Si Alexiana Avery Adair ay isang spoiled brat na pinadala sa tahimik na San Nicolas Province upang turuan ng leksyon. Doon niya nakilala si Zamiel, ang perpektong lalaking gusto ng kanyang mga magulang para sa kanya. Ngunit sa bawat oras na kasama niya si Gray-ang misteryosong best friend ni Zamiel, mas lalong nagugulo ang kanyang puso. Habang naglalaban ang puso at responsibilidad, isang lihim na pagmamahalan ang nabubuo sa lilim ng probinsyang puno ng tradisyon at intriga. Paano pipiliin ni Alexiana kung bawat desisyon ay may kaakibat na sakripisyo? | Under Series #1 |
더 보기Alexiana Habang nag-uumagahan kami ay binasag ni Zarrick ang katahimikan, “Tumawag kanina si Elias na rito sila sa San Nicolas magbabakasyon. Nagyaya siya na ipagdiriwang ang kanilang pagdating sa yate na hiniram kayTiyo.” Nakuha niya ang atensyon naming lahat habang nabalot sa akin ang kuryosidad kung sino si Elias. “Talaga, Kuya? Hindi ito nabanggit sa akin ni Amelia n’ong magkausap kami sa telepono kahapon. Nakatutuwa na rito sila ulit magbabakasyon. Kailan sila darating?” tanong ni Isabella habang nilalagyan ng syrup ang pancake. “Nakarating na sila kanina,” wika ni Zarrick at sumimsim ng kape. “Kahit kailan talaga si Amelia, lagi na lang ako sinusupresa. Ayos lang ba na isama ko sila Lucia? May usapan kasi kami ngayon na pupunta kami sa bagong bukas na bilihan ng libro,” usal ni Isabella na ikinatango ni Zarrick. Dumako naman ang tingin ng magkapatid kay Jairro na parang walang interes sa pinag-uusapan. Tumikhim si Zarrick para makuha ang atensyon niya, “Ikaw, Jairro, sasam
Alexiana“Mag-ingat kayo, Mama sa Palawan,” wika ni Isabella habang nakayakap kay Tiya Cecilia.Ngayon kasi magpupunta sa Palawan ang mag-asawang Vidales.Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay aalis na raw sila para hindi gabihin sa biyahe kaya nasa labas kaming lahat para magpaalam.“Salamat, hija. Huwag puro pagbabasa ng libro ang atupagin. Sayang ang bakasyon, gumala kayo nina Alexiana,” usal ni Tiya Cecilia habang hawak-hawak ang magkabilang braso ni Isabella.Tumingin naman sa akin ang ginang. Ngumiti ito at niyakap ako. “Ikaw rin, hija. Sana ay mas lalo kayong magkasundo ng mga anak ko at matuwa ka sa pagbabakasyon dito. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang kina Ertha.”“Opo. Thank you po,” matipid na wika ko.Pagkabitiw ay nagtungo siya kay Jairro. “Ang lagi kong bilin sa ’yo, hijo, huwag mo sanang kalimutan. Marami pang ibang kababaihan—”Hindi na natapos ang sasabihin ng ginang nang putulin ito ng binata. “Mag-iingat kayo ni Papa, Mama.”Bumuntonghininga na lang ang ginan
Alexiana Makalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit. “Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba. “Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango. Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again. “Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin. Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mg
AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
댓글