“Maraming salamat Galen, sa kabila ng sitwasyon ng family ninyo sinamahan mo pa rin kami ni Haya,” pahayag ni Sister Bea.
“Hindi na po iba si Haya sa amin Sister lalo pa ngaun na bahagi na siya sa pamilya namin, saka ibinilin po siya sa akin ng kakambal ko kaya kailangan ko pong tuparin ang ipinangako ko kay Gaius,” saad ni Galen.
Inihatid ni Galen si Haya at Sister Bea sa Eye Care Vision Center para sa gagawin na operasyon. Habang nasa sa byahe sila ay nanatiling tahimik si Haya, hindi niya alintana ang pag-uusap ni Sister Bea at Galen.
Pagdating nila sa Eye Care Vision Center ay sinalubong sila ni Nurse Lyza, halos ka edad lamang siya ni Haya.
“Hello Sir Galen, mabuti po at nakarating kayo ng mas’ maaga,” masayang bungad ni Nurse Lyza.
“Nandyan na ba si Dr. Mila?” tanong ni Galen kay Nurse Lyza, si Dr. Mila ay isang ophthalmologist at kapatid ni Dr. Flores. Kung saan si Dr. Flores naman ay isang general medicine at family doctor ng family Sebastian.
“Opo Sir, bago natin simulan ang operasyon may examine lang po tayong gagawin para ma relax at masiguro po ang kondisyon ng mga mata ni Mam Hiraya,” paliwanag ni Nurse Lyza.
“Ok po Nurse,” sang-ayon naman ni Galen.
“Sister Bea pasamahan po sandali si Haya, aasikasuhin ko ang iba pang gamit na kailangan ni Haya,” saad ni Galen kay Sister Bea.
“Sige Galen maraming salamat ha,” tugon ni Sister Bea.
Samantala si Haya ay tila hangin na sumusunod lamang sa kanila, kaya naman mabilis na naisagawa ang mga examine sa kanya bago simulan ang kanyang operasyon.
Nang makabalik si Galen sa Hospital ay dala na niya ang mga gamit na kailangan ni Haya sa kanyang pananatili doon habang nagpapagaling. Maging ang mga bills ay isa-isa na rin niyang inayos.
“Sister, kumusta po si Haya?” bungad na tanong ni Galen nang makabalik siya, kasalukuyan na nasa waiting area si Sister Bea.
“Mabilis natapos ang examine kay Haya, nasa loob na siya ng operating room,” pahayag ni Sister Bea.
“Mabuti naman po kung ganun, naiayos ko na po ang lahat ng kailangan na gagamitin ni Haya,” saad ni Galen.
“Maraming salamat Galen, nag-aalala ako kay Haya paano siya after ng operasyon?” pag-aalalang tanong ni Sister Bea.
“May nakalaan na pong recovery room para sa kanya mas makakabuti kung dito na siya magpagaling may Nurse na titingin sa kanya, si Nurse Lyza po at para mamonitor din siya araw-araw ni Dr. Flores,” paliwanag ni Galen.
“Tama ka mas makakabuti na dito na lang siya mag-stay na magpagaling dahil kung sa orphanage baka manariwa lahat ng alaala ni Gaius sa kanya at baka hindi maging maganda iyon sa kalagayan ng mga mata niya,” sang-ayon ni Sister Bea kay Galen.
“Opo sister, si Nurse Lyza ay makakatulong sa kalagayan niya alam niya kung paano e-handle ang sitwasyon ni Haya may background po siya sa ganitong sitwasyon,” saad ni Galen.
“Mabuti naman, mapapanatag ako na maiwanan siya rito. Maraming salamat talaga sa family ninyo Galen napakabuti ninyo,” naiiyak na pahayag ni Sister Bea.
“Lahat ng ito si Gaius po ang naghanda, ipinagpatuloy ko lang po Sister,” malungkot na saad ni Galen.
“Sayang lamang at hindi siya nabigyan pa ng pagkakataon na makasama natin ng matagal,” panghihinayang na pahayag n Sister Bea.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Galen na kanina pa niya pinipigilan, “sa papamigitan ni Haya mananatiling buhay ang alaala ni Gaius.”
Tumango si Sister Bea tanda ng pagsang-ayon, “Ok ka lang ba Galen? tanong ni Sister Bea na nag-aalala, “kung gusto mo pwede ka na umuwi para maasikaso mo na rin ang kakambal mo ako na ang bahala maghintay sa paglabas ni Haya sa O.R.”
“Hindi rin po ako mapapanatag Sister hanggat hindi ko nasisiguro na successful ang operasyon ni Haya,” saad ni Galen.
“Pero kailangan ka rin ng family mo ngaun?” pahayag ni Sister Bea.
“Nandun na po si Tricia para asikasuhin ang iba pang kailangan,” maikling saad ni Galen.
Halos ilang oras din ang paghihintay ni Sister Bea at Galen sa opearasyon ni Haya hindi rin nila namalayan ang oras dahil sa kanilang pag-uusap.
Natigil ang kanilang pag-uusap ng dumating si Dr. Flores, “Kumusta na si Haya?” bungad niyang tanong.
“Nasa loob pa ng O.R Doc,” pahayag ni Galen.
“Pasensya na Galen hindi na ko nakasama kanina, nagkaroon kasi ng emergency. Pero ‘wag kayong mag-alala kayang-kaya naman ni Dr. Mila ang operasyon,” dagdag pang pahayag ni Dr. Flores.
“Ok lang Dr. Flores alam naman namin na magaling na doctor ang kapatid mo, kaya sure ako na magiging successful ang operasyon,” saad ni Galen.
Ilang sandali pa nang lumabas si Dr. Mila sa operating room, marahil ay tapos na ang operasyon kay Haya.
“Kumusta si Haya? Bungad na tanong ni Dr. Flores.
“Ok na ang operasyon sa ngayon ay nakatulog siya, dahil na rin siguro sa pagod niya at sa gamot pero maya-maya ay magigising din siya. Ililipat na rin namin siya sa private room niya para doon na rin siya makapagpahinga,” pagpapatuloy na saad ni Dr. Mila.
Mula ng maospital si Gaius ay halos walang sapat na pahinga si Haya at hindi nga nagtagal ay kasunod na lumabas sa O.R ang nurse na kasama sa operasyon at tulak-tulak ang higaan ni Haya.
“Kailan natin malalaman kung tinanggap ng mata ni Haya ang donor n’ya Dr. Mila?” tanong ni Galen.
“1-2 weeks at depende rin sa reaction ng katawan ng pasyente, mas maganda kung maipapahinga ng mabuti at maalagang mabuti habang nagre-recover siya. Para maiwasan na rin ang infection,” patuloy na pahayag ni Dr. Mila.
“So paano mauna na rin ako may pasyente pa ako, naibilin ko na kay Nurse Lyza ang mga dapat gawin at kung may iba pa kayong tanong pwede kayo magtanong kay kuya,” sabay turo kay Dr. Flores.
Pagkaalis ni Dr. Mila ay nagtungo sila sa private room ni Haya na nakalaan pa sa kanya, nadatnan nila si Nurse Lyza sa loob at kasalukuyang hindi pa nagigising si Haya.
“Kumusta na ang lagay ni Haya?” tanong ni Galen kay Nurse Lyza.
“Mabuti na po ang lagay niya baka po maya-maya ay magigising na rin s’ya,” pahayag ni Nurse Lyza.
Naituon ni Galen ang kanyang tingin kay Haya na nahihimbing pa rin na natutulog, kahit na nakabenda ang kanyang mga mata ay bakas pa rin sa kanya ang natural na ganda ng kanyang mukha.
“Dr. Flores kayo na po ang bahala kay Haya, Nurse Lyza ok lang ba na tulungan mo rin siya na maka-recover sa sitwasyon niya ngaun kailangan niya ng makakusap palagi,” bilin ni Galen sa kanila.
“Ou naman po Sir naintindihan ko ang sitwasyon ni Haya, wala ka ng dapat alalahanin,” tugon ni Lyza.
“Maraming salamat, Sister Bea hindi ko na mahintay na magising si Haya kailangan ko na po umalis, kung may kailangan po kayo tawagan n’yo lang po ako at kapag kailangan mo po umalis sila na po ang bahala kay Haya,” pagpapaalam ni Galen.
“Sige Galen maraming salamat, mag-iingat ka,” saad ni Sister Bea.
Bago umalis si Galen sa ospital ay na e-settle na niya ang lahat ng mga kailangan ni Haya maging ang mga bills at sumabay na rin sa kanyang lumabas si Dr. Flores.
Kaya naman naiwan si Nurse Lyza at Sister Bea na nag-uusap, nang matapos sabihin ni Nurse Lyza ang mga dapat gawin ni Haya para sa kanyang pagpapagaling ay nagpaalam na rin siyang umalis.
Sa paghihintay ni Sister Bea na magising si Haya ay hindi niya namalayan na makaidlip habang nakaupo sa upuan na nasa gilid ng kama ni Haya, dahil na rin sa sobrang pagod.
Nagising si Sister Bea ng gumalaw si Haya, “gising kana pala, pasensya na hindi ko namalayan nakaidlip na pala ako. Kumusta ang pakiramam mo? sandali tatawagin ko si Nurse Lyza,” tuloy-tuloy niyang pahayag.
“Anu pong nangyari Sister? nasaan po ako? bakit parang ang bigat ng ulo ko?” mga tanong ni Haya nang magising siya.
“Mabuti pa tawagin ko sila, saglit lang,” mabilis na lumabas si Sister Bea. Pagbalik ni Sister Bea ay kasama na niya si Nurse Lyza, “Hello mam Haya mabuti po at gising ka na po.” “Anung nangyari, nasaan ako, bakit parang ang bigat ng ulo ko?” ulit na tanong ni Haya. “Sumailalim ka sa corneal transplant, nandito ka ngaun sa recovery room,” tugon ni Nurse Lyza. “Don’t worry mam, normal yung nararamdaman mo ngaun kailangan mo lang po ipahinga,” paliwanag ni Nurse Lyza. “By the way, I’m Nurse Lyza ako ang magiging private nurse mo habang nagpapalakas ka, kaya kung may mga kailangan ka or kung may mga tanong ka ‘wag kang mahiyang magsabi sa akin,” pagpapatuloy na pahayag ni Nurse Lyza. “Ganun ba,” tugon ni Haya habang kinakapa niya ang benda sa kanyang mga mata. “Hindi pa ba ito pwedeng tanggalin?” “Hindi pa po mam, ‘wag din po muna ikaw masyadong magalaw para hindi mabigla ang mga mata mo. Kailangan mo siyang ingatan para mas mabilis ang pag-recover mo,” pahayag ni Nurse Lyza. “Ibi
“Congratulation Haya! maligaya kaming malaman na lalabas kana. Ingatan mo ang sarili mo at ipagpatuloy mo ang iyong pagpapagaling, excited kami na makita ka sa aming pagbabalik. Mag-iingat ka,” tinig iyon ni Donya Ysabel.“Voice recorded po?” maikling saad ni Haya.“Ou Haya, kaya sa ngaun ipanatanag mo na ang sarili mo. Atleast kahit paano may mensahe sila para sayo,” saad ni Dr. Flores.“Opo doc, maraming salamat,” tugon ni Haya.Habang nasa byahe sila Haya patungo sa Orphanage ay nanatili siyang tahimik nalilibang siya sa mga nakikita niya sa kapaligiran, hindi niya alintana ang pag-uusap nina Sister Bea at Nurse Lyza.“Ang husay mo naman mag-drive Nurse Lyza,” papuri na pahayag ni Sister Bea.“Salamat po, Lyza na lang po ang itawag n’yo sa akin Sister. Nasanay na po ako mula nung iniwan ako nila papa dito sa Pilipinas,” pagpapatuloy na pahayag ni Haya.“Nasa ibang bansa pala sila, wala ka bang kasama na family mo rito sa Pilipinas” usisang tanong ni Sister Bea.“Wala po Sister, nas
“Anu ba kasi yun?” tanong ni Haya nang makarating si Lyza sa Orphanage.“Pupunta tayo ngaun sa Silvestre Music Christian School. Kaya magbihis ka, isuot mo ang pinaka maganda mong dress,” pahayag ni Lyza.“Ha? Anung gagawin natin doon?” litong tanong ni Haya.“Anu ka ba! diba nga naghahanap ka ng papasukan mo na school? Kahapon nung na –send mo sa akin yun detail mo ibinigay ko dun sa kakilala ko sabi n’ya isama kita ngaun doon for interview. Oh! diba ang bongga sila na ang lumalapit sayo,” paliwanag ni Lyza.“Talaga, wow! Thank you Lyza, hulog ka talaga ng langit,” masaya at excited na pahayag ni Haya.“Nautusan lang ako, si Mr. Hero talaga ang hulog ng langit sayo,” pabulong na saad ni Lyza.“Anu yun? May sinasabi ka?” pagkaklaro ni Haya sa pabulong na sinasabi ni Lyza.“Wala, sabi ko magbihis kana at sasamahan kita doon,” pahayag ni Lyza.“Sige, sandali lang,” mabilis na tumalima si Haya.Ilang minuto lang ang lumipas at nakagayak na rin si Haya, “wow! Ang ganda naman ni Teacher Ha
“OMG! Champion si Lorenzo, Haya!” masayang pahayag ni Teacher Ann nang e-announce ng host ang nanalo sa patimpalak na nilahukan ng mga estudyante mula sa magkakaibang Music School. “Kaya nga! Grabe hindi ako makapaniwala, napakahusay!” masayang tugon ni Haya. Tinawag din ang mga kasamang teacher ng bawat estudyante na nanalo sa competition para sa pag-receive ng award and certificate. “Congratulation! Lorenzo napakahusay mo, congrats din Mommy Lorna napakagaling po ng anak ninyo,” bating pahayag ni Teacher Ann nang matapos ang awarding. “Congrats Lorenzo!” nakangiting bati ni Haya, “thank you Mommy Lorna dahil sa 100% percent na support n’yo kay Lorenz,” patuloy na pahayag ni Haya. “Thank you rin sa inyo Mam sa pagtuturo n’yo sa anak ko, napakahusay n’yo magturo. Hindi makakarating sa ganitong sitwasyon ang anak kung wala kayo,” pagpapasalamat na pahayag ni Mommy Lorna. “Tama po si Mommy, maraming salamat po sa inyo Teacher Ann at Teacher Haya,” saad ni Lorenzo. Si Lorenzo ay na
“Bakit parang latang-lata ka?” bungad na tanong ni Teacher Ann nang magkita sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Mikaela at Daniel. “Hindi ako masyadong nakatulog kagabi,” maikling tugon ni Haya. “Kakaisip ba 'yan kay Kuya Albert, nakokonsensya kana ano?” pang-aasar sa kanya ni Teacher Ann. “Hindi ah!” tangging saad ni Haya, “tara na nga sa taas para makapag-prepare na tayo,” patuloy pa niyang pahayag. “Oy defensive,” pang-aasar pa sa kanya. Ngunit hindi na iyon pinansin ni Haya na una na siyang umakyat sa itaas dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Teacher Ann sa pang-aasar sa kanya. Naging abala sa pagpe-prepare sina Teacher Ann at Haya sa taas kung saan sila naka pwesto, kaya naman hindi nila namalayan ang pagdating ng mga bisita sa ibaba. Sa pagkakataon na iyon ay si Haya ang kakanta habang tumutugtog siya ng piano pagpapasok ang bride habang si Teacher Ann naman ang kakanta habang pumapasok ang mga abay at sponsor. Hindi nagtagal at nagbigay na ng hudy
“Hello Sister Lucy, Sister Bea,” masayang bungad ni Lyza at Haya nang makarating sila sa Orphanage.“Magkasama pala kayo ni Haya buti naman at napasyal ka rin dito,” saad ni Sister Lucy.“Opo Sister,” maikling tugon ni Lyza.“Sakto dahil personal ka namin na maiimbita,” saad ni Sister Bea.“Para po saan?” tanong ni Lyza.“Hindi pa ba nabanggit sayo ni Haya? may gaganapin na thanksgiving party rito sa Orphanage sa susunod na Linggo darating yung mga matatagal na namin na Sponsor,” patuloy na pahayag ni Sister Lucy.“Sa susunod na po palang Linggo yun? Paglilinaw ni Haya.“Ou, diba matagal na namin na nabanggit sayo,” saad ni Sister Bea.“Opo, nalimutan ko po kasi Sister. Pero ok lang po, may 1week preparation pa naman po,” tugon ni Haya.“Salamat Haya, hindi ka nagsasawang tulungan kami ni Sister Bea sa paghahanda sa mga ganitong okasyon.”“Wala po yun Sister, kulang pa nga po iyan sa mga naitulong n’yo sa amin ni Mama,” saad naman ni Haya.Mabilis na lumipas ang araw, naging abala man
“Napakahusay wala talagang kupas,” saad ni Sister Bea nang ibalik ni Haya ang mike sa kanya. “Salamat po Sister,” magalang na tugon ni Haya. Saka siya nagtungo sa table nila Teacher Ann at Sir Bryan nang bumaba siya sa stage. Muling nagpasalamat si Sister Bea iyon na rin ang hudyat na tapos na ang kanilang program at ang natitirang oras ay para sa pagkain ng mga bisita, kumustahan, kwentuhan at paglalaro naman ng mga bata. “Ang husay naman, pang championship ang performance,” saad ni Sir Bryan sa kanya. “Salamat, pero mas mahusay ka pa rin ikaw kaya nagturo sa akin,” nakangiting pahayag ni Haya. “Parehas kayong mahusay, tagapalakpak n’yo nga lang ako,” saad ni Teacher Ann. “Lahat tayo mahusay dahil produkto tayo ng Music School,” pahayag ni Sir Bryan. Natigil ang kanilang pag-uusap nang lumapit sa kanila si Lyza, “Hello!" nakangiting bati niya. “Lyza, halika rito,” paanyaya ni Haya saka niya hinila ang isang upuan sa tabi niya. “Ang ganda ng boses mo Haya, napalakas mo ang he
“Hello Miss Haya good morning,” masayang bati sa kanya ni Richard nang makarating siya sa opisina ng mga Sebastian. Iyon ang unang pagkakataon ni Haya na makapunta sa company ng mga Sebastian. “Good morning Richard, ang laki pala ng opisina ninyo,” pahayag ni Haya habang naglalakad sila patungong elevator. “Opo Miss Haya." “Ang dami rin ninyong empleyado." “Nagkataon na nandito silang lahat, pero madalas na sa mga site sila,” paliwanag ni Richard. “Ah ok, ang laki rin pala talaga ng minamange ni Galen,” mangha niyang pahayag. “Opo magkakahiwalay, may iba’t-ibang site po ang SCC (Sebastian Construction Corp.) sa magkakaibang lugar." Napatango siya sa mga sinabi ni Richard, “pasensya na sa mga tanong ko, medyo na curious lang kasi ako.” “Ok lang Miss Haya, part ka ng family Sebastian kaya may karapatan kang malaman.” Natigil ang kanilang pag-uusap ni Richard nang makasabay nila sa elevator sina Galen at Tricia. “Good morning Sir Galen,” bati ni Richard. Tumango lamang si Gal
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako
ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse
Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang