Parang biglang sumakit ang sentido ko dahil sa kakatalak ng landlady sa akin nitong apartment. Hindi ko alam kung pa'no niya nalaman ang nangyaring insidente, pero sa talas ng pandinig niya malalaman niya kaagad anumang oras. Wala pang alas otso dumating na siya rito para pagalitan ako. Para na 'kong nabibingi sa malakas niyang boses, pero wala naman akong karapatan na magreklamo kasi siya ang may-ari nito at kahit hindi naman sinasad'ya ang nangyari, may karapatan pa rin siyang magalit. "Hay naku na lang talaga! Ang mahal nitong materyales pero hindi man lang iningatan ng mabuti. Ano ka ba naman, Erina? Ba't 'di ka nag-iingat? Ano na lang ang ipapalit mo rito? Late ka na nga nagbabayad ng renta, pero sinira mo pa 'tong apartment ko," rinig kong pagtatalak nito. Napabuga na lang ako ng hangin at sabay na napahawak sa ulo ko. Ang aga-aga pero naii-stress na 'ko dahil sa kaniya. "Tsk! Ang aga naman ng sermon, lord," inis na sambit ko at sabay na ginulo ang buhok ko. Nandito ak
Nangyari do'n? Ba't biglang nataranta 'yon? Eh, hindi naman siya gano'n kanina bago dumating si Louie. 'Di kaya .. "Magkakilala ba kayo?" nagtatakang tanong ko bago siya binalingan ng tingin. Nagulat at nagtaka siya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko naman intensyon 'yon. It's just that nagulat ako sa naging reaksyon ni Madam Dolores no'ng nakita niya si Louie. "E-Erina .. I don't remember us meeting before. I don't remember her face," tugon ni Louie ngunit may bahid pa rin ng pagtataka ang mukha niya. Bakit ko pa kasi tinanong kung kilala niya si Madam Dolores? Eh, wala nga siyang maalala. Ang bobo ko talaga minsan at ang bilis ko naman makalimot. "Sorry, nagtaka lang kasi ako sa—Uh anyways, nevermind. Huwag mo na lang isipin baka makasama lang sa 'yo. Um, huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko." Napahinto ako at hinihintay ang sagot niya. Pero tumango siya bilang sagot kaya okay lang naman 'ata kung sasabihin ko 'to since dito siya nakatira pansamantala sa apartment ko at
Nagbabalak na sana akong lumabas ng shop pero may bigla akong naisip na nagpahinto sa akin. Marahas akong napailing nang mapagtanto na imposible ang iniisip ko tungkol do'n sa sinabi ni Lean."Hindi siya 'yon.. malabong mangyari 'yon," sabi ko sa sarili bago lumingon sa direksyon ni Lean kung saan nagtataka na ito habang nakatingin sa akin."O, bakit ka bumalik? Akala ko ba uuwi ka?" nagtatakang tanong ni Lean nang makabalik ako sa counter.Pero hindi ko sinagot ang tanong niya, sa halip biglang nag-isip ng itatanong ko sa kaniya."Kailan nga ulit nawala 'yong lalaki?" tanong ko bago tumingin sa kaniya."Uh, noong nakaraang araw lang daw.. tapos diniklarang missing after 24 hours kahapon. Bakit mo natanong?" tugon niya at palihim naman akong napabuga ng hangin. Mabuti na lang na hindi ako tumuloy sa pag-alis kundi baka pagsisihan ko lang din.Pero nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon kasi kung sakali na tama ang hula ko baka pagsisihan ko na talaga ang ginawa kong pagpapatira kay
Napatakbo agad ako ng kusina para uminom ng tubig. Ewan ko ba, bigla na lang akong nauhaw dahil sa nasaksihan ko roon sa banyo. Sa susunod talaga hindi ko na susundin kung anuman ang maririnig ko dahil baka sa susunod iba na ang makita ko at baka mas malala pa. "Jusko ka, Erina! Katawan lang 'yon pero ba't ka biglang nauhaw?" sabi ko sa sarili at biglang napabuga ng hangin. Ito lang talaga siguro ang epekto sa akin kapag nakakita ng katawan ng lalaki lalo na't harap-harapan. 'Tsaka 'yon pa lang ang unang beses na nasaksihan ko ang gano'ng bagay sa buong buhay ko. Mag-iingat na talaga ako lalo na't hindi na ako ang mag-isang nakatira dito. Jusko, my precious eyes! Nabahiran na ng kamanyakan. "Um, Louie.." Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian, pero sobrang tahimik ng paligid at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang gumagawa ng ingay. Sanay naman ako sa ganito, pero ewan ko ba bakit biglang nagbago ngayong may kasama na 'ko rito? "Hmm?" aniya bago nag-angat ng tingin s
*WAYNE LOUIE ANDERSON POV She was surprised when she saw me behind the door. I just looked at her seriously, but I couldn't help feeling sad because of what I heard outside. I didn't mean to eavesdrop on their conversation, but I saw her stunned earlier when she opened the door. And I know that something is off. She cried.. halata sa mga mata niya. Namumula ang mga ito at may bakas pa ng mga luha ang pisngi niya. I'm supposed to not care about it because I'm not the kind of person who suddenly gets affected when I see someone crying. Pero ngayon.. I felt a sudden pain in my chest. At hindi 'to maganda. I need to stop this, but now isn't the right time for that. "Are you okay?" I asked, but she only nodded in response, offering a small, quiet smile. "Um, kanina ka pa ba nand'yan?" she asked, then walked past me. But I didn't answer her, instead, I followed her to the kitchen. I didn't want to lie, but I had to, especially since what they were talking about was too personal. "
*ERINA ISABEL TUAZON POV Kanina pa ko tulala habang nakatingin sa kisame. Nakahiga pa rin ako sa kama, pero wala pa akong plano na bumangon para gumayak. Wala naman akong pasok ngayon, pero inaya kong lumabas si Louie kahapon. Mabigat ang pakiramdam ko pag-gising dahil na rin siguro sa kung anong meron sa araw na ito. Sa totoo lang hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa naging pag-uusap namin ni kuya kahapon. Kahit anong deny ko ay apektado pa rin ako dahil sa sinabi niya. Pero kailangan kong maging okay ngayong araw kasi ayokong bisitahin si Mommy na malungkot ako. “Erina, gising ka na ba?” Agad akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Louie sa labas ng kwarto. Pero hindi ako bumaba sa kama—nakaupo pa rin ako at nakatingin sa pinto. Hindi ako sumagot kasi ayoko pa munang lumabas at harapin siya na ganito ang estado ko. “Nakahanda na sa mesa ang breakfast mo. I’ll just take a walk for a while. I’ll be home after 30 minutes, I promise,” aniya mula sa labas ng kwarto
"I thought hindi na tayo matutuloy after what happened earlier, but we still made it. I hope gumaan ang pakiramdam mo na nandito tayo sa isang public park." Hindi ko nilingon si Louie, nanatili lang akong nakatingin sa mga batang naglalaro sa playground kasama ang mga parents nila. Hindi ko maiwasang huwag mainggit kasi no'ng kabataan ko, dalawang beses lang akong dinala ni Mommy sa park at after niyon hindi na naulit. Busy siya sa trabaho gano'n din si Dad, at si Kuya naman hindi trip ang mga gusto kong gawin. Kaya si Mommy lang talaga ang nakakasama ko sa mga gusto kong gawin o puntahan. This park witnessed how happy I was during the times I was still with Mommy. Before she died, nangako pa siya sa'kin na magpi-picnic kami rito for my upcoming 6th birthday. But promises are meant to be broken. Pero ako lang din naman pala ang magiging dahilan niyon. "Hindi ko alam kung gumaan ba, pero sa tingin ko mas lalo lang bumigat," bulong ko habang malungkot na nakatingin sa direksyon ng
"Grabe, kung hindi kita tinext na makikipagkita ako sa'yo 'di mo talaga ako pupuntahan 'no?" sabi ni Faye, pero tunog nagtatampo. Napabuga na lang ako ng hangin bago napahigop ng kape dahil sa sinabi niya. Hindi na 'ko sumagot, hahayaan ko na munang ilabas niya lahat ng tampo niya sa akin bago ako magsasalita. Kasi kapag sumagot ako, lalo niya lang akong babarahin.. lalo lang sasama ang loob niya sa akin. Actually immune na 'ko pagdating sa gan'yan, pero minsan talaga nakakarindi na sa tenga ang mga sinasabi niya. "Kaibigan pa ba ang turing mo sa'kin? May care ka pa ba sa'kin? Iniisip mo man lang ba 'ko?" nagdadrama na sambit niya. Napapikit na lang ako ng mga mata, at napabuntong hininga ng malalim bago siya sinagot. "Faye, kalma.. s'yempre magkaibigan pa rin tayo. Kadramahan mo talaga, eh. Na busy lang ako sa trabaho kaya hindi kita nagawang bisitahin sa inyo." Napahalukipkip siya sa akin sabay na inirapan ako. Palihim na lang akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sa tingin ko tanghali na. Ang sakit pa rin ng katawan ko, pero nawala na ang sakit ng ulo ko dahil siguro sa gamot na ininom ko kagabi, at dahil na rin sa mahabang pahinga.Nagdesisyon na 'kong bumangon—kailangan ko nang maghanda sa pagpasok sa trabaho kahit na ang bigat ng katawan ko. Hindi na 'ko p'wedeng umabsent kasi baka tuluyan na talaga akong mawalan ng trabaho."Ay anak ng—"Bigla kong natutop ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko rito sa kwarto si Louie na nakahiga sa sahig, at mahimbing na natutulog.Ibig sabihin ba niyan, dito siya sa kwarto ko natulog??Jusko, ba't hindi ko man lang napansin?"Kahit tulog pero ang pogi pa rin," sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa kaniya. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong unti-unti siyang nagigising, at heto ako ngayon hindi alam kung ano a
Katatapos lang nang trabaho ko sa resto at palabas na rin ako para makauwi na. Masakit ang ulo ko at parang lalagnatin din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko dahil sa mga mabibigat na ginawa ko kanina. Bukod kasi sa pagse-serve ng mga order, tumulong din ako sa pagbuhat ng mga supplies at stocks sa kitchen. Natuyuan din ako ng pawis at na ambunan ng ulan kanina, kaya ko siguro nararamdaman 'to. Kailangan ko talagang magpahinga mamaya kapag nakauwi na 'ko sa apartment. "Hello, Faye..." sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kasalukuyan akong naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi. Gusto ko sanang maglakad na lang para maka-save sa pamasahe, pero hindi na kaya ng katawan ko ang maglakad. [Tinawagan ko na si Kuya Erick about dito sa binigay mo sa'kin kanina, pero ayaw niyang tanggapin. He wants you to be the one to return this to your dad] Napabuga ako ng hangin sabay na napahilot sa noo ko. Ang tinutukoy ni Faye ay tungkol do'n sa pera na binigay sa'kin ni Dad.
Tahimik lang ako sa isang tabi habang nag-iisip. Nandito na 'ko sa pangalawa kong trabaho, pero parang gusto ko na naman umuwi dahil sa mga nalaman ko kahapon. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang papaniwalaan ko. Pero kailangan ko munang isantabi ang tungkol do'n bago pa 'ko mabaliw sa kakaisip. Nagpatuloy na 'ko ulit sa pagtatrabaho, at pilit na inaalis sa isipan ang tungkol sa napag-usapan namin ni Tiya Helen. "Erina, table 4..." Pagkarinig ko nang pangalan ko ay kaagad na 'kong tumayo at kinuha kay Ate Mica ang tray. Isa rin siyang waitress pero mas nauna siyang magtrabaho sa'kin dito. Mabait at napakasipag niya, at isa siya sa mga taong hinahangaan ko pagdating sa trabaho. "Okay po, Ate." At agad na 'kong umalis sa kitchen para ihatid 'tong order sa table 4. Dahan-dahan akong naglakad dahil na rin sa dami ng pagkain ang nakalagay sa tray. At mukha pa itong mamahalin kaya kailangan kong magdoble ingat. Pero bigla akong napahinto nang malapit na 'ko sa table na p
"Pasens'ya na, Louie, ha? Nadumihan pa tuloy ang damit mo dahil sa katangahan ko," paumanhin ko habang naglalakad kaming dalawa pauwi sa apartment. Nahihiya na tuloy akong tingnan siya dahil sa nangyari kanina sa park. 'Yan tuloy pinagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong namin sa daan dahil sa suot nitong may mantsa ng ice cream na ako ang may kagagawan. "Okay lang, wala sa'kin 'yon," aniya, bago ngumiti sa akin. Pero ramdam ko pa rin ang hiya sa katawan ko. Pagkalipas ng bente minutong paglalakad ay nakarating na kami sa apartment. Dumiretso siya ng kusina samantalang ako naman ay nagtungo sa kwarto para magbihis ng damit. Hindi na 'ko papasok sa trabaho—nagpaalam na 'ko kanina sa manager ng resto na masama ang pakiramdam ko kaya 'di ako makakapasok. "Uh, Louie... akin na 'yang damit mo," sabi ko nang makarating ako sa kusina. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng plato, pero agad niya 'kong nilingon nang marinig niya ang boses ko. Suot pa rin niya ang damit na may mantsa
Nakaupo lang kaming dalawa sa kama, pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Ayoko rin umpisahan dahil nakaramdam ako ng hiya at pagkailang mula sa kaniya. At ang dahilan niyon—ang pagyakap niya sa'kin kanina.I supposed to ignore it dahil parang wala lang naman sa'kin 'yon. Pero kasi nagtataka ako kung bakit niya 'ko niyakap lalo na't hindi pa naman kami gano'n ka close para yakapin ako. Hindi naman big deal sa'kin, sa katunayan nga gumaan ang pakiramdam ko dahil do'n.Hindi na kaya siya naiilang sa'kin? Sabagay, nagkatabi na kami matulog kagabi—huh?! Erase... erase, bawal na isipin 'yon. That was a mistake—kasalanan ko kaya nangyari 'yon."Umm, okay ka na ba?" tanong niya dahilan para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa paligid.Kaagad ko naman siyang nilingon, at naabutan ko siyang nakatingin sa'kin. Tumango na lamang ako bilang sagot, at maliit na ngumiti sa kaniya."Are you sure?" paninigurado niya, pero ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya."O-Oo naman, okay na
Nakatitig ako sa puting sobre na nakalagay sa ibabaw nang mesa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito, pero gusto ko nang mawala 'to sa paningin ko. Kararating ko lang sa trabaho, pero parang gusto ko nang umuwi. Sa tingin ko kasi mawawalan ako sa mood magtrabaho ngayong araw dahil sa sobreng natanggap ko kanina. "Erina, okay ka lang?" tanong ni Lean nang makalapit siya sa direksyon ko. Agad siyang umupo sa kaharap kong silya at napatingin sa sobre. "Kanina mo pa 'yan tinititigan. Ano ba laman niyan? Hindi mo pa ba nabubuksan?" Marahan akong umiling bilang sagot at napabuga ng hangin. Pero bigla akong napasabunot sa buhok ko habang nakadantay sa mesa ang dalawang siko ko. "Uuwi na muna ako, Lean. Absent na muna ako ngayong araw. Pakisabihan na lang si Boss Yuki kapag dumating na siya rito na umabsent ako," sabi ko sabay dampot ng sobre sa mesa, at agad ng tumayo para kunin ang bag ko. Pero pansin ko na nakasunod sa likuran ko si Lean. Ayokong umabsent sa trabaho, pero
*ERINA ISABEL TUAZON POVUnti-unti kong dinilat ang aking mga mata, pero hindi malambot na unan ang kayakap ko kundi isang matigas na bagay na hindi ko alam kung ano.Sa kwarto naman ako natulog kagabi, ah. Pero bakit—oh my goodness! Bakit kayakap ko si Louie? Bakit kami magkatabi matulog dito sa sala?!Jusko, ano'ng nangyari kagabi?"Ano'ng gagawin ko? Pa'no ko tatanggalin 'tong braso niya na hindi siya magigising?" sabi ko sa aking isipan.Nakayakap ang dalawang braso ni Louie sa akin, habang ako naman ay nakasiksik sa dibdib niya. Hindi ko maalala kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon, pero ayoko nang malaman kasi nahihiya ako!"Jusko, ang bigat naman ng braso niya!"At dahan-dahang kong inangat ang braso niya, tipong hindi siya magigising para makaalis ako. Pero bigla akong napasinghap nang mas lalo niya 'kong nilapit sa kaniya, at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Ano'ng gagawin ko ngayon? Gigisingin siya? Biglang babangon o marahas na tanggalin ang braso niyang nakaya
*WAYNE LOUIE ANDERSON POV I recently realized that she fell asleep in my arms. Good thing I caught her. Maybe she suddenly fell asleep because of extreme exhaustion. And perhaps also because she had been crying earlier due to what we talked about. I brought her to her room and slowly laid her on the bed. I tucked her in properly and gently removed a few strands of hair covering her face. And I couldn't stop myself from staring at her because of the things she told me earlier. How could a father bear to deprive his child of seeing her mother at her final resting place? How cruel! "How's the task I'm asking you to do? Have you found out anything?" I asked Deo, but he didn’t answer right away. He looked troubled and didn’t seem to know what to say to me. Nandito kaming dalawa sa isang coffee shop na malapit sa apartment. Nakipagkita ako sa kaniya para makahingi ng update sa pinapagawa ko sa kaniyang trabaho. Erina didn’t know that I left the apartment. I snuck out, making sure t
Pabagsak akong umupo sa sofa nang makauwi ako sa apartment galing ng trabaho. Ramdam ko ang matinding pagod buhat ng mga mabibigat na gawain kanina. At parang hindi ko na rin maigalaw ang mga paa ko dahil sa mahabang paglalakad pauwi rito. Ginabi na 'ko ng uwi dahil wala ng masasakyan na tricycle o jeep no'ng nakalabas na 'ko ng restaurant kanina. Nag-antay ako ng ilang minuto hanggang sa nagdesisyon ako na maglakad na lang. Mga isang metro lang naman ang layo mula sa restaurant papuntang apartment kaso lakad-takbo ang ginawa ko kanina. Kaya heto ako ngayon—tagaktak ang pawis, at habol ang hininga na parang sumali sa isang 1-meter run. "Saan naman kaya nagpunta 'yon?" usal ko habang nakamasid sa paligid. Hinahanap ng mga mata ko si Louie. Hindi ko kasi siya naabutan no'ng dumating ako rito.Nagdesisyon akong tumayo para magtungo ng kusina, pero nang makarating ako wala naman siya rito. Hinanap ko siya sa buong apartment, pero ni anino niya hindi ko mahanap. Bigla akong nakaramdam ng