Twisted Fate with the Disguised Billionaire

Twisted Fate with the Disguised Billionaire

last updateLast Updated : 2025-02-20
By:   Raynosorous  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Si Kiara Morris ay isang babae na may pangarap—masipag, matalino, at hinahangaan sa kanilang kompanya. Kasama ang kanyang boyfriend na si Benedict, kilala sila bilang “couple goals” ng kanilang opisina. Ngunit paano kung ang lalaking minahal niya ay may tinatago palang inggit at galit sa kanya? Nang dumating ang pagkakataong sila ang pinagpilian para sa isang mataas na posisyon, hindi inakala ni Kiara na ito ang magiging simula ng kanyang bangungot. Sa isang gabi ng selebrasyon, inalok siya ni Benedict ng inumin—hindi niya alam, may mas madilim itong plano. At ang akala ni Kiara na ito ay isang panaginip, ay siya ay mainit na nakikipagtalik sa isang lalaki. Sa isang iglap, nagising na lang siya na masakit ang kanyang katawan at ang kanyang pagkababae. Isang buwan ang lumipas at natuklasan ni Kiara ang isang nakakagulat na katotohanan—siya ay buntis. Ngunit sino ang ama? Dahil dito, nagtagumpay si Benedict na sirain siya at tuluyang mawalan ng trabaho. Limang buwan ang lumipas, may bigla na namang lumapit sa kanya na misteryosong matanda na tinulungan siyang magkaroon ng trabaho. Doon nagtagpo ang kanilang landas ng kinakainisan niyang janitor. Wala siyang magawa kundi pakisamahan ang lalaking kinaiinisan niya, para lamang sa trabaho na kailangan na kailangan niya. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabuo ang buhay na sinira ng kanyang ex? At paano kung ang hinahanap niyang kasagutan ay nasa taong hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

“Deserve mo ng magkabilang sampal!” masayang sabi ni Ekang habang pumapalakpak pa.Malaking ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Sa sobrang saya, halos wala na akong masabi. Bago pa man magsimula ang trabaho kaninang umaga, pinatawag ako para sabihing isa ako sa mga nakapila para sa promotion. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Nagbunga rin ang ilang taon kong paghihirap.Patuloy lang si Ekang sa pag-iingay tungkol sa promotion. Break namin ngayon kaya malaya siyang mag-ingay.“Ano ka ba? Kilala ka naman ng mga katrabaho natin, ah. Tsaka alam nila na mabait kang tao.”“Kahit na! Tsaka baka mausog, noh! Biglang hindi ako mapili,” sagot ko. Napahinto naman siya sa pagnguya at nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Oh, ‘di ba?“Hindi na… Pero kahit mausog man o hindi, deserve mo ang promotion dahil sa effort, sipag, at dedikasyon mo. Lahat na! Aba, kapag hindi pa ‘yan nakita ng kompanya, iba-bash ko sila nang todo.”Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Ekang hanggang bigla siyang su...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
CHAPTER 1
“Deserve mo ng magkabilang sampal!” masayang sabi ni Ekang habang pumapalakpak pa.Malaking ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Sa sobrang saya, halos wala na akong masabi. Bago pa man magsimula ang trabaho kaninang umaga, pinatawag ako para sabihing isa ako sa mga nakapila para sa promotion. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Nagbunga rin ang ilang taon kong paghihirap.Patuloy lang si Ekang sa pag-iingay tungkol sa promotion. Break namin ngayon kaya malaya siyang mag-ingay.“Ano ka ba? Kilala ka naman ng mga katrabaho natin, ah. Tsaka alam nila na mabait kang tao.”“Kahit na! Tsaka baka mausog, noh! Biglang hindi ako mapili,” sagot ko. Napahinto naman siya sa pagnguya at nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Oh, ‘di ba?“Hindi na… Pero kahit mausog man o hindi, deserve mo ang promotion dahil sa effort, sipag, at dedikasyon mo. Lahat na! Aba, kapag hindi pa ‘yan nakita ng kompanya, iba-bash ko sila nang todo.”Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Ekang hanggang bigla siyang su
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
CHAPTER 2
Dahil sa ingay ng cellphone ko, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nang luminaw na ang paningin ko, nilibot ko ang lugar kung nasaan man ako ngayon. Babangon na sana ako nang maramdaman ang sakit sa aking katawan, lalo na sa pagkababae ko. Agad akong nakaramdam ng kaba. Nilibot ko ang aking paningin sa kama at hinanap ang cellphone.Nasan ako? Ang huling alalaala ko nagiinuman lang kami ni Benedict. Bakit nasa kwarto nako? Pano ako napunta dito? At bakit wala si Benedict.Ilang missed calls ni Ekang ang bumungad sa akin, pero nagtaka ako dahil wala man lang ni isang tawag mula kay Benedict. Binalewala ko na lang iyon at agad siyang tinawagan. Ilang segundo lang, sinagot na niya ang tawag at maganda ang tono ng boses niya.“Sweetheart! Good morning,” masigla niyang bati.Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, pero nawala agad iyon nang mapaungol ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.“Nasan ka? Anong nangyari kagabi? Bakit ang sakit ng katawan ko at ng... pagkababae ko?” Naiin
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
CHAPTER 3
Isang buwan na ang nakalipas simula nang ma-promote ako. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon, kaya sobra akong saya at thankful. Akala ko babalik na naman si Benedict sa pagiging walang reaction, pero hindi sobrang saya rin niya para sa akin.Hindi ko na rin nakita ang janitor na nakausap ko sa rooftop. Hindi naman sa kung ano, pero ayoko muna siyang makita dahil sa nangyari. Pero wala pa ring katapusan si Ekang sa kaka-promote ng "walking ulam" niya na ‘yan. Kesyo minsan daw nakikita niya ito sa kumpanya. Hinahayaan ko na lang siya at pinapalabas pasok sa tenga ang sinasabi niya."Ang baho naman, Ekang," sabi ko sabay takip ng ilong nang buksan niya ang pagkain.Agad naman siyang sumimangot sa ginawa ko."Hoy, babaita! Baka nakakalimutan mong paborito mo 'to? Sinigang ‘to, teh! Magic ulam natin ‘to! At saka ilang araw ka nang ganyan. Baka naman nasosobrahan ka na sa trabaho? Ilang araw ka nang nahihilo, moody, at nagsusuka," sabi niya habang ngumunguya.Umirap lang ako at uminom
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
CHAPTER 4
Limang buwan ang nakalipas. Masasabi kong mahirap ang mga panahong iyon, lalo na’t buntis ako at ang kasalukuyang trabaho ko ay hindi ganoon kalakihan ang sahod, hindi tulad ng dati kong trabaho. Dagdag pa rito, nag-aaral pa ang dalawa kong kapatid. Ngunit kahit mahirap, hindi ko sila hinayaan na magtrabaho. Gusto man nilang tumulong, hindi ko sila pinayagan. Sa halip, bumabawi sila sa pamamagitan ng mga gawain sa bahay.Marami akong napasukang trabaho, pero buti na lang at malakas-lakas ang kita ng tindahan ko. Patuloy itong binabantayan ni Lola ni Ekang, habang si Ekang naman ay walang sawang tumutulong sa amin. Hindi ko alam kung paano siya nagkakaroon ng malaking pera, pero sabi niya, "Tsaka ko na ikukuwento kapag sureballs na." Gaga talaga!Samantala, si Benedict ay hindi pa rin ako kinakausap. Naka-block ako sa lahat ng social media niya, hindi sinasagot ang mga tawag at text ko. Ilang buwan ko rin siyang iniyakan. Hindi ko inasahan ang kanyang pagtataksil. Ang lalaking minahal
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
CHAPTER 5
“Are you sure you're okay here?” nag-aalalang tanong sa akin ni Sir Kez. Dahil meron siyang pupuntahang branch ng kanyang small business at hindi pa raw niya alam kung kailan siya makakabalik. Kaya eto ang trabaho na gagawin ko dito. Parang mas more on tagabantay-bahay ang portion.“Promise po, okay na okay lang po,” nakangiti kong sabi. Tumango-tango naman siya. “But… my—I mean, that man will be staying here for the meantime.”Isa 'yan sa mga pinagtataka ko. Kaano-ano ba niya yung janitor na 'yun? Parang ang casual lang nila sa isa't isa.Pero nakakahiya namang magtanong, lalo na't kabago-bago ko pa lang dito. Masasabi ko namang okay pa naman ang araw-araw ko nung andito si Sir Kez, kasi parang hindi ako maloloko-loko ng janitor na 'yun. At oo, nakalimutan ko na ang pangalan niya.“Huwag po kayong mag-alala,” nakangiti kong sabi. Mga ilang minuto pa siyang naninigurado bago tuluyan na ring umalis. May mga bodyguard naman daw, pero hindi ko alam kung saang parte ng bahay sila naroroo
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more
CHAPTER 6
Ilang minuto na kaming naghahalikan ng lalaking ito. Hindi ko alam kung bakit nadadala ako. Ganito ba talaga kapag buntis? Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko. O baka magaling lang talaga humalik itong siraulong ito?Napasabunot ako sa buhok niya nang kagatin niya ang labi ko at sinipsip ang dila ko, hindi ko mapigilan na hindi mapaungol. Nararamdaman ko naman ang isang kamay niya na humahaplos sa katawan ko. Sa paghahalikan naming dalawa, parang may nangyari nang ganito, pero imposibleng totoo. Sa sobrang stress, nag-iinit ang katawan ko at kung ano-ano na ang naiisip ko.Humiwalay ako sa halikan naming at hinihingal na napatitig sa kanya. Napalunok ako nang makita kung gaano siya kinakain ng lust. Halatang-halata mo sa mga mata niyang parang gutom na gutom.Napatingin ako sa labi niyang namumula at nakabuka ng kaunti. Akala ko ay tapos na, pero hinalikan nanaman niya ako at agad naman akong nagpaubaya.Napaungol ako ng malakas nang panggigilan niya ang dibdib ko. Hindi man ak
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status