Share

02

"MA'AM, NATASHA?" 

Isang maliit na boses ang aking narinig, nangagaling ito sa aking kanan. Ayaw ko pa sanang magising dahil hindi ako makatulog kagabi sa kakaiyak. 

"Ma'am, gising na po kayo." 

Naramdaman ko ang pag-alog niya sa aking hita. Nag-unat ako ng katawan at kinusot ang aking mga mata 'tsaka ito unti unting minulat. Bumungad sa akin ang magandang mukha ng batang si Fraysia. 

"Fraysia, inaantok pa ako. Pakisabi na lang kila papa na h'wag muna ako papasok ngayon." Bakas sa boses ko ang pakiki-usap. 

Matapos kong sabihin 'yon ay nagtaklob muli ako ng makapal na kumot ko dahil sa lamig na nanggaling sa aircon ng aking kwarto. 

"Pero, ma'am, mapapagalitan ako," rinig kong sabi pa niya. 

Binaba ko ang aking kumot at malalim akong bumuntong-hininga, ngunit sa pag-buntong 0hininga ko ay isang malakas na hangin ang lumabas mula sa aking puwit. Nagkatinginan kaming dalawa ni Fraysia at sabay na humalakhak. 

"Ano ba, Fraysia!" pag-biro kong sigaw sa kaniya dahil ayaw itong tumigil sa kakatawa.

"Iyon po ba ang good morning niyo sa akin, ma'am?" Natatawang tanong niya na halos sumakit ang tiyan nito sa kakatawa. 

"Ewan ko sa'yo, Fraysia." Natatawa ring usal ko at saka na ako bumangon upang ayusin ang kama kong sobrang lambot na isa rin sa dahilan kung bakit masarap ang tulog ko gabi-gabi. 

"At oo nga pala," sabi ko kay Fraysia. 

Tumigil naman ito sa pagtawa no'ng nakita ang mukha ko na sumeryoso. 

"A-ano po 'yon, ma'am Natasha?" nauutal-utal niyang wika. 

Inayos ko muna ang higaan ko bago ko siya nilingon, nakapamewang akong humarap sa kaniya. 

"Ang sabi ko naman sa 'yo, sanayin mo na 'yang sarili mo na tawagin akong Ate. Alam mo naman na ayokong tinatawag ako na ma'am, hindi ba?" 

"S-sige po, A-ate, pasensya po." 

"Ikaw talaga." Ginulo ko ang buhok niya bago ko kinuha ang aking tuwalya upang maligo. 

"Ma'am-este. Ate naman!" 

Natawa na lamang ako at pumasok na lang sa aking banyo na sobrang bango. Calacatta gold marble ang disenyo ng mga dingding. Sa kaliwa ay makikita ro'n ang sink at hugis bilog na salamin, may nakasabit pang cluster pendant light sa katabi nito na nagbibigay ganda lalo sa aking banyo. Sa gilid naman ng sink ay naro'n ang toilet ko at sa loob naman ng isa pang malaking salamin ay naro'n ang shower at bathtub. 

Isa-isa kong tinanggal ang aking saplot bago ako pumasok sa shower room. Nang binuksan ko ang aking shower ay unti-unting bumabagsak ang tubig nito. Inikot ko ang switch patungo sa kaliwa. Pumikit ako at naramdaman ko na lang ang maligamgam na tubig na rumaragasa sa aking katawan.

Kung dati ulan lamang ang shower ko, ngayon ay iyong mismong shower. 

Mabilis kong tinapos ang pagligo ko dahil baka mahuli na naman ako sa klase. Nasa secondarya na ako sa kolehiyo at business administration ang kinuha kong kurso dahil 'yon ang gusto ni mommy. Gusto niya na ako ang mamahala sa isla namin. 

Matapos kong ayusin ang sarili ay agad na akong bumaba upang kumain. Naabutan ko sila Mommy at Papa na nasa sala. 

"Good morning!" Masayang bati ko sa kanila. 

Malawak ang ngiti nila sa labi noong nilingon ako. Tumayo si Mommy at agaran akong niyakap. 

"Nakapaka-ganda naman ng aking anak!" Bakas sa kaniyang boses ang nagmamalaki. "Manang mana ka talaga sa akin." 

Hinaplos ni mommy ang aking pisngi kaya't napangiti ako. Nakita ko naman si papa na tumayo at lumapit sa amin. 

"Ako ang ama, My." Pag-mamayabang ni Papa kay Mommy. 

Kinuha naman ako ni Papa mula sa kamay ni Mommy at saka ako hinalikan sa noo. 

"Ako naman ang nanay, Dy," giit din ni Mommy at muli akong hinila palapit sa kaniya. 

Wala na akong magawa kundi ang magpahila na lang sa kanila. Natatawa kong tiningnan si Papa kung paano siya ngumusong sinamaan ng tingin si Mommy. 

"Kumain ka na anak at baka ma-late ka pa sa school mo," saad ni mommy sa akin habang hinahaplos ang buhok kong naka-pony tail. "I cooked your favorite meal. Halika." 

Agad naman niya akong inalalayan papunta sa dining table. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakakatikim na ako ng masasarap na ulam. 

Nakangiti akong nag-angat ng tingin kay Mommy. "Thank you, Mommy." 

"Para sa 'yo, anak." Ngumiti siya at hinalikan ang aking sentido. 

Nagsimula na akong kainin ang bacon, fried egg, may mga tinapay din at iba pang mga pagkain na nasa harapan ko. Kinuha ko ang kubyertos at nagsimulang tumuhog ng isang hotdog saka ito tinikman. Mas lalo pa akong ginanahang kumain noong malasahan na may cheese sa loob nito. 

"Si Fraysia po pala?" Tanong ko sa kanila.

Paglabas ko kanina ng banyo ay naabutan kong wala siya sa kwarto ko. 

"Umuwi lang siya saglit sa kanilang bahay pero babalik din 'yon," sagot ni Mommy habang ang paningin ay nasa tablet na hawak-hawak. 

Isang taon nang nagtatrabaho si Fraysia sa akin. Mahirap ang kanilang buhay. Ang nanay niyang si Aling Cecil ay nagtatrabaho sa amin bilang isang kasambahay, ang nakakatandang kapatid naman ni Fraysia na si kuya Franco ay isang hardinero at minsan ay driver namin. Kaya noong nakita ko si Fraysia na palakad-lakad lang noon sa kalsada ay kinuha ko siya bilang kasama-sama ko. Kahit nasa 14 na taon pa lang siya, hindi ko pa rin naman siya pinapabayaan. Gusto ko lang na tulungan ang kanyang pamilya dahil nakita ko ang aking sarili sa kaniya noon. 

"Ma'am ay Ate pala," bungad niya sa akin.

Mabilis akong lumapit sa kaniya. Nakita kong nakasuot na siya ng uniporme nila. Napangiti ako kung gaano siya ka-ganda. Ang morena niyang balat ay mas lalo pang sumisigaw ang kagandahan niya. Nakalugay ang buhok at abot tenga ang ngiti sa labi. 

"Kumusta ang assignments mo?" Tanong ko no'ng nakalapit ako sa kaniya. 

Sila Papa at Mommy na rin ang nagpapaaral sa kaniya dahil 'yon ang hiling ko no'ng kaarawan ko. Noong una ay umayaw si Aling Cecil ngunit wala rin siyang magawa kundi ang pumayag dahil gusto rin niyang makapagtapos sa pag-aaral ang kaniyang anak.

"Dala ko po ito ngayon." 

"Mabuti kung gano'n. Mapapalo talaga kita kapag naiwan mo na naman ang assignments mo," banta ko sa kaniya. 

"Hindi na po hehe," Tanggi niya naman. 

"Mabuti," ngiti kong usal. "Hintayin muna natin si kuya Franco. Siya ang maghahatid sa atin ngayon." 

"Sige po." 

Naupo kami sa upuang nasa labas at hinintay si Kuya Franco. Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang buhok, para ko na rin siyang kapatid. Si kuya Cloud kasi ay nasa Laguna habang si kuya Thunder ay inaasikaso ang Sierra Villa sa Hong Kong, at naro'n din ang pamilya niya at dahil minsan wala sila Mommy at Papa, si Fraysia lang ang nakakasama ko. 

May tumigil na puting sasakyan sa harap namin. May lumabas na makisig na lalaki mula sa driver's seat. 

"Tara na?" Tanong niya sa akin. 

Ngumiti ako kay kuya Franco at agad na tumayo. Si Fraysia naman ay agarang binuksan ang pintuan sa likod. Natawa na lamang ako dahil sa kakulitan niya. 

Akma kong hahawakan ang pintuan ng passenger seat upang buksan ngunit naunahan ako ng isang malaking kamay. 

Ngumiti ako kay kuya Franco at sinabing, "Salamat." Bago ako pumasok.

Tumambad ang lamig sa aking balat ng loob ng kotse. Nakita kong umikot siya papunta sa driver's seat. 

Nilingon ko si Fraysia. "H'wag mong kalimutan 'yung seatbelt mo." 

"Opo, Ate." Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko. 

"Ikaw din," saad noong nasa aking katabi. 

Nilingon ko si kuya Franco na hindi ko namalayang nakapasok na pala siya. 

I-lolock ko na sana ang seatbelt ko ngunit nagulat ako nang siya mismo ang humawak niyon at nag-lock. Nakaramdam ako bigla na kaba sa aking dibdib, hindi ko ito inaasahan. Namuo ang aking luha sa mata nung maalala ang nangyari sa akin 16 years ago. 

Halos nanikip ang aking dibdib dahil sa kaba ko. Dahil sa gulat at kaba ko ay mabilis ko siyang tinulak. Nagulat siya sa aking inusal, hindi niya rin inaasahan gaya ng reaction ni Fraysia. 

"A-ate," gulat na usal ni Fraysia. 

Agaran ko namang pinalis ang aking luha at mabilis na inayos ang seatbelt ko. 

"Tara na," utos ko kay kuya Franco sa malamig na boses.

Narinig ko naman ang pag-bukas niya ng makina at saka nito pinaandar ang kotse. 

"Sorry..." Mahina ngunit narinig ko ang bulong niya. Naramdaman ko ang sinseridad niya sa kanyang boses.

"A-ayos lang, Kuya," sagot ko. 

Simula noong nangyari ang gabing 'yon ni-isa sa mga lalaki ay walang lumalapit sa akin. Bukod kay papa, sa Lolo ko at mga kuya ko ay wala nang iba ang lumalapit. Ngunit dahil sa nangyari kanina ay bumalik na naman ang alaalang 'yon, alaalang ayoko nang balikan pa. 

Ngunit bago pa ako tuluyang balutin ng kadiliman ay nakita ko ang isang lalaki na hiniling kong sana siya na ang superhero ko, at ang hiling na 'yon ay nagkatotoo. 

Nagising ako na mabigat ang aking ulo. Sobrang sakit na para bang mina-martilyo. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, ngunit nasilaw lamang ako sa liwanag kaya naman kukurap kurap ako upang sanayin ang aking mga mata sa liwanag. Nang masanay ay unang tumambad sa akin ang puting kisame. 

"Mom! She's awake!" Biglang may sumigaw sa kung saan dahilan kung bakit ikinarindi ko. "Uy! Are you okay? Kumusta pakiramdam mo?" 

Tiningnan ko ang nagmamay ari no'ng malalim na boses na 'yon. Isang lalaki na kulay chestnut ang mga mata. Nakaramdam ako ng takot sa sandaling 'to at mas lalo na noong naramdaman ko ang malamig niyang kamay na humawak sa aking braso. Parehong pareho ang lamig ng kamay niya sa lalaking noong kagabi. 

"A-ano pong gagawin niyo!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis na binawi ang aking braso ngunit napagtanto kong may nakadikit sa aking kamay. Hindi ito pamilyar sa paningin ko kaya nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan. 

Hindi ko alam kung nasaan ako dahil may TV sa aking harapan, gano'n din sa tabi ng kamang hinihigaan ko na ngayon ay mayroong isang hugis kahon, may nakadikit sa akin na parang hose. Sa aking kaliwa naman ay ang sofa at lamesa na may mga prutas at saka isang pintuan pa. 

"Are you okay?" Muli kong nilingon ang lalaking 'to. Hindi ko alam kung anong lenggwahe ang pinagsasabi niya. 

Saktong may isang ginang ang lumabas mula sa pintuan na 'yon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat noong nakita akong nilingon siya. 

"Hija, gising ka na," hindi makapaniwala na usal niya. 

Gusto ko sana siyang pilosopohin ngunit baka isipin niya na lumaki ako sa bastos na pamilya. 

Agaran siyang lumapit sa taas ng kama ko. May pinindot siya sa hugis kahon at may sinabing hindi ko na naman naiintindihan. 'Tsaka siya naupo sa katabi no'ng lalaki na kanina pa ako tinitignan kaya naman agad akong lumayo sa kanila. 

Natatakot ako, natatakot ako sa lalaking ito. 

"Hija, h'wag kang matakot." Hinawakan no'ng ginang ang aking kamay. "Hindi kami masamang tao, magtiwala ka." 

Hindi ko maintindihan. Nakita kong mabilis na namuo ng luha ang kanyang itim na mata. 

Bumaling siya sa lalaki. "Anak, Cloud, call your father." 

Anak usal ko sa aking isip. Anak niya ang lalaki 'to. Tumayo naman iyong lalaki at may kinuha sa kanyang bulsa na sa tingin ko ay isang telepono. 

"Hija..." Muli kong nilingon ang ginang. "Kumusta ang pakiramdam mo?" 

Sa tanong na 'yon ay hindi ko alam ang sasabihin. Napalunok ako at mas lalong dumagundong sa bilis ang pag-pintig ng aking puso. 

Hindi ako sumagot bagkus tinuro ko lamang ang aking ulo. Hudyat na sa aking ulo ang may masakit sa akin. Napangiti siya at hinaplos ang aking buhok dahilan upang matigilan ako. 

"Shh. H'wag kang matakot," saad niya noong makita akong nanigas sa takot.

Hinaplos niya lamang ang aking buhok upang patahanin ako, ngunit kahit anong gawin niya, mayroon pa ring takot sa aking dibdib. Takot na baka may gawin sila sa akin.

Tinanggal niya lamang ang kanyang kamay sa aking buhok nang bumukas ang pinto. Bumungad 'yung lalaki kanina, ngunit may kasama na siyang apat na lalaki at dalawang babae. 

Mas lalong nanikip ang aking dibdib sa takot. Lalo na't nang lumapit sa akin ang lalaking nakaputing roba.

"A-ano pong gagawin niyo," takot kong usal na baka may gawin siya sa akin gaya nung lalaking gumawa sa akin noong gawin 'yon.

"H'wag kang mag-alala, titignan ko lamang kung ano ang masakit sa 'yo," nakangiting saad no'ng naka puting roba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status