
Twisted Fate with the Disguised Billionaire
Si Kiara Morris ay isang babae na may pangarap—masipag, matalino, at hinahangaan sa kanilang kompanya. Kasama ang kanyang boyfriend na si Benedict, kilala sila bilang “couple goals” ng kanilang opisina. Ngunit paano kung ang lalaking minahal niya ay may tinatago palang inggit at galit sa kanya?
Nang dumating ang pagkakataong sila ang pinagpilian para sa isang mataas na posisyon, hindi inakala ni Kiara na ito ang magiging simula ng kanyang bangungot. Sa isang gabi ng selebrasyon, inalok siya ni Benedict ng inumin—hindi niya alam, may mas madilim itong plano. At ang akala ni Kiara na ito ay isang panaginip, ay siya ay mainit na nakikipagtalik sa isang lalaki. Sa isang iglap, nagising na lang siya na masakit ang kanyang katawan at ang kanyang pagkababae.
Isang buwan ang lumipas at natuklasan ni Kiara ang isang nakakagulat na katotohanan—siya ay buntis. Ngunit sino ang ama? Dahil dito, nagtagumpay si Benedict na sirain siya at tuluyang mawalan ng trabaho.
Limang buwan ang lumipas, may bigla na namang lumapit sa kanya na misteryosong matanda na tinulungan siyang magkaroon ng trabaho. Doon nagtagpo ang kanilang landas ng kinakainisan niyang janitor. Wala siyang magawa kundi pakisamahan ang lalaking kinaiinisan niya, para lamang sa trabaho na kailangan na kailangan niya.
Hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabuo ang buhay na sinira ng kanyang ex? At paano kung ang hinahanap niyang kasagutan ay nasa taong hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay?
Read
Chapter: CHAPTER 24Napahiwalay ako kay Kvein nang marinig ang pinto na bumukas. Paglingon ko, si Maru na kakauwi lang galing school. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan naman ni Kvein ang pisngi ko. Napakunot-noo si Maru nang makitang umiyak ako kaya agad niyang sinarado ang pintuan at lumakad papunta sa amin ni Kvein."May problema ba, Ate? May...may masakit ba sa'yo? Ano na naman ang ginawa ni Benedict?" Mabilis akong umiling nang marinig ko ang takot at galit sa boses niya.Bumuntong-hininga muna ako at hinaplos ang pisngi niya. "Nakwento ko lang kay Kuya Kvein mo yung buhay natin noon." Natigilan naman si Maru sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. "Akala ko tungkol na naman kay Benedict.""Ang aga ata ng uwian mo ah." Pagbabago ko ng usapan at agad naman siyang naupo sa katabing sofa."May pinatapos lang kasi sa amin, Ate. Kaya tinapos ko agad kasi gusto ko nang makasama ka agad." Napangiti ako sa sinabi ng aking kapatid."Did you eat already? Or do you want to eat something?" tanong ni Kvein na agad na
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: CHAPTER 23Halos isang linggo na kami dito sa bahay at sa araw-araw na dumadating, sinisigurado ko na sulit na sulit ito. Pero kahit naman gusto kong magkasama kami buong araw, alam ko na hindi pwede, kasi may mga pasok pa sila. Kaya habang wala pa sila, ang ginagawa ko naman ay kalikutin ang buong bahay, naghahanap kung ano ang pwedeng ipaayos o pwedeng linisin.Pero siyempre, hindi ko iyon magagawa kasi halos lahat ng dapat kong gawin ay si Kvein ang gumagawa. Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha habang pinagmamasdan ko ang bahay na ito. Sa bawat sahod ko, simula sa pinakaunang trabaho ko, paunti-unti akong nag-iipon para sa bahay na ito. Nakatira kami sa isang subdivision na hindi naman mahal.Maliit pa ang bahay na ito noon. Kasi once na bayad ka na sa bahay, pwede mo na siyang palakihin o ipagawa ng gusto mo. Kaya ang inuna ko muna ay pag-ipunan ang monthly na bayad sa bahay. Hanggang sa napunta ako sa dating kumpanya na pinapasukan ko. Nakaipon at nabayaran na.Paunti-unti, pinapaayos ko an
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: CHAPTER 22“Ate, ang gaganda naman ng mga damit dito. Ang mamahal pa,” bulong ni Tania habang nakahawak sa braso ko.Napagpasyahan kong dalhin sila sa mall para bumili ng mga kailangan at syempre kahit papaano ay mga gusto nila, kasi minsan-minsan lang naman. Nasa isang menswear store kami at tinutulungan ni Kvein si Maru na mamili ng kung ano-ano. Ako naman ang magbabayad; napag-usapan na rin namin 'yan ni Kvein kanina bago umalis.Kasi syempre itong lalaki na 'to hindi naman pumasok sa trabaho, tapos pabawas na ng pabawas ang savings niya dahil sa amin. Kaya agad kong ibinigay kay Maru yung debit card ko para siya na ang pumunta sa cashier.Habang busy ang dalawa, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang ilang babae na nakatingin kay Kvein; yung iba pasulyap-sulyap lang, habang yung iba ay nakatitig at palihim na pinipicturan.Okay lang 'yan, hanggang tingin lang naman sila—Kiara, ano na namang iniisip mo? Girlfriend? Girlfriend?“Maru, pumunta ka na sa cashier.” Hindi ko napansin na nasa harap k
Last Updated: 2025-04-10
Chapter: CHAPTER 21Pagsapit ng gabi, bigla akong na-stress kung saan matutulog si Kvein. Kahit na magaan na ang loob sa kanya ng mga kapatid ko, nahihiya pa rin ako na sa isang kwarto kami matutulog. Ewan ko ba, feeling virgin ang momentum ko pero hindi ako mapakali.Pinagmamasdan ko silang tatlo na nagkukwentuhan. Parang close na close na sila. Tinignan ko naman ng matagal si Kvein, hindi plastic ang pakikitungo niya sa mga kapatid ko. Parang matagal na niyang kilala.Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag ganito. Yung magkakasundo yung mga mahal mo sa buhay. Hindi napipilitan para lang magpalakas sa akin. Kasi kay Benedict, ni minsan, never ko pa silang nakitang tatlo ganito. Parang bihira pa ngang magkaroon sila ng salitan na usapan. Kadalasan, mga di pa nga tatagal ng limang segundo yung usapan nila.Kasi noon pa man, pinapakita na sa akin ng mga kapatid ko na ayaw nila kay Benedict. Masama raw ang kutob nila at minsan, inaattitude-dan sila. Masakit dahil mga mahal ko hindi magkasundo. Kaya hindi
Last Updated: 2025-04-01
Chapter: CHAPTER 20“Atee, di mo naman sinabi na uuwi ka. Edi sana nakaluto ako,” agad kong sinabi at niyakap si Maru. Mas gumwapo itong kapatid ko na 'to ah. “Hindi na, may binili ang Kuya Kvein niyo na makakain natin ngayong tanghalian,” nakangiti kong sagot. Tama naman ang term na ginamit ko; mamaya mag-iinarte na naman kasi ang isa diyan.Sumilip naman si Maru kay Kvein, binalik ang tingin sa akin, at ngumiti. “Nasa magandang kamay ka, Ate.”Huh? Bigla akong napakunot-noo sa sinabi ng kapatid ko na 'to. Sinilip ko si Kvein na nakikipagkwentuhan kay Tania. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti, kahit palagi kami nagkakainisan at tanging sa landian lang kami nagkakasundo, masasabi kong komportable akong dinala ko siya dito sa bahay namin. Masaya akong magaan ang loob ng mga kapatid ko sa kanya.Lalo na’t alam kong nasaktan at nagalit din sila sa nangyari kay Benedict, kaya hindi ko inaasahan na tatanggapin agad nila si Kvein kahit hindi pa nila lubos na kilala.“Paano mo naman nasabi?” tanong ko kay M
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: CHAPTER 19Masayang-masaya ako habang nag-aantay kami ni Kvein ng pagkain dito sa isang restaurant. Hindi naman kasi talaga ako madalas mag-day off. Lalo na't sobra ang pag-iingat ng mga kapatid ko sa akin. Pansamantala kaming nag-uusap palagi sa Messenger. Kaya sobrang saya ko nang napag-isipan ni Sir Kez na mag-stay ako sa bahay ko muna habang wala pa siya.Napalingon ako kay Kvein na abala sa kanyang cellphone habang nakakunot ang noo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano napa-oo si Sir Kez na sumama sa akin dito. Napairap na lang ako ng maalala ang pagtatalo nilang dalawa."No, I’m coming with her." Parang naiiyak si Sir Kez nang makita niyang may dalang maleta. "We already talked about this, Kvein." Napalingon ako kay Sir, na parang sukong-suko na siya kakapilit kay Kvein na huwag bumuntot sa akin."No," nakasimangot na sagot ni Kvein. Parang bata. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Excited na akong makaalis kasi syempre, sayang ang oras. Gusto ko nang mayakap ang mga kapatid k
Last Updated: 2025-03-28