Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya ng mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Voir plus*ERINA ISABEL TUAZON POV "Seryoso ka? Pinatira mo sa apartment mo?" Gulat na tanong ni Faye nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon at tungkol sa pagpapatira ko kay Louie sa apartment ko. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot at napanganga siya bigla dahil do'n. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko kasi alam niya na hindi ako agad-agad pumapayag kapag may taong nanghingi ng pakiusap sa'kin. "Isang buwan muna ang lumipas bago mo 'ko pinayagan na mag-stay d'yan sa apartment mo pansamantala. Pero pagdating sa lalaking 'yan, na hindi mo pa lubusang kilala ay pinayagan mo agad-agad. Nakakatampo ka, alam mo ba 'yon?" Naiinis na sambit niya, pero bigla niya 'kong inirapan at napahalukipkip sa akin. "Sorry na, magkaiba naman kasi kayo ng sitwasyon, eh," agap na sagot ko pero mas lalo lang siyang nainis dahil sa sinagot ko. "Aba, pinagtatanggol mo pa siya? Erina, ako 'yong kaibigan mo rito," aniya at biglang napainom ng kape. Palihim na lang akong natawa at napailing dahil s
*ERINA ISABEL TUAZON POV Parang gusto kong umiyak o 'di kaya sumigaw sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit bigla akong pumayag sa pakiusap niya na manatili siya rito sa apartment ko. Nawalan ako bigla ng choice dahil sa awa na nararamdaman ko mula sa kaniya. Ayoko rin naman kasi siyang paalisin lalo na't wala siyang naaalala, at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag pinaalis ko siya. Bukod doon ayaw niya ring dalhin ko siya sa ospital o 'di kaya sa presinto. Nabubuang na 'ko sa kakaisip kung ano ang gagawin para mapaalis siya rito. "Erina, kalma lang. Malalampasan mo rin 'to. Sabi nga niya 'di ba, once na bumalik na ang alaala niya aalis na siya rito," sabi ko sa sarili at napabuntong hininga ng malalim. Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng kakainin naming hapunan. Mabuti na lang may natira pang kalahating baboy sa ref kaya 'yon na lang ang niluto ko. Nakakahiya naman kasi na delata ang ipapakain ko sa kaniya at baka hindi siya kumakain niyon. Sa
"Maupo ka muna .." sabi ko at dahan-dahan siyang pinaupo sa maliit na sofa. Agad akong napabuga ng hangin nang makaupo na siya, pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Matangkad siya, malaking tao, at may kakisigan, malayong-malayo sa katawan ko. Kaya parang nagbuhat ako ng isang sako ng bigas dahil sa bigat niya. Hindi naman ako nagrereklamo sad'yang napagod lang ako sa pag-alalay sa kaniya papunta rito sa apartment ko. Yes, sa apartment ko, kasi ayaw niyang dalhin ko siya sa ospital. Nagpumilit ako lalo na may sugat ang noo niya, at kailangang magamot ng doktor. Kaso nagpumilit siya na huwag na, at dalhin ko na lang daw siya sa place ko kaya hindi na 'ko nakatanggi. Alangan naman pabayaan ko siya, edi ako 'yong masisisi kapag may nangyaring masama sa kaniya ro'n. "Kukunin ko lang ang first-aid kit ko," paalam ko sa kaniya at agad ng nagtungo sa kwarto ko. "Tss, bakit kasi dito mo pa siya dinala, Erina?" Naiinis na sabi ko sa sarili. Kinakausap ko na naman ang sarili ko dahi
"Ano ba 'yan?! Bakit ang malas-malas ko today?" Paiyak ko ng sabi nang makalabas ako mula sa restaurant. At biglang sinipa ang nakita kong basurahan sa sobrang inis ko. Nagulat ang mga taong nakakita sa ginawa ko pero wala na 'kong pakialam. Mabuti na nga lang na sa basurahan ko binuntong ang inis ko hindi sa kung sino. At kulang na nga lang maglupasay na naman ako rito sa daan katulad no'ng ginawa ko kanina. Kasi ba naman pinagalitan ako ng manager sa kadahilanang mali ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Inaway ako ng customer, at pinagalitan hanggang sa pinatawag nito ang manager ko. "Why is this the food you served us? We didn't order this, miss." Wika ng isang ginang ngunit pansin ko ang disappointment sa mga mata nito. Bigla akong kinabahan at agad napatingin sa listahan na hawak ko. At doon ko lang na realize na mali nga ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Table 8 'tong pinuntahan ko, at wala sa listahan nila ang mga pagkaing nasa lamesa. "I apologize, ma'am
Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero sigurado akong nakatingin siya sa akin ngayon. Ayoko sana siyang kausapin kaso pinagpaalam niya 'ko kay boss Yuki kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umalis sa counter at puntahan siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan at hindi pa siya nagsisimula magsalita. Asa naman na kakausapin ko siya. Over my dead body! Pero napatingin ako sa kaniya nang may nilagay siya sa harapan ko. Isang sobre, at alam ko namang pera ang laman niyan. "Take it, it will help with your daily expenses." Aniya at bigla na lang sumama ang timpla ng mukha ko. Last week ito rin ang ginawa niya. Inabutan ako ng pera, pero hindi ko tinanggap. Walang kadala-dala itong si kuya. Alam niya naman na hindi ko tatanggapin at wala siyang mahihita sa akin, pero panay punta pa rito at bigay sa'kin ng pera. "Paulit-ulit na lang tayo, kuya. Hindi ka ba napapagod?" Naiinis na sambit ko, at napahalukipkip sa kaniya. "N
Halatang galit na ito sa akin. Sa titig pa lang niya alam ko nang ginagalit ko na siya. Ito pa lang naman ang unang beses na late akong pumasok. Pero talagang hindi ko na uulitin. "Ilang buwan ka na ngang nagtatrabaho rito?" Tanong nito na ipinagtaka ko. Bigla siyang tumayo at sumandal sa mesa sabay na napahalukipkip mula sa akin. "P-Pitong .. buwan .. po," kinakabahan na tugon ko ngunit bigla akong napaatras nang lumapit siya sa akin. Wala na 'kong makitang reaksyon sa mukha niya, pero sigurado akong galit ito. Pogi siya pero talagang strikto pagdating sa trabaho. "Pero bakit hindi mo ginagawa nang tama ang trabaho mo?! In-explain naman sa 'yo ang mga rules ko rito pero bakit kinakalimutan mo? Hindi porket na kaibigan ka nang pinsan ko ay hindi na kita p'wedeng pagalitan at p'wede mo nang gawin lahat ng gusto mo," galit na sambit nito na ikinagulat ko. Hindi ako nakasagot sa halip palihim na lang akong nanalangin mula sa itaas na sana huwag niya 'kong tanggalin sa trabaho. "H-H
*ERINA ISABEL TUAZON POV "Papasok pa lang ako, Faye. Na late kasi ako ng gising. Hindi nag-alarm ang phone ko kanina," sabi ko habang tinatanggal ang kadena na kinabit ko sa bisikleta. Nilalagyan ko ng ganito kasi wala akong tiwala sa mga tao rito sa barangay kung saan ako nakatira. Marami kasing snatcher dito lalong-lalo na mga magnanakaw. May gate naman ang apartment na tinutuluyan ko, pero kailangan ko pa ring mag-doble ingat. [Seryoso ka, Erina? Tanghali na ah, paniguradong bubungangaan ka na naman ng boss mo. Dalian mo na, alam mo namang maagang pumapasok 'yon hindi ka pa nagising ng maaga] Natawa na lang ako dahil sa mga sinabi ng kaibigan ko. Mukhang siya pa ‘yong mas stress kaysa sa akin. Hindi ko naman kasi kasalanan na ‘di tumunog ang alarm ng cellphone ko o sad’yang hindi ko lang talaga narinig dahil sa sobrang pagod? “Ito na nga nagmamadali na, pero hindi nakikisama ‘tong bisikleta na binigay mo sa’kin,” pabirong sabi ko at narinig ko siyang huminga ng malalim sa kabi
*ERINA ISABEL TUAZON POVIsang malakas na sampal ang natanggap ko kay dad nang makita nito ang report card na inabot ko sa kaniya. Hindi na ‘ko nagulat kasi inaasahan ko nang mangyari ‘to. No’ng nakita ko pa lang ang grades ko kahapon, alam ko ng mangyayari ‘to kaya hindi na ‘ko nagulat na gagawin sa’kin ‘to ng tatay ko.“Filipino na nga lang ibabagsak mo pa?! Anong klaseng estudyante ka? Hindi ka ba pumapasok sa subject na 'yan, ha? Pinaaral kita sa mamahaling eskwelahan para marami kang matutunan tapos ito lang ang grades na ipapakita mo sa'kin? Do you really think na matatanggap ko 'yan?" Galit na sambit nito bago tinapon sa akin ang report card ko.Napayuko na lang ako at napapunas ng pisngi dahil tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi ako iiyak, pero heto ako ngayon gabalde na ang luha dahil sa panenermon sa akin ng tatay ko."B-Babawi na lang po ako, Dad. Second quarter pa lang naman po—""I don't care kung anong quarter pa 'yan! Bagsak k
*ERINA ISABEL TUAZON POVIsang malakas na sampal ang natanggap ko kay dad nang makita nito ang report card na inabot ko sa kaniya. Hindi na ‘ko nagulat kasi inaasahan ko nang mangyari ‘to. No’ng nakita ko pa lang ang grades ko kahapon, alam ko ng mangyayari ‘to kaya hindi na ‘ko nagulat na gagawin sa’kin ‘to ng tatay ko.“Filipino na nga lang ibabagsak mo pa?! Anong klaseng estudyante ka? Hindi ka ba pumapasok sa subject na 'yan, ha? Pinaaral kita sa mamahaling eskwelahan para marami kang matutunan tapos ito lang ang grades na ipapakita mo sa'kin? Do you really think na matatanggap ko 'yan?" Galit na sambit nito bago tinapon sa akin ang report card ko.Napayuko na lang ako at napapunas ng pisngi dahil tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Pinangako ko pa naman sa sarili ko na hindi ako iiyak, pero heto ako ngayon gabalde na ang luha dahil sa panenermon sa akin ng tatay ko."B-Babawi na lang po ako, Dad. Second quarter pa lang naman po—""I don't care kung anong quarter pa 'yan! Bagsak k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires