Home / Romance / Undefying Desire / UD 02 - Curiosity

Share

UD 02 - Curiosity

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2025-02-10 11:38:35

Alexiana

Makalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.

“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”

Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.

“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.

“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.

“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawag sa ’yo,” sagot ko na ikinatawa ng ginang.

“Kahit ano, hija. Puwede mo na nga rin akong tawaging mama kung gusto mo.”

Nanlaki ang mga mata ko. What does she mean by that?

Sa halip na sagutin ko pa ito ay pumasok na sa veranda ang apat na matitipunong lalaki na medyo may katangkaran. Lahat sila ay mestizo, parang mga modelo ang mga ito dahil pati ang paglalakad nila ay makisig pa rin.

“Nandiyan na pala kayo, mga hijo. Hindi man lang kayo nagpalit ng damit, punong-puno kayo ng pawis. Mukhang napagod kayo sa pangangabayo, a?” wika ng Ginang. Lalapit sana sa kaniya ang isang lalaki para b****o nang pigilan niya ito. “Huwag na, hijo. Manang, pahingi ng tuwalya para kina Zarrick.”

“Si Mama talaga. Mabango pa rin naman ako kahit pawis,” usal ng lalaking may kahabaan ang buhok habang natawa.

Nang makalapit sila sa lamesa ay dumako ang tingin nila sa akin, may halo itong kuryosidad.

“Sino siya, Mama?” dugtong niya.

Mukhang nabiyayaan sila ng manly features, Grabe naman kasi pati ang boses nila ay talagang lalaking-lalaki.

“Siya si Alexiana, hijo. Ang anak ng kaibigan ko, si Astraena. Nakatira siya sa Manila, pero pansamantalang magbabakasyon dito sa atin,” sagot ng ginang habang nakangiti at nakahawak sa magkabilang balikat ko.

“Bakit dito niya napiling magbakasyon, Mama? Mukhang hindi siya sanay rito sa probinsya,” sabat ng isa pang lalaki na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Nakita niya siguro na naka-mini skirt ako na pinaresan ko ng croptop at heels.

“Naku, hijo, si Astraena ang nagsabi mismo sa akin dahil nasanay ang dalaga niya sa Maynila. Gusto raw niyang magkaroon naman ’to ng kaalaman sa ibang bagay,” wika ng ginang na ikinatango na lamang ng kaniyang anak.

Hula ko ay sinabi lang ’yon ni Mom dahil wala na naman silang oras para sa akin ngayong summer.

Namayani naman ang katahimikan nang basagin ito ni Zarrick. “Mama, bakit hindi mo kami ipakilala kay Alexiana?” tanong niya.

Ngumiti naman ang ginang sa suhestiyon ni Zarrick. Tumikhim ito. “Tama ka, hijo.”

“Ito nga pala ang panganay ko, si Zarrick. Sana ay magkasundo kayo, hija.”

Tiningnan ko na lamang siya. Ngumiti ang sulok ng kaniyang labi. Iniabot niya ang kamay ko at dinampian ng halik ang likod palad ko na ikinagulat ko. May ganito bang kaugalian dito?

Nang umangat ang tingin ko ay kumindat siya sa akin. Galawan pa lang, babaero na. Kaagad ko namang binawi ang kamay ko na ikinatawa niya.

“Si Jairro ang bunso kong anak.”

Nang pasadahan ko siya ng tingin ay mukha siyang suplado. Tumikhim naman ang ginang dahilan para abutin ng binata ang palad ko at mabilis na halikan ang likod nito. Nakita ko naman ang pagpunas niya sa kaniyang labi na ikinakunot ko ng noo. What the?

“Si Aiden Zacarias.”

Ngayon naman ay nakatapat na kami sa isa pang lalaki, sa itsura niya ay mukhang siya ang pinaka-friendly sa apat.

“Magandang hapon, binibini,” aniya at binigyan ako ng ngiti bago halikan ang likod ng palad ko.

“No need to be formal, Alexiana na lang.”

“Kung gan’on, Aiden na lang din ang itawag mo sa akin katulad ng mga kaibigan ko,” aniya na ikinatango ko.

“At ito naman si Gray, ang panganay na anak ng mga Zacarias,” wika ng ginang.

Nagtama naman ang mata naming dalawa, pero this time, siya ang unang umiwas.

Nagulat ako nang bigla niyang abutin ang kanang kamay ko na halos ikalundag ng puso ko. Bago niya ito dampian ng halik ay tiningnan niya akong muli. “Puwede ko bang halikan ang likod ng palad mo?” tanong niya, ang kaniyang hininga ay tumatama rito.

Hindi ako makasagot, para akong napipi, pero tumango na lang ako dahil nakatingin sa amin ang lahat.

Nang dumampi ang labi niya ay parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Mukhang wala siyang balak bitiwan ito nang magsalita ulit ang ginang, “Hijo, hindi mo ba babatiin si Isabella?”

Kaagad ko namang hinigit ang kamay ko dahil parang ayaw niya itong pakawalan.

“Magandang hapon, Isabella,” bati ni Aiden at lumapit ang para halikan ang likod ng palad nito.

Alexiana, normal lang sa kanila ang bagay na ’yan. Huwag bibigyan ng malisya, okay?

“Magandang hapon din sa ’yo, Aiden. At sa iyo rin, Gray,” bati ni Isabella habang hinihintay na kunin ng binata ang kaniyang kamay.

“Magandang hapon din, Isabella,” sagot ni Gray nang matauhan at mabilis na ginawaran ng halik ang likod ng palad ni Isabella.

Nang makaupo kaming lahat ay inihain ang cookies, brownies, at juice sa hapag.

“Tikman mo, hija. Masarap ’yan,” wika ng ginang na ikinatango ko na lamang.

“Ano, kumusta ang lasa?”

“Ayos lang po, masarap,” sagot ko at kumagat muli ng isa pa sa cookie.

“Marunong ka bang gumawa ng cookies, hija?”

“No po. Kadalasan po kasi ay nasa galaan ako, one time ko pa lang po na-try n’ong thirteen years old ako kasama sina Mom and Dad.” Mapait akong ngiti at sumimsim ng orange juice para pigilan ang lungkot na nararamdaman ko.

“Gan’on ba? Hayaan mo, minsan ay maghurno kayo ni Isabella ng cookies. Magaling siyang gumawa ng pastries. ’Di ba, hija?” wika ni Tita Cecilia.

Ibinaba naman ni Isabella ang libro upang sumagot, “Hindi naman ako masyadong magaling Mama. Libangan ko lang ’yon, pero . . . ayos na rin para may kasama akong gumawa ng pastries.”

“Hay naku, hija. Ikaw talaga, wala ka bang balak sabihin kay Gray?” tanong ng ginang sa anak na si Isabella.

This time, lahat kami ay natuon ang atensiyon kay Isabella na nahihiya. “A, Gray, puwede ba tayong mag-usap mamaya?”

Ano kaya ang pag-uusapan nila?

“Dito na lang, Isabella. Mangangabayo pa kami mamaya nina Zarrick,” wika ni Gray na ikinangiti ko.

Ganito ba ako katsismosa?

“A, sige. Ano—” Ipinagdikit ni Isabella ang mga palad, senyales na nahihiya siya.

“Puwede ka bang sumama sa akin bukas sa dagat? Puwede tayong mag-picnic,” tanong ni Isabella na ikinanganga ko.

Did she just ask him to have a date with her?

Dumako naman ang tingin ko kay Gray na parang sanay na siyang naririnig ito. Ano kaya ang isasagot niya?

Nagulat ako nang biglang magtama ang mata namin kaya inilipat ko kaagad ito sa baso na hawak ko. Baka akalain niyang tsismosa ako, e outsider lang naman ako rito.

“Pasensiya na, Isabella. May lakad kasi ako bukas, titingnan ko ang kalagayan ng planta namin,” straightforward na sagot ni Gray.

Napansin naman ng lahat ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Isabella kaya nagsalita si Tita Cecilia, “Huwag kang mag-alala, hija. May ibang araw pa naman, bakit hindi na lang kayo nina Zarrick ang pumunta bukas sa dagat para mapasyal din si Alexiana? Mag-imbita na lang kayo ng mga kaibigan,” suhestiyon ng ginang upang pakalmahin ang sitwasyon.

“Hmm, tama si Mama, Isabella. Ipasyal na lang natin sa dagat si Alexiana,” gatong ni Zarrick na binigyan ako ng isang nakalolokong ngiti.

“Susunod na lang ho ako r’on, Tita, kapag maagang natapos ang gawain ko. Nakakahiya naman po na inimbitahan ako ni Isabella kung hindi ako pupunta,” wika ni Gray na ikinagulat ng lahat habang nakatingin naman siya sa akin, tinitingnan ang reaksiyon ko.

“Nakatutuwa naman kung gan’on, hijo. Sana maagang matapos ang mga gawain mo,” usal ng ginang habang si Isabella ay napangiti na rin.

Looks like she’s pairing them up.

“Opo, Tita. Tatapusin ko kaagad para makasunod . . . sa dagat.” Ibinalik ni Gray ang tingin sa hawak niyang baso na may laman na juice.

Nanatili naman ang katahimikan nang basagin itong muli ng ginang, “Oo nga pala, hija. Ano ba’ng kadalasan mong ginagawa sa Manila? Parang hobby gan’on?”

Nasa akin na naman tuloy ang atensiyon ng lahat. Hay, ano ba ang dapat kong ikuwento na hindi nakakahiya?

“Hmm, kadalasan po ano . . .” Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naisip na ang hobby ko lang ay pagsiya-shopping, party, at pagtingin sa social media. Wala man lang yata akong ibang naisip na paglibangan bukod roon. “Mahilig po akong mag-shopping ng clothes, Tita. Sobrang dami po kasing malls sa Manila kaya r’on ko po inuubos kadalasan ang oras ko,” sagot ko.

“Gan’on ba, hija? Siguro ay marami kang mga designer clothes?”

Napalunok naman ako.

“Yes, Tita, pero may limit naman ang card ko dahil nilalagyan nina Mom kapag sobra na ako sa paggastos,” wika ko na ikinatawa niya. Napangiti na lang ako.

“May iba ka pa bang hobby, hija? Balita ko, mahilig kang mag-party. Mukhang normal lamang sa Manila ’yon, ah?”

Iniiwasan ko nga ang topic na ’yon, e.

“Hindi naman po, Tita. Ano po . . . sakto lang.”

Natawa naman si Zarrick. “Ano’ng madalas mong iniinom, Alexiana?” tanong ni Zarrick.

Napalunok naman ako. “A, tequila and rum.”

Napaubo si Zarrick. “Malakas ka bang uminom?”

Tumaas ang kilay ko. “Sakto lang. Hindi ako puwedeng maglasing masyado dahil kailangan kong mauwi nang maayos ’yong sasakyan,” wika ko na ikinatango niya.

“So, you know how to drive?”

“Yeah.”

“Hindi ka hinahatid ng boyfriend mo?”

Ang dami niyang tanong, kainis.

“I don’t have a boyfriend,” sambit ko. Nakita ko naman na ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi.

“Naku, hija, huwag kang naglalasing kapag may lalaki kahit na kaibigan mo, baka may binabalak na masama ’yon. Sa ganda mo pa naman na ’yan, jusmiyo,” paalala ni Tita Cecilia habang hawak ang isang brownie.

“Hindi naman po, Tita. Mga kaibigan ko lang na babae ang kasama ko, minsan sinasama nila boyfriend nila, pero mababait naman po ang mga ’yon,” sagot ko.

“Siguro ay marami kang manliligaw, hija. Nagkanobyo ka na ba?” tanong niya.

Kailan ba matatapos ang mga tanong nila sa buhay ko?

“Wala pa pong pumapasa, hindi pa po ako nagkaka-boyfriend.”

“Naku, hija. Ang mga anak ko ring lalaki wala pang nobya,” wika niya na parang ibinubugaw ang kaniyang anak.

“Mama naman, ilang beses ko nang sinabi sa ’yo na—” Hindi na natapos ni Jairro ang sasabihin dahil pinigilan siya ni Tita Cecilia.

“Hindi ko matatanggap ang babaeng ’yon, Jairro.” May lamig at inis sa boses ng ginang na ikinalunok ko.

Ngayon ko lang siya nakita na biglang nagbago ang mood.

“Ako, Alexiana, wala talaga. Gusto mo ikaw na lang?” mapagbirong sambit ni Zarrick para mabawasan ang tensiyon.

Napatingin naman kaming lahat nang marinig namin ang pagbagsak ng baso sa lamesa.

“Tita, mauna na kaming apat. Mangangabayo kami ulit bago lumubog ang araw,” paalam ni Gray. Tiningnan niya naman ang tatlo na walang nagawa kundi tumayo na.

“Mabuti pa, hija, ay magpahinga ka na rin sa kuwarto mo. Mamaya na lang hapunan tayo ulit magkita,” sambit ng ginang at tumayo.

Lumapit naman sa akin ang isang maid. “Ako na po ang sasama sa ’yo sa kuwarto,” usal ng maid. Tumango na lang ako. Mukhang sumama ang pakiramdam ni Tita Cecilia, a?

Pagkaakyat namin sa pangalawang palapag ay binuksan niya ang pinakadulong pinto.

”Ang mga nauna pong silid ay sa mga señorito. Ito naman pong katabi n’yong silid ay guest room habang ang pangalawa ay kay Señorita Isabella,” wika niya na ikinatango ko na lamang.

Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa akin ang maluwag na silid. Maganda ito.

“Maiwan ko na po kayo, tawagin mo na lang po ako kung may kailangan ka po.”

Bago siya makaalis ay itinanong ko ang kaniyang pangalan.

Siya si Ertha.

Pagkasara ng pinto ay kaagad kong itinulak ang sarili ko sa kama at ipinikit ang mga talukap ko.

Finally, makapagpapahinga na rin ako.

Naalimpungatan ako nangg makarinig ng katok mula sa pinto.

“Señorita, hinihintay ka na po nila para sa hapunan.” Si Ertha.

“Sunod na lang ako. I’ll just take a bath.” Tumayo naman ako para magtungo sa banyo para maligo. Nang buksan ko ang cabinet ay nandoon na ang mga damit ko.

Kinuha ko ang isang sleepwear ko na asul. Na-realize ko na hanggang hita ko lang pala ito. Ano ba ’yan, bakit puro ganito ang pantulog ko? Mabuti na lang ay may long dress akong dinala. Iyon na lang siguro ang gagamitin ko. Nakahihiya naman kasing bumaba na suot ang daring kong sleepwear.

Pagkababa ko ay sinamahan ako ni Ertha papunta sa dining room. Ang una kong natanaw ay ang koleksiyon nila ng mga plato na nakalagay sa isang cabinet, habang ang kanilang hapag naman ay mahaba na vintage. Mayroon itong setup at para kang nasa mga palabas dahil may kandila pa sa gitna nito.

Lumapit sa akin si Tita Cecilia na may ngiti sa labi. “Hija, nandiyan ka na pala. Hayaan mong ipakilala kita sa aking kabiyak.”

Napatingin ako sa isang lalaki na kahit may katandaan ay mababakas pa rin ang kaguwapuhan. Wow, lahat yata ng tao rito ay may halong Espanyol.

“Sebastian, si Alexiana. Ang tinutukoy ko,” wika ni Tita Cecilia.

Inilahad niya naman ang kaniyang palad kaya nagmano ako.

“Magandang gabi, hija. Sana masiyahan ka rito sa amin,” aniya na tinanguan ko.

Nang magsimula na kaming kumain ay tahimik silang lahat at tanging ang pagtama ng kutsara’t tinidor lang ang naririnig.

Pagkatapos ng hapunan ay umakyat kaagad ako nang matanaw ko ang terrace. Nagtungo ako roon para tingnan ang buwan.

Ang sariwang hangin ang tumambad sa akin na kaya napahawak ako sa magkabilaan kong braso. Grabe, ang lamig.

“I want to go home. Ano ba’ng gagawin ko rito? Hindi ako sanay matulog nang hindi tinitingnan ang social media ko,” bulong ko sa sarili at bumuntonghininga.

I miss the big cities sa Manila, pero compared sa view na nakikita ko rito, masasabi kong hamak na mas maganda ito kaysa mga nakikita kong usok sa mga factory at sasakyan.

“I think kailangan mo nito.”

Isang boses ang nagpalingon sa akin at nakita ko si Zarrick. Inilagay niya ang knitted shawl sa balikat ko.

“Hindi na. Papasok na ako sa loob.” Akmang kukuhanin ko na ang shawl na nakapatong sa balikat ko nang ayusin niya ang pagkakalagay nito. Ang gentleman din pala ng isang ito kahit mukhang playboy.

Ipinatong niya naman ang kaniyang kamay sa balikat ko na ikinaangat ko ng tingin. “May susuotin ka na ba bukas sa dagat?” tanong ni Zarrick.

Napaiwas ako ng tingin.

Oo nga pala, kailangan ay bikini bukas dahil maliligo sa dagat. Mabuti na lang at marami akong nabili bago pumunta rito.

“Yup,” tipid kong sagot.

“Totoo ba ’yong sinabi mo na wala ka pang boyfriend?” Ibinaba niya ang kaniyang mga kamay nang mapansing hindi ako nakatingin sa kaniya. Nagtungo siya sa railings ng terrace at umawak doon.

“Yeah, sa sobrang taas kasi ng standards ko, walang pumapasa,” usal ko.

Narinig ko naman ang pagtawa niya.

“Maiwan na kita,” sambit ko. Nakita ko naman ang pagsilay niya sa akin bago tumango at tingnan ang buwan.

Nang makapasok ako sa silid ay naghanap kaagad ako ng susuotin kong bikini bukas.

Mukhang maganda ang dagat rito kaya dapat paghandaan ko.

Related chapters

  • Undefying Desire   UD 03 - Intense Feelings

    AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m

    Last Updated : 2025-02-10
  • Undefying Desire   UD 04 - Liquor Questions

    AlexianaMakalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit.“Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba.“Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango.Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway.Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again.“Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin.Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mga hampas ng a

    Last Updated : 2025-02-15
  • Undefying Desire   Prologue

    AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang

    Last Updated : 2025-01-24
  • Undefying Desire   UD 01 - Alexiana's Punishment

    AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the

    Last Updated : 2025-01-24

Latest chapter

  • Undefying Desire   UD 02 - Curiosity

    AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa

  • Undefying Desire   UD 01 - Alexiana's Punishment

    AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the

  • Undefying Desire   Prologue

    AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status