang kasi nabili.Isa siya sa organizer ng reunion nila, pero sa mga CCTV siya naka-assign, para sa security.“Hi, Seth!”“Good God, dumating ka na, Goddy. Pa-set up naman ng projector, please,” pakiusap nito sa kanya.“I will, sir.” Ahead siya rito pero dito ito nagta
MABILIS ang kilos ng personal driver ni Halina pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng A&K Couture para ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Agad na yumuko ang dalawang guard na dumaan sa kanya nang makababa siya, subalit wala siyang reaksyon. Parang wala lang ang mga ito. Normal na iyon sa mga tauhan niya kaya wala siyang narinig mula sa mga ito.Mula nang mag-take over siya sa kumpanya ng ina, ganoon na siya kalamig sa mga tauhan niya, kaya walang bago sa pakikitungo. Kahit noong magtapos siya ng kolehiyo ay malamig na siya sa mga tao— lalo na sa mga mahihirap, sa hindi niya ka-level. Hindi siya nakikipag usap sa mga ito.Bago pa siya makarating sa elevator ay inunahan siya ng driver niya para pumindot ng button. Seryosong pumasok siya at pumuwesto sa pinaka gitna, ang driver niya, hindi sumakay. Ayaw niyang may kasabay sa elevator. Saka may naghihintay na sa kanya sa taas, si Fanny— ang secretary niya.“Good morning, Miss Halina.” Sabay kuha sa kanya ng clutch bag niya. “Naka-
SINUNDAN ni Halina nang tingin ang second hand ng magarang wall clock nila sa room. Pagtingin niya sa relong pambisig niya, mga twenty seconds na lang bago mag-dismiss ang professor nila sa subject na Data Structures. Kasalukuyang kumukuha si Halina ng Computer Science ngayon dito sa unibersidad malapit sa kanila. Wala namang question ang magulang niya sa kursong kinukuha nila. Sabi ng Daddy niya, natutunan naman ang pag-manage ng business kaya hindi kailangang business course ang kunin niya. Kaya Computer Science agad ang kinuha niya.Actually, may rason kung bakit ito ang kinuha niyang kurso. Hindi naman ano ang dapat na itanong sa kanya. Sino. Sino ba ang dahilan kung bakit CS ang kinuha niyang kurso. Dahil lang naman sa lalaking nakilala niya noong 4th year high school siya. Iyon kasi ang kurso na gusto nito ayon sa babaeng kausap nito. At hindi niya akalaing makikita rito ang lalaking iyon. Kaya masaya lagi ang araw niya sa unibersidad na ito.“Tic…” Sumilay ang magandang ngiti
SINUNDAN ni Halina nang tingin ang second hand ng magarang wall clock nila sa room. Pagtingin niya sa relong pambisig niya, mga twenty seconds na lang bago mag-dismiss ang professor nila sa subject na Data Structures. Kasalukuyang kumukuha si Halina ng Computer Science ngayon dito sa unibersidad malapit sa kanila. Wala namang question ang magulang niya sa kursong kinukuha nila. Sabi ng Daddy niya, natutunan naman ang pag-manage ng business kaya hindi kailangang business course ang kunin niya. Kaya Computer Science agad ang kinuha niya.Actually, may rason kung bakit ito ang kinuha niyang kurso. Hindi naman ano ang dapat na itanong sa kanya. Sino. Sino ba ang dahilan kung bakit CS ang kinuha niyang kurso. Dahil lang naman sa lalaking nakilala niya noong 4th year high school siya. Iyon kasi ang kurso na gusto nito ayon sa babaeng kausap nito. At hindi niya akalaing makikita rito ang lalaking iyon. Kaya masaya lagi ang araw niya sa unibersidad na ito.“Tic…” Sumilay ang magandang ngiti ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments