Home / Romance / The Missing Billionaire (TAGLISH) / Chapter 2: One Disaster After Another

Share

Chapter 2: One Disaster After Another

Author: AnakNiIbarra
last update Last Updated: 2025-02-08 22:41:45

*ERINA ISABEL TUAZON POV

"Papasok pa lang ako, Faye. Na late kasi ako ng gising. Hindi nag-alarm ang phone ko kanina," sabi ko habang tinatanggal ang kadena na kinabit ko sa bisikleta.

Nilalagyan ko ng ganito kasi wala akong tiwala sa mga tao rito sa barangay kung saan ako nakatira. Marami kasing snatcher dito lalong-lalo na mga magnanakaw. May gate naman ang apartment na tinutuluyan ko, pero kailangan ko pa ring mag-doble ingat.

[Seryoso ka, Erina? Tanghali na ah, paniguradong bubungangaan ka na naman ng boss mo. Dalian mo na, alam mo namang maagang pumapasok 'yon hindi ka pa nagising ng maaga]

Natawa na lang ako dahil sa mga sinabi ng kaibigan ko. Mukhang siya pa ‘yong mas stress kaysa sa akin. Hindi ko naman kasi kasalanan na ‘di tumunog ang alarm ng cellphone ko o sad’yang hindi ko lang talaga narinig dahil sa sobrang pagod?

“Ito na nga nagmamadali na, pero hindi nakikisama ‘tong bisikleta na binigay mo sa’kin,” pabirong sabi ko at narinig ko siyang huminga ng malalim sa kabilang linya.

Itong bisikleta ay regalo niya sa’kin no’ng birthday ko noong nakaraang taon. Ito lang ang nagsilbing transportasyon ko araw-araw sa pagpasok sa trabaho, at sobrang nakatulong ito sa akin. Pero ngayon na nagmamadali ako saka pa siya nasira.

[Wow, ah! Sinisi mo pa ang bike na binigay ko sa ‘yo. Ang sisihin mo ‘yang cellphone mong sira na. Bakit kasi ‘di ka pa bumili ng bago? Eh, may naipon ka naman ng pera]

“May mas importante akong pinaglalaanan ng pera. Alam mo naman kung ano ‘yon. ‘Tsaka, kaya pa naman nitong cellphone ko. Gumagana pa naman siya at magagamit ko pa.”

Tama si Faye, may naipon na ‘kong pera. Pero inipon ko ‘yon kasi balak kong mag-aral ulit. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Simula kasi no’ng umalis ako sa puder ng tatay ko ay hindi na ‘ko pumasok kinabukasan. Kaya naisipan kong ituloy ang pag-aaral ko dahil gusto kong makapagtapos, at baka ipagmalaki na ‘ko ng tatay ko kapag may pinatunayan na ‘ko sa kaniya.

“Sige na, Faye, mamaya na lang. Papasok na ‘ko sa trabaho, at ikaw mag-ingat ka d’yan sa school.”

Agad ko na ring binulsa ang cellphone ko matapos naming mag-usap ng kaibigan ko. Sumakay na rin ako sa bisikleta at umalis na ng apartment. Binilisan ko na ang pagpapatakbo ng bisikleta ko kasi super late na talaga ako. Mabuti na lang bike lane ang dinaanan ko kaya wala akong nakakasalubong na mga sasakyan sa daan at iwas na rin sa anumang disgrasya.

“Sh*t! Kapag minamalas ka nga naman!”

Bigla pang bumuhos ang malakas na ulan. Tirik naman ang araw kanina no’ng paalis na ‘ko ng apartment, pero bakit bigla na lang umulan?

Jusko naman! Kung kailan pa na late na ‘ko sa trabaho saka pa umulan ng malakas. At wala akong makitang shed dito na p’wede kong masilungan.

“Sh*t! Sh*t! Sh*t!” Sunod-sunod na mura ko nang biglang maggewang-gewang ang bisikleta ko. Kaya napa-preno ako ng wala sa oras, at mabuti na lang hindi ako tumalsik sa daan.

Napaupo ako sa daan habang habol ang aking hininga nang makababa ako sa bisikleta. Kahit basang sisiw na 'ko pero ramdam ko na parang pinagpapawisan ako dahil sa nangyari.

Jusko! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko madidisgrasya na 'ko. Kinabahan ako ro'n, mabuti na lang talaga nakapreno ako agad.

"Thank you, lord," mahinang usal ko habang nakatingin sa kalangitan.

Nagsimula nang magkulimlim ang kalangitan, may kasama na rin itong kulog, at lumalakas na rin ang pagbuhos ng ulan. Biglang sumama ang kutob ko, 'di kaya may mangyayaring masama sa'kin ngayon? Huwag naman sana, pero muntikan na 'kong madisgrasya kanina.

"Shucks! Ba't ngayon ka pa nasira?" Parang maiiyak ko nang sabi habang nakatingin sa bisikleta ko. Na flat ang gulong nito at naputol ang kadena. Bigla akong nanghina at tuluyan ng napahiga sa daan. Bahala na kung ano ang isipin ng mga taong nakakakita sa akin basta naiinis na 'ko.

Sign na ba 'to para umuwi na lang ako at hindi na pumasok?

Pero sayang ang kikitain ko ngayong araw kapag 'di ako pumasok.

"Erina Isabel, kaya mo 'to! Huwag maging mahina, huwag magpalinlang sa negativity," sabi ko sa sarili at bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga sa daan. At napabuga ng hangin, at agad ng tumayo.

"Inhale .. exhale .. stay away negativity! Lubayan mo 'ko!" Malakas na sabi ko at muling napabuntong hininga ng malalim.

Mukha akong baliw sa sitwasyon ko ngayon, pero wala na 'kong pakialam sa sasabihin ng iba.

"Erina, ba't ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ng boss natin," sabi ni Lean nang makapasok ako sa coffee shop. Isa siya sa mga katrabaho ko rito at very punctual pagdating sa trabaho.

"Tsaka, ba't ka basa? Don't tell me sinuong mo ang malakas na ulan?" Dagdag niya pa habang nakasunod sa akin papuntang locker's area. Tumango ako bilang sagot bago siya nilingon.

"Wala na 'kong ibang choice, 'tsaka nasiraan ako ng bike kanina at wala akong mahanap na shed," pagdadahilan ko at agad ng binuksan ang locker ko para makakuha ng pamunas. Mabuti na lang may iniiwan akong extrang pants at t-shirt dito sakaling magkaroon ng emergency. At may nangyari nga na hindi ko inaasahan.

"Magkakasakit ka niyan, sana hindi ka na lang pumasok."

"Sayang ang sahod today kapag 'di ako pumasok."

Sumandal siya sa locker ko at napahalukipkip habang nakaharap sa akin.

"Okay na 'yon kaysa naman makatanggap ka ng sermon sa boss natin," aniya na ikinatawa ko.

"Ano ba ang tricks d'yan?" Tanong ko, at napabuga siya ng hangin. Halatang frustrated na sa'kin.

"Pasok sa kaliwang tenga, at ilabas sa kanang tenga," walang ganang sagot niya.

"Exactly! Kaya huwag ka nang mag-alala sa'kin. Saglit lang, magbibihis na muna ako. Hintayin mo na lang ako sa labas."

At agad na 'kong nagtungo sa banyo para makapagbihis na ng damit bago pa 'ko sipunin. Mahina pa naman ang immune system ko kaya hindi ako nagpapatuyo ng pawis o 'di kaya sumusuong sa ulan. Pero 'yong nangyari kanina, nawalan na 'ko ng choice kaya I'll face the consequences na lang.

"Erina, pinapatawag ka ni boss," biglang sabi ni Rome, ang bartender nitong shop.

Kalalabas ko lang mula sa locker's area pero 'yon na agad ang bungad niya sa akin. Pero agad na 'kong nagtungo sa opisina ng boss ko bago pa ito ang lumapit sa akin.

"Boss, pinapatawag niyo raw po ako?" Sabi ko nang makapasok na 'ko sa loob.

Agad siyang nag-angat ng tingin at masamang tumingin sa akin.

Jusko, lagot na 'ko. Mapapatalsik na ba 'ko sa trabaho?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 3: Late Arrival, Lasting Impact

    Halatang galit na ito sa akin. Sa titig pa lang niya alam ko nang ginagalit ko na siya. Ito pa lang naman ang unang beses na late akong pumasok. Pero talagang hindi ko na uulitin. "Ilang buwan ka na ngang nagtatrabaho rito?" Tanong nito na ipinagtaka ko. Bigla siyang tumayo at sumandal sa mesa sabay na napahalukipkip mula sa akin. "P-Pitong .. buwan .. po," kinakabahan na tugon ko ngunit bigla akong napaatras nang lumapit siya sa akin. Wala na 'kong makitang reaksyon sa mukha niya, pero sigurado akong galit ito. Pogi siya pero talagang strikto pagdating sa trabaho. "Pero bakit hindi mo ginagawa nang tama ang trabaho mo?! In-explain naman sa 'yo ang mga rules ko rito pero bakit kinakalimutan mo? Hindi porket na kaibigan ka nang pinsan ko ay hindi na kita p'wedeng pagalitan at p'wede mo nang gawin lahat ng gusto mo," galit na sambit nito na ikinagulat ko. Hindi ako nakasagot sa halip palihim na lang akong nanalangin mula sa itaas na sana huwag niya 'kong tanggalin sa trabaho. "H-H

    Last Updated : 2025-02-08
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 4: When Pain Finds Its Voice

    Wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Hindi ako nakatingin sa kaniya, pero sigurado akong nakatingin siya sa akin ngayon. Ayoko sana siyang kausapin kaso pinagpaalam niya 'ko kay boss Yuki kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umalis sa counter at puntahan siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan at hindi pa siya nagsisimula magsalita. Asa naman na kakausapin ko siya. Over my dead body! Pero napatingin ako sa kaniya nang may nilagay siya sa harapan ko. Isang sobre, at alam ko namang pera ang laman niyan. "Take it, it will help with your daily expenses." Aniya at bigla na lang sumama ang timpla ng mukha ko. Last week ito rin ang ginawa niya. Inabutan ako ng pera, pero hindi ko tinanggap. Walang kadala-dala itong si kuya. Alam niya naman na hindi ko tatanggapin at wala siyang mahihita sa akin, pero panay punta pa rito at bigay sa'kin ng pera. "Paulit-ulit na lang tayo, kuya. Hindi ka ba napapagod?" Naiinis na sambit ko, at napahalukipkip sa kaniya. "N

    Last Updated : 2025-02-08
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 5: A Moment That Changed Everything

    "Ano ba 'yan?! Bakit ang malas-malas ko today?" Paiyak ko ng sabi nang makalabas ako mula sa restaurant. At biglang sinipa ang nakita kong basurahan sa sobrang inis ko. Nagulat ang mga taong nakakita sa ginawa ko pero wala na 'kong pakialam. Mabuti na nga lang na sa basurahan ko binuntong ang inis ko hindi sa kung sino. At kulang na nga lang maglupasay na naman ako rito sa daan katulad no'ng ginawa ko kanina. Kasi ba naman pinagalitan ako ng manager sa kadahilanang mali ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Inaway ako ng customer, at pinagalitan hanggang sa pinatawag nito ang manager ko. "Why is this the food you served us? We didn't order this, miss." Wika ng isang ginang ngunit pansin ko ang disappointment sa mga mata nito. Bigla akong kinabahan at agad napatingin sa listahan na hawak ko. At doon ko lang na realize na mali nga ang table na pinaghatiran ko ng pagkain. Table 8 'tong pinuntahan ko, at wala sa listahan nila ang mga pagkaing nasa lamesa. "I apologize, ma'am

    Last Updated : 2025-02-08
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 6: Two Strangers, One Roof

    "Maupo ka muna .." sabi ko at dahan-dahan siyang pinaupo sa maliit na sofa. Agad akong napabuga ng hangin nang makaupo na siya, pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Matangkad siya, malaking tao, at may kakisigan, malayong-malayo sa katawan ko. Kaya parang nagbuhat ako ng isang sako ng bigas dahil sa bigat niya. Hindi naman ako nagrereklamo sad'yang napagod lang ako sa pag-alalay sa kaniya papunta rito sa apartment ko. Yes, sa apartment ko, kasi ayaw niyang dalhin ko siya sa ospital. Nagpumilit ako lalo na may sugat ang noo niya, at kailangang magamot ng doktor. Kaso nagpumilit siya na huwag na, at dalhin ko na lang daw siya sa place ko kaya hindi na 'ko nakatanggi. Alangan naman pabayaan ko siya, edi ako 'yong masisisi kapag may nangyaring masama sa kaniya ro'n. "Kukunin ko lang ang first-aid kit ko," paalam ko sa kaniya at agad ng nagtungo sa kwarto ko. "Tss, bakit kasi dito mo pa siya dinala, Erina?" Naiinis na sabi ko sa sarili. Kinakausap ko na naman ang sarili ko dahi

    Last Updated : 2025-02-20
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 7: A Debt of Guilt

    *ERINA ISABEL TUAZON POV Parang gusto kong umiyak o 'di kaya sumigaw sa sobrang inis na nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit bigla akong pumayag sa pakiusap niya na manatili siya rito sa apartment ko. Nawalan ako bigla ng choice dahil sa awa na nararamdaman ko mula sa kaniya. Ayoko rin naman kasi siyang paalisin lalo na't wala siyang naaalala, at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kapag pinaalis ko siya. Bukod doon ayaw niya ring dalhin ko siya sa ospital o 'di kaya sa presinto. Nabubuang na 'ko sa kakaisip kung ano ang gagawin para mapaalis siya rito. "Erina, kalma lang. Malalampasan mo rin 'to. Sabi nga niya 'di ba, once na bumalik na ang alaala niya aalis na siya rito," sabi ko sa sarili at napabuntong hininga ng malalim. Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng kakainin naming hapunan. Mabuti na lang may natira pang kalahating baboy sa ref kaya 'yon na lang ang niluto ko. Nakakahiya naman kasi na delata ang ipapakain ko sa kaniya at baka hindi siya kumakain niyon. Sa

    Last Updated : 2025-02-20
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 8: Setting the Trap

    *ERINA ISABEL TUAZON POV "Seryoso ka? Pinatira mo sa apartment mo?" Gulat na tanong ni Faye nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon at tungkol sa pagpapatira ko kay Louie sa apartment ko. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot at napanganga siya bigla dahil do'n. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko kasi alam niya na hindi ako agad-agad pumapayag kapag may taong nanghingi ng pakiusap sa'kin. "Isang buwan muna ang lumipas bago mo 'ko pinayagan na mag-stay d'yan sa apartment mo pansamantala. Pero pagdating sa lalaking 'yan, na hindi mo pa lubusang kilala ay pinayagan mo agad-agad. Nakakatampo ka, alam mo ba 'yon?" Naiinis na sambit niya, pero bigla niya 'kong inirapan at napahalukipkip sa akin. "Sorry na, magkaiba naman kasi kayo ng sitwasyon, eh," agap na sagot ko pero mas lalo lang siyang nainis dahil sa sinagot ko. "Aba, pinagtatanggol mo pa siya? Erina, ako 'yong kaibigan mo rito," aniya at biglang napainom ng kape. Palihim na lang akong natawa at napailing dahil s

    Last Updated : 2025-02-20
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 9: Sudden Recognition

    Parang biglang sumakit ang sentido ko dahil sa kakatalak ng landlady sa akin nitong apartment. Hindi ko alam kung pa'no niya nalaman ang nangyaring insidente, pero sa talas ng pandinig niya malalaman niya kaagad anumang oras. Wala pang alas otso dumating na siya rito para pagalitan ako. Para na 'kong nabibingi sa malakas niyang boses, pero wala naman akong karapatan na magreklamo kasi siya ang may-ari nito at kahit hindi naman sinasad'ya ang nangyari, may karapatan pa rin siyang magalit. "Hay naku na lang talaga! Ang mahal nitong materyales pero hindi man lang iningatan ng mabuti. Ano ka ba naman, Erina? Ba't 'di ka nag-iingat? Ano na lang ang ipapalit mo rito? Late ka na nga nagbabayad ng renta, pero sinira mo pa 'tong apartment ko," rinig kong pagtatalak nito. Napabuga na lang ako ng hangin at sabay na napahawak sa ulo ko. Ang aga-aga pero naii-stress na 'ko dahil sa kaniya. "Tsk! Ang aga naman ng sermon, lord," inis na sambit ko at sabay na ginulo ang buhok ko. Nandito ak

    Last Updated : 2025-02-24
  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 10: When Truth Strikes

    Nangyari do'n? Ba't biglang nataranta 'yon? Eh, hindi naman siya gano'n kanina bago dumating si Louie. 'Di kaya .. "Magkakilala ba kayo?" nagtatakang tanong ko bago siya binalingan ng tingin. Nagulat at nagtaka siya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko naman intensyon 'yon. It's just that nagulat ako sa naging reaksyon ni Madam Dolores no'ng nakita niya si Louie. "E-Erina .. I don't remember us meeting before. I don't remember her face," tugon ni Louie ngunit may bahid pa rin ng pagtataka ang mukha niya. Bakit ko pa kasi tinanong kung kilala niya si Madam Dolores? Eh, wala nga siyang maalala. Ang bobo ko talaga minsan at ang bilis ko naman makalimot. "Sorry, nagtaka lang kasi ako sa—Uh anyways, nevermind. Huwag mo na lang isipin baka makasama lang sa 'yo. Um, huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko." Napahinto ako at hinihintay ang sagot niya. Pero tumango siya bilang sagot kaya okay lang naman 'ata kung sasabihin ko 'to since dito siya nakatira pansamantala sa apartment ko at

    Last Updated : 2025-02-27

Latest chapter

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 25: Knock at the Wrong Time

    Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sa tingin ko tanghali na. Ang sakit pa rin ng katawan ko, pero nawala na ang sakit ng ulo ko dahil siguro sa gamot na ininom ko kagabi, at dahil na rin sa mahabang pahinga.Nagdesisyon na 'kong bumangon—kailangan ko nang maghanda sa pagpasok sa trabaho kahit na ang bigat ng katawan ko. Hindi na 'ko p'wedeng umabsent kasi baka tuluyan na talaga akong mawalan ng trabaho."Ay anak ng—"Bigla kong natutop ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko rito sa kwarto si Louie na nakahiga sa sahig, at mahimbing na natutulog.Ibig sabihin ba niyan, dito siya sa kwarto ko natulog??Jusko, ba't hindi ko man lang napansin?"Kahit tulog pero ang pogi pa rin," sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaniya. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong unti-unti siyang nagigising, at heto ako ngayon hindi alam kung ano a

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 24: Caught Off Guard

    Katatapos lang nang trabaho ko sa resto at palabas na rin ako para makauwi na. Masakit ang ulo ko at parang lalagnatin din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko dahil sa mga mabibigat na ginawa ko kanina. Bukod kasi sa pagse-serve ng mga order, tumulong din ako sa pagbuhat ng mga supplies at stocks sa kitchen. Natuyuan din ako ng pawis at na ambunan ng ulan kanina, kaya ko siguro nararamdaman 'to. Kailangan ko talagang magpahinga mamaya kapag nakauwi na 'ko sa apartment. "Hello, Faye..." sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kasalukuyan akong naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi. Gusto ko sanang maglakad na lang para maka-save sa pamasahe, pero hindi na kaya ng katawan ko ang maglakad. [Tinawagan ko na si Kuya Erick about dito sa binigay mo sa'kin kanina, pero ayaw niyang tanggapin. He wants you to be the one to return this to your dad] Napabuga ako ng hangin sabay na napahilot sa noo ko. Ang tinutukoy ni Faye ay tungkol do'n sa pera na binigay sa'kin ni Dad.

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 23: More than Just a Meal

    Tahimik lang ako sa isang tabi habang nag-iisip. Nandito na 'ko sa pangalawa kong trabaho, pero parang gusto ko na naman umuwi dahil sa mga nalaman ko kahapon. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang papaniwalaan ko. Pero kailangan ko munang isantabi ang tungkol do'n bago pa 'ko mabaliw sa kakaisip. Nagpatuloy na 'ko ulit sa pagtatrabaho, at pilit na inaalis sa isipan ang tungkol sa napag-usapan namin ni Tiya Helen. "Erina, table 4..." Pagkarinig ko nang pangalan ko ay kaagad na 'kong tumayo at kinuha kay Ate Mica ang tray. Isa rin siyang waitress pero mas nauna siyang magtrabaho sa'kin dito. Mabait at napakasipag niya, at isa siya sa mga taong hinahangaan ko pagdating sa trabaho. "Okay po, Ate." At agad na 'kong umalis sa kitchen para ihatid 'tong order sa table 4. Dahan-dahan akong naglakad dahil na rin sa dami ng pagkain ang nakalagay sa tray. At mukha pa itong mamahalin kaya kailangan kong magdoble ingat. Pero bigla akong napahinto nang malapit na 'ko sa table na p

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 22: The Lie She Believed

    "Pasens'ya na, Louie, ha? Nadumihan pa tuloy ang damit mo dahil sa katangahan ko," paumanhin ko habang naglalakad kaming dalawa pauwi sa apartment. Nahihiya na tuloy akong tingnan siya dahil sa nangyari kanina sa park. 'Yan tuloy pinagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong namin sa daan dahil sa suot nitong may mantsa ng ice cream na ako ang may kagagawan. "Okay lang, wala sa'kin 'yon," aniya, bago ngumiti sa akin. Pero ramdam ko pa rin ang hiya sa katawan ko. Pagkalipas ng bente minutong paglalakad ay nakarating na kami sa apartment. Dumiretso siya ng kusina samantalang ako naman ay nagtungo sa kwarto para magbihis ng damit. Hindi na 'ko papasok sa trabaho—nagpaalam na 'ko kanina sa manager ng resto na masama ang pakiramdam ko kaya 'di ako makakapasok. "Uh, Louie... akin na 'yang damit mo," sabi ko nang makarating ako sa kusina. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng plato, pero agad niya 'kong nilingon nang marinig niya ang boses ko. Suot pa rin niya ang damit na may mantsa

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 21: A Flicker I Can't Explain

    Nakaupo lang kaming dalawa sa kama, pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Ayoko rin umpisahan dahil nakaramdam ako ng hiya at pagkailang mula sa kaniya. At ang dahilan niyon—ang pagyakap niya sa'kin kanina.I supposed to ignore it dahil parang wala lang naman sa'kin 'yon. Pero kasi nagtataka ako kung bakit niya 'ko niyakap lalo na't hindi pa naman kami gano'n ka close para yakapin ako. Hindi naman big deal sa'kin, sa katunayan nga gumaan ang pakiramdam ko dahil do'n.Hindi na kaya siya naiilang sa'kin? Sabagay, nagkatabi na kami matulog kagabi—huh?! Erase... erase, bawal na isipin 'yon. That was a mistake—kasalanan ko kaya nangyari 'yon."Umm, okay ka na ba?" tanong niya dahilan para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa paligid.Kaagad ko naman siyang nilingon, at naabutan ko siyang nakatingin sa'kin. Tumango na lamang ako bilang sagot, at maliit na ngumiti sa kaniya."Are you sure?" paninigurado niya, pero ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya."O-Oo naman, okay na

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 20: Breaking Point

    Nakatitig ako sa puting sobre na nakalagay sa ibabaw nang mesa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito, pero gusto ko nang mawala 'to sa paningin ko. Kararating ko lang sa trabaho, pero parang gusto ko nang umuwi. Sa tingin ko kasi mawawalan ako sa mood magtrabaho ngayong araw dahil sa sobreng natanggap ko kanina. "Erina, okay ka lang?" tanong ni Lean nang makalapit siya sa direksyon ko. Agad siyang umupo sa kaharap kong silya at napatingin sa sobre. "Kanina mo pa 'yan tinititigan. Ano ba laman niyan? Hindi mo pa ba nabubuksan?" Marahan akong umiling bilang sagot at napabuga ng hangin. Pero bigla akong napasabunot sa buhok ko habang nakadantay sa mesa ang dalawang siko ko. "Uuwi na muna ako, Lean. Absent na muna ako ngayong araw. Pakisabihan na lang si Boss Yuki kapag dumating na siya rito na umabsent ako," sabi ko sabay dampot ng sobre sa mesa, at agad ng tumayo para kunin ang bag ko. Pero pansin ko na nakasunod sa likuran ko si Lean. Ayokong umabsent sa trabaho, pero

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 19: Morning Mystery

    *ERINA ISABEL TUAZON POVUnti-unti kong dinilat ang aking mga mata, pero hindi malambot na unan ang kayakap ko kundi isang matigas na bagay na hindi ko alam kung ano.Sa kwarto naman ako natulog kagabi, ah. Pero bakit—oh my goodness! Bakit kayakap ko si Louie? Bakit kami magkatabi matulog dito sa sala?!Jusko, ano'ng nangyari kagabi?"Ano'ng gagawin ko? Pa'no ko tatanggalin 'tong braso niya na hindi siya magigising?" sabi ko sa aking isipan.Nakayakap ang dalawang braso ni Louie sa akin, habang ako naman ay nakasiksik sa dibdib niya. Hindi ko maalala kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon, pero ayoko nang malaman kasi nahihiya ako!"Jusko, ang bigat naman ng braso niya!"At dahan-dahang kong inangat ang braso niya, tipong hindi siya magigising para makaalis ako. Pero bigla akong napasinghap nang mas lalo niya 'kong nilapit sa kaniya, at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Ano'ng gagawin ko ngayon? Gigisingin siya? Biglang babangon o marahas na tanggalin ang braso niyang nakaya

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 18: The Fire Inside

    *WAYNE LOUIE ANDERSON POV I recently realized that she fell asleep in my arms. Good thing I caught her. Maybe she suddenly fell asleep because of extreme exhaustion. And perhaps also because she had been crying earlier due to what we talked about. I brought her to her room and slowly laid her on the bed. I tucked her in properly and gently removed a few strands of hair covering her face. And I couldn't stop myself from staring at her because of the things she told me earlier. How could a father bear to deprive his child of seeing her mother at her final resting place? How cruel! "How's the task I'm asking you to do? Have you found out anything?" I asked Deo, but he didn’t answer right away. He looked troubled and didn’t seem to know what to say to me. Nandito kaming dalawa sa isang coffee shop na malapit sa apartment. Nakipagkita ako sa kaniya para makahingi ng update sa pinapagawa ko sa kaniyang trabaho. Erina didn’t know that I left the apartment. I snuck out, making sure t

  • The Missing Billionaire (TAGLISH)   Chapter 17: Scars that Never Fade

    Pabagsak akong umupo sa sofa nang makauwi ako sa apartment galing ng trabaho. Ramdam ko ang matinding pagod buhat ng mga mabibigat na gawain kanina. At parang hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko dahil sa mahabang paglalakad pauwi rito. Ginabi na 'ko ng uwi dahil wala ng masasakyan na tricycle o jeep no'ng nakalabas na 'ko ng restaurant kanina. Nag-antay ako ng ilang minuto hanggang sa nagdesisyon ako na maglakad na lang. Mga isang metro lang naman ang layo mula sa restaurant papuntang apartment kaso lakad-takbo ang ginawa ko kanina. Kaya heto ako ngayon—tagaktak ang pawis, at habol ang hininga na parang sumali sa isang 1-meter run. "Saan naman kaya nagpunta 'yon?" usal ko habang nakamasid sa paligid. Hinahanap ng mga mata ko si Louie. Hindi ko kasi siya naabutan no'ng dumating ako rito.Nagdesisyon akong tumayo para magtungo ng kusina, pero nang makarating ako wala naman siya rito. Hinanap ko siya sa buong apartment, pero ni anino niya hindi ko mahanap. Bigla akong nakaramdam ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status