Lahat tayo ay gustong yumaman, iyong bang pagsisilbihan ka araw-araw at gabi-gabi. Sino naman ang may ayaw na maging marangya ang kanilang buhay? Natasha Arden never thought her life would be luxurious. Sa isang iglap ay nakahiga na siya ngayon sa malambot na kama, nakatira sa malaking bahay, at nakakain ng masasarap na pagkain na hindi niya pa natitikman sa buhay niya. Lahat ay nasa kaniya na ang lahat. She gets everything she wants at just the snap of her finger. But how did her life become luxurious? Axis Vasquez, isang mahirap na lalaki, maraming mabigat na problema na kaniyang dinadala araw-araw. Isang lalaki na handang maging tatay para sa kaniyang pamilya. He's trying to keep fighting even though he's drowning from his problems, drowning in his heavy burdens and past. Hindi niya alam kung paano niya ito kakayanin. But everything takes a twist when feelings start to arise.
View MoreTHEN without thinking and not even telling me, he immediately closed his eyes, at the same time I closed my eyes, too and let myself immerse myself in his kiss. This was so fast but slow at the same time. I don't know what to feel, halo-halo, hindi ko alam, naguguluhan ako. Ngunit hindi ko rin alam at tila may sariling buhay ang aking labi na kusa siyang gumalaw at tumugon sa halik. Kaya-kaya ko siyang tinulak pero tila nanghina ako, tila may mga paru-paro na nagliliparan sa aking tiyan, may kakaibang pakiramdam at kuryente na dumadaloy sa aking sistema.Mas lalo pang dumoble ang kaba ko nang mas lalong idiin ang labi sa akin. His tongue pushed into my mouth. Then a soft voice escaped in my mouth, reasoned for him to stop. Ngayon ko lamang napagtanto ang ginawa namin. He let go of my lips dahilan yo'n upang mahabol ko ang aking hininga. He stared at me in shock, napa-awang din ang kanyang labi kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "Natasha..
"NASANAY ka na ba na may nagsusuot sa 'yo ng seatbelt? Nasanay ka ba na si Franco?" Muli siyang nag-tanong na ikina-inis ko lalo. Nagkatinginan kami ni Fraysia ngunit sinenyasan ko na lang na h'wag na siyang pansinin pa. Kaya muli niyang tinuon ng pansin ang pinapanood ni Rain. Bumuntong-hininga naman ako at hindi siya sinagot. Nang makitang hindi ko siya pinansin ay natahik na lang siya.Sampong minuto lang ang tagal na hanggang sa Mount Cam kung ang gamit mo ay kotse. Tumigil lang kami sa gilid kung saan hindi makakaabala sa daanan. Agad akong lumabas ng kotse at bumungad sa akin ang masarap na hangin. Napangiti ako, tila nawala ang inis ko dahil sa nakikitang tanawin. "Hoy pangit! Nandito ka rin pala?" Boses ni Rasher ang bumungad sa amin. "Pakialam mo?" Masungit na usal ni Fraysia sa kanya noong nakababa na siya. "Ba't hindi kita nakita kanina? Hindi ba dapat kasama ka sa mga baka? Tumakas ka na naman ba?" Siya lang ang humalakhak sa sinabi niya. Pati ang kuya niya ay hindi
NAIWAN akong nakatitig sa kanyang likuran at hindi makapaniwala sa kanyang binitawang salita. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinahiya niya ako sa maraming tao na nanonood sa amin, pinagtatawanan nila ako. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking pisngi dahil sa hiya."Natasha—" Mabilis akong tumalikod at agad nang bumalik sa kotse. Ang pisngi ko ay nag-init nang sobra.Wala siyang karapatan na sabihin 'yon lahat sa akin dahil wala siya sa aking p'westo. Kung alam niya lang kung gaano ko kaayaw na may sumusundo at hatid sa akin. Narinig kong tinanong ako ni Fraysia ngunit agad na pina-tahimik siya ni kuya Franco. Mabilis na nangilid ang aking luha ngunit mabilis ko rin itong pinigilan. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasakal sa kamay ng Mommy ko, na pati ang kurso ko ay dapat siya rin ang magdedesisyon. "How about you, anak?" Tanong ni Papa sa akin habang nag-aalmusal kami. "Malapit ka na grumaduate ng high school. Anong balak mong course? Kailangan ay dapat may naisip ka na
BIGLA ay natigilan siya sa aking sinabi at napaisip. "Oo nga 'no. Napaisip tuloy ako, wala kayang asawa o girlfriend si Axis?" "Hindi ko alam. Ngayon ko nga lang siya nakita rito sa Isla de Luna," pagkutya ko. "Mukha siyang matanda kaya malamang may asawa na siya." "Alam mo bang pitong taon agwat niya sa atin?" Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang binulong sa akin. "Really?" Hindi makapaniwalang usal ko. "Oo, 'te!" Nag-angat ako ng tingin sa gawi ni Axis nang makita ko siyang mag-seserve ng pagkain sa table na nasa likod ni Trinity.Pitong taon ang agwat namin. Magkasing edad lang sila ni kuya Thunder. Nagkibit-balikat lang ako at akmang ibababa ang paningin ko sa aking pagkain nang hindi ko inaasahan na nagkatinginan kami, at natanaw ko ang dilim sa kanyang mga mata. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa takot."H-hindi ka ba interesado sa kanya?" Biglang tanong naman ni Trinity sa akin dahilan upang balutin ako ng kaba. Hindi dahil sa tanong na 'yon kundi dahil nakatingin si
NAG-ANGAT siya ng tingin dahil sa aking sinabi. Hindi siya umimik, bagkus nilingon niya si Fraysia na nakatingin din sa kanya dahilan upang namula ang pisngi. Napangiti ako dahil sa nakita. "Pumasok na kayo, Fray," utos ko at pumasok na sa passenger seat. Nakita kong sumunod si Fraysia kay Rain noong siya ang unang pumasok. Pumasok din agad si kuya Franco sa driver's seat at nagsimulang mag-maneho. "Kuya, ihatid mo siya mamaya, ha," ani ko kay kuya Franco. Tumango at ngumiti siya bilang sagot. Binaba ko ang visor mirror upang ayusin ang aking buhok. Nilingon ko ang dalawa na nasa likod. Si Rain ay busy sa ginagawa niya sa kanyang cellphone, habang si Fraysia ay pinapanood ang ginagawa ni Rain. Napangiti na lang ako at muling binalik ang paningin sa daanan. Nakarating kami ng school na kaunti pa lang ang pumapasok. Pinag-buksan agad kami ni kuya Franco ng pintuan no'ng nakapag-park siya sa gilid. "Are you coming with us inside?" Tanong ko sa kay Rain nang makitang bumaba rin siy
ANG pangarap ko ay maging pintor. Ngunit noong sinabi ko sa kanya na gusto kong maging pintor, ang sabi niya na wala akong patutunguhan sa pagpipinta. Ayaw ko rin ma-disappoint siya kaya kinuha ko ang kursong gusto niya para sa akin.Napa-buntong-hininga ako at pilit na h'wag makinig sa kanila. Hanggang sa natapos ang kaming kumain. Napag-desisyunan kong mag-shower na para matulog. Maaga akong magigising bukas para may time pa ako mag-review ng report namin. Nalaman ko kanina na tatlong araw lang sila rito dahil may pasok pa si Rain. Nagpunta sila kuya rito para bisitahin ang ibang lupa namin pero nang narinig ito ni Rain ay gusto niya ring sumama para lang sa dagat. Binagsak ko ang aking sarili sa malambot kong kama. Tumingin ako sa drawing ni mama na ginuhit ko noong natuto akong gumuhit. Ginawa ko itong frame dahil wala talaga akong picture niya. Hinayaan kong tumulo ang aking luha. It's been 16 years and yet I still miss you every single day and wishing that you are here to gui
NANG makapasok siya sa field ay napabuntong-hininga na lang ako. Gusto kong mag-stay pa rito mamaya kapag natapos namin ang report. "Ate, p'wede kumuha?" Tanong ni Rasher sa akin. "Oo naman, kuha ka lang." Inilapit ko ang plato na may laman na biscuits and sandwiches. Kinuha naman ni Fraysia ang mga baso upang mag-salin ng orange juice para sa amin. "Salamat po!" Excited na usal niya at agad na nilantakan ang egg sandwich. Ngumiti lang ako sa at muling nagtipa. "Ang sweet niyo naman ng mommy mo, Natasha," Komento ni Trinity. Ngumiti lang din ako sa kanya. "Pero, hindi mo siya kamukha, 'tsaka si sir Ryder, hindi mo rin kamukha. Pero hawig kayo ng mata. May picture ka ba no'ng totoo mong nanay?" Isa sa dahilan kung bakit wala akong kaibigan dahil isa akong anak sa labas ng mga Arden, anak sa pagkakamali. Simula noong nalaman ng buong Sabtang na anak ako sa labas, wala nang lumalapit sa akin. Usap usapan palagi ito ng buong Sabtang. Na hindi ko alam na big deal ito sa kanila.Hindi
TUMANGO lamang ako at agad nang pumasok sa kotse. Hinawakan ko ang aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ko nagawang suntukin ang braso niya, at nakaka-proud dahil nakaya ko.Pumasok ako ng bahay na matamlay kaya agad na nagtanong si mommy no'ng nakita ako. "Oh, bakit ang tamlay mo?" "Marami lang pong pinapagawa sa amin ngayon," sagot ko. "Aw! My baby!" Agad siyang lumapit sa akin upang hawakan ang aking pisngi. "Mag-shower ka na muna at magluluto ako ng meryenda mo, okay?" Ngumiti ako kay Mommy at tumango. "Uhm... mommy, may reporting po kasi kami bukas at by partner siya—" "Is your partner a guy?" Agap niyang tanong. Mabilis akong umiling. "Hindi po! Babae po siya." Nakita ko namang nakahinga siya nang maluwang. "That's good. Dito na lang kayo gumawa ng report niyo." "Sa kubo po kami gagawa. Malakas naman po ang signal do'n at presko pa," Nakangiting sagot ko. "Okay. Well, isama mo na lang si Fraysia. Ipapahatid ko na lang ang meryenda niyo.""Salamat po." "I love you, ana
NAUPO ako sa aking upuan sa dulo, katabi ng bintana. Nakatingin pa rin ang iba sa akin, pinag-chichismisan tungkol sa karangyaan ng pamilya ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang aking cellphone saka tinuon ko na lang ang atensyon do'n habang hinihintay ang prof namin. Binuksan ko ang Facebook ko. Hindi na ako nag-taka na maraming nag-aadd friend sa akin. Pili lamang ang in-accept ko dahil 'yon ang sabi ni mommy, at karamihan doon ay mga kamag-anak namin at mga kaibigan ni kuya Cloud.At sa hindi inaasahan na may nag-pop out na message sa Messenger ko. Nangunot ang aking noi dahil hindi ko naman siya kakilala. Binuksan ko ang message niya at in-open saglit ang profile picture. Babae siya at friend niya si kuya Cloud. Muli kong tiningnan ang message no'ng Priya Angel Oliveros.Priya: Hello sa'yo! Hindi na ako nagtataka pang may nag-memessage sa akin. Hindi ko rin naman ito pinapansin dahil baka magalit si Mommy sa akin. Karamihan ay mga lalaki na gustong makipagkaibigan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments