Home / Romance / HIRAYA The Blind Lady / CHAPTER III: BREAKING MY HEART         

Share

CHAPTER III: BREAKING MY HEART         

last update Huling Na-update: 2023-03-09 18:00:55

Tila tumigil ang sandaling iyon ni Haya, nang unti-unti niyang maramdaman na bumitaw ang mga kamay ni Gaius sa kanya. 

“Gaius mahal ko, ‘wag mo akong biruin ng ganito,” pahayag ni Haya habang umiiyak na nasa kandungan niya si Gaius.

Dahil sa pagkabigla nang lahat mabilis naman na nakatawag ng ambulance si Galen at nang dumating ay sinamahan nila ni Don Samuel si Gaius nang dalhin sa ospital.

Sumunod sa ospital sina Donya Ysabel, Tricia, Hana, Sister Bea at Mang Canor.

Habang nasa byahe ay iyak nang iyak si Donya Ysabel habang nakaagapay sa kanya si Tricia, “mam ikalma mo po ang inyong sarili,” saad ni Tricia.

“Paano akong kakalma Tricia, si Gaius ko baka kung anung mangyari sa kanya,” tugon ni Donya Ysabel na ‘di na makahinga sa sobrang pag-iyak.

“Pero kailangan mo po ikalma ang sarili mo baka kung mapano ka po, magiging ok si Gaius mam,” muling pahayag ni Tricia.

Tumango lamang si Donya Ysabel, “ok po mam gawin natin ito, makakatulong po ito sayo, inhale…. exhale,” pagpapakalma ni Tricia kay Donya Ysabel.

Sumunod naman si Donya Ysabel sa sinabi ni Tricia, ilang ulit din nilang inulit-ulit iyon, natulungan siyang gumaan ang bigat ng nararamdaman niya.

“Nang mga sandaling iyon, ay nais kong magtanong kay Donya Ysabel ngunit walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Napahigpit ang aking paghawak sa mga kamay ni Sister Bea.

“Hinaplos ni Sister Bea ang aking likod.”

“Magiging ok si Gaius, ipagpray natin siya,” saad ni Sister Bea nang maramdaman niya ang paghigpit ng paghawak ko sa kanyang mga kamay.

“Sister, natatakot po ako,” iyon ang unang mga salitang lumabas sa aking bibig. Nanginginig ang aking katawan dahil sa takot na nararamdaman ko.

“Huwag kang mag-alala magiging maayos din ang kalagayan ni Gaius,” muling pahayag ni Sister Bea kay Haya.

Pagdating nila sa ospital, nabungaran nila sina Galen at Don Samuel sa waiting area.

“Samuel, kumusta ang anak ko?” ang unang tanong ni Donya Ysabel.

“Nasa E. R. na siya, hintayin na lang natin ang findings ng doctor,” saad ni don Samuel.

Gustong magtanong ni Haya sa mga nangyayari kay Gaius ngunit wala siyang lakas ng loob na magtanong isa man sa pamilya ni Gaius.

Wala siyang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak habang nanatili sa kanyang tabi si Sister Bea.

“Tumahan kana Haya, ‘wag kang mag-alala magiging maayos din ang kakambal ko,” pahayag ni Galen nang lapitan siya nung makita siyang hindi tumitigil sa pag-iyak.

“Galen, anu bang nangyari kay Gaius? Wala naman siyang sakit diba?” sunud-sunod na tanong ni Haya.

“Hintayin na muna natin ang findings ng doctor Haya, sa ngayon hindi ko pa rin alam,” tugon ni Galen sa kanya.

Ilang sandali pa ay lumabas sa emergency room si Dr. Flores, siya ang tumatayong family doctor ng Sebastian family. Una niyang nilapitan si Don Samuel at Donya Ysabel.

“Doc kumusta ang anak namin?” bungad na tanong ni Donya Ysabel.

“Stable na ang heart bit niya, pero sa ngaun wala pa siyang malay.”

“Kailan s’ya magkakamalay doc?”

“Under observation pa rin Donya Ysabel.”

“Pwede ba naming s’ya makita? tanong ni Haya na nagmamakaawa kay Dr. Flores.

“Yes mam,” ani Dr. Flores.

Inalalayan ni Sister Bea si Haya patungo sa silid na kinaroroonan ni Gaius.  Sinalubong sila nang malamig na hangin na nagmumula sa aircon.

“Hindi ko man nakikita ang sitwasyon ni Gaius ngunit dama ko ang hirap na kanyang pinagdadaanan, kinapa ko ang kanyang kamay, na kung saan ay may nakalagay na karayom na pinagdadaanan ng dextrose.”

“Mahal ko nakikiusap ako sayo na gumising kana, lumaban ka para sa akin, para sa atin. Para sa pamilya mo, para sa pamilya na pinapangarap nating dalawa,” pahayag ni Haya habang patuloy siya sa kanyang pag-iyak.

“Hihintayin kita mahal ko,” halos hindi na makahinga si Haya sa kanyang pag-iyak. Nilapitan siya ni Sister Bea.

“Haya mas makabubuti kung ipagdasal natin ang kaligtasan ni Gaius,” pang-aalo ni Sister Bea.

Habang nasa loob ng silid ni Gaius sina Sister Bea at Haya, kinausap ni Dr. Flores ang mga magulang ni Gaius.

“Doc gusto kong malaman kung anu ang status ng kondisyon ni Gaius?” deretsong tanong ni Don Samuel.

“Mas mabuti po na tatagan ninyo ang loob ninyo sa pwedeng mangyari kay Gaius,” saad ni Dr. Flores.

“Anung ibig mong sabihin doc?” tanong ni Donya Ysabel.

Napalingon si Dr. Flores kay Galen, nang mapansin iyon ni Don Samuel ay nagtaka siya sa reaksyon ng dalawa.

“Meron ka bang hindi sinasabi sa amin Galen?” sunod na tanong ni Don Samuel.

Si Dr. Flores ang sumagot, “alam naman po natin ang health history ni Gaius, iyon ang naging dahilan ng pagkawala ng malay niya ngayon at hindi po simpleng atake iyon,” paliwanag ni Dr. Flores.

“Mom, Dad sorry kung hindi namin sinabi ni Gaius ang tungkol dito, last year nagsabi sa akin si Gaius na nararamdaman niya ulit ang pananakit ng kanyang dibdib. Kaya sinamahan ko siyang magpa check-up, noong lumabas ang result ng check-up nakita doon naging active ulit ang sakit niya dati,” paliwanag ni Galen.

“Anu! Pero bakit ninyo inilihim sa amin ng mommy mo? sunod na tanong ni Don Samuel.

“Ayaw niya na mag-alala kayo ni Mommy, at plano niya na pagkatapos ng kasal nila ni Haya ipagpapatuloy niya ang pagpapagamot niya sa ibang bansa.”

“Ibig sabihin alam ni Haya ang kondisyun ni Galen?” pag-uusisa ni Don Samuel.

“Hindi po dad, kami lang po ni Dr. Flores ang sinabihan niya,” pagpapatuloy ni Galen.

“Anu pang plano ng kapatid mo? bakit hinayaan mo na hindi sabihin sa amin ng mommy mo?”

“Gustung-gusto kong sabihin sa inyo dad pero pinigilan n’ya po ako, ang sabi niya siya na ang magsasabi sa inyo after ng kasal nila ni Haya, at hindi ko naman inasahan na magkakaganito,” depensa ni Galen sa tanong sa kanya.

“Pero bakit ka pumayag? Hanggang sa ganitong sitwasyon Galen magkakampihan kayo ng kakambal mo?” tanong sa kanya ni donya Ysabel na hindi na mapigilan ang emosyon.

“Sorry mommy, sana maunawaan n’yo po ako,” paghingi ng paumanhin ni Galen.

“Ok lang anak,” tugon ni Don Samuel sa anak saka tinapik niya sa balikat.

“Alam natin lahat na kapag bumalik ang sakit ni Gaius ay 50-50 na gagaling siya depende sa reaksyon ng katawan niya,” pahayag ni Dr. Flores na ikinakalma ni donya Ysabel.

“Pinaghandaan ni Gaius ang lahat ng ito, kapag hindi natuloy ang plan A niya meron siyang plan B,” muling pahayag ni Galen.

“Anung plan B?” tanong ni don Samuel.

Natigil sila sa kanilang pagsasalita nang dumating sina Sister Bea at Haya.

“May problema po ba? May kailangan ba akong malaman?” tanong ni Haya nang bigla silang tumahimik.

“Ah, kasi nag-uusap kami kung saang ospital pwedeng dalhin si Gaius kapag nagkapamalay na siya, para malapatan siya ng lunas sa kalagayan niya ngaun,” pahayag ni Galen sa kanya.

“Kailan ba magkakamalay si Gaius, anu po bang status ng kalagayan ng asawa ko doc?”, tanong ni Haya na sobrang nag-aalala.

“Sa ngayon mam, hihintayin muna yun result ng mga test niya saka natin malalaman kung anong igagamot natin sa kanya,” saad ni Dr. Flores.

 “Mas mabuti kung ipagdasal natin yun recovery n’ya dahil kahit naman sinong magaling na doctor kung babawiin na Niya yun pinahiram sa atin wala na tayong magagawa,” dugtong pa ni Dr. Flores.

“Tama po doc,” pagsang-ayon naman ni Sister Bea.

“Maiwan na po muna namin kayo, pupunta lang kami sa adoration chapel,” pagpapatuloy ni Sister Bea.

Tumango lamang sila nang magpaalam si Sister Bea.

“Panginoon, huwag Mo pang kukuhanin si Gaius sa amin. Pagalingin Mo po siya. Alam ko po na wala akong karapatan na pangunahan ang plano Mo, nakikiusap po ako Sayo na dugtungan Mo pa ang buhay ni Gaius,” patuloy na pag-iyak at pagsusumamo ni Haya.

“Haya,” lumapit sa kanya si Sister Bea ay niyakap siya.

“Napakabuting tao ni Gaius Sister, bakit nangyari po sa kanya ‘yun?”

“Haya, kailangan mong magpakatatag para sa sarili mo at kay Gaius. Alam mo ba? kung makikita ka ni Gaius na ganyan, malulungkot s’ya, kaya pilitin mong maging matatag,” patuloy na pahayag ni Sister Bea.

“Alam ko naman po iyon sister, sobrang sakit lang po kasi talaga. Una si mama Hana, ngaun naman si Gaius. Yun mahahalagang tao sa akin ay nawawala,” saad ni Haya.

Niyakap siya ng mahigpit ni Sister Bea.

Lumipas ang ilang araw nanatiling walang malay si Gaius, halos araw-araw pa rin na ipinag nunubena ni Haya si Gaius para sa mabilis niyang paggaling.

Mula rin nang dalhin si Gaius sa ospital ay hindi na nakapagtanong si Haya sa pamilya Sebastian tungkol sa mga nais niyang malaman sa kalagayan ng kanyang asawa. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya sa tuwing siya ay nagtatanong.

Hanggang isang araw, hindi inaasahan na maabutan ni Galen si Haya sa loob ng silid Gaius.

“Haya nandito ka pala, akala ko umuwi ka para makapagpahinga kahit saglit,” tanong ni Galen sa kanya.

“Nagsabi ako kay sister Bea na rito na muna ako, gusto kong bantay si Gaius hanggang sa magkamalay na siya,” mahinang tugon ni Haya.

Bakas sa mukha ni Haya ang matinding kalungkutan, at ang pagbagsak ng kanyang katawan.

“Mabuti pa ihatid na kita para makapagpahinga ka muna Haya,” alalang pahayag ni Galen.

“Ok lang ako Galen, huwag mo na akong alalahanin kaya ko ang sarili ko,” sa mahinang tugon ni Haya.

“Sigurado ka? Mukhang kailangan mo ng pahinga at hindi matutuwa si Gaius kapag nagising s’ya na makita na ganyan ang itsura mo. Baka sabihin n’ya pinababayaan ka namin.”

“Salamat Galen sa pag-aalala mo pero ok lang ako,” depensa ni Haya sa kanyang sarili.

“Ok sabi mo eh, alam ko naman na hindi rin ako mananalo sayo,” tugon naman ni Galen.

 Tumango lamang si Haya, “may gusto rin sana akong itanong sayo kung ok lang din naman.”

“Ou naman, anu ba yun? Tugon ni Galen.

“Wala akong ideya sa totoong kalagayan ng kakambal mo, mula nung last na magkita tayo sa hallway hindi na tayo nakapag-usap, anu bang sakit n’ya?” tanong ni Haya.

“Ah,” bago siya nagsalita ay matiim niyang tinitigan ang kanyang kakambal, “sa totoo lang Haya ayaw ni Gaius na mag-alala ka sa kanya,” saad ni Galen.

“Mas mag-aalala ako kapag wala akong ideya sa kalagayan niya, dahil wala naman siyang nabanggit sa akin. Ako pa nga yun pina check-up niya dati. Siya pala itong nanganagilangan ng check-up,” pahayag ni Haya.

 “Natatandaan mo ba noong mga bata pa tayo diba madalas siyang magkasakit dahil yun sa congenital heart defects (CHDs) na meron na s’ya mula nung ipinanganak kami,” paglalahad ni Galen.

“Ang sabi niya sa akin magaling na siya at hindi na yun babalik,” saad ni Haya.

“Ayun din ang alam namin dahil hindi na n’ya yun nararamdaman sa matagal na panahon, pero last year bigla na lang yun sumumpong kaya nagpasama siya sa akin na magpa check –up nakita nga sa result na naging active ulit yun,” paliwanag ni Galen.

“Hindi n’ya sa akin sinabi,” tanong ni Haya.

“Sabi niya sasabihin n’ya sayo after ng wedding ninyo. Siguro na overload lang din sa pagmamahal mo kaya umapaw,” pabirong pahayag ni Galen.

Tumango lamang si Haya mula sa mga pahayag ni Galen.

Habang sila ay nag-uusap ay bigla na lamang gumalaw ang daliri ni Gaius, unti-unting idinilat ang kanyang mga mata at nakita iyon ni Galen.

“Bro!  Haya may malay na si Gaius,” excited na pahayag ni Galen, “sandali tatawagin ko si dr. Flores,” mabilis na lumabas si Galen.

Kaugnay na kabanata

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER IV: MIRACLE

    “Mahal ko, hinawakan ni Haya ang mga kamay ni Gaius. Salamat sa Diyos at nagkamalay kana sobra kaming nag-alala sayo,” pahayag ni Haya. “Haya, mahal ko,” tugon ni Gaius sa mahinang boses. Ayon kay Dr. Flores ay isang himala na naka recover si Gaius, mula nang magkamalay s’ya ay unti-unting gumaganda ang kulay ng kanyang katawan na senyales na nagiging mabuti na ang kanyang kalagayan. Habang inaasikaso ang mga kailangan nilang papeles upang makaalis ng bansa para sa pagpapagamot ni Gaius ay nanatili pa rin sila sa ospital para sa pagmonitor ng kanyang kalagayan. Nagkaroon din ng pagkakataon na umuwi sandail si Haya para makapagpahinga, habang sina Donya Ysabel ang pumapalit sa kanya. “Anak, Gaius sobrang saya ko na naging mabuti na ang kalagayan mo ngaun anak, naikwento na rin ni Galen sa amin ng papa mo ang tungkol sa pagpapa check-up mo ng hindi pagpapaalam sa amin,” pahayag ni Donya Ysabel. “Sorry po mom, ayoko na mag-alala kayo ni daddy,” pahayag ni Gaius sa kanya. “Nasaan s

    Huling Na-update : 2023-03-09
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER V: PLAN B

    “Galen anung plan B ang sinasabi mo?” muling ulit na tanong ni Don Samuel. “Kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Gaius, idodonate niya ang cornea niya kay Haya,” pagpapatuloy ni Galen. “Paanong mangyayari iyon?” naguguluhang tanong ni Don Samuel. Sa puntong iyon ay si Dr. Flores ang nagpaliwanag sa kanila, “three months ago pina-check-up niya ang mga mata ni Haya at naging maganda ang resulta sa pagsusuri na maaari siyang sumailalim sa corneal transplant.” “Ibig sabihin may ideya si Haya sa plan B ni Gauis?” paglilinaw na tanong ni Don Samuel. “Wala po Dad, walang alam si Haya sa lahat ng plano ni Gaius, at ayaw niyang ipaalam kahit ang tungkol sa sakit niya,” paglilinaw ni Galen. “Pero paano kung hindi ako pumayag?” pahayag ni Donya Ysabel. “Maaari naman po iyon Donya Ysabel kaya lang po may kasulatan si Gaius na iniwan na patunay sa kanyang habilin, pero kung sakali na hindi po kayo pumayag kayo pa rin po ang masusunod,” saad ni Dr. Flores. “Mommy kilala natin si G

    Huling Na-update : 2023-03-25
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER VI: CORNEAL TRANSPLANT

    “Maraming salamat Galen, sa kabila ng sitwasyon ng family ninyo sinamahan mo pa rin kami ni Haya,” pahayag ni Sister Bea. “Hindi na po iba si Haya sa amin Sister lalo pa ngaun na bahagi na siya sa pamilya namin, saka ibinilin po siya sa akin ng kakambal ko kaya kailangan ko pong tuparin ang ipinangako ko kay Gaius,” saad ni Galen. Inihatid ni Galen si Haya at Sister Bea sa Eye Care Vision Center para sa gagawin na operasyon. Habang nasa sa byahe sila ay nanatiling tahimik si Haya, hindi niya alintana ang pag-uusap ni Sister Bea at Galen. Pagdating nila sa Eye Care Vision Center ay sinalubong sila ni Nurse Lyza, halos ka edad lamang siya ni Haya. “Hello Sir Galen, mabuti po at nakarating kayo ng mas’ maaga,” masayang bungad ni Nurse Lyza. “Nandyan na ba si Dr. Mila?” tanong ni Galen kay Nurse Lyza, si Dr. Mila ay isang ophthalmologist at kapatid ni Dr. Flores. Kung saan si Dr. Flores naman ay isang general medicine at family doctor ng family Sebastian. “Opo Sir, bago natin simula

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER VII: RECOVERY

    “Mabuti pa tawagin ko sila, saglit lang,” mabilis na lumabas si Sister Bea. Pagbalik ni Sister Bea ay kasama na niya si Nurse Lyza, “Hello mam Haya mabuti po at gising ka na po.” “Anung nangyari, nasaan ako, bakit parang ang bigat ng ulo ko?” ulit na tanong ni Haya. “Sumailalim ka sa corneal transplant, nandito ka ngaun sa recovery room,” tugon ni Nurse Lyza. “Don’t worry mam, normal yung nararamdaman mo ngaun kailangan mo lang po ipahinga,” paliwanag ni Nurse Lyza. “By the way, I’m Nurse Lyza ako ang magiging private nurse mo habang nagpapalakas ka, kaya kung may mga kailangan ka or kung may mga tanong ka ‘wag kang mahiyang magsabi sa akin,” pagpapatuloy na pahayag ni Nurse Lyza. “Ganun ba,” tugon ni Haya habang kinakapa niya ang benda sa kanyang mga mata. “Hindi pa ba ito pwedeng tanggalin?” “Hindi pa po mam, ‘wag din po muna ikaw masyadong magalaw para hindi mabigla ang mga mata mo. Kailangan mo siyang ingatan para mas mabilis ang pag-recover mo,” pahayag ni Nurse Lyza. “Ibi

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER VIII: OUTSIDE WORLD

    “Congratulation Haya! maligaya kaming malaman na lalabas kana. Ingatan mo ang sarili mo at ipagpatuloy mo ang iyong pagpapagaling, excited kami na makita ka sa aming pagbabalik. Mag-iingat ka,” tinig iyon ni Donya Ysabel.“Voice recorded po?” maikling saad ni Haya.“Ou Haya, kaya sa ngaun ipanatanag mo na ang sarili mo. Atleast kahit paano may mensahe sila para sayo,” saad ni Dr. Flores.“Opo doc, maraming salamat,” tugon ni Haya.Habang nasa byahe sila Haya patungo sa Orphanage ay nanatili siyang tahimik nalilibang siya sa mga nakikita niya sa kapaligiran, hindi niya alintana ang pag-uusap nina Sister Bea at Nurse Lyza.“Ang husay mo naman mag-drive Nurse Lyza,” papuri na pahayag ni Sister Bea.“Salamat po, Lyza na lang po ang itawag n’yo sa akin Sister. Nasanay na po ako mula nung iniwan ako nila papa dito sa Pilipinas,” pagpapatuloy na pahayag ni Haya.“Nasa ibang bansa pala sila, wala ka bang kasama na family mo rito sa Pilipinas” usisang tanong ni Sister Bea.“Wala po Sister, nas

    Huling Na-update : 2023-03-27
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER IX: NEW BEGINNING

    “Anu ba kasi yun?” tanong ni Haya nang makarating si Lyza sa Orphanage.“Pupunta tayo ngaun sa Silvestre Music Christian School. Kaya magbihis ka, isuot mo ang pinaka maganda mong dress,” pahayag ni Lyza.“Ha? Anung gagawin natin doon?” litong tanong ni Haya.“Anu ka ba! diba nga naghahanap ka ng papasukan mo na school? Kahapon nung na –send mo sa akin yun detail mo ibinigay ko dun sa kakilala ko sabi n’ya isama kita ngaun doon for interview. Oh! diba ang bongga sila na ang lumalapit sayo,” paliwanag ni Lyza.“Talaga, wow! Thank you Lyza, hulog ka talaga ng langit,” masaya at excited na pahayag ni Haya.“Nautusan lang ako, si Mr. Hero talaga ang hulog ng langit sayo,” pabulong na saad ni Lyza.“Anu yun? May sinasabi ka?” pagkaklaro ni Haya sa pabulong na sinasabi ni Lyza.“Wala, sabi ko magbihis kana at sasamahan kita doon,” pahayag ni Lyza.“Sige, sandali lang,” mabilis na tumalima si Haya.Ilang minuto lang ang lumipas at nakagayak na rin si Haya, “wow! Ang ganda naman ni Teacher Ha

    Huling Na-update : 2023-03-28
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER X: AFTER 8 YEARS

    “OMG! Champion si Lorenzo, Haya!” masayang pahayag ni Teacher Ann nang e-announce ng host ang nanalo sa patimpalak na nilahukan ng mga estudyante mula sa magkakaibang Music School. “Kaya nga! Grabe hindi ako makapaniwala, napakahusay!” masayang tugon ni Haya. Tinawag din ang mga kasamang teacher ng bawat estudyante na nanalo sa competition para sa pag-receive ng award and certificate. “Congratulation! Lorenzo napakahusay mo, congrats din Mommy Lorna napakagaling po ng anak ninyo,” bating pahayag ni Teacher Ann nang matapos ang awarding. “Congrats Lorenzo!” nakangiting bati ni Haya, “thank you Mommy Lorna dahil sa 100% percent na support n’yo kay Lorenz,” patuloy na pahayag ni Haya. “Thank you rin sa inyo Mam sa pagtuturo n’yo sa anak ko, napakahusay n’yo magturo. Hindi makakarating sa ganitong sitwasyon ang anak kung wala kayo,” pagpapasalamat na pahayag ni Mommy Lorna. “Tama po si Mommy, maraming salamat po sa inyo Teacher Ann at Teacher Haya,” saad ni Lorenzo. Si Lorenzo ay na

    Huling Na-update : 2023-04-01
  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER XI: STALKER

    “Bakit parang latang-lata ka?” bungad na tanong ni Teacher Ann nang magkita sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Mikaela at Daniel. “Hindi ako masyadong nakatulog kagabi,” maikling tugon ni Haya. “Kakaisip ba 'yan kay Kuya Albert, nakokonsensya kana ano?” pang-aasar sa kanya ni Teacher Ann. “Hindi ah!” tangging saad ni Haya, “tara na nga sa taas para makapag-prepare na tayo,” patuloy pa niyang pahayag. “Oy defensive,” pang-aasar pa sa kanya. Ngunit hindi na iyon pinansin ni Haya na una na siyang umakyat sa itaas dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Teacher Ann sa pang-aasar sa kanya. Naging abala sa pagpe-prepare sina Teacher Ann at Haya sa taas kung saan sila naka pwesto, kaya naman hindi nila namalayan ang pagdating ng mga bisita sa ibaba. Sa pagkakataon na iyon ay si Haya ang kakanta habang tumutugtog siya ng piano pagpapasok ang bride habang si Teacher Ann naman ang kakanta habang pumapasok ang mga abay at sponsor. Hindi nagtagal at nagbigay na ng hudy

    Huling Na-update : 2023-04-02

Pinakabagong kabanata

  • HIRAYA The Blind Lady   FINALE: HIRAYA

    Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXX: HIRAYA

    “Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIX: HIRAYA

    Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXVIII: HIRAYA

    Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXVII: UNEXPECTED VISITOR

    Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXVI: HOME

    “Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXV: AWAKE

    ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIV: LIFELESS

    Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at

  • HIRAYA The Blind Lady   CHAPTER LXIII: PRIDE

    Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang

DMCA.com Protection Status