Share

CHAPTER 10

Author: Raynosorous
last update Last Updated: 2025-02-23 01:01:06

“Why am I not allowed to go home early?” Nakangisi sabi ni Sir Kez.

Yumuko naman ako bilang paggalang. Samantalang ang lalake na ‘to ay nakasimangot. Kung makaasta, akala mo anak siya ni Sir Kez.

“Mabuti naman po at nakauwi kayo ng ligtas,” magalang na sabi ko. Sinilip ko naman ang katabi ko na nakasimangot pa rin.

“Ikaw, Kvein. Hindi mo ba ako babatiin?” umirap muna ito bago pekeng ngumiti.

“You should enjoy your stay there.” Pagkasabi niya nito, umalis na siya.

Siraulo talaga.

“Anyways, ganyan talaga ang batang ‘yan. Okay naman kayo dito nang umalis ako?” Bigla akong nakaramdam ng hiya.

“O-Opo,” tumango-tango naman ito.

“I need to rest. Ikaw din, you should get some rest.”

Dahil wala na ring gagawin, naisipan kong magpahinga na nga lang din sa kwarto ko. Sakto namang tumatawag si Ekang sa cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

“Hello, Ekang. Musta?”

“Ikaw, kamusta ka diyan? Hindi ka naman nila inaapi?” Natawa ako bigla. Kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na mabait
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 11

    Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na andito na si Sir Kez, lalo na tuwing nakikita ko ang busangot na mukha ni Kvein. Parang bata talaga. Katulad na lang ngayon, kumakain kami ng tanghalian habang nakaupo si Sir Kez sa gitna. Magkatapat naman kami ni Kvein. Kanina pa kami nag-uusap ni Sir Kez tungkol sa kung ano-ano, pero siya'y tahimik lang habang kumakain.“We should visit an OB this week.” Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Sir Kez. “Po?” “Malapit ka na mag-6 months. You should have check-up every month. Don’t worry, hindi ko ikakaltas sa sahod mo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napahaplos naman ako sa tiyan ko. Sino ang hindi tatanggi sa ganyang offer? Para sa anak ko, sige. “Maraming salamat po, sir. Kung busy po kayo—“ “No worries, there is always time for rescheduling—“ hindi na natapos ang sasabihin ni Sir Kez ng pinutol ito ni Kvein. “I’ll come with her,” malamig niyang sabi na ikinangiti ng malaki ni Sir Kez. “Much better.” Hindi na nasundan pa ang usapan t

    Last Updated : 2025-02-23
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 12

    Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa balitang sinabi ni Ekang. Masyado talaga akong bulag sa pagmamahal ko kay Benedict at hindi ko nakikita ang tinatago niyang ugali. Sana hindi magmana ang anak namin sa kanya kahit isang piraso. Hindi deserving ng anak ko ang ganyang tatay. “Wag ka mag-alala. Sa ngayon, umuuwi pa naman si Maru galing school na buong-buo.” Napahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Ekang. “Maraming salamat.” Napatitig na lang ako sa patay na cellphone. Ilang beses kong sinubukan kausapin si Maru pero ayaw niya. Hindi niya sini-seen ang mga message ko, mga text ko, at pati mga tawag ko. Alam kong masama ang loob niya at naiinis siya sa mga pangyayari. Kaya hindi niya ako magawang makausap dahil alam ko na ang nangyari sa akin ay isang paalala sa kanya na hinayaan niya akong kay Benedict. Pero wala naman talaga siyang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung nakinig lang talaga ako sa kanila noon pa man, edi sana walang ganito na pangyayari. “What did your f

    Last Updated : 2025-02-24
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 13

    “Sigurado ka ba sa pinaplano mo?” tanong ko sa kanya habang nanonood siya ng TV dito sa sala. Gabi na, kaya umakyat na si Sir Kez papunta sa kanyang kwarto. Hinayaan lang niya si Kvein na manood ng TV, kaya hindi na ako kumontra. Tutal, katulad ng sabi ni Sir Kez, matagal na niyang nakakasama si Kvein. Habang nanonood, kumakain siya ng mansanas. Actually, hati kami, pero wala talaga akong gana masyado lately simula ng balita tungkol kay Maru.“Yes, come on. Don’t stress yourself out. Your preggy…baby is the top priority,” sabi niya pagkakalunok niya ng mansanas.“Hindi ko rin naman maiwasan na hindi ma-stress. Kapatid ko yun, lalo na’t wala ako sa tabi nila,” mahinang bulong ko.Nakita ko kung paano niya idikit ang sarili sa akin na akala mo linta. Hinayaan ko na, baka mamaya magmukmok na naman.“I already contacted the guards. They will be starting tomorrow,” mahinang sabi niya habang nakatitig sa akin.“Salamat,” bulong ko.“And on Saturday is your appointment day in OB,” sabi niya

    Last Updated : 2025-02-24
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 14

    Hindi naman ako nabigo sa sinabi ni Kvein dahil tumawag sa akin si Ekang at sinabing may mga bodyguard na raw sila, lalong-lalo na si Maru. Dahil doon, nakahinga ako ng maluwag at napanatag ang loob. At least, hindi na ako maa-stress kung ano ang pwedeng mangyari kay Maru kapag lumalabas siya ng bahay."You're smiling again."Napalingon ako kay Kvein at mas lalong nilakihan ang ngiti sa aking mga labi."Maraming salamat.""Told you, basic."Gustuhin ko man sumimangot, pinili ko na lang na hindi. Maganda ang araw, magandang balita. Kaya ngayon ako muna ang mag-a-adjust sa kanya.Papunta kami ngayon sa OB katulad ng gusto ni Sir Kez. Kahit magkasama kami sa bahay ni Sir Kez, parang bihira ko na lang siyang makita.Hindi ko maiwasan na hindi panoorin si Kvein habang nagda-drive; nakasuot siya ng shades habang may bubblegum sa bibig. Parang sanay na sanay na siya sa ganoon. Ang ganda ng kurba ng kanyang panga habang ngumunguya ng bubblegum. Ang minsan niyang pagdila sa kanyang labi. Ang k

    Last Updated : 2025-02-25
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 15

    “Maya na lang ako tawag,” paalam ko kay Tania at nakangiti itong tumango bago pinatay ang tawag.Labada day ngayon, pero dahil automatic naman ang washing machine ni Sir Kez, hindi na ako nahihirapan. Bago mag-seven ng umaga, nagluto na ako ng almusal at pinasabay na rin ni Sir Kez na kumain. Hindi ko pa nakikita si Kvein simula kagabi. At matapos maghugas ng pinagkainan, nag-ayos na ako ng mga labahin. Noon palang, gustong-gusto ko nang maglaba ng maaga para maaga itong matuyo at sa hapon ay makatupi na. Pero dahil automatic naman, hindi na siya ganun kabigat.Nanibago pa nga ako nung una. Manonood na sana ako sa YouTube, pero nahuli ako ni Sir Kez, kaya siya na mismo ang nagturo sa akin. Ako lang ang mag-isa dahil papasok na raw si Sir Kez sa trabaho.Habang inaantay ang naka-salang sa washing, nagwalis-walis muna ako sa loob ng bahay, hanggang 2nd floor. Maliban sa kwarto ni Sir Kez at ilang guest room, dahil ipapalinis naman daw ito ni Sir Kez kapag may papuntang bisita.Saan kaya

    Last Updated : 2025-02-26
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 16

    “Atee! Musta?” Napangiti ako ng makita ang maligayang mukha ng kapatid kong si Tania habang nag-video call.“Okay naman, kayo? Musta kayo dyan…si Kuya Maru mo?” Napanguso siya saglit bago sumagot.“Nahihiya raw po siya sa inyo, Ate. Pero nung nabasa niya ang lsm mo, ayun, maliwanag na ulit ang mukha niya.” Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Tania, salamat kung ganun.“Oo nga pala, Ate. Nabigla po talaga kami nung una sa mga bodyguard. Hindi ko naman inakala na ganun ang bodyguard na ipapadala ng katrabaho mo.” Dagdag niya.“Bakit? Normal na guard. Yung mga nasa mall o mga building, ganun. Yun kasi ang sabi ng katrabaho ko sa akin e.” Kumunot ang noo ko dahil dun. “Hindi, Ate! Promise, kung makita mo lang. Parang mga pang-mayaman, ganun.” Pinanliitan ko lang si Tania ng mata bago bumuntong hininga. “Basta ang importante, safe kayo dyan.”Ilang oras pa kami nag-usap ni Tania bago niya binaba ang tawag dahil may pasok na raw siya. Malaya na akong makagalaw kasi tapos na ako sa daily

    Last Updated : 2025-03-15
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 17

    “Grabe! Maniniwala ka kaya sa sasabihin ko?” kinikilig na sabi ni Ekang. Ka-video call ko siya habang nagluluto ng tanghalian. Wala pa si Sir Kez kasi may aasikasuhin daw sa negosyo niya. Wala rin si Kvein at hindi ko alam kung bakit wala. Kaya nagluto na lang ako just in case kung sino man ang gustong kumain mamaya. Sakto naman, panay tawag ni Ekang at may maganda raw siyang ibabalita. “Ano naman yun?” tanong ko habang hinahalo ang niluluto ko.“Ganito kasi yan, papasok na sana ako kanina nang hanapin ako ni Tania. Una, kabado pa ako sa benta, teh, kasi yung sigaw ni Tania hindi normal…. So ako naman, dali-daling pinuntahan si Tania. Tapos agad niya akong hinatak sa labas ng bahay niyo…Mygad, teh! Akala ko nananaginip ako…pero, shems, hindi. Nasa tapat talaga ng bahay yung apo ng boss natin!” Dahil sa sinabi niya, nabitawan ko ang sandok na hawak ko at kinuha ang cellphone na sinandal ko muna. “Anong sinabi mo? Apo ng boss natin? Bakit?”Sinilip ko muna ang niluluto ko, at salamat

    Last Updated : 2025-03-23
  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 18

    “What? Don’t tell me you’re ashamed?”Sinilip ko si Kvein na may mapaglarong ngisi sa labi na parang tuwang-tuwa.“Gaga ka ba? Si Sir Kez 'yun. Boss natin,” sabi ko at binato siya ng unan. Tawa naman siya ng tawa. At nang mahimasmasan na siya sa kaligayahan niya, inabot niya sa akin ang kamay at naiinis na tinanggap ko naman iyon.“Boss mo lang.” Umirap na lang ako. Wala namang sisisihin dito. Nasarapan din naman ako.Napanguso na lang ako sa iniisip at umiling bago sabay na lumabas ng kwarto ko kasabay ni Kvein. Bawat hakbang, lakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako. What if madismaya sa amin si Sir Kez? I mean, nakakadismaya naman talaga. Hindi naman niya kami… I mean ako lang pala, boss ko lang daw e. Hindi naman niya ako binabayaran para lumandi. Tapos ko naman na ang trabaho ko pero nakakahiya pa rin! Boss ko, narinig ang mga ungol ko?Napalunok ako ng makitang nakaupo si Sir Kez sa sofa na walang expression sa mukha.Eto na nga ba ang sinasabi. Sapul ka talag

    Last Updated : 2025-03-25

Latest chapter

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 26

    Naglilinis ako sa tindahan habang naliligo si Kvein. May pasok kasi yung dalawa, at habang wala sila, ganito ang ginagawa namin ni Kvein. Sayang naman kung magsasara kami at wala naman kaming ginagawa kundi maglandian lang. At least may pera pang pumapasok. Tsaka malakas-lakas na rin yung tindahan.Habang inoorganize yung mga lalagyan ng candy, may babaeng lumapit. Nakagrills ang nakaharang sa tapat, pero maninipis lang. Mahirap na kasi minsan kung di ang Lola ni Ekang ang nagbabantay; minsan si Tania lang.“Ano po yun?” nakangiti kong tanong. Kilala ko ang babae at alam ko na hindi ang pagbili ang pinunta dito ng bruha.“Talagang nakabalik ka na noh? Diba?”Suminghap ako bago tumango-tango.“At talagang buntis ka.” Napangiti ako ng peke. Mga ganitong paraan ng pagsasalita, halatang chismosa.“Oh ano naman?” tanong ko habang patuloy pa rin sa pag-aayos.“Tapos hindi na namin nakikita yung palagi mong kasama na lalaki noon? Nung hindi ka pa buntis.”Napailing ako at binitawan ang hawak

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 25

    “Good morning, preggy.” Napairap ako nang maramdaman ang pagyakap ni Kvein mula sa likuran ko. Wala kasing pasok yung dalawa kaya late na late na kami nakatulog. Kasi kung saan-saan kami pumunta kahapon. Pero syempre, as promised kay Sir Kez, pumupunta kami ni Kvein dun pag may pasok yung dalawa para maglinis-linis kahit papaano. Ayy… si Kvein lang pala ang naglilinis-linis. Palagi niyang inaagaw ang trabaho ko, kaya more on sa dilig lang ng mga halaman ang ginagawa ko.Nagluluto ako ng almusal kahit magtatanghalian na naman. At akala ko mahimbing din ang tulog ni Kvein, pero eto, bumangon na rin ang lalaki. At kung makalambing, akala mo mag-asawa na nasa kusina. “Grabe sa yakap ah.” Bigla naman siyang natawa at di ko mapigilan ang mapalunok sa pagka-gwapo ng tawa niya. Pati pala talaga, pagtawa ang gwapo na rin? Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa bewang ko mula sa likuran at siniksik ang mukha sa leeg ko.“We already kissed, and…”“Tumigil.” Naramdaman ko ang pagnginig ng katawa

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 24

    Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein."May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya.Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict.""Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa."May pinatapos lang kasi sa amin, Ate. Kaya tinapos ko agad kasi gusto ko nang makasama ka agad." Napangiti ako sa sinabi ng aking kapatid."Did you eat already? Or do you want to eat something?" tanong ni Kvein na agad na

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 23

    Halos isang linggo na kami dito sa bahay at sa araw-araw na dumadating, sinisigurado ko na sulit na sulit ito. Pero kahit naman gusto kong magkasama kami buong araw, alam ko na hindi pwede, kasi may mga pasok pa sila. Kaya habang wala pa sila, ang ginagawa ko naman ay kalikutin ang buong bahay, naghahanap kung ano ang pwedeng ipaayos o pwedeng linisin.Pero siyempre, hindi ko iyon magagawa kasi halos lahat ng dapat kong gawin ay si Kvein ang gumagawa. Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha habang pinagmamasdan ko ang bahay na ito. Sa bawat sahod ko, simula sa pinakaunang trabaho ko, paunti-unti akong nag-iipon para sa bahay na ito. Nakatira kami sa isang subdivision na hindi naman mahal.Maliit pa ang bahay na ito noon. Kasi once na bayad ka na sa bahay, pwede mo na siyang palakihin o ipagawa ng gusto mo. Kaya ang inuna ko muna ay pag-ipunan ang monthly na bayad sa bahay. Hanggang sa napunta ako sa dating kumpanya na pinapasukan ko. Nakaipon at nabayaran na.Paunti-unti, pinapaayos ko an

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 22

    “Ate, ang gaganda naman ng mga damit dito. Ang mamahal pa,” bulong ni Tania habang nakahawak sa braso ko.Napagpasyahan kong dalhin sila sa mall para bumili ng mga kailangan at syempre kahit papaano ay mga gusto nila, kasi minsan-minsan lang naman. Nasa isang menswear store kami at tinutulungan ni Kvein si Maru na mamili ng kung ano-ano. Ako naman ang magbabayad; napag-usapan na rin namin 'yan ni Kvein kanina bago umalis.Kasi syempre itong lalaki na 'to hindi naman pumasok sa trabaho, tapos pabawas na ng pabawas ang savings niya dahil sa amin. Kaya agad kong ibinigay kay Maru yung debit card ko para siya na ang pumunta sa cashier.Habang busy ang dalawa, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang babae na nakatingin kay Kvein; yung iba pasulyap-sulyap lang, habang yung iba ay nakatitig at palihim na pinipicturan.Okay lang 'yan, hanggang tingin lang naman sila—Kiara, ano na namang iniisip mo? Girlfriend? Girlfriend?“Maru, pumunta ka na sa cashier.” Hindi ko napansin na nasa harap k

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 21

    Pagsapit ng gabi, bigla akong na-stress kung saan matutulog si Kvein. Kahit na magaan na ang loob sa kanya ng mga kapatid ko, nahihiya pa rin ako na sa isang kwarto kami matutulog. Ewan ko ba, feeling virgin ang momentum ko pero hindi ako mapakali.Pinagmamasdan ko silang tatlo na nagkukwentuhan. Parang close na close na sila. Tinignan ko naman ng matagal si Kvein, hindi plastic ang pakikitungo niya sa mga kapatid ko. Parang matagal na niyang kilala.Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag ganito. Yung magkakasundo yung mga mahal mo sa buhay. Hindi napipilitan para lang magpalakas sa akin. Kasi kay Benedict, ni minsan, never ko pa silang nakitang tatlo ganito. Parang bihira pa ngang magkaroon sila ng salitan na usapan. Kadalasan, mga di pa nga tatagal ng limang segundo yung usapan nila.Kasi noon pa man, pinapakita na sa akin ng mga kapatid ko na ayaw nila kay Benedict. Masama raw ang kutob nila at minsan, inaattitude-dan sila. Masakit dahil mga mahal ko hindi magkasundo. Kaya hindi

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 20

    “Atee, di mo naman sinabi na uuwi ka. Edi sana nakaluto ako,” agad kong sinabi at niyakap si Maru. Mas gumwapo itong kapatid ko na 'to ah. “Hindi na, may binili ang Kuya Kvein niyo na makakain natin ngayong tanghalian,” nakangiti kong sagot. Tama naman ang term na ginamit ko; mamaya mag-iinarte na naman kasi ang isa diyan.Sumilip naman si Maru kay Kvein, binalik ang tingin sa akin, at ngumiti. “Nasa magandang kamay ka, Ate.”Huh? Bigla akong napakunot-noo sa sinabi ng kapatid ko na 'to. Sinilip ko si Kvein na nakikipagkwentuhan kay Tania. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti, kahit palagi kami nagkakainisan at tanging sa landian lang kami nagkakasundo, masasabi kong komportable akong dinala ko siya dito sa bahay namin. Masaya akong magaan ang loob ng mga kapatid ko sa kanya.Lalo na’t alam kong nasaktan at nagalit din sila sa nangyari kay Benedict, kaya hindi ko inaasahan na tatanggapin agad nila si Kvein kahit hindi pa nila lubos na kilala.“Paano mo naman nasabi?” tanong ko kay M

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 19

    Masayang-masaya ako habang nag-aantay kami ni Kvein ng pagkain dito sa isang restaurant. Hindi naman kasi talaga ako madalas mag-day off. Lalo na't sobra ang pag-iingat ng mga kapatid ko sa akin. Pansamantala kaming nag-uusap palagi sa Messenger. Kaya sobrang saya ko nang napag-isipan ni Sir Kez na mag-stay ako sa bahay ko muna habang wala pa siya.Napalingon ako kay Kvein na abala sa kanyang cellphone habang nakakunot ang noo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano napa-oo si Sir Kez na sumama sa akin dito. Napairap na lang ako ng maalala ang pagtatalo nilang dalawa."No, I’m coming with her." Parang naiiyak si Sir Kez nang makita niyang may dalang maleta. "We already talked about this, Kvein." Napalingon ako kay Sir, na parang sukong-suko na siya kakapilit kay Kvein na huwag bumuntot sa akin."No," nakasimangot na sagot ni Kvein. Parang bata. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Excited na akong makaalis kasi syempre, sayang ang oras. Gusto ko nang mayakap ang mga kapatid k

  • Twisted Fate with the Disguised Billionaire   CHAPTER 18

    “What? Don’t tell me you’re ashamed?”Sinilip ko si Kvein na may mapaglarong ngisi sa labi na parang tuwang-tuwa.“Gaga ka ba? Si Sir Kez 'yun. Boss natin,” sabi ko at binato siya ng unan. Tawa naman siya ng tawa. At nang mahimasmasan na siya sa kaligayahan niya, inabot niya sa akin ang kamay at naiinis na tinanggap ko naman iyon.“Boss mo lang.” Umirap na lang ako. Wala namang sisisihin dito. Nasarapan din naman ako.Napanguso na lang ako sa iniisip at umiling bago sabay na lumabas ng kwarto ko kasabay ni Kvein. Bawat hakbang, lakas ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako. What if madismaya sa amin si Sir Kez? I mean, nakakadismaya naman talaga. Hindi naman niya kami… I mean ako lang pala, boss ko lang daw e. Hindi naman niya ako binabayaran para lumandi. Tapos ko naman na ang trabaho ko pero nakakahiya pa rin! Boss ko, narinig ang mga ungol ko?Napalunok ako ng makitang nakaupo si Sir Kez sa sofa na walang expression sa mukha.Eto na nga ba ang sinasabi. Sapul ka talag

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status