Alexiana
Nagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.
Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.
Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.
Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.
Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the word faster? I can teach you the meaning of that if you don’t know.”
Kaya siguro mabilis kong nakukuha ang mga bagay na gusto ko sa isang sabi ko lang dahil wala akong pasensya sa paghihintay sa mga bagay.
Kadalasan akong tinatawag na spoiled brat ng mga schoolmate ko dahil daw sa kasamaan ng ugali ko. Well, hindi nila alam ang tunay na definition ng sinasabi nila. And guess what? I always make them mad at me. It was so satisfying for me.
Madalang namang umuwi sa mansion sina Mom at Dad. Natatandaan kong huli silang umuwi para i-freeze ang account ko. Umuuwi lang naman sila kapag may nagawa akong mali. Kadalasan din ay nasa bakasyon sila para magkaroon ng time para sa sarili nila, at kung hindi naman ay sa negosyo namin. Naabala ang pag-iisip ko nang marinig ang malakas na katok. Mabilis ko naman itong binuksan nang makita ang mukha niya na parang hindi maipinta. Marahil ay natatakot siya na baka matanggal siya. Nakaturo kasi ang daliri ko sa lamesa upang ituro kung saan niya ilalagay ang trouser nang bigla itong tumango at dahan-dahang inilapag ang trouser ko roon kasama ang stiletto sa sahig.
Bago siya umalis ay nilapitan ko ang trouser para tingnan ang kabuuan nito nang may makita akong mantsa. “Sino’ng naglaba ng trouser ko?” Kalmado pero mababakas sa sinabi ko na galit ako dahil ang pinakaayaw ko ay nadudumihan ang kahit anong damit ko.
Napapikit naman siya sa sinabi ko at napayuko na lang. “S-Si Ginang Estella po, ma’am,” nauutal na sagot niya sa akin. Nananatili pa rin siya sa posisyon niya na ganoon.
“Well, I don’t have any time to say this word to her. Can you tell her this?” tanong ko sa kaniya habang nakapamaywang. Hindi pa rin niya itinataas ang tingin sa akin kaya inilapit ko ang labi ko sa tainga niya upang sabihin ang gusto kong sabihin bago ako pumasok. “You’re fired,” wika ko na nakapagpanganga sa kaniya.
Napairap naman ako at nagmamadaling kinuha ang trouser at itinapon ito sa basurahan na nasa kuwarto ko.
Nakita ko na nag-bow pa siya sa akin bago umalis. Binuksan ko ang cabinet na naglalaman ng mga backup outfit ko. Well, I needed to buy a new trouser. That one was my favorite.
Agad kong dinampot ang isang trouser at nagmamadali itong isinuot dahil kanina pa ako late sa klase namin. Pagkatapos niyon ay pinagmasdan ko sa malaking salamin ang kabuuan ko. Perfect. 'Yan ang masasabi ko sa hubog ng katawan ko na binagayan ng kulay chestnut na wavy kong buhok.
Kinuha ko ang may tatak na LV ko na bag. Habang papalabas ako ay tinawag ko ang isa sa drivers namin.
“Ma’am Alexiana, aalis na ho ba tayo?” tanong nito. May kanin pa siya sa bandang labi kaya napairap ako sa kawalan. Ano ba’ng tingin niya sa akin? Bata pa masyado para hindi makapag-drive sa sarili ko?
“No, just save some diesel and by the way, don't forget what I told you to buy,” wika ko na lamang at tuluyang binuksan ang Land Cruiser na sasakyan na binili sa akin ni Dad. Sasagot pa sana ito nang bigla akong magsalita, “Who’s your boss?” tanong ko sa kaniya na agad na lang tinanguan. Marahil ay naramdaman niya na walang patutunguhan kung makikipagtalo pa siya sa akin.
Siguro ay ayaw niya ring sundin ang utos ko dahil malalagot siya kapag nalaman ni Dad na siya pala ang bumili ng rum at tequila na iinumin namin ngayong gabi dahil kaarawan ni Meghan.
Ipinasok ko ang Land Cruiser na sinasakyan ko sa parking ng University of San Cabrini. Nagulat ako nang may ibang nakaparada sa puwesto na lagi kong pinararadahan. Nilagyan ko na rin ito ng pangalan upang walang mag-park doon. Ang lakas naman ng loob niyang pumarada sa teritoryo ko.
Pagkababa ko ay isinuot ko ang shades ko na nasa blouse. Habang bumababa sa sasakyan ay agad kong nakita ang isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay si Noah dahil isa siya sa mga popular dito sa campus.
“What the hell do you think you’re doing? This is my territory,” singhal ko sa kaniya habang umuusok ang ilong ko sa galit. Walang bumabangga sa akin na kahit sino dahil natatakot sila na makalaban ako. Samantalang siya naman ay pumarada pa sa lote na binili ni Mom para sa akin.
“Well, this is not yours. This is the school’s property,” dahilan niya, taas-noo pa sa pagsasalita. Mukhang may mapapahiya na naman ngayong araw. May napahiya na ako noon, at iyon ang huling tao na pumarada sa lote na pagmamay-ari ko.
Kaagad namang dumami ang mga tao na nakapaligid sa amin habang inaabangan kung mag-aaway ba kami, pero umirap lang ako sa kaniya at tinawag ang isa sa mga guard rito sa campus. Nang lumabas naman ito ay agad siyang pinaalis.
Tumawa naman ako nang malakas para ipakita ang pagkapahiya niya at nagsimula siyang mag-park sa ibang lugar. Mayamaya pa ay dumating na si Darleen kasama si Blaire. Hindi ko alam kung ano ang business ng lalaki na iyon para masabi kina Mom na i-pull out ang investment namin.
Katulad ng nakagawian ay yayakapin ulit sana ako ni Darleen, pero agad kong iniharang ang mga kamay ko upang hindi niya magawa iyon.
“Don’t do it, Darleen. Wala namang nangyari na masama sa akin at isa pa, madudumihan ang blouse na suot ko,” sabi ko sa kaniya. Itinaas ko ang shades na sagabal sa mga mata ko.
She chuckled. “Ang arte mo, gaga. Baka nakalilimutan mong kaibigan mo ako.”
Hindi ko na lang siya pinansin at pinasadahan ng tingin si Blaire na kasama niya. Pumasok na kami sa loob ng campus.
Pagkapasok pa lang namin sa classroom ay sumalubong sa amin ang magkadikit na kilay ni Professor Ahmad.
“Detention for the three of you, do you know what time is it?!” Nakabibinging sigaw ang nakapagpatakip sa tainga namin.
“It’s just 8:30 in the morning, and we’re here to take the exam,” walang ganang sagot ko.
“Do you think I’'ll let you take the exam—” Pinutol ko ang sasabihin niya.
“Okay, if not, I’ll just go home,” usal ko at nagsimula nang maglakad, pero hinawakan ni Prof. Ahmad ang braso ko.
“What should I do with the three of you? Go to the detention room and I’ll let you take the special exam,” aniya at napahawak na lang sa kaniyang sentido.
Tumango na lang ako, tinatamad na makipagtalo pa. Pakanta-kanta pa si Darleen habang papunta sa detention room.
Tss, what a waste of time. Kung hindi ko lang kailangan ng mataas na marka.
“Did you call Meghan?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa detention room.
“Yeah,” sagot niya na lamang. Hindi na sana ako sasagot nang makita ko si Ashael na nakasunod sa amin papuntang detention room. Mukhang isa rin siya sa pinalabas ni Professor Ahmad.
Pagkapasok namin sa detention room ay sumalubong sa amin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon. Pinaupo kami ni Sir Cecilion na prenteng nakaupo sa swivel chair. Mga ilang saglit pa ay pinalabas na kami nito habang sabay-sabay naman namin natapos ang exam sa tulong ni Blaire dahil siya ang nag-review para sa amin. Samantalang pinuntahan naman namin si Meghan para sa gaganaping party namin nang makita namin siya na kinakausap ang isa sa teacher niya na halatang nakikipagharutan.
“Meghan,” tawag namin sa kaniya. Halata sa mukha niya ang gulat nang makita kami na nakangisi sa kaniya.
Papunta na kami ngayon sa mansion namin kasama sina Darleen, Blaire, Kierra, at iba pa naming mga kaibigan. Dali-dali silang naghubad ng mga sapatos nang makapasok kami sa loob. Mabilis silang nagpunta sa bar counter ng mansion namin na ipinagawa nina Mom at Dad para sa hangout sessions nila kasama ang mga kaibigan. Ngunit ako muna ang gagamit habang wala sila.
“Meghan, wala ka bang gustong ikuwento sa amin nina Alexiana?” tanong ni Darleen habang nakataas ang mga paa na nakaupo sa isang side. Si Meghan naman ay abala sa pagtitipa sa kaniyang phone.
“What is it?” nagtatakang tanong niya na parang hindi namin siya nakita sa school kanina.
“Sus, parang hindi alam ang tinutukoy namin!” dagdag ni Darleen.
“Si sir ba? Alam n’yo naman na wala kaming relasyon n’on. Duh? Ang tanda na n’on!” nagrereklamong wika niya na parang nandidiri. Five years lang naman ang gap nila sa isa’t isa.
Napairap naman ako ng tingin dahil ako lang yata ang walang karelasyon ngayon dito. Nakaka-bitter. ’Yan ang lagi kong iniisip and at the same time, walang pumapasa sa standard ko. Mas lalong ayaw kong sumunod sa mga rule na nakikita ko sa mga kaibigan ko. Some guys were controlling their girlfriend’s lives.
Tiningnan ko naman si Kierra na nakapangalumbaba. Wala naman bago sa kaniya dahil lagi siyang ganito tuwing may okasyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil may bago siyang pelikula na gaganapan.
“Bakit nag-uusap kayo nang matagal? Umamin ka na kasi!” panghaharot pa ni Darleen na abala na ngayon sa paghahalo ng juice. Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok ang driver namin para ibigay ang ipinabili namin na drinks. Hindi naman ako nagpasalamat dahil alam naman nito na hindi ako nagpapasalamat kapag nag-utos ako. Ginagawa ko lamang ito kapag humingi ako ng pabor.
Sinimulan naming uminom habang nagkukuwentuhan, si Blaire naman ay pinaikot ang bote na nasa gitna.
Tumapat ito kay Meghan. “Truth or Da—” hindi pa natatapos ni Blaire ang tanong nang sumabat si Darleen.
“Meghan, kung hindi ka nga takot, tawagan mo si sir na kausap mo at sabihin mong sunduin ka rito!” sigaw ni Darleen at nagpapalakpakan naman ang lahat.
Bumuntonghininga naman si Meghan. “Panira ka talaga, ’no? Oh well, kung gusto n’yo talaga.”
Binuksan niya ang cellphone at tinawagan ang isang numero, sumagot naman ang kabilang linya, “Hello Meghan, napatawag ka?”
“Ah, sir. Can I ask for some favor?” nagkukunwaring tanong ni Meghan habang nagpipigil naman ng ngiti si Darleen.
“Yeah, of course. Mukhang maingay riyan, a. Nasa bar ka?” sagot nito na kinantiyawan naman nila.
“Concerned ’yarn?”
“Sana lahat!”
Sinaway naman sila ni Meghan, pero hindi na mapaawat sa tuwa sina Darleen at inagaw ang cellphone kay Meghan. “Sir, gusto lang po sabihin ng kaibigan namin na gusto ka raw po niya!”
“Huy, ano ba ’yan! Give it back!” angal ni Meghan, pero mabilis na tumakbo si Darleen dahilan para maghabulan sila.
“How about you, Kierra? Kumusta ang sex life, mukhang dry na dry ka!” asar ni Darleen na napadako ang tingin sa aming lahat.
“Alam mo namang busy kami parehas ni Axel,” sagot ni Kierra at ininom ang alak na nasa baso niya.
“Ha, ang weak n’yo talaga. Ako never nagkaroon ng dry season!” wika ni Darleen. Nagkatinginan kami ni Blaire dahil parehas kaming single.
“One time, I’m with someone. He’s so freaking huge, grabe. Halos hindi na ako makalakad kinabukasan, sobrang aggressive rin. Itali ba naman ang kamay ko sa headboard ng kama habang—”
“I think we should change the topic. How about talking about the latest shoes I saw in Japan?” singit ni Blaire na nagpairap kay Darleen.
“You’re missing out, guys. There’s so many handsome men in our city, but still, single pa rin kayo ni Alexiana. Ayaw n’yo bang tumikim ng—”
Sinalpakan ni Blaire si Darlene ng tinapay sa bibig niya dahilan para hindi na ito makapagsalita.
Mga ilang oras pa na kasiyahan ay nagpaalam na ang lahat dahil may kaniya-kaniya pa silang lakad para bukas.
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Pinindot ko ang walkie talkie. “Florentia, get me some milk.”
Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso. Ayaw ko pang bumangon dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover.
Nang bumukas ang pinto ay may pamilyar na boses ang nagsalita, “Here’s your milk.” Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si Mom na nakahawak sa kaniyang baywang habang nakangiti sa akin.
Ang unang sentence na lumabas sa bibig ko ay, “What do you need, Mom?”
Narinig ko ang pagbaba ng baso sa bedside table. “Looks like my daughter had fun last night with her friends.” Mababakas na taliwas sa ngiti niya ang lumalabas sa kaniyang labi.
Nagulat ako nang biglang kunin ni Mom ang alarm clock at sinimulan itong paingayin na halos ikasira ng eardrums ko.
“Mom, I’m awake. What do you need?” tanong ko habang naghihikab na umupo upang makita niya na gising na ako at handa na makinig sa sermon niya.
“What exactly happened yesterday?” Bakas sa mukha niya ang galit. Gumalaw naman ang kama ko dahil umupo siya sa gilid ko. Kaagad naman akong napatampal ng noo. Marahil ay nalaman ni Mom na uminom kami at dalawang dahilan lang ang naiisip ko. First, isinumbong ako ng isa sa mga maid or driver namin. Second, umuwi sina Mom dahil may important business at nadatnan nila ang kalat namin kagabi.
“We drank?” pilosopong sagot ko sa kaniya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
Tumayo naman siya at tumalikod. “Hard and lots of alcohol, young lady. Hindi ba, pinagbawalan ka namin ng dad mo? You should know the consequences of what you did,” pagbabanta niya.
Pumunta ako sa banyo para maghilamos. “Just tell it to me, Mom,” wika ko habang kini-cleanse ang mukha ko. Ano kaya ang consequence ko this time? Would they freeze my account again or something bigger than that?“Well, I have a friend of mine who’s living in San Nicolas. It’s a province,” wika niya na in-emphasize ang word na province. Natigilan ako at sumilip sa labas upang tingnan kung seryoso ba si Mom.
“And?” tanong ko habang binabasa ang mukha ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang facial tissue at lumabas.
“Summer vacation is approaching. How about spending your whole summer there until you learn your lesson?” Pinaiikot niya ang ballpen na hawak mula sa pocket niya.
Ibinaba ko ang tissue na hawak ko at lumapit sa kaniya. “Mom, are you really serious? Me spending my summer in a province?” sigaw ko upang makita niya ang reaksiyon ko, nagbabaka sakali na bawiin niya ang sinabi. Wala naman siguro siyang plano na patirahin ako sa ibang bahay kahit pa sabihin na kaibigan niya ito.
“Well, yes. Your dad agreed with my decision,” taas-noong sabi ni Mom dahil alam naming dalawa na once na pumayag si Dad ay wala na akong magagawa dahil siya ang itinuturing namin na judge sa mansion.
"But, Mom, that’s unfair! I don’t even know them. How could I possibly—”
“I know you will be okay, dear. Mag-impake ka na for next week,” putol niya sa sasabihin ko.
“But—”
“No buts, young lady. You should know the consequences of your action,” wika ni Mom na ikinapikit ko nang mariin.
Wala na ba talaga akong magagawa?
“Hindi ko na uulitin, Mom. I promise.”
Hindi ko alam na magmamakaawa ako para hindi magbakasyon sa province. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na walang malaking malls, social media, and high end parties.
“Mom, please. Can you just let it go this time?” ulit ko, pero hinalikan niya lang ang pisngi ko.
“We know what’s best for you. So, dear, just accept it because our decision is final,” aniya at tuluyan nang lumabas ng pintuan habang ako ay nakatulalang nakatingin sa papasarang pinto. Wala na yata akong magagawa para magbago ang isip nina Mom. Once na sabihin nila ay final na iyon, pero paano naman ako mabubuhay r’on nang maayos?
Kaagad kong tinawagan si Blaire, kailangan ko muna sigurong gumala, baka sakaling ma-refresh ang utak ko.
Naglalakad kami ngayon ni Blaire patungo sa paborito naming boutique. Parehas kami ng taste pagdating sa fashion. Magaganda kasi ang damit na tinda rito na galing pa sa ibang bansa. Kaunti lang ang nagsa-shopping dahil sa kamahalan ng mga tinda.
“So, where’s Darleen?” tanong ko dahil hindi niya kasama ngayon ang kakambal niya na palaging game sa galaan.
“She attended the party in my stead. You know her, isang sabi ko lang na a-attend ang lahi ng mga Zapanta,” sabi ni Blaire. Huminto kami sa tapat ng boutique at pumasok doon.
Agad kaming binati ng mga staff, tumango na lamang ako. Nilapitan kami ni Erika upang i-assist.
“Show us the new collection of dresses,” utos ko habang sinusundan namin siya.
“You will not believe what I’m gonna say,” sabi ko kay Blaire habang humihigop ng dala-dala naming iced coffee bago kami magpunta rito.
“What is it?” tanong niya sa akin nang huminto kami sa latest collection ng mga dress. Ang gaganda ng bago nilang designs at lalo na ang mga kulay na bumagay rito.
“This is my last week here. My mom decided that I should live with her friend,” sagot ko habang itinuturo ang mga bibilhin kong dress sa staff.
“And?” tanong niya habang abala rin sa paghahanap.
“In the province, you know? No internet connection, parties, and luxury outfits,” reklamo ko sa kaniya. Lumipat kami sa kabilang side para mamili ng skirts.
“That's hard, you can’t even wash your own clothes. How can you live in that place?” wika ni Blaire habang pumunta na kami sa counter para magbayad.
Blaire was right. How could I literally live in that place? Mas gugustuhin ko pang ma-freeze ang account ko kaysa pumunta sa lugar na iyon.
“Let me pay. My farewell treat to you.” Inilabas ni Blaire ang credit card na hawak saka ito s-in-wipe.
Pinapanalangin ko na huwag na sanang dumating ang next week, pero hindi ko na mapipigilan pa ang kalendaryo na lumipat ng petsa.
Linggo ngayon kaya abala ako sa paghahalungkat ng wardrobe ko. Gusto ko na ako mismo ang pipili ng magagandang damit na dadalhin ko. Habang si Florentia ay tinitiklop ang bawat iabot ko sa kaniya para ilagay sa maleta.
Napatigil naman ako sa paghalungkat ng wardrobe ko nang bigla kaming makarinig ng katok sa pinto at pumasok si Mom at sinenyasan niya si Florentia upang lumabas muna saglit.
“Anak, I hope na hindi masama ang loob mo sa amin,” bungad ni Mom habang naglalakad patungo sa tabi ko. “It’s nice if you could explore some things, hindi naman umiikot lang ang buhay sa malalaking malls at pagsiya-shopping.”
Napahinga ako nang malalim. Mukhang mahihirapan ako lalo na’t wala ang mga kaibigan ko roon na pupunta kaagad isang tawag ko lang. Ayaw kong bigyan ng disappointment sina Mom and Dad kung hindi ako papayag sa gusto nila.
“I know, Mom,” tanging nasagot ko na lamang at itinuloy ang ginagawa ko.
Niyakap ako nang mahigpit ni Mom. “You’re a grown up lady na. I’m hoping na makasundo mo ang anak ng kaibigan ko. Balita ko, he's super handsome.”
Ako na ang unang bumitiw, “Mom naman. Are you setting me up or something?”
“Hmm, you will know soon, but I hope you will bring me some good news,” ani Mom. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at tinawag si Florentia para matapos ang pag-iimpake ko.
Natapos ang pag-aayos namin ng gamit at dumating na ang araw na kinaiinisan ko. Nag-ayos muna ako nang kaunti habang ang mga maid naman ay bitbit ang mga maleta ko pababa. Nang bumaba ako at pumunta sa kusina ay nakita ko sina Mom and Dad na abala sa pagkain ng umagahan.
Nang makita nila ako ay agad nila akong ginawaran ng halik sa pisngi.
“Good morning, my dear. Eat your breakfast, this is a special day for you,” ani Mom na halos mapunit ang labi dahil sa excitement na nararamdaman.
“Good morning, Mom and Dad. What’s breakfast for today?” tanong ko sa kanila, hindi pinansin ang sinabi nilang special day. Dahan-dahan naman akong umupo at naamoy ang ham na naka-serve sa table.
“Well, your favorite food,” sagot ni Dad at ipinaglagay ako ng ham sa plato saka itinuloy ang kanilang pagkain na naabala ko kanina.
I smiled bitterly, maybe Dad didn’t know that was not not my favorite food anymore.
“Did I forget to tell you that we will not give you any allowance?” imporma ni Mom kaya napatayo ako sa gulat.
“What?!”
Dad fake coughed dahilan kaya umupo ako nang maayos. Kung mamalasin nga naman, triple pa ito sa consequence na ipinapataw nila sa akin.
“We know that it’s hard for you, but your dad and I thought of this thoroughly. If you need money, how about you try to earn it?” sabi ni Mom na parang madali lang itong gawin. Tumango naman si Dad upang sumang-ayon. Alam ko na kahit sumagot ako ay wala na akong magagawa. Sumang-ayon na lang ako at nagsimula nang tumayo, hindi na tinapos ang pagkain. I lost my appetite.
“I need to go. Goodbye, Mom and Dad. Enjoy the rest of the food,” wika ko at naglakad na palabas. Sanay na ako na hindi nila ako pinakikinggan at nakikita kaya kahit wala ako rito sa mansion ay hindi nila mapapansin iyon dahil sigurado akong pupunta na kaagad sila sa ibang bansa para sa business trips nila.
Nakita ko naman na nasa sasakyan na ang mga gamit ko, habang ang driver namin ay nakaayos na. Sumakay ako sa sasakyan at unti-unti naming tinahak ang daan patungo sa San Nicolas.
Hinayaan ko na lamang tangayin ang mga mata ko ng antok.
“Ma’am, ma’am.” Mahinang tapik ng driver ang gumising sa akin. Naririnig ko naman ang tunog na nanggagaling sa labas na parang nag-uusap.
“What?” asik ko sa kaniya dahil inistorbo ang pagtulog ko. Agad akong bumangon at tiningnan ang orasan. Alas-tres na ng hapon. Kaninang alas-nuwebe pa kami umalis, napakahaba pala ng idlip ko.
“Nandito na po tayo.”
Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at hindi ko mapigilang mamangha dahil ibang-iba ito sa na-imagine ko. Ang laki ng mansion, pero siguradong malayong lakaran pa ito dahil sobrang lawak ng lupain na nakapalibot dito.
“Sino ho sila?” tanong ng lalaki na nagbabantay sa gate.
Sa itaas ng gate ay may nakalagay na Vidales Familia.
Ibinaba ng driver namin ang bintana ng sasakyan. “Kami ho ang ipinadala ng Adair family, galing pang Manila.”
Tumango ang guard at binuksan ang lumang gate para papasukin ang sasakyan. Hindi ko maitago ang pagkamangha ko dahil sobrang yaman naman pala ng kaibigan ni Mom. Akala ko ay simple lang ito.
Siguro naman ay may maids din sila kaya hindi ko na kailangang kumilos.
Nang makarating kami sa tapat ng mansion ay ibinaba nila ang mga gamit ko. “Ma’am, mauna na po kami. Hanggang dito lang po kasi ang bilin ni Sir Lucio,” anila at bago pa man ako makapagsalita ay nagbigay galang na sila sa ’kin bago paandarin ang sasakyan palayo.
Iniwan nila ako rito nang hindi man lang kumatok sa pinto. Hindi ko alam kung paano ako kakatok dahil sa hiya, why should I endure this?
“Sino ka?” Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalitang lalaki habang hinihila ang isang black na kabayo. Dumako ang tingin ko sa matitipuno niyang braso na naglalabasan ang ugat hanggang sa magtaas ang tingin ko sa mukha niya. He had black hooded eyes na bumagay sa makapal niyang kilay. Ang buhok niya ay nakabagsak habang ang ibang hibla ay tumatakip sa kaniyang noo.
Normal ba ito rito? Kahit yata ang trabahador sa kanila ay guwapo.
Nang makita niyang ang tagal kong sumagot ay nagsalita siyang muli. “Ano’ng kailangan mo rito?”
Kaagad akong napalunok nang magtama ang mga mata namin. Oh my, he’s so freaking handsome.
Really, Alexiana? Ayan talaga ang una mong inisip?
Ibinuhos ko ang buong lakas ko para magsalita, “I’m Alexiana Avery A—”
Naputol naman ang sasabihin ko nang bumukas ang pinto, hobby ba ng mga tao rito ang manggulat?
“Hija, nandito ka na pala. Tamang-tama lang ang dating mo, ipinahanda ko na ang silid na tutuluyan mo,” wika ng ginang, halata sa kaniyang mukha na kasing-edad niya lang sina Mom.
“A, hello po,” bati ko.
“Wow, hija. Talaga nga na napakaganda mo, napakakinis pa ng balat. Sigurado akong model ka sa Manila,” aniya pa.
Napakamot naman ako ng ulo dahil sa hiya.
Nang matanaw niya ang lalaking kumausap sa akin ay napangiti ang ginang, “Gray, hijo, nandiyan ka na pala, tapos na ba ang pangangabayo n’yo? Nasaan si Zarrick?”
“Hindi pa ho. Nauna lang ako rito nang kaunti kina Zarrick dahil ang bagal nilang magpatakbo,” wika ni Gray. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.
“Ikaw talaga, hijo. Mabuti pa ay pumasok ka muna para makapagmeryenda. Ipatatawag ko lang ang dalaga ko.”
“Susunod na lang ho ako, itatali ko lang si Casper,” aniya na ikinatango na lamang ng ginang. Bago tuluyang maglakad si Gray ay nagtama muli ang mata namin.
“Hija, halika na rito sa loob. Pumasok ka na rin para makapagmeryenda ka. Ang haba ng biniyahe mo. Sigurado akong gutom ka na. Manang, pakikuha ang mga gamit ni Alexiana at pakilagay sa magiging kuwarto niya,” utos ng ginang at marahan akong hinila patungo sa kanilang veranda.
Hindi ko mapigilang mapa-wow sa disenyo ng mansion nila. Kahit vintage ito ay makikita mo pa rin na hindi biro ang halaga ng mga gamit nila.
Okay, I was quick to judge, but mabuti na lang ay may maid sila. Ibig sabihin ay hindi ko kailangang maghugas ng pinggan dito.
Nang makarating kami sa veranda ay naupo kami sa isang silya. Ang unang tumambad sa akin ay ang sariwang hangin.
Napapikit ako nang humangin nang malakas at kumawala sa pagkakatali ang wavy chestnut kong buhok.
“Maupo ka muna, hija. Hintayin lang natin sila saglit,” wika ng ginang na tinanguan ko na lamang. Sa totoo lang, ano kaya talaga ang agenda nina Mom para ipadala ako sa ganitong lugar?
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m
AlexianaMakalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit.“Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba.“Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango.Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway.Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again.“Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin.Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mga hampas ng a
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang
AlexianaMakalipas ang isang oras ay nagyaya si Ximena na lumangoy sa dagat dahil hindi na rin masyadong mainit.“Dito na lang muna ako. Gusto kong gumawa ng sand castle. Susunod na lang ako mamaya,” usal ni Isabella habang ang maids naman niya ay inabutan siya ng timba.“Kami rin ni Eris, Ximena. Samahan na lang muna namin si Isabella na gumawa ng sand castle,” wika ni Lucia. Walang nagawa si Ximena kundi ang tumango.Inilipat niya naman ang tingin kina Alejandro, Hugo, at Helio na abala sa paglalaro ng mga baraha. Nanonood naman sa kanila sina Sandra at Rea, habang ang tatlo ay nag-uusap malapit sa kubo. Nang mamataan ni Ximena si Zarrick ay mabilis siyang kumaway.Mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Maybe it was about horses again.“Halika na, Zarrick. Hindi ka ba lalangoy?” sigaw ni Ximena. Umiling ang binata, pero hindi nagpatinag ang dalaga at nilapitan niya ito para pilitin.Ibinaba ko ang shades sa isang tabi at lumusong papunta sa dagat. Pinanood ko ang mga hampas ng a
AlexianaNang magising ako ay nagtungo kaagad ako sa bathroom upang mag-shower. Hindi naman mawala sa isipan ko kung paano ako bibili ng mga bagay rito kung wala akong kapera-pera kahit piso. Nakahihiya naman kung hihingi ako kina Tita Cecilia. Mas mabuti na rin siguro kung subukan kong magtrabaho dahil doon naman nagsisimula ang lahat, pero ang tanong, saan naman ako hahanap? Kumusta na kaya sina Mom? Si Blaire? Sigurado akong nagbabakasyon sila ngayon sa ibang bansa.Pagkataposi kong maligo ay kinuha ko ang itinabi kong bikini na balak kong gamitin mamaya. Isinuot ko ito sa ilalim ng mini dress kong white para isang tanggalan na lang if ever. Hassle pa kasi na magpalit pa.Mga ilang minuto ang lumipas, at habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok sa pinto. “Señorita, nakahanda na po ang almusal sa hapag. Puwedeka na pong bumaba para saluhan sila,” tawag ni Ertha.Kinuha ko naman ang paborito kong perfume na candy scent upang i-spray ito sa buong katawan ko bago bumaba. Nang m
AlexianaMakalipas ang sampung minuto ay bumaba mula sa hagdan ang isang babae na balingkinitan. Straight ang buhok nito na umabot hanggang baywang. Nakasuot ng puting bestida habang may bitbit na libro sa kanyang kanang braso.“Ikaw talaga, hija. Hindi mahiwalay sa ’yo ang libro. Mabuti pa ay ipakilala muna kita kay Alexiana,” wika ng ginang. Lumapit naman sila sa akin. Tumayo naman ako. “Ito nga pala si Alexiana, anak ng Tita Astraena mo. Sa Manila siya nakatira.”Napatango naman siya bago makipagbeso. “Magandang hapon, Alexiana. Ako nga pala si Isabella,” aniya nang nakangiti, kahit ang boses niya ay malambing.“Nice to meet you, Isabella,” usal ko kaya napangiti ang ginang.“Hija, ako pala si Cecilia Vidales. Napansin ko kasi na hindi mo ako tinatawag kaya naisip ko na baka hindi pa nabanggit sa ’yo ng mama mo ang pangalan,” wika ng ginang na ikinangiti ko.“You’re correct po. Mom didn’t mention anything to me kahit ang tungkol sa inyo kaya hindi ko po alam kung ano’ng dapat itawa
AlexianaNagmamadali kong isinuot ang blouse na nabili ko sa Los Angeles noong nakaraang linggo. Bumagay ito sa kurba ng baywang ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat na sa VIII habang ang malaking daliri nito ay nakaturo sa sa VI.Hindi na masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase.Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentia. Narinig ko ang ingay na nagmula sa pinto nang pumasok si Florentia habang dala-dala ang black slacks na dapat susuotin ko. Ang totoo niyan, kung hindi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na exam ay hindi na ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Blaire ay Architecture dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang sina Blaire naman ay nagde-design ng mga real estate.Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko kahihintay sa kaniya. “Did you know the
AlexianaMaririnig ang pagdiin ko sa keys ng keyboard sa aking laptop. Bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga daliri ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentence.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa papel na schedule ko ngayong araw.Tanging ang pagbuntonghininga ko lamang ang maririnig sa buong office habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay lumamig na. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bibigay na sa aking gawain. Kanina ko pa iniisip kung paano ko ipakikita sa buong board members ang new idea ko para sa resort.Naputol ang ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na tunog na parang isang melodiya sa aking pandinig. Kapag naririnig ko ang kantang ito ay parang ayaw ko nang patigilin ang tugtog—ang Canon D.“Poks!” bungad sa akin ng isang pamilyar na boses, naririnig ko rin ang maingay na musika at nagsasalitang