Alexiana
Makalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit. “Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba. “Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango. Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again. “Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin. Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mga hampas ng alon na nagbigay sa akin ng ngiti. Maybe going here was not truly a bad idea. Should I give my gratitude to Mom when I get home? But knowing Mom and Dad, alam ko naman na ang dahilan kung bakit nila ako pinapunta rito. Siguradong wala na naman silang time para sa akin kasi ang lahat ng atensyon nila ay nasa business namin. Sinabayan ko ang alon sa paglangoy. Gusto kong lumayo pa nang kaunti. Hindi naman ako natatakot malunod dahil marunong akong lumangoy. I got my swimming lessons and I excelled at it. Ano pa ba ang ine-expect from someone na anak ng may mga business na resort? Nang mapansin ko na medyo malayo na ako sa lahat ay tumingala ako sa langit. This was somehow nice. I could cry my whole heart out nang walang nakakakita. Even my closest friends couldn’t see me in this state. Kailan ba ang huling time na nakasama ko nang matagal ang parents ko? They were so busy handling and expanding our businesses with their reason that all of it would be mine soon while forgetting that I needed their attention, too. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. “I hate, you Mom and Dad. Hindi n’yo alam kung paano ko sinusubukan na gawin ang lahat para mapansin n’yo lang ako!” sigaw ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. “Uuwi lang kayo kapag may nagawa akong kapalpakan. I tried so hard to excel in academics, pero hindi man lang kayo pumunta sa recognition ko at kahit sa graduation. Kahit nga ang paborito kong pagkain, hindi n’yo na rin alam!” Naputol ang sasabihin ko dahil sa gulat nang may humawak sa baywang ko. “Sino kang—” I was ready to throw hands, pero napahinto ako nang umahon ito at nakita ko si Gray. “Gray, ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko. Napahawak ako sa dibdib niya nang biglang umalon. “Dapat hindi ka lumalayo, malalim na banda rito,” seryosong wika ni Gray. Nahalata ko sa boses niya ang pag-aalala. But I shouldn’t overthink it too much. Napakaimposible naman na mag-alala siya sa akin. Siguro ay napansin nina Isabel na medyo malayo na ako. Iyon lang siguro ang dahilan. “Ayos lang ako. Sanay akong lumangoy,” sagot ko at lumayo nang kaunti sa kaniya, pero ayaw niyang bitiwan ang baywang ko. Narinig niya kaya ang hanash ko sa buhay? “Bumalik na tayo,” aya ni Gray, pero hindi ako nagpatinag. “Maybe later? Mas gusto ko rito. Kung gusto mo, mauna ka na,” sambit ko. Nakita ko ang pagbuntonghininga niya. “Baka pulikatin ka,” ani Gray. Hindi ko mapigilang mapangiti. Nang ma-realize ko na nakangiti ako ay hindi ko mapigilang tumikhim para pakalmahin ang sarili. Lumingon ako sa ibang side para hindi niya makita ang reaksyon ko. “Salamat sa concern. Babalik ako mamaya nang safe. Kailangan ko lang ng kaunting oras para makapag-isip.” Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Gray ang likod ng ulo ko at inilapit sa kaniya. Mas lalo tuloy nagdikit ang mga katawan namin. Was he trying to comfort me? “Ayos ka lang ba? Kailangan mo ng kausap?” tanong ni Gray. Itinaas ko naman ang tingin ko kaya nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam, but for the first time, parang nag-slow motion ang lahat. I didn’t want this moment to end. Nang makabawi ay sumagot ako, “Ayos lang, may naalala lang.” Pinaikot ko ang daliri sa buhok niya sa dibdib. This looks so fun, pero inihinto ko rin iyon nang ma-realize ang ginawa ko. “Gusto mo bang mapag-usapan?” tanong ni Gray. Hindi ko alam kung ano’ng sumagi sa isip ko, pero gusto ko siyang biruin. “Nabalitaan ko kasi na may bago na ’yong ex boyfriend ko. Pinagpalit ako sa mukhang bisugo,” natatawang sambit ko. “Akala ko ba ay hindi ka pa nagkakanobyo?” kuryosong tanong niya. Nakikinig pala siya noong itinanong ni Tiya Cecilia iyon. “Siyempre, secret lang,” sagot ko at inilagay ang daliri sa labi para mag-quiet sign. Mukhang naniwala naman siya. “Ang akala ko ba ay sobrang taas ng hinahanap mo sa lalaki. Paanong may pumasa?” Sa pagkakataon na ito hindi ko na mapigilang humagalpak dahil ibinalik niya lahat ng sinabi ko kahapon. “Hindi ko nga rin alam kung bakit pumasa ’yon. Lakas pa ng loob magloko,” wika ko na lang habang kunwari na nagtataka. Mukhang quota na ako sa pagsisinungaling. Last na po talaga ito. “Pangalan?” “Ano’ng pangalan?” tanong ko. “Ano’ng pangalan ng dati mong boyfriend?” May halong inis sa kaniyang boses. Mukhang kumbinsado talaga siya. “Bakit? Gagantihan mo ba siya para sa akin?” pagbibiro ko. “Kung gusto mo. At sino ba ’yang lalaki na ’yan para ipagpalit ang . . . babae na katulad mo?” usal ni Gray at lumingon sa kabilang side. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang tainga. Habang ako ay hindi mapigilan ang kabog ng dibdib. He was just trying to comfort me. Iyon lang. Natahimik kami nang sampung segundo kaya ibinuhos ko ang buong lakas ko para magsalitang muli. “Baka hindi ka komportable sa posisyon natin, ayos lang na bitiwan mo na ako. Mahina na ang alon,” usal ko, pero bakas sa mukha niya na ayaw niyang sumang-ayon kaya ako na ang nagtanggal ng kamay niya. Tumalikod ako sa kaniya. “Ikaw ba? Nagka-girlfriend ka na ba kahit pasikreto lang?” tanong ko. Ang sabi niya kasi ay wala siyang girlfriend, pero siguro naman may naging ex siya.. “Wala pa,” usal ni Gray. Humarap naman ako. “Talaga? Sa guwapo mong ’yan?” Mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagharap, pero nakabawi rin siya kaagad. “Oo. Wala akong naging girlfriend noon at . . .” He paused. “Wala rin ngayon.” Hindi ko alam, pero parang natuwa pa ako nang marinig iyon.. “Sabagay. Baka ayaw mo pang magseryoso, flings lang siguro,” wika ko. Karamihan kasi ngayon ay hindi nila gustong mag-settle down kaagad sa isang tao, and I understand that. His brows knitted. “Wala rin akong flings, Alexiana, at nililigawan sa ngayon.” Mukhang na-offend siya sa sinabi ko kaya binago ko na lang ang topic. “Siguro ay masaya ang pamilya ninyo. Narinig ko na galing kayo ni Aiden sa relihiyosong pamilya. Nagsisimba ba kayo tuwing Linggo nang magkakasama?” How I really wish I could do that, too, with my family. Nag-iba ang ekspresyon niya at lumapit sa akin, “Malakas na ang alon. Baka tangayin ka,” wika ni Gray at inilagay muli ang kamay niya sa waist ko. Hinayaan ko na lang siya habang iniikot ikot niya naman sa kaniyang darili sa buhok ko. “Hindi kami madalas nakakapagsimba nang magkakasama dahil abala sa trabaho. Ang ina ko lang ang palagi sa simbahan.” “Gano’n ba? Kahit Linggo pala ay nagtatrabaho pa rin kayo. Kapag talaga ako nagkapamilya, gagawin ko ang lahat para magkakasama kami tuwing Linggo. Naniniwala kasi ako na dapat maglaan din ng oras sa pamilya,” wika ko. Based on my experience, nagiging malayo ang anak sa magulang dahil hindi nila ito binibigyan ng enough attention. Kaya’t mas mabuti pa rin na maramdaman ng anak na may pakialam at mahal sila ng kanilang magulang kahit busy ang mga ito sa trabaho. “Ikaw ba? Sa tingin mo?” tanong ko dahil nakatingin lang siya sa akin. Tumango naman siya. “Sa tingin ko magiging mabuti kang ilaw ng tahanan.” Hindi ko alam, pero tumutulo na pala ang luha ko sa sinabi niya. That was the best thing I ever heard. To be honest, I was scared to have my own family kasi baka matulad sila sa akin. But I promised to myself that I would work hard in the future while giving enough attention and care to my children. Dahil sa halo-halong emosyon ko ay hindi ko namalayan na niyakap ko si Gray. “Salamat.” Akala ko ay tatanggalin niya ang mga kamay ko na nakayakap sa baywang niya, pero nagpatuloy lang siya sa paghaplos sa buhok ko. Mayamaya pa ay nakaramdam na ako ng hiya kaya lumayo ako nang kaunti. “Gray? Balik na tayo. Nangangawit na rin ako at saka baka hinahanap na tayo nina Isabel.” “Gusto mo bang pumasan na lang sa akin?” tanong ni Gray. “Ayos lang ako. Kaya ko pa namang lumangoy. Oo nga pala, ang dami mong talent. Magaling ka na nga mangabayo, pati ba naman sa paglangoy?” wika ko. Sinalo na niya yata lahat. Sana saluhin niya rin ako kapag nahulog ako. Charot. Kaagad akong umiling, kung ano-ano na ang iniisip ko. Ito ba ang epekto ng pag-comfort sa akin ni Gray? “Mahirap bang mangabayo?” kuryoso kong tanong. “Hindi. Bakit mo natanong?” “Wala naman. Mukha kasing masaya ’yon, pero walang babae rito na parang marunong,” sagot ko at ipinakita sa kaniya na gusto ko talagang matuto. He observed me for awhile habang nakahawak sa kaniyang baba. “Gusto mo bang turuan kita?” Biglang nagningning ang mata ko sa sinabi niya, “Talaga ba?” “Oo.” Sa sobrang tuwa ko ay gusto kong tumalon, pero kailangan kong makasigurado na hindi ako makaaabala sa kaniya. “Nakakahiya naman, mukhang maaabala ka. Subukan kong kausapin si Zarrick para siya na lang—” “Hindi ako abala. Tuturuan kita.” “Sige, sabi mo ’yan, a?” natutuwang wika ko. Nakita ko ang pag-angat din ng sulok ng labi niya. “Bukas ng hapon.” “Ha?” “Bukas ng hapon tuturuan kita.” Hinawakan niya ang kamay ko nang lumangoy kami pabalik. Kaagad ko naman itong binitiwan nang mapansin na malapit na kami. “Alexiana!” sigaw ni Aiden habang nasa likod sina Zarrick. “Buti nakabalik ka na, Alexiana. Ang layo ng napuntahan mo,” wika ni Aiden. “Sorry, pinag-alala ko pa kayo, pero marunong naman akong lumangoy,” usal ko. Ngumiti naman nang nakaloloko si Aiden kay Gray. “Ayos lang ’yon. Ang mahalaga kasama mo si Kuya para kung pulikatin ka man.” “Tara, ituloy na natin pagbabaraha,” dagdag ni Aiden kay Gray. Inaya naman ako nina Eris na maglaro ng volleyball. Nakita ko ang pagtingin sa akin nang masama ni Rea na parang may inagaw ako sa kaniya. Pagsapit ng alas-singko ay gumawa si Hugo ng bonfire. Nag-form naman kaming lahat ng circle malapit doon. “Alexiana, ayos lang ba na tabi tayo?” tanong ni Aiden. Tumango naman ako at umusog nang bahagya para makaupo siya. Nasa kabilang gilid ko si Ximena katabi si Zarrick. “Hindi mabubuo ang araw na ito kung walang alak!” sigaw ni Alejandro at naglapag ng isang bote ng Alfonso. “Talagang nagbaon ka pa ng ganiyan,” suway ni Ximena. Pinandilatan naman siya ni Alejandro. “Ganito na lang. Maglaro na lang tayo, spill o shot!” suggestion ni Helio. “Paano kaming hindi umiinom, sige nga?” tanong ni Lucia. “Wala kayong magagawa kundi sumagot!” sagot ni Helio na ikinairap ni Lucia. Nagsimula ang game. “May natitipuhan ka ba sa isa na nandito? Bawal magsinungaling, a?” tanong ni Helio kay Alejandro. Nakita ko ang pagsimangot ni Alejandro bago inumin nang straight ang nasa baso. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Mukhang may mauuna nang malasing,” pagbibiro ni Helio. Nagtuloy naman at karamihan ay mas pinili ang shot kaysa sumagot sa tanong na sobrang malala. “Ikaw na, Alexiana. Sino’ng mas gusto mo sa mga lalaki na nandito?” diretsahang tanong ni Ximena na ikinataas ko ng kilay. “Bawal na ako. Sana alam mo, Alexiana. Meron na kasi akong ka-ibigan dito,” biro ni Helio. Sinamaan naman siya ng tingin ni Sandra. “Wala namang pakialam sa ’yo si Alexiana, ’no! Kapal,” wika ni Sandra. Napahawak si Helio kunwari sa dibdib na parang nasaktan. Nang mapalingon ako kay Zarrick ay kumindat pa ito sa akin habang si Gray ay naka-fix ang tingin sa baso habang nilalaro ito sa kanang kamay niya. Kung iisipin, kapag sinagot kong si Zarrick ay mas lalo ako pag-iinitan ni Ximena. Kung si Gray naman, baka hindi na ako pansinin nina Rea at Isabella. Si Alejandro ay baka i-push kami ng mga tao rito, at si Helio naman ay taken na. Maybe I needed to play safe na lang. Nakatingin naman ang lahat sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. “Si Aiden,” sagot ko. Kung hindi ako sasagot ay baka hindi nila ako tantanan kapag dumako na naman sa akin ang baso. Besides, maganda na ring ma-clear ko ang misunderstandings. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat. “Bakit ayan ang napili mo? Paano naman si kumpareng Hugo?” usal ni Helio. “Akala ko ba ay isang tanong lang, bawat ikot?” tanong ko. Wala nang nagtangka pa na magtanong, pero nakita ko ang pagkamot ni Aiden ng batok. “Parang hindi na yata ako makalalabas nang buhay rito,” wika ni Aiden na ikinatawa ko. Nang matuloy ang game ay napunta na ito kay Gray. “May plano ka ba na ituloy ang kasunduan sa pagitan ng Vidales at Zacarias?” Seryosong tiningnan ni Gray si Hugo bago inumin ang alak. Nagpatuloy ang laro, pero parang hindi ako makapag-focus dahil abot ang sulyap ko kay Gray na parang malalim ang iniisip. “Tama na nga ang laro. Wala na ring may balak sumagot. Puro shot na lang ang nangyari,” angal ni Lucia. “Kaya nga, ubusin na lang natin ito,” usal ni Alejandro at naglabas pa ng dalawang bote ng alak. Tumikhim si Hugo. “Hindi ko na kayo masasamahang uminom. Kailangan ko na rin kasing magpaalam. Gigising pa kasi ako nang maaga para asikasuhin ang palayukan namin bukas.” “Ang bait mo namang anak,” usal ni Eris. “Ako pa? At saka kulang kasi kami sa manggagawa dahil nagkasakit ang mag-asawa kaya hahanap pa ako ng kapalit,” wika ni Hugo at parang nagpantig ang tainga ko. Sandali. Kailangan ko rin pala ng trabaho dahil walang ibinigay sa akin si Mom kahit piso. Maybe this was a good thing. “Ako. Hugo, puwede ba ako?” tanong ko. Napadako ang tingin nila sa akin. “Lasing ka na yata, Alexiana. Marunong ka ba gumawa ng palayok?” tanong ni Alejandro habang nagsasalin ng alak sa baso. “Hindi. Puwede naman akong turuan. Mabilis lang ako matuto basta makita ko kung paano gagawin,” confident na sagot ko. “Sige, tuturuan kita, Alexiana. Puwede ka ba bukas ng umaga?” tanong ni Hugo at excited na tumayo para pumunta sa gawi ko at hinawakan ang kamay ko. “Ako rin, Hugo, tutulong ako. Gusto ko lang masubukan,” usal ni Aiden at nginitian nang nakaloloko si Hugo. “Hindi mo ba hahawakan ang kamay ko?” dagdag ni Aiden kaya tinanggal ni Hugo ang kamay na nakahawak sa akin. “Sigurado akong manggugulo ka lang bukas. At saka, hindi ka ba busy sa negosyo n’yo?” tanong ni Hugo, pero pinandilatan lang siya ni Aiden. “Gusto ko rin sana, pero busy ako bukas. Pasensiya na, Hugo,” wika ni Helio habang ang iba ay nagpahiwatig din na busy sila. “Ikaw ba, Kuya Gray. Busy ka ba bukas?” tanong ni Aiden. Nagtama naman ang mata namin, pero bigla siyang umiwas ng tingin. May nagawa ba ako? “May kailangan akong gawin bukas.” Nagsalita si Aiden, “Kung gano’n kami na lang ni Alexiana ang tutulong sa ’yo bukas, Hugo. Susunduin ko na lang s'ya.” Nang magpaalam na si Hugo ay naisipan nilang umuwi na rin dahil padilim na. Nagsimula na kaming maglakad ni Isabella nang makita kong naglakad na lang din sina Zarrick, Gray, at Aiden hawak ang tali ng kabayo nila. “Sabayan na namin kayo sa paglalakad.” Si Aiden. “A, Isabella, may gusto nga pala akong itanong,” wika ni Aiden na sinabayan ako sa paglalakad. Pumunta naman sa gawi ko sina Gray at Zarrick. Wala ni isa man sa amin ang nagsalita habang naglalakad, tanging ang yabag at kaluskos lang ng dahon ang maririnig. “Ginabi kayo. Hijo Gray, Aiden, dito na kayo maghapunan,” wika ni Tiya Cecilia. “Hindi na ho, Tita. Baka hinihintay na rin kami ni Mama sa hacienda. Mauuna na rin po kami ni Kuya,” magalang na sagot ni Aiden. Wala namang nagawa ang ginang, “Sige, hijo. Mag-iingat kayo sa daan.” “Zarrick, tawag ka ng iyong ama. Isabella, Alexiana, halika na para makapaghapunan,” usal ni Tiya Cecilia na pumasok na ulit sa loob. Nang makapasok sina Zarrick at Tiya Cecilia ay nagpaalam na rin si Isabella. Naiwan naman ako. “Salamat nga pala sa inyong dalawa. Ingat kayo.” Bago ako tuluyang makapasok ay hinila ni Gray ang kanang palapulsuhan ko kaya napaharap ako sa kaniya. Dinapuan niya ng halik ang palad ko. His eyes glinted. “Bukas. Huwag mong kalilimutan.” Tumikhim naman si Aiden. “Mauna na kami, Alexiana. Bukas na lang.” Nang makaalis sila ay hindi ko maiwasang hawakan ang puso ko dahil sobrang bilis ng kabog nito. Mabilis akong pumunta sa terrace para panoorin sila paalis. Sana ay makauwi sila nang ligtas.AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang
AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m
Alexiana Makalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit. “Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba. “Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango. Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again. “Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin. Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mg
AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang