Alexiana
Nang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa. Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa. Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha. Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang makarating ako sa dining room ay lumapit sa akin si Tita Cecilia para b****o, ganoon din si Isabella. Himala na wala ang kaniyang mag-aama ngayong umaga. “Nasa kwadra ng mga kabayo sina Zarrick, hija. Nauna na silang mag-agahan kanina,” ani ng ginang nang mapansin niyang inililibot ko ang tingin sa paligid. “A, okay po. Looks like they are really fond of horses,” sambit ko. “Naku, hija, sinabi mo pa. Ayan talaga ang hobby nina Zarrick,” sagot ng ginang. Itinuon ko naman ang mga mata ko sa pagkain sa hapag saka sumandok ng sinangag. “Oo nga pala, hija. Simula bukas ay wala kami rito ni Sebastian dahil magpupunta kami sa Palawan para magbakasyon. Matagal na kasi naming na-schedulel ang tungkol doon kaya hindi na puwedeng kanselahin. Baka sa susunod na linggo pa kami makabalik, sana lang ay magkasundo kayo nina Isabel habang wala kami rito,” imporma ng ginang na ikinanganga ko. Sana lahat. Kapupunta ko lang kahapon dito tapos mawawala kaagad si Tita Cecilia nang isang linggo. Hindi ko pa masyadong ka-close ang mga anak niya lalo na ang mga tao sa lugar na ito. Nang makita niya na tahimik ako ay hinawakan ni Tita Cecilia ang kamay ko. “Kapag may kailangan ka, hija, nandiyan naman si Ertha. Pero kung may gusto kang sabihin na sobrang importante, sabihin mo lang kay Isabella para makatawag kaagad siya sa akin.” “Thanks, Tita, sa concern. Sana po ay mag-enjoy kayo sa vacation n’yo,” sambit ko na lamang na ikinangiti niya. Nang matapos kaming mag-umagahan ay umakyat saglit si Isabella para daw magpalit ng damit habang ako naman ay kinuha ang shades para ilagay sa ulo ko. Dadalhin ko sana ang sunscreen ko, pero naisip ko na mas gusto kong magpa-tan ngayon for a change lang. Pagkababa ko ay nanodon na si Isabella na nakasuot ng sky blue na long dress, naka-braid rin ang mahaba niyang buhok ngayon. Nakasunod sa kaniya ang dalawang maid na may dalang mga gamit. “Alexia, ayos lang ba sa ’yo na maglakad? Malapit lang naman ’yon,” ani Isabella. “Okay lang,” tipid kong sagot. “Kung gan’on halika na. Heto ang payong,” usal ni Isabella. Tinanggap ko ang payong. Nang makalabas kami ay dumaan kami sa gilid ng mansion nila. Rito pala ang daan. Halos mapapikit ako nang makita si Zarrick at ang kanilang ama na pinaliliguan ang mga kabayo sa kwadra nang naka-topless. Hindi naman sa first time kong makakita ng topless na lalaki, pero grabe ang katawan at tindig nila, parang mga modelo. Nang mapansin nila kami ay kinindatan ako ni Zarrick na ikinaiwas ko ng tingin. “Pupunta na kayo, Isabella?” tanong niya. “Oo, mauuna na kami. Balak ko kasing magbasa muna ng libro habang naghihintay kina Lucia,” sagot ni Isabella. Dumako naman ang tingin ko sa kanilang ama. “Papa, mauna na po kami,” usal ni Isabella nang mapansin na sobrang tutok ang kaniyang ama sa pagpapaligo sa kabayo. “Sige, hija. Mag-ingat kayo ni Alexiana sa paglalakad, pasusunurin ko na lang ang kuya mo pagkatapos dito,” wika ng kanilang ama. Tumango na lang si Isabella bago kami nagpatuloy sa paglalakad. “Isabella, wala ka bang hilig sa pangangabayo?” tanong ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Mukhang buong kalalakihan dito sa lugar nila ay mahilig mangabayo. “Wala, e. Natatakot kasi akong sumakay, baka malalaglag ako.” “Pero nasubukan mo nang sumakay?” “Oo, isang beses lang. Sinubukan akong turuan ni Papa,” sagot niya. Nagpatuloy naman ang pag-uusap namin hanggang sa matanaw ko na ang dagat. Ang ganda nga nito lalo na ang pinong buhangin. “May may-ari ba ng dagat na ’to?” tanong ko na ikinatingin sa akin ni Isabella. “Sakop ito ng lupain ng mga Hidalgo, pero pinili nilang ipahiram sa amin dahil bihira lang silang umuwi rito para magbakasyon,” wika ni Isabella. Grabe naman ang yaman. Pinahiram? Ng parte sa dagat? Naglatag naman ng tela sa buhangin ang kasama naming maid. “Señorita Isabella, rito na lang po muna kami sa gilid. Kung may kailangan po kayo ay tawagin n’yo lang kami,” usal ni Ertha. “Sige. Salamat, manang,” sagot ni Isabella. “Halika, Alexiana. Magbasa muna tayo ng libro. Mas nakakaganang magbasa kapag naririnig ang alon ng dagat,” aya Isabella. Naupo ito sa nakalatag na tela kaya sumunod ako sa kaniya. Inabutan niya ako ng libro na tinanggap ko na lang. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa pagbabasa ng libro. Nakakaantok kasi kapag puro words lang at walang picture, hindi ko ma-imagine ang itsura ng mga character. Makalipas ang dalawang oras ay may narinig akong boses na patungo sa amin. “Isabella!” sigaw ng isang babae na nakasuot ng pink na shirt na pinaresan ng squarepants. Maikli ang buhok nito na hanggang balikat. Nang makalapit sila sa amin ay yumakap kaagad ang mga babae kay Isabella. “Ang aga mo yatang pumunta rito? Pasensiya na, natagalan kami. Ito kasing si Lucia, ang tagal maghanap ng isusuot.” “Ayos lang, Ximena. Nagbasa naman kami ng libro ni Alexiana kaya hindi ako nabagot,” sagot ni Isabella. Dumako naman ang tingin nila sa akin. “Siya siguro ang naikuwento sa amin ni Aiden na nagbabakasyon sa inyo mula pa sa Manila,” wika ni Ximena. “Oo, siya nga. Alexiana, sila nga pala sina Ximena, Lucia, at Eris. Mmga kaibigan ko,” ani Isabella. Lumapit naman sila sa akin upang makipagbeso. Tiningnan naman ako ni Lucia mula ulo hanggang paa. “Grabe, ang ganda mo. Sigurado akong magugustuhan ka ng mga lalaki rito lugar namin,” bulalas niya na ikinangiti ko na lamang. “Magaganda rin naman kayo,” pagbalik ko sa compliment nila. Pinandilatan naman ako ni Lucia. “Pero hindi kasingganda mo.” Nag-iba naman ng topic si Ximena dahil ayaw magpatalo ni Lucia sa compliments. “Oo nga pala, Isabella, anong oras pupunta ang kuya mo?” Sa tanong pa lang niya ay mukhang may gusto siya sa binata. “Walang eksaktong oras, e. Pupunta rin ’yon dito pagkatapos magpaligo ng kabayo sa kwadra.” Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Ximena. “Sana bumilis ang oras para naman makita ko na siya.” Mabilis itong napatayo nangg makarinig ng tunog ng naglalakad na kabayo. “Mukhang ayan na si—” Nalukot naman ang mukha ni Ximena nang hindi ang inaasahan niya ang dumating. Nang maitali nila ang mga kabayo sa malapit na puno ay lumapit sa amin ang apat na lalaki at dalawang babae. “Bakit ganiyan ang mukha mo, Ximena?” tanong ng isang lalaki habang ang moreno naman na kanilang kasama ay may iniabot kay Isabella. “May dala kaming pansit at puto. Ipinadala ni Mama.” “Kina manang na lang,” wika ni Isabella. Tumango ang morenong lalaki at iniabot ito sa mga maid na namamahinga sa gilid. “Hindi kasi ang inaasahan niya ang dumating,” sagot ni Lucia. “Mamaya na ’yan, magpakilala muna kayo sa bagong mukha rito sa lugar natin,” wika ni Aiden. Lumapit naman sila sa akin upang halikan ang likod ng palad ko. “Magandang araw, ako si Alejandro.” Iyon ang lalaking pumuna kay Ximena. “Hugo.” Siya naman ang morenong lalaki na may dalang pansit at puto. “Helio, ito nga pala si Rea, ang kapatid. At ang ka . . . ibigan ko na si Sandra,” wika ng binata.Tinukso naman sila ng iba pa naming kasamahan. “Alexiana, nice to meet you all. I hope we can be friends,” sambit ko. “Ang ganda ng accent mo,” papuri sa akin ni Hugo. “Tapos para kang model. Maganda ang tindig mo at muk—” Hindi natapos ni Helio ang sasabihin nang sikuhin siya ni Sandra. “A, maraming salamat sa compliments. Lagi kong naririnig ’yan. Maybe pagbalik ko sa Manila ay i-pursue ko na rin ang pagiging model,” pagbibiro ko. “Mahilig din ba kayong mangabayo?” pag-iiba ko sa usapan dahil hindi ko na kinakaya ang mga tanong nila. “Sila ang laging kalaro ni Zarrick ng polo. Mga magagaling din naman sila, pero hindi maikukumpara sa crush ko. Nagpapaturo nga ako sa kanila, ayaw lang nila,” sagot ni Ximena. Napatawa naman si Alejandro nang mag-pout ito. “Pinasasama mo naman ang image namin kay Alexiana! Hindi ka namin tinuturuan kasi baka hindi kayanin ng kabayo kapag sumakay ka,” pabirong wika ni Alejandro na ikinatawa naman ng lahat. “Ikaw nga kinaya ng kabayo sa laki mo na ’yan, ako pa kaya? Saka kung sa ’yo lang din ako magpapaturo, huwag na, ’no!” sigaw ni Ximena at pinalo ang braso ni Alejandro sa inis. “Hindi rin naman kita aalukin. At saka, sino’ng gusto mo, si Zarrick? Malabo pa sa pagputi ng uwak na pumayag ’yon na sumakay ka sa kabayo niya. Manapa itong si Alexiana ayain, pero ikaw—” Hindi pa natatapos ang sasabihin ay kinurot na siya ni Ximena sa tagliran na ikinangiwi ng binata. “Masanay ka na sa kanila, Alexiana. Sobra talagang magbangayan ang dalawa na ’yan,” usal ni Eris. Ngumiti naman ako sa kaniya. “Ikaw, Eris, nakasakay ka na ba sa kabayo?” tanong ko, pero napayuko siya na parang may naalala. “Uh, ano . . . nakakahiya kasing sabihin. Puwedeng sa susunod na lang ako magkuwento?” sagot ni Eris. Hinawakan ko naman ang balikat niya para sabihing ayos lang dahil hindi naman niya kailangang sabihin sa akin ang lahat lalo na at kakikilala pa lang namin. Wala naman kaming ibang ginawa kundi makinig na lang sa mga musika para libangin ang mga sarili namin. Nang makapangnahalian ay may narinig kaming tunog ng dalawang kabayo na paparating. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi nila Ximena nang makita kung sino ang sakay nito. Grabe, parang mga campus crush lang, a? Itinali naman nila ang kanilang kabayo bago lumapit sa amin. “Paumanhin, Isabella. Hindi ako nakasunod kaagad. Hinintay ko pa kasi si Gray,” wika ni Zarrick na nakasuot ng nude na polo habang naka-short. Hindi ko naman mapigilang nginitian si Gray nang makitang tumingin siya sa akin. Nakasuot siya ng cotton linen na white long sleeve at gray short. “Ayos lang, Kuya. Halika, kumain na tayong lahat,” wika ni Isabella. Tumango ang dalawa at naupo na rin sa tela. Nasa gitna ang pagkain na pinalilibutan namin. Ang arrangement namin ay magkaharap ang babae at lalaki, at ang katapat ko ngayon ay si Aiden na nakangiti sa akin. Napagitnaan kasi ako nina Isabella at Ximena na katapat sina Gray at Zarrick. Ang awkward tuloy. “Heto, Zarrick. Tikman mo,” wika ni Ximena at naglagay ng pagkain sa plato ng binata. Nakita ko naman ang pag-irap ng mata ni Alejandro na nasa tapat ngayon ni Rea. Sinasabi ko na nga ba, may lihim siyang pagtingin kay Ximena. “Hmm, ayaw ko niyan. ’Yong nasa kaliwa mo na lang ang ibigay mo sa akin,” pabirong usal ni Zarrick at tumingin sa akin. Napadako tuloy ang tingin ng karamihan sa akin. Tumikhim naman si Isabella. “Ang nasa tabi ng pansit na puto, Ximena. Mukhang masarap,” dagdag ni Zarrick. Nanlaki naman ang mata ko nang inis itong tinidurin ni Ximena habang nakatingin sa akin. Ano ba’ng ginawa ko? Sila itong kung ano-ano ang iniisip. “Gray, ikaw, gusto mo ba ng puto?” tanong ni Isabella. Napatingin sa akin ni Gray at dinilaan ang ibabang labi niya. “Oo, lalo na ’yong puti,” makahulugan na wika niya. Napaiwas ako ng tingin. “Sige, lagyan kita sa plato mo,” ani Isabella at ipinaglagay si Gray sa kanyang plato. “Nakakainggit naman kayo. Ako ba, Sandra, hindi mo ba ako tatanungin kung gusto ko ng puto?” singit ni Helio. Pinandilatan naman siya ni Sandra. “Kung gusto mo ng puto, kumuha ka. May kamay ka, ’di ba?” pilosopong sagot ni Sandra na ikinatawa ng karamihan. “Gusto mo ba ng papaya, Alexiana?” tanong ni Hugo. This time, sa akin na napunta ang atensiyon nila. “Bakit si Alexiana lang ang tinatanong mo, Hugo? Siya lang ba ang may karapatang kumain niyan?” harot ni Lucia na sinang-ayunan naman ni Eris. “Gusto ko siya lang . . . ang tanungin, e,” sagot ni Hugo habang nakatingin sa akin. Hindi naman mapigilang magkantiyawan nina Lucia at Eris. Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Pumunta sa gawi ko si Hugo at ibinigay sa akin ang naka-slice nang papaya. “Salamat, Hugo,” sambit ko. Napahawak naman siya sa batok at bumalik na ulit sa dati niyang puwesto. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Iba talaga ang tama ni Alexiana sa kalalakihan dito sa atin. Magtira ka naman ng biyaya para sa amin!” biro ni Lucia na mas lalo ko tuloy ikinahiya. “Maiba nga tayo. Ano ba’ng tipo mo sa lalaki? Para masabihan ko ’yong magiging nobyo ko na umiwas sa ’yo,” dagdag pa na biro ni Lucia. Sumabat naman si Eris habang nakatingin kay Hugo. “Gusto mo ba ng moreno?” “Sa tingin ko hindi dapat tayo—” Magsasalita pa sana si Hugo nang pigilan ito ni Zarrick. “Ayos lang ’yan, para mas lalo nating makilala si Alexiana,” wika ni Zarrick. Ipinikit ko naman ang mata ko para isipin kung ano ang tipo ko sa isang lalaki. “Ayos lang sa akin kung mestizo o moreno, basta guwapo, mas matangkad sa akin, family oriented, at mamahalin ako nang lubusan.” Nakita kong parang nakulangan sila sa isinagot ko. “Parang may kulang sa sagot mo, e. Ayaw mo ba ng matipuno ang katawan, mayaman, at magaling mangabayo?” tanong ni Lucia. Natawa naman ako sa sinabi niya. “Bonus na lang siguro ’yon. Saka meron pa bang gan’on kaperpekto ngayon?” Nagsalita si Ximena habang nakatingin kay Zarrick. “Oo naman, meron.” “Hindi lang naman si Zarrick ang nag-iisang lalaki na perpekto katulad ng sinasabi nina Alexiana at Lucia. Marami pa,” asik ni Alejandro. Tinaasan naman siya ng kilay ni Ximena. “O sige, Alejandro, nasa’n?” “Tama si Alejandro dahil si Gray rin ay saktong-sakto sa nabanggit nila!” sabat ni Rea na parang handang ipaglaban ang bias niya. “At talagang nilagpasan mo lang kami?” nakataas na kilay na tanong ni Helio. “Hindi ka kasi magaling mangabayo,” biro ni Sandra. Magtatalo-talo pa sana sila nang ibahin ko ang topic. “Ikaw ba, Ximena, ano’ng tipo mo sa isang lalaki?” Lumingon ako kay Alejandro kung nakikinig siya. “Ako? Ang tipo kong lalaki ay kagaya ni Zarrick o kahit siya na mismo,” sagot ni Ximena. Natawa na lang ang lahat habang inis naman ang bumalatay sa mukha ni Alejandro. “Bakit puro sa babae ang tanong, sa aming mga lalaki naman! Mauna ka na, Gray, dahil isa ka sa pinakaiibigan dito sa lugar natin! Ano ba’ng tipo mo sa isang babae?” tanong ni Helio. Nakita ko naman sina Rea at Isabella na interesadong naghihintay sa isasagot ng binata. Hindi ko alam, pero na-curious din tuloy ako sa kung ano ang tipo niya. Napahawak naman siya sa kaniyang baba na parang nag-iisip. “Halata naman na ang tipo ni Gray ay mga babaeng pang-model ang katawan, malaki ang hinaharap, saka ang—” Pinutol ni Lucia ang sasabihin ni Alejandro dahil baka kung saan pa mapunta. “Sa tingin ko, mas gusto niya ng mahinhin at eleganteng babae dahil nagmula sa relihiyosong pamilya si Gray,” ani Lucia. “Sigurado akong ang gusto ng kaibigan ko ay agresibong babae lalo na kung pagdating sa ka—” Napatigil si Zarrick nang sikuhin naman siya nang malakas ni Aiden. Nag-sink in na siguro kay Zarrick na nandito ang kapatid niyang babae tapos kung ano-ano pa ang balak niyang sabihin. “Magtigil na nga kayo. Si Gray ang pasagutin n’yo, puro tipo n’yo ’yata ang sinasabi n’yo,” nakakrus ang mga brasong singit ni Rea. “Ang tipo ko sa isang babae ay mahaba ang buhok na medyo kulot ang dulo at . . .” Napansin ko naman ang pagtingin niya sa akin, “Mataray ang mga kilay. Mahahaba ang mga pilikmata na—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang magsalita si Aiden. “Iba ang sikat ng araw, parang masusunog ang balat ko. Hindi pa ba kayo maglalagay ng sunscreen?” tanong ni Aiden na sinamaan ng tingin ni Rea dahil hindi tapos ang sasabihin ni Gray. “Ano ba ’yan, ang epal ni Aiden. Papunta na sa magandang parte, e!” reklamo ni Lucia na tutok din na makasagap ng balita. “Kuya, tingnan mo si Casper, mukhang nauuhaw na,” wika ni Aiden kay Gray na naglakad patungo sa kaniyang kabayo para painumin ito ng tubig. Nang mailigpit na ang mga pagkain ay naglatag sila ng kaniya-kaniyang tela para dumapa sa sinag ng araw. Isa-isa namang naghubad ang kalalakihan ng top nila habang ang kababaihan naman ay nag-aya na sa banyo upang magpalit. “Nakakahiya. Ayos lang ba ang swimsuit ko?” tanong ni Ximena kay Eris na chini-cheer up siya nang paulit-ulit. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang mga kaibigan ko sa Manila. Kung nandito sila, baka ganito rin kami. Sabay lumabas ng banyo sina Sandra at Rea. Ang sexy nila, pero nangibabaw si Sandra dahil nananapak ang hinaharap niya. Nagpaalam sila na mauna na sa amin dahil baka naghihintay si Helio. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na sina Isabella at Lucia. “Ikaw ba, Alexiana? Wala ka pang balak magpalit?” tanong ni Lucia. “Suot ko na kasi ’yong akin,” wika ko habang tinatanggal ang dress ko. “Lahat na yata nasa’yo na, Alexiana. Hindi ka ba talaga model sa lagay na ’yan?” naniniguradong tanong ni Lucia. Nakita ko naman ang tingin nila sa dibdib ko. I needed to change the topic. Inaamin ko na malaki ang hinaharap ko kumpara sa kanila, pero minsan nako-conscious din ako. “Ang gaganda naman ng swimsuit n’yo,” papuri ko. Napangiti si Eris. “Oo nga. Sabi na sa ’yo, Ximena, e, aganda nabili natin,” usal ni Eris. Nang bumalik kami ay abala si Rea maglagay ng sunscreen, habang si Sandra ay nakadapa at nilalagyan ni Helio. Ang mga kalalakihan ay abala sa paglalaro ng baraha. Ang dalawang katulong naman ay lumapit kay Isabella na nag-offer na sila ang maglagay ng sunscreen sa likod ng dalaga. Wala naman itong nagawa kundi pumayag. Pagkatanaw sa amin ay kumaway si Aiden. Nakita ko naman ang pagtingin nila habang naglalakad kami patungo sa kinaroroonan nila. Nang makalapit kami ay nagtanong si Lucia, “Maglalagay ba kayo ng sunscreen?” Umiling ang mga ito. “Kung gan’n, kami na lang ang lagyan ninyo,” utos ni Ximena. Mabilis naman silang nagsi-iwas ng tingin. “Kayo na lang ang magpalagay, Ximena. Balak ko kasing magpa-tan ngayon, e,” wika ko. Akmang pupunta na sana ako sa tela nang humarang sa dinadaanan ko si Aiden. “Magandang ideya sana ang sinabi mo, pero grabe ang tirik ng araw ngayon, baka masira ang balat mo. Lalagapak ang model career mo niyan sa hinaharap,” wika ni Aiden habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy matukoy kung seryoso ba siya dahil wala man lang ako makitang bahid ng pagbibiro sa mukha niya. “Oo nga, Alexiana. Magpalagay ka na,” usal ni Lucia kaya wala akong nagawa kundi pumayag. “A . . . sige, salamat sa concern,” usal ko. “Si Alejandro na ang maglalagay kay Eris, Hugo kay Lucia, Zarrick kay Ximena, at ako naman may gagawin kasi ako. Ayos lang ba si Kuya Gray na ang magpahid sa ’yo, Alexiana? Wala naman sigurong masama?” pilyong tanong ni Aiden. “Ayos na ayos lang!” sabat ni Ximena habang nakakrus ang braso ni Alejandro. “Oo naman, ayos lang sa akin,” wika ko habang nakatingin kay Gray. “Pumunta na kayo r’o. Pakakainin ko lang mga kabayo,” paalam ni Aiden. Wala namang nagawa ang kalalakihan na sumunod sa amin. Nang makita ko si Gray na naglatag ng tela malapit sa dagat ay kinuha ko ang akin para dalhin din doon. Dumapa naman ako habang hindi mapigilan ang kaba ko. Narinig ko ang pag-squeeze ni Gray sa sunscreen habang hinihintay ang kamay niya na hawakan ang likod ko. Halos manuyo ang lalamunan ko at may kung anong kiliti akong naramdaman nang dumampi ang mga daliri niya sa balat ko. May parte sa akin na gusto siyang makausap. I guess, this is the chance. “Sorry, a? Naabala pa kita na gawin ito,” panimula ko. “Ayos lang,” tipid naman niyang sagot. “Mukhang bihasa ka na sa paglalagay niyan, a?” biro ko naman sa kaniya. “Sa tingin mo?” sarcastic na tanong ni Gray.. “Yeah. Ang dami sigurong nangangarap na maging nobya mo rito sa lugar n’yo,” wika ko at tumawa nang kaunti nang maalala sina Rea at Isabella. “Wala akong nobya,” mariin niyang sagot. “Bakit wala? Ang dami mo nga—” Pinutol niya kaagad ang sasabihin ko. “Wala sa kanila ang gusto ko.” Siguro napakataas din ng standard niya. “Is that so? Baka malungkot sila kapag narinig ang sinabi mo,” wika ko. “Hmm. Ikaw ba malulungkot?” tanong ni Gray na ikinanganga ko. Ano’ng ibig niyang sabihin? “Bakit ako malulungkot? Hindi naman ako kasama sa fans club mo,” matapang na sagot ko. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa nang magsalita si Gray, “Puwede ko bang tanggalin ito?” Napalunok naman ako nang malaman ang tinutukoy niya. Ang tali ng bra ko pala. Huwag kang mag-isip ng malisya riyan, Alexiana. Matinong lalaki si Gray. “S-Sure,” nauutal na sagot ko. Napasinghap naman ako nang tanggalin niya ang tali ng bra ko. Nilagyan niya ang parteng iyon ng sunscreen. Nang matapos ay itinali niya na ulit ito and this time, humarap ako sa kaniya. “Salamat. Ikaw ba, hindi ka ba magpapalagay ng sunscreen?” tanong ko habang inaayos ang shades na nasa buhok ko. “Depende. Lalagyan mo ba ako?” Napakagat naman ako ng lower lip ko nang tingnan ko ang mukha pababa sa katawan niya. Gosh, kaya ko ba? “Oo. I just want to return the favor,” Kinuha ko mula sa kamay niya ang sunscreen. “Kung si Hugo ang naglagay sa ’yo, aalukin mo rin siya?” “Siguro? Wala namang malisya,” wika ko habang naglalagay ng sunscreen sa kamay ko. Nagbago naman ang ekspresyon ni Gray. “Huwag mo na akong lagyan. Dumapa ka na, iidlip na lang ako sa ilalim ng puno.”AlexianaMakalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit.“Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba.“Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango.Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway.Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again.“Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin.Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mga hampas ng a
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang
AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaMakalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit.“Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba.“Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango.Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway.Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again.“Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin.Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mga hampas ng a
AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang