BLURB HIRAYA THE BLIND LADY “Ikaw ang gusto kong makasama habambuhay, mahal kita mula noon hanggang ngayon at mamahalin pa magpakailan man!” Hindi makapaniwala si Haya sa kanyang mga narinig, kahit sa kanyang panaginip ay hindi niya iyon inasahan. Si Hiraya o mas kilalang Haya ay ipinanganak na bulag, ngunit ayon sa pagsusuri ng doctor sa kanyang mga mata ay maaari pa siyang makakita. Siya ay lumaki sa orphanage na kung saan nakilala niya ang kambal na sina Gaius at Galen, sila ay anak ng isa sa sponsor ng orphanage, na kung saan lubos na nakatulong kay Haya. Sa kabila ng kanyang kondisyon ay lumaki siyang punung-puno ng pag-asa na makita ang totoong kulay ng mundo at mahanap ang kanyang pinagmulan. Hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan upang mamuhay ng normal at matagpuan ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at tapat. Ano kaya ang gagawin ni Haya kung ang kapalit ng katuparan ng pangarap niyang makakita ay ang kanyang minamahal? Paano kaya matatanggihan ni Haya ang taong lubos na tumulong sa kanya na magkaroon ng bagong buhay mula sa isang desisyon na kailangan niyang panindigan habambuhay? Paano rin kaya niya tatanggapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pinagmulan?
View More“Haya! napakaganda mo sayong trahe parang sa fairy tale ko lang ito napapanood,” puting puti ang kulay ng gown ni Haya na binurdahan ng mga bids na tila gown ni Cinderalla, “isang guwapong mayaman na umibig sa babaeng mahinhin, mahiyain, maganda, mabait at mahusay umawit,” dugtong pa ni Sister Bea habang nakatingin sa kanya.
“At isang bulag,” dugtong ni Haya sa pahayag ni Sister Bea.
“Hindi naman kakulangan na wala kang nakikita, dahil sa kabila ng kalagayan mo kailanman hindi yan naging hadlang para maipakita mo ang pagiging mabuting tao at iyon ang mahalaga,” saad naman ni Sister Lucy.
“Tama Haya, at iyan ay hindi naging hadlang para mahalin at tanggapin ka ni Gaius,” dugtong ni Sister Bea.
“Maraming salamat po sa inyo sister sa unlimited na pagmamahal at pagtulong n’yo sa akin,” pahayag ni Haya.
“Tiyak ko ngayon na masayang-masaya ang Mama Hana mo, pinapanood ka niya, ang nag-iisa niyang prinsesa ay ikakasal na,” ani sister Bea.
“Oo nga po sister, pero alam mo po na masaya po ako na palagi po kayong nasa tabi ko. Kaya maraming-maraming salamat po,” saad ni Haya.
“Nakadama ako ng kalungkutan sa pahayag ni Sister Bea, labindalawang taon na mula nang mawala ang aking Mama Hana dahil sa kanyang sakit sa puso.”
“Sina Sister Bea at Sister Lucy ang tumayong magulang ko nang maulila ako, sila ang mga kaibigan ni mama Hana na tumulong noong siya ay pinaalis ng kanyang mga magulang.”
“Si Mama Hana ay nabuntis nang maaga na naging dahilan para paalisin siya ng kanyang mga magulang. Ang aking ama naman ay hindi ko na ginagisnan, pinangarap ko rin siyang makilala pero hindi ko alam kung saan siya hahanapin.”
“Ipinanganak ako sa orphanage, na kung saan tagapagluto doon si mama. Mula nang siya ay pinaalis ng kanyang mga magulang doon na siya na natili hanggang sa maipanganak ako, kaya iyon na rin ang nagsilbi namin na tahanan.”
“Basta kapag nasa bahay kana nang family Sebastian palagi ka pa rin dadalaw sa orphanage ha,” paglalambing na pahayag ni Sister Bea.
“Syempre naman po sister,” tugon naman ni Haya.
“Natigil ang aming pag-uusap nang dumating na si Mang Canor na maghahatid sa amin sa simbahan, siya ang family driver ng family Sebastian.”
“Habang nasa byahe kami ay hindi mawala ang kaba sa aking dibdib, ang pakiramdam na iyon ay hindi ko maipaliwanag.”
“Sa kabila ng aking kapansanan ay may nagmahal sa akin ng totoo at maging ang kanyang pamilya ay tinanggap ako ng buo.”
“Wala man akong pamilya sa mahalagang araw na ito ng aking buhay, ang mahalaga hindi ako iniwan ng mga taong itinuring akong pamilya.”
“Sister Bea, Sister Lucy, Mam Haya nandito na po tayo sa simbahan,” pahayag ni Mang Canor nang itigil niya ang sasakyan sa mismong harapan ng pintuan ng simbahan. Unang bumaba ng sasakyan sina Sister Lucy at Sister Bea.
“Mam Haya nakapasok na po ang mga panauhin,” boses iyon ng usherette na ini-assign sa aming kasal. Inakay niya ako sa pinto kung saan nanatili pa iyon nakasara.
“Naririnig ko ang huni ng mga ibon sa paligid ng simbahan na tila nakikisaya sa akin, at ang dampi ng hangin sa aking braso ay tila nagpapakalma sa aking nararamdaman na kaba na tila ba ayaw mawala.”
“Mam bubuksan na po namin ang pinto ng simbahan,” saad muli ng usherette.
“Tumango lamang ako sa kanya, sa pagbukas ng pinto dama ko ang mga matang nag-aabang sa aking pagpasok.”
Natatakpan ang kabuuan ng mukha ni Haya ng belo na nakaladlad sa kanyang harapan, habang siya ay naglalakad patungo sa altar at tila siya isang barbie na binihisan.
Lumabas ang hugis ng kanyang katawan sa gown na suot niya na madalas ay naitatago ng maluluwang niyang damit na madalas niyang isuot sa orphanage.
“Napakaganda ng mahal kong Haya,” saad ni Gaius habang nakatingin kay Haya.
Napalingon si Galen sa kanyang kakambal, “yes bro! hindi ka nagkamali nang pagpili sa kanya,” pagsang-ayon ni Galen sa kanya.
“Ang musika na tila ba nagpapalabas sa mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti nang kumawala sa mga mata kong puro liwanag ang nakikita.”
“Ganunpaman ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko mabigyan ng magandang kulay ang tagpong iyon, dahil para sa akin iyon ang pinakamakulay na pangyayari sa aking buhay.”
“Bawat hakbang ko patungo sa altar ay nakaiinip na sandali sa akin, kung saan naghihintay ang lalaking tumanggap sa akin ng buong-buo.”
“Sa kalagitnaan patungo sa altar tumigil ako sandali nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking mga noo. Tila ba ang presensya ni mama Hana ang nasa tabi ko ngayon.”
“Pagdating ko sa altar, yakap ni Donya Ysabel ang unang bumungad sa akin at ang pag-akay sa akin ni Don Samuel kasunod nito ang pagyakap sa akin ni Gaius.”
“Maraming salamat mahal ko!” pahayag ni Gaius sa akin, dama ko ang sobra niyang kagalakan.
“Ilang sandali lamang ay sinimulan na ang seremonya ng aming kasal. Ang tagpong ito sa buhay ko ay hindi ko na inasahan na mangyayari sa akin, dahil sa kabila ng aking kondisyon.”
“Ngunit dahil sa pagmamahal ng aking dating kaibigan at ngayon ay aking mapapangasawa na, ang siyang bumuo sa aking pagkatao.”
“Mula nang siya ay aking makikilala ay mas natuto akong mangarap at hinangad ko na magkaroon ng pagkakataon na makita ang tunay na kulay ng mundo, na kung saan ay unti-unti niyang pinaparanas sa akin.”
“Siya ay anak nina Don Samuel at Donya Ysabel, sila ang isa sa sponsor sa orphanage na aking pinagmulan.”
Sa tuwing nagtutungo si Donya Ysabel sa orphanage ay palagi niyang kasama ang kanyang mga anak, si Gaius na aking mapapangasawa at si Galen na kanyang kakambal.
“Noong kami ay mga bata pa, madalas kaming maglaro madali kaming naging magkapalagayan ng loob dahil halos di nagkakalayo ang aming edad, sila ay ahead lamang sa akin ng dalawang taon.”
“Madalas akong asarin ni Galen na kung saan si Gaius naman ang palaging nagtatanggol sa akin. Kaya mas napalapit ako kay Gaius, pakiramdam ko siya ang aking superhero.”
“Naramdaman ko ang kamay ni Gaius, inalalayan niya ako na makapunta sa nakalaan na upuan para sa aming dalawa sa mismong harap ng altar.”
“Ang tensyon na nararamdaman ko ay unti-unting nawawala habang hawak ni Gaius ang aking mga kamay. Tila ba mas naging kumportable ako sa kanyang tabi.”
“Habang kami ay tinatanong ni father sa aming mga sumpaan sa isa’t isa ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.”
“Hindi man nakikita ng aking mga mata ang kanyang reaksyon malinaw namang nararamdaman ng aking puso ang tunay at tapat na pagmamahal niya sa akin.”
“Samuel Gaius Alejandro Sebastian tinatanggap mo ba si Hiraya bilang kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginhawa?
“Opo Father.”
“Hiraya del Rosario tinatanggap mo ba si Gaius bilang kabiyak ng iyong puso sa hirap at ginhawa?
“Opo Father.”
“I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride,” ang sumunod na pahayag ni father.
“Naramdaman ko kasabay ng pagdampi ng labi niya sa aking mga labi ang luha niya na tanda ng lubos na kagalakan.”
“Mabuhay ang bagong kasal,” pahayag muli ni father na tanda na tapos na ang seremonya ng kasal.
“Congratulation mga anak!” pahayag ni Don Samuel.
“Haya, masaya ako na ikaw ang makakasama ni Gaius habambuhay,” masuyong pahayag ni Donya Ysabel.
“Salamat po, ma mommy,” na uutal na pahayag ni Haya.
“Congrats bro! I’m really happy for you,” mula iyon sa kanyang kakambal na kaparehas din ng kanyang boses.
“Thank you, bro! sunod ka na rin ha,” tugon ni Gaius sa kanya na may tono na panunudyo sa kanyang kakambal.
“Congrats Haya! The game is over, hindi na kita aasarin because you are now my sister-in-law,” saad ni Galen kay Haya, simula nang magkakilala sila ay walang araw na hindi niya inasar si Haya.
“Thank you Galen,” pagpapasalamat ni Haya.
“Congrats sa inyong dalawa,” pahayag nila Sister Bea at Sister Lucy nang lumapit sila habang nagpi-picture taking.
“Maraming salamat po sa inyo sister,” tugon sa kanila ni Gaius.
“Ikaw na ang bahala sa aming anak,” pahayag ni Sister Lucy.
“Opo sister hindi ko po siya pa babayaan,” saad ni Gaius.
“Maraming salamat anak alam namin iyan ni Sister Lucy,” ani Sister Bea.
“Ang aming sumpaan sa harap ng altar, saksi ang mga mahal namin sa buhay at ang aming pagmamahalan ang pundasyon ng aming pagsisimula bilang mag-asawa.”
Pagkatapos na makuhanan ng mga picture ang mga bisita ay dumeretso sila sa reception kung saan sila sinundo ni Mang Canor, iyon ay sa private resort ng family Sebastian.
“Saan mo gustong magpunta, after natin sa reception?” tanong ni Gaius kay Haya habang nasa byahe sila.
“Makasama lang kita ay sapat na sa akin,” tugon ni Haya sa kanya.
“Napaka swerte ko naman sa misis ko, sige pupunta tayo sa lugar na hindi mo pa napupuntahan,” tugon ni Gaius.
“Saan? Tanong ni Haya.
Ngunit walang sagot na narinig si Haya, isang masuyong halik sa kanyang mga labi ang itinugon ni Gaius at mahigpit siyang niyakap.
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako
ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse
Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments