AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
Huling Na-update : 2025-02-10 Magbasa pa