Home / Romance / Undefying Desire / UD 06 - Misunderstanding

Share

UD 06 - Misunderstanding

Author: Mowtie
last update Last Updated: 2025-02-28 11:27:01

Alexiana

Habang nag-uumagahan kami ay binasag ni Zarrick ang katahimikan, “Tumawag kanina si Elias na rito sila sa San Nicolas magbabakasyon. Nagyaya siya na ipagdiriwang ang kanilang pagdating sa yate na hiniram kayTiyo.”

Nakuha niya ang atensyon naming lahat habang nabalot sa akin ang kuryosidad kung sino si Elias.

“Talaga, Kuya? Hindi ito nabanggit sa akin ni Amelia n’ong magkausap kami sa telepono kahapon. Nakatutuwa na rito sila ulit magbabakasyon. Kailan sila darating?” tanong ni Isabella habang nilalagyan ng syrup ang pancake.

“Nakarating na sila kanina,” wika ni Zarrick at sumimsim ng kape.

“Kahit kailan talaga si Amelia, lagi na lang ako sinusupresa. Ayos lang ba na isama ko sila Lucia? May usapan kasi kami ngayon na pupunta kami sa bagong bukas na bilihan ng libro,” usal ni Isabella na ikinatango ni Zarrick.

Dumako naman ang tingin ng magkapatid kay Jairro na parang walang interes sa pinag-uusapan.

Tumikhim si Zarrick para makuha ang atensyon niya, “Ikaw, Jairro, sasama ka ba?”

“Hindi ako puwede, Kuya. Sa susunod na lang ako sasama kapag binisita si Lola,” wika ni Jairro. Napabuntonghininga naman si Zarrick.

“Ang babae na naman ba na ’yon ang pinagkakaabalahan mo? Wala kang mapapala sa kaniya dahil matagal nang bagsak ang kanilang negosyo. Mas mabuti pa ay kilalanin mo ang sinasabi ni Mama para makatulong ka sa ating pamilya,” wika ni Zarrick. Marahas na ibinaba ni Jairro ang kutsara sa lamesa.

“Kahit ikaw ba naman, Kuya? Sa negosyo lang ba talaga ang pakialam n’yo?” asik ni Jairro at padabog na tumayo sa kinauupuan. “Mahal ko si Nikka, mas mabuti pa na magtrabaho ako sa ibang pamilya para buhayin siya kaysa magpakasal sa hindi ko mahal.”

“Iniisip lang namin ang kapakanan mo. Ang mga katulad ni Adeline ang nararapat sa ’yo,” sagot ni Zarrick.

Nagtangis ang bagang ni Jairro sa inis. “Sa akin? O para sa inyo? Dahil kung ako ang tatanungin, walang ibang nararapat sa akin kundi isa lang. At si Nikka ’yon. Palibhasa ay sunud-sunuran kayo sa gusto ni Mama na ipakasal sa hindi n’yo gusto.”

“Matututuhan n’yo ring mahalin ang isa’t isa kapag nagtagal,” wika ni Zarrick, hindi handang magpatalo sa argumento.

“Ha. Sana hindi mangyari sa ’yo ang sitwasyon na ito, Kuya, dahil sigurado akong gagawin mo rin ang ginawa ko.”

Tumayo si Zarrick nang bigla siyang pigilan ni Isabella kaya tumalikod si Jairro at umalis sa hapag.

Chaotic din pala ang family nila.

I didn’t take sides, parehas silang may point. Si Zarrick ang panganay kaya ang responsibilidad ay naipasa sa kaniya. Habang si Jairro ay nagmahal lang at tama siya na hindi puwedeng diktahan ang puso niya.

Namayani ang katahimikan nang umalis si Jairro sa kusina.

Kaagad tuloy akong napaisip dahil ang alam alam ko, ang arranged marriage ay madalas talagang nangyayari lalo na kapag sobrang yaman ng isang pamilya at gusto nila i-maintain ito hanggang sa susunod na henerasyon. Pero naniniwala ako na walang karapatan ang magulang kung sino ang gustong mahalin ng anak nila.

Napabalik ako sa katinuan nang kalabitin ako ni Isabella. “Pasensiya ka na, Alexiana, sa mga nangyari. Sumama ka rin sa yate para makilala mo ang mga pinsan namin. Sigurado ako na inimbita ni Kuya sina Aiden.”

Kung nandoon si Aiden ay present din si Gray. Gusto ko siyang makita, pero nahihiya pa rin ako sa mga pinaggagawa ko kahapon.

“Sige, sasama ako,” wala sa wisyo kong sagot. Nagtama ang mga mata namin ni Zarrick. Bakas ang lungkot dito,, siya rin ang unang umiwas ng tingin.

Nang magtanghalian ay kumatok sa silid si Ertha dahil pupunta na raw kami nina Isabella at nagbilin na magbaon ako ng bikini at extra clothes. Ang suot ko ay white trouser at long sleeve na naka-open para makita ang white bralette ko. Isinabit ko ang sunglass sa bra habang ang buhok ko ay nakalugay na nilagyan ko ng bandana.

Pagkababa ko ay si Isabella agad ang nakita ko. Nakasuot siya ng white denim pants, and shirt na naka-tuck in na pinaresan niya ng brown belt. Ang mahaba niya namang buhok ay naka-braid.

“Nandito ka na pala. Ang ganda mo sa suot mo, magaling ka talaga pumili ng terno,” pagbati ni Isabella.

Nginitian ko siya at ibinalik ang compliment. “Ikaw rin. Bagay sa ’yo ang suot mo, mas lalo ka naging diyosa. Maiba ako, hindi ba sasabay sa ’tin sina Lucia?” tanong ko habang naglalakad kami palabas.

“Naghihintay na sila kina Tito,” sagot ni Isabella. Nang makalabas kami ay lumapit sa amin si Zarrick. Naka-polo siya at naka-unbutton ang tatlong butones kaya kitang-kita ang dibdib niya.

Inalalayan niyang sumakay sa karwahe si Isabella. Noong ako na ay nagtama ang mga mata namin. This time, hindi siya umiwas, pero nakita ko ang pagngisi niya.

“Tumingin ka sa harap mo, baka mamaya mahulog ka,” pilyong wika niya na ikinaiwas ko ng tingin. Bwisit. Parang kanina lang ay wala siya sa mood, ngayon ay inaasar niya na naman ako. Mabilis akong sumampa sa karwahe habang naririnig ko ang pagtawa niya.

Nang makaupo ay nakangiti sa akin si Isabella. “Hindi ko na talaga alam kung kanino kita isi-ship. Kung kay Kuya ba o kay Aiden, pero parang mas ayos kapag naging sister-in-law kita.”

“H-Ha?” nauutal ko na lang na wika na ikinatawa ni Isabella.

“Biro lang. Kung sino ang gusto mo, Alexia, dahil iyon naman ang mahalaga,” usal ni Isabella at ibinaling ang atensyon sa pagbabasa ng libro.

Tumingin na lang ako sa daan habang malalim ang iniisip. I don’t know but, there was a part of me feeling unease.

Pagkarating namin ay binati kami nina Lucia, Eris, at Ximena.

“Mabuti ay nakarating na kayo. Nauna na sina Alejandro sa loob ng yate.” Si Lucia.

“Ang sabi ko nga hintayin na kayo, pero hindi sila nagpapigil,” usal ni Ximena.

Nang bumaba si Zarrick sa kabayo ay bigla siyang umayos ng pagkakatayo.

“K-Kumusta, Zarrick? Bagay sa ’yo ang suot mo, mas lalo kang gumuwapo at hot!” usal ni Ximena. Tinabig siya ni Eris.

“Ayos lang, Ximena. Matagal ko nang alam ang bagay na ’yan,” sagot ni Zarrick at kumindat pa. 

Lumawak ang ngiti ni Ximena.

“Tara, pumasok na tayo,” sambit ni Isabella habang bitbit ng maids ang mga gamit.

Bakas sa mukha nila ang gulat nang magtungo si Zarrick sa gawi ko. “Mauna na kayo. Susunod na lang kami, may gusto  lang akong sabihin kay Alexia.”

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti ni Ximena habang sina Isabella ay mabilis na tumango at palihim na tumitingin sa aming dalawa bago umakyat.

Nang maiwan kami ay lumingon ako sa kaniya. “What do you need ba?”

“Ang sungit mo naman. ’Di ba puwedeng gusto lang kitang makasabay?” Pinitik nang mahina ni Zarrick ang nakakunot kong noo.

I scoffed. “Yeah, as if.” 

He chuckled. “Huwag kang gumaniyan, magmumukha kang bruha.”

“Hindi mangyayari ’yon. I’m always beautiful kaya,” sambit ko habang nakapamewang.

“Tungkol sa kanina—” 

Pinutol ko ang sasabihin niya, “Ayos lang. Hindi mo na kailangang mag-explain. Besides, family matters ’yon and I respect it. There will be no word na lalabas about what happened earlier.”

Zarrick replied, “Hmm. Gusto ko lang magpaliwanag, baka magbago ang tingin mo sa pamilya namin—lalo na sa akin.”

“Hindi na mag-iiba ang tingin ko sa ’yo. Sa unang pagkikita pa lang natin, alam kong mayabang ka na,” biro ko at natawa naman kami parehas.

Nang makaakyat kami ay hindi pa rin maawat ang pagbibiruan namin.

“Aminin mo na n’ong una tayong magkita ay naguwapuhan ka na kaagad sa ’kin.”

I replied, “Ang hangin! Hindi sumagi sa isip ko ’yon.”

“Talaga ba? Sa tingin ko nga, napapanaginipan mo pa ako,” usal ni Zarrick at inilapit ang mukha niya sa akin.

Iniharang ko naman ang kamay ko sa mukha niya. “Never happened. Baka ang iba na may gusto sa ’yo.”

“Nagseselos ka ba?” tanong niya.

Napapikit ako nang mariin. “Ha, feeling ka!” wika ko at binilisan ang lakad nang bigla akong mapatid.

Mabuti na lang ay nahila ako ni Zarrick, pero tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Para tuloy kaming magkayakap.

Halos lumundag ang puso ko nang may magsalita sa likuran ko. “Napakalambing n’yo naman. Kumusta na, Zamiel?”

Lilingon sana ako nang hilahin ako ni Zarrick para mas mapayakap sa kaniya.

Zarrick replied, “Ayos lang, Elias. Mabuti ay nakauwi kayo.”

“Oo naman. Gusto ko laging magbakasyon dito sa San Nicolas. Sino siya? Mukhang nagseryoso ka na ngayon, a?” usal ni Elias.

Narinig ko naman na nadagdagan ang mga boses.

“Kuya, halika na sa loob,” wika ni Isabella.

“Oo nga, nakahanda na ang tanghalian,” dagdag ni Lucia.

Nang lumingon ako ay nakita ko sila na nakatingin sa amin ni Zarrick. Bakas sa mukha nila ang confusion, pero napalitan ito ng ngisi.

“Oo nga. Marami kang dapat ikuwento sa akin.” Si Elias.

Nang makapasok kami ay narinig ko ang pagtawa ng babae habang kausap sina Gray at Aiden. Who is she?

“Nandito na si Zarrick kasama ang girlfriend niya!” bulalas ni Elias.

“Sandali lang—” Magpapaliwanag pa lang sana ako nang mapatingin sila sa amin.

Lumapit kay Zarrick ang balingkinitan na babae at yumakap. “Totoo ba, Kuya? Meron ka nang girlfriend? Ipakilala mo kami!”

“Si Alexiana, anak ng kaibigan ni Mama sa Manila. Sa amin siya tumutuloy ngayon,” sambit ni Zarrick. Hindi na nila ako pinagsalita.

“Ako nga pala si Amelia, at siya si Kuya Elias. Pinsan kami ni Kuya Zarrick,” pakilala ni Amelia at niyakap ako.

“Masaya akong makilala kayo, pero—” Napasapo na lang ako ng noo nang tawagin nila ang dalawang babae. Ang isa ay kausap nila Gray.

“Sina Felicity Kaia Lopez at Adeline Isle Alvarez, kaibigan namin. Magbabakasyon din sila rito. Oo nga pala, si Alexiana, girlfriend ni Kuya Zarrick,” excited na pakilala ni Amelia.

Bakas sa mukha nina Gray at Aiden na nagulat sila. 

“Hindi ko alam na kayo na pala ni Zarrick.” Si Aiden.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Gray. Nakalagay ang parehas na kamay niya sa bulsa.

“Sandali lang, magkaibigan lang kami ni Zarrick,” wika ko dahil masyadong misunderstood ang sitwasyon.

“Magkaibigan ba talaga?” tanong ni Elias na parang nang-aasar. “Kaya pala sobrang lambing n’yo kanina. Ayaw n’yo ngang maghiwalay sa yakapan kanina,” dagdag pa niya. Nakatingin sa amin ang lahat na parang hinihintay ang sasabihin namin.

“Hindi. Napatid kasi ako, sinalo lang ako ni Zarrick. Mukha lang kami magkayakap,” paliwanag ko. Lumingon ako kay Zarrick na nagkibit-balikat lang na parang wala siyang pakialam kung ma-issue kami.

“Gano’n ba? Kaya pala sobrang close nyo kanina,” usal ni Elias. Napabuntonghininga na lang ako dahil ayaw nilang maniwala.

“Ayaw ko kasi nalalayo sa kaibigan ko,” sambit ni Zarrick at hinawakan ang balikat ko.

Inaayos ko na nga ang sitwasyon, pero mas lalo lang niyang pinalalala.

“Nahanap na namin ’yong alak! Hindi n’yo kasi sinabi kung saan mismo nakalagay,” sigaw ni Alejandro na tuloy-tuloy na pumasok nang bigla siyang matahimik nang mapansin ang sitwasyon.

Ximena asked, “Ano’ng nangyayari?”

“Bakit nandito kayong lahat? Para kayong nanonood ng telenovela,” komento ni Eris.

“Kaya nga, ano bang meron?” dagdag pa ni Hugo.

“Wala naman. Kinikilala lang namin ang isa’t isa lalo na’t may bagong mukha katulad ni Alexiana rito sa San Nicolas,” wika ni Elias. Napatango sina Eris.

“Nandito na pala kayo, Zarrick at Alexiana. Ano’ng napag-usapan n’yo?” usal ni Alejandro. Tinabig siya  ni Ximena. “Aray ko. Ikaw ang nag-utos sa akin kanina na tanungin, a?” reklamo nito, pero sinamaan lang siya ng tingin ng dalaga.

Ximena replied, “Baka akala nila, binibigyan natin ng malisya. May sinabi lang si Zarrick, ’no.”

Napatikhim si Elias habang nakangisi, “Tama si Ximena. Huwag n’yong bigyang malisya ang magkaibigan.”

Hays, magpinsan nga talaga sila. Parehas silang nakakabwisit.

“Halika na, kumain na tayo. Pupunta pa tayo sa kabilang isla,” usal ni Isabella. Napatango naman sila.

Nang lingunin ko si Gray ay wala man lang emosyon ang mga mata niya. Umiwas siya sa akin ng tingin. Isinukbit naman ng babaeng kausap niya ang kamay nito sa kaniya bago tuluyang maglakad.

“Tara na, Alexia.” Inilahad ni Zarrick ang kaniyang palad para alalayan ako.

“Ayos lang, kaya ko na. ’Di naman na masyadong masakit ang paa ko,” wika ko, pero kinuha niya lang ang palad ko at nagsimula na kaming maglakad.

Sa ginagawa niya mas lalo lang kami mami-misunderstood. But why should I care about it? We were both single. Still, there was a part of me feeling unease. Maybe, iniisip ko kung magseselos ba si Gray. The problem was, would he care when we didn’t even have a label?

Mowtie

Sorry for the late upload. I'm busy with my other book: The Alpha's Unwanted Mate. You can also check it out! Mwah! I also have book giveaway of my TMBPW Book, kindly check my fb: Mowtie Writes.

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Abc
Biten naman po
goodnovel comment avatar
Abc
Update po ulit hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Undefying Desire   Prologue

    AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang

    Last Updated : 2025-01-24
  • Undefying Desire   UD 01 - Alexiana's Punishment

    AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the

    Last Updated : 2025-01-24
  • Undefying Desire   UD 02 - Curiosity

    AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa

    Last Updated : 2025-02-10
  • Undefying Desire   UD 03 - Intense Feelings

    AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m

    Last Updated : 2025-02-10
  • Undefying Desire   UD 04 - Comfort

    Alexiana Makalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit. “Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba. “Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango. Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again. “Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin. Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mg

    Last Updated : 2025-02-15
  • Undefying Desire   UD 05 - Burning Desire

    Alexiana“Mag-ingat kayo, Mama sa Palawan,” wika ni Isabella habang nakayakap kay Tiya Cecilia.Ngayon kasi magpupunta sa Palawan ang mag-asawang Vidales.Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay aalis na raw sila para hindi gabihin sa biyahe kaya nasa labas kaming lahat para magpaalam.“Salamat, hija. Huwag puro pagbabasa ng libro ang atupagin. Sayang ang bakasyon, gumala kayo nina Alexiana,” usal ni Tiya Cecilia habang hawak-hawak ang magkabilang braso ni Isabella.Tumingin naman sa akin ang ginang. Ngumiti ito at niyakap ako. “Ikaw rin, hija. Sana ay mas lalo kayong magkasundo ng mga anak ko at matuwa ka sa pagbabakasyon dito. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang kina Ertha.”“Opo. Thank you po,” matipid na wika ko.Pagkabitiw ay nagtungo siya kay Jairro. “Ang lagi kong bilin sa ’yo, hijo, huwag mo sanang kalimutan. Marami pang ibang kababaihan—”Hindi na natapos ang sasabihin ng ginang nang putulin ito ng binata. “Mag-iingat kayo ni Papa, Mama.”Bumuntonghininga na lang ang ginan

    Last Updated : 2025-02-19

Latest chapter

  • Undefying Desire   UD 06 - Misunderstanding

    Alexiana Habang nag-uumagahan kami ay binasag ni Zarrick ang katahimikan, “Tumawag kanina si Elias na rito sila sa San Nicolas magbabakasyon. Nagyaya siya na ipagdiriwang ang kanilang pagdating sa yate na hiniram kayTiyo.” Nakuha niya ang atensyon naming lahat habang nabalot sa akin ang kuryosidad kung sino si Elias. “Talaga, Kuya? Hindi ito nabanggit sa akin ni Amelia n’ong magkausap kami sa telepono kahapon. Nakatutuwa na rito sila ulit magbabakasyon. Kailan sila darating?” tanong ni Isabella habang nilalagyan ng syrup ang pancake. “Nakarating na sila kanina,” wika ni Zarrick at sumimsim ng kape. “Kahit kailan talaga si Amelia, lagi na lang ako sinusupresa. Ayos lang ba na isama ko sila Lucia? May usapan kasi kami ngayon na pupunta kami sa bagong bukas na bilihan ng libro,” usal ni Isabella na ikinatango ni Zarrick. Dumako naman ang tingin ng magkapatid kay Jairro na parang walang interes sa pinag-uusapan. Tumikhim si Zarrick para makuha ang atensyon niya, “Ikaw, Jairro, sasam

  • Undefying Desire   UD 05 - Burning Desire

    Alexiana“Mag-ingat kayo, Mama sa Palawan,” wika ni Isabella habang nakayakap kay Tiya Cecilia.Ngayon kasi magpupunta sa Palawan ang mag-asawang Vidales.Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay aalis na raw sila para hindi gabihin sa biyahe kaya nasa labas kaming lahat para magpaalam.“Salamat, hija. Huwag puro pagbabasa ng libro ang atupagin. Sayang ang bakasyon, gumala kayo nina Alexiana,” usal ni Tiya Cecilia habang hawak-hawak ang magkabilang braso ni Isabella.Tumingin naman sa akin ang ginang. Ngumiti ito at niyakap ako. “Ikaw rin, hija. Sana ay mas lalo kayong magkasundo ng mga anak ko at matuwa ka sa pagbabakasyon dito. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang kina Ertha.”“Opo. Thank you po,” matipid na wika ko.Pagkabitiw ay nagtungo siya kay Jairro. “Ang lagi kong bilin sa ’yo, hijo, huwag mo sanang kalimutan. Marami pang ibang kababaihan—”Hindi na natapos ang sasabihin ng ginang nang putulin ito ng binata. “Mag-iingat kayo ni Papa, Mama.”Bumuntonghininga na lang ang ginan

  • Undefying Desire   UD 04 - Comfort

    Alexiana Makalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit. “Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba. “Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango. Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway. Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again. “Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin. Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mg

  • Undefying Desire   UD 03 - Intense Feelings

    AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m

  • Undefying Desire   UD 02 - Curiosity

    AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa

  • Undefying Desire   UD 01 - Alexiana's Punishment

    AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the

  • Undefying Desire   Prologue

    AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status