TINANGGAL niya ang kulay itim na nakasabit sa leeg nito. Hindi ko alam ang tawag ngunit nakakita na ako nito noon. Satingin ko ay headset ang tawag sa itim na 'yon.
Tama nga ako. Isa itong headset dahil sinuot 'nung lalaki ang magkabilang bilog nito sa tainga at ang dulo nung headset ay isang itim na bilog pa na akma niyang ilalapit sa akin ngunit agaran akong lumayo.
"Ayoko!" Sigaw ko sa kanya.
Anong gagawin niya sa akin? Bakit inilapit niya bilog na 'yon malapit sa dibdib ko!
Bumaling ako sa ginang kanina. "Tulungan niyo po ako. May balak po siya sa akin!"
Ngumiti ang ginang sa akin at hinawakan nang marahan ang aking kamay. "Hindi, hija. Isa siyang Doctor na gagamot sa 'yo. Maniwala ka at magtiwala ka lang sa akin."
Bumaling naman ako sa Doctor na 'yon. May sinasabi siya sa isang babae na nakaputi rin, hindi ko alam ang sinasabi nila. Nakita ko kung paano nila galawin ang hugis kahon na aking katabi, hindi ko rin alam ang tawag, at saka ito may sinusulat sa papel na hawak.
At maya-maya ay nilingon niya ako dahilan para lumapit muli ako sa babae kanina na ngayo'y katabi niya na ang matandang babae.
"Magiging maayos din ang lahat, Apo." Hinawakan niya ang aking kamay. Satingin ko ay siya ang Lola 'nung lalaki kanina. Pero apo ang tawag sa akin?
Hindi ko maintindihan ang lahat. Hindi ko alam kung nasaan ako, kung kanino ba ang k'wartong 'to. Bakit maraming tao sa loob ng k'warto? Bakit ako narito? At sino sila?
Mga katanungan ko noon na ngayon ay alam ko na ang kasagutan. Unti-unti kong nalalaman ang lahat.
Nalaman kong sila ang tumulong sa akin sa lalaking may balak sa akin noon na hindi ko alam kung ano 'yon at tatlong araw akong nakahilata lamang sa kama dahil sa nawalan daw ako ng lakas.
At nakakagulat pa na kung sino pa ang lalaking tumulong sa akin noong gabing 'yon ay iyon pala ang totoo kong tatay. Kahit matagal na 'yon, hindi pa rin ako makapaniwala na may tatay ako na akala ko noon patay na siya.
Nakita ko kung paano nag-uunahan sa pag-tulo ang mga luha ni papa sa kanyang pisngi.
"Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ang tatay at ngayon lang tayo magkasama."
Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na 'to. Masarap sa pakiramdam na na may tatay pala ako ngunit nakakatakot at nakakapagtaka rin.
Masaya ako, hindi dahil mayaman ang tatay ko at makakain na ako ng gusto ko kundi ang may pamilya ako. Pamilyang hindi ko inaasahan na mayroon pa pala ako, pamilyang kahit na anak ako sa labas ni papa ay tinuring pa rin nila ako na para bang tunay na anak. Lalo na si Mommy, ang tumatayong nanay ko ngayon.
"N-naiintindihan po kita, Papa." Hindi ko pinigilan ang luha ko na bumagsak sa aking pisngi. Hinayaan ko lamang silang mag-karerahan sa pagtulo.
Naiintindihan ko na ang lahat. Si Ryder Arden ang tunay kong tatay. Si papa at mama ay nagkaroon ng sikretong relasyon noong pinagbubuntis pa lang ni mommy (ang tunay na asawa ni papa) si kuya Thunder.
Saglit lamang ang naging relasyon nila ni mama dahil nalaman ito ni Lola. Naging mahigpit si Lola kay papa noon. Ngunit sa hindi inaasahan na may nagbunga, ako ang naging bunga sa pagtataksil na ginawa ni papa noon. Mas lalong nagalit si Lola sa kaniya kaya kinulong niya si papa sa abandonadong bahay. Kahit anong paraan ang gawin ni papa upang makita kami ni mama hindi pa rin siya nagtatagumpay dahil sa kahigpitan ni Lola.
At taon ang lumipas, nabuhay ako na walang tatay sa tabi. Hindi ko alam kung sino ang tatay ko. Minsan ko nang naitanong kay mama ngunit ang lagi niya lang iniiwasan ang tanong na 'yon. Kaya iniisip ko na lang na patay na si papa.
Ngayon alam ko na kung paano ako nahanap nila papa, nag-hire siya ng espiya upang hanapin ako.
Hindi ko rin maisip na ginamit ng mga doctor ang katawan ni mama upang pag eksperimentuhan. Kaya pala gano'n na lang kalaki ang perang ibinigay sa akin noon. Ngunit natutuwa ako nang nalaman ni papa ito ay binawi agad niya upang bigyan ng hustisya sa ginawa nila kay mama.
Noong umuwi ako sa bahay nila sa Laguna ay tinanggap nila ako nang buong puso ni mommy, lalong lalo na si Lola. Kahit na bunga ako ng kataksilan nila papa at mama noon.
Minsan ko na rin na-itanong kay mommy kung bakit hindi niya nagawang saktan si papa sa kabila ng pagtataksil niya.
Ang sabi ni mommy, "Kapag mahal mo, kaya mong ibigay ang lahat, kahit ano pa 'yan. Wala eh, mahal ko sila pareho. Mahal ko ang papa mo at ang bestfriend ko."
Do'n ako lalong nasaktan sa sinabi ni niya. Hindi pa man ako pinapanganak noon ngunit para kong nararamdaman ang sakit na dinanas ni mommy sa pagtataksil ni papa at mama.
"Bakit hindi po kayo nagalit sa akin noong nakita niyo ako?" Tanong ko muli.
Hinaplos niya ang aking buhok. Nakakaramdam ako ng komportable tuwing hinaplos niya ang aking buhok.
"Dahil inosente ka, anak. Hindi mo alam na ikaw ang naging bunga ng pagtataksil ng matalik kong kaibigan at iyong tatay. Kaya never kitang sinaktan," sagot ni mommy sa akin at patuloy sa pagsuklay sa aking buhok. "Pero isang beses, nagalit ako sa papa mo. Iniisip ko, bakit kaya niyang mangako sa harap ng Diyos na hindi naman niya tinupad?"
"Pero tinanggap niyo po ulit si papa, mommy?"
"Oo naman. Mahal ko siya, eh," sagot niya. Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang reaksyon niya, nakangiti ngunit hindi abot sa tenga.
Humarap ako muli sa kanya upang magtanong.
"Pero paano po?" Nagtatakang tanong ko. "How could you forgive the person who broke your trust… especially, that person is the one you love the most?"
Natigilan siya sa tanong kong 'yon, hindi niya ito inaasahan. Napatitig siya sa akin at malalim na bumuntong hininga bago sumagot.
"Yes, of course we all know how to forgive because that is what we have been taught. No matter what has been done wrong or someone has betrayed you, still forgive because we are children of God. We all know how to forgive, but don’t trust too much the same as you showed before. It is difficult to repeat what has been done to you." Tinapik niya ang aking balikat at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. "Don't trust too much and be an example to those who ruined you, whatever is wrong done to you do not retaliate because it's bad. Do you understand me, Hija?"
"O-opo, mommy."
Hindi man ako si mommy ngunit nararamdaman ko ang sakit niya. Papa cheated on mommy with my mama, which is her best friend.
Masakit nang makitang may relasyon ang asawa mo't ang matalik mong kaibigan.
I used to hate dad when I found out what he did. Ngunit habang tumatagal, naisip kong wala sana ako ngayon kung wala si papa. Masakit din bilang anak dahil sa ginawa nila pero nakita ko naman ang pagbabago ni Papa kay Mommy. Kumikinang ang mga mata ni papa tuwing nag-uusap sila.
"Pasensya ka na kanina. Hindi ko sinasadya. Dapat nagsabi muna ako," paumanhin ni kuya Franco sa akin no'ng nakababa kami ng kotse.
"A-ayos lang kuya. Sa susunod na lang ay mag-paalam ka." Tipid ang ngiting tinugon ko sa kanya.
"Pasensya na ulit," muli niyang paumanhin.
"Ayos lang po. Papasok na po kami," mahinang usal ko at agarang tumalikod sa kaniya.
Ngunit akma sana akong maglalakad nang tinawag niya ako.
"Natasha." Iba ang dulot sa akin nang tinawag ang pangalan ko. Agad akong lumingon sa kaniya. "Ang sabi ng papa mo, ako na raw ang mag hahatid- sundo sa inyo simula ngayon."
Mabilis akong tumango at nagkunwaring pormal na maglakad kahit na nakakagulat ang sinabi niyang 'yon.
Hindi sinabi ni papa ito kanina. Siguro'y nakalimutan niya lamang.
"Ate! Sandali!" Nilingon ko si Fraysia na noo'y kaharap ang Kuya niya na para bang nag-uusap sila. Tumigil ako noong inangat niya ang kaliwang kamay, pahiwatig na hintayin ko siya.
Nandito lang ako sa aking p'westo habang kausap ang kuya niya. Wala rin akong balak na lumapit sa kanila dahil hindi ako komportable kay kuya Franco.
Matagal na si kuya Franco sa amin. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng uncomfortable sa kanya. Mabait si kuya Franco, malaki ang tiwala ni Papa sa kanya. Kaya nasisiguro kong hindi niya gagawin ito, kung ano man ang nasa isip ko. Siguro'y hindi ko lang talaga inaasahan ang ginawa niya kanina.
Pinagmasdan ko lang siya habang kausap ang kanyang kapatid. Apat na taon ang agwat namin ni kuya Franco. Pinag-sadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang sa paa niya. Ang kulay kayumanggi niyang balat ay bumabagay sa maong pants at grey niyang t-shirt. Malaki ang pangangatawan, makapal ang kilay at pilik mata, mapupulang labi, at may hugis ang panga niya. Maganda rin ang straktura ng ilong.
Ngayo'y alam ko na kung bakit maraming babae ang tinitilian siya. Lalo na tuwing hinahatid kami ni Fraysia. Aaminin kong gwapo siya. Hindi ko na dapat pa aminin dahil gwapo naman talaga si kuya Franco.
Nilingon ko ang mga grupo ng babae na panay ang pagkuha ng picture sa kaniya.
Ngunit sa totoo lang ay hindi gan'yan ang tipo ko. Gusto ko 'yung magkasing edad lang kami.
Nilingon nila akong magkapatid kaya mabilis akong umiwas ng paningin kay kuya Franco.
"Ikaw na ang bahala sa kanya. Sige na. Pumasok na kayo," rinig kong usal niya.
"Sige po," sagot ni Fraysia. "Ate! Tara na po."
Agad na akong tumalikod dahil sa sinabi ni Fraysia, hinintay ko lamang siyang lumapit sa akin dahil naiilang ako sa titig ni kuya Franco.
"Tara na po." Naramdaman ko na hinawakan ni Fraysia ang kamay ko kaya nagbaba ako ng tingin sa kaniya at ngumiti.
Nasanay na ako sa mga chismosang nakapaligid sa akin. Maraming mga babae ang nagbubulong bulungan, mga lalaking kumakaway sa akin tuwing napapalingon ako sa kanila.
"Fraysia," tawag ko sa kanya. "Mauna ka na sa room mo. Baka ma-late ka pa."
"Pero, Ate, ang sabi ni Kuya ihahatid daw kita sa room niyo—" Mabilis kong pinutol ang sasabihin.
"Hindi na!" Mabilis kong tanggi. "Kaya ko naman, at saka maraming nakatingin sa akin kaya ayos!" Panigurado ko.
"Ihh," ungot niya at napakamot siya sa kanyang batok na para bang ayaw niyang sundin ang sinabi ko. "Ate, baka magalit si Kuya."
"Ako bahala sa'yo." Ngumiti ako para sigurado.
Ayoko na sana ang may magha hatid-sundo pa sa akin sa room ko. Lumaki akong hatid-sundo ako ni Papa o kaya naman si mommy kaya palagi kaming dinudumog, lalo na ang dalawa kong kuya tuwing bibisita sila rito.
Paano, sikat si papa sa sabtang dahil halos angkinin na ni Papa ang buong Sabtang dahil lahat ng nakikita niyang lupa ay binibili niya. Nahiya pa siyang bilhin ang buong Batanes.
"Sige na, ako na ang bahala sa kuya mo," saad ko matapos ko siyang ihatid sa room niya.
"Sige po." Ngumuso siya at wala nang magawa at pumasok na sa kanilang room. Pinagkumpulan agad siya ng mga kaklase niyang mga babae.
"Huy Fray, maganda ba sa loob nila?" saad nung isang naka-ponytail.
"O-oo," nahihiyang saad ni Fray sa kaniya. Nagtilian naman ang mga kaibigan niyang mga babae.
"Eh, 'yung kwarto niya? Ano itsura? Maganda ba? Mabango?" Sunod-sunod na tanong no'ng nakalugay na babae.
Natawa na lamang ako dahil naka-ngusong napatingin si Fraysia sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at agad ng umalis sa building nila. Agad naman akong nagtungo sa building ng kurso ko.
Patuloy pa rin ang mga pag-bubulungan ng mga grupo na dinadaanan ko. Nilingon ko ang isang grupo ng kababaihan na nagbubulungan, halatang pinag-uusapan nila ako. Agad naman silang nagsi-iwasan ng tingin noong lumingon ako sa kanila.
Nakaramdam muli ako ng inggit. Sa ilang taon ang pananaliti ko rito ay ni-isa walang nag-tangkang kumaibigan sa akin, dahil din sa kahigpitan ni Mommy. Dito na ako nag-aral simula noong nakita nila ako ni papa. Si kuya Cloud ay nag-aaral sa school na pagmamay-ari ni Lolo sa Laguna. Ang sabi ni mommy, mas safe raw na narito ako mag-aral dahil mas nababantayan nila ako.
NAUPO ako sa aking upuan sa dulo, katabi ng bintana. Nakatingin pa rin ang iba sa akin, pinag-chichismisan tungkol sa karangyaan ng pamilya ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang aking cellphone saka tinuon ko na lang ang atensyon do'n habang hinihintay ang prof namin. Binuksan ko ang Facebook ko. Hindi na ako nag-taka na maraming nag-aadd friend sa akin. Pili lamang ang in-accept ko dahil 'yon ang sabi ni mommy, at karamihan doon ay mga kamag-anak namin at mga kaibigan ni kuya Cloud.At sa hindi inaasahan na may nag-pop out na message sa Messenger ko. Nangunot ang aking noi dahil hindi ko naman siya kakilala. Binuksan ko ang message niya at in-open saglit ang profile picture. Babae siya at friend niya si kuya Cloud. Muli kong tiningnan ang message no'ng Priya Angel Oliveros.Priya: Hello sa'yo! Hindi na ako nagtataka pang may nag-memessage sa akin. Hindi ko rin naman ito pinapansin dahil baka magalit si Mommy sa akin. Karamihan ay mga lalaki na gustong makipagkaibigan
TUMANGO lamang ako at agad nang pumasok sa kotse. Hinawakan ko ang aking dibdib, hindi ko alam kung bakit ko nagawang suntukin ang braso niya, at nakaka-proud dahil nakaya ko.Pumasok ako ng bahay na matamlay kaya agad na nagtanong si mommy no'ng nakita ako. "Oh, bakit ang tamlay mo?" "Marami lang pong pinapagawa sa amin ngayon," sagot ko. "Aw! My baby!" Agad siyang lumapit sa akin upang hawakan ang aking pisngi. "Mag-shower ka na muna at magluluto ako ng meryenda mo, okay?" Ngumiti ako kay Mommy at tumango. "Uhm... mommy, may reporting po kasi kami bukas at by partner siya—" "Is your partner a guy?" Agap niyang tanong. Mabilis akong umiling. "Hindi po! Babae po siya." Nakita ko namang nakahinga siya nang maluwang. "That's good. Dito na lang kayo gumawa ng report niyo." "Sa kubo po kami gagawa. Malakas naman po ang signal do'n at presko pa," Nakangiting sagot ko. "Okay. Well, isama mo na lang si Fraysia. Ipapahatid ko na lang ang meryenda niyo.""Salamat po." "I love you, ana
NANG makapasok siya sa field ay napabuntong-hininga na lang ako. Gusto kong mag-stay pa rito mamaya kapag natapos namin ang report. "Ate, p'wede kumuha?" Tanong ni Rasher sa akin. "Oo naman, kuha ka lang." Inilapit ko ang plato na may laman na biscuits and sandwiches. Kinuha naman ni Fraysia ang mga baso upang mag-salin ng orange juice para sa amin. "Salamat po!" Excited na usal niya at agad na nilantakan ang egg sandwich. Ngumiti lang ako sa at muling nagtipa. "Ang sweet niyo naman ng mommy mo, Natasha," Komento ni Trinity. Ngumiti lang din ako sa kanya. "Pero, hindi mo siya kamukha, 'tsaka si sir Ryder, hindi mo rin kamukha. Pero hawig kayo ng mata. May picture ka ba no'ng totoo mong nanay?" Isa sa dahilan kung bakit wala akong kaibigan dahil isa akong anak sa labas ng mga Arden, anak sa pagkakamali. Simula noong nalaman ng buong Sabtang na anak ako sa labas, wala nang lumalapit sa akin. Usap usapan palagi ito ng buong Sabtang. Na hindi ko alam na big deal ito sa kanila.Hindi
ANG pangarap ko ay maging pintor. Ngunit noong sinabi ko sa kanya na gusto kong maging pintor, ang sabi niya na wala akong patutunguhan sa pagpipinta. Ayaw ko rin ma-disappoint siya kaya kinuha ko ang kursong gusto niya para sa akin.Napa-buntong-hininga ako at pilit na h'wag makinig sa kanila. Hanggang sa natapos ang kaming kumain. Napag-desisyunan kong mag-shower na para matulog. Maaga akong magigising bukas para may time pa ako mag-review ng report namin. Nalaman ko kanina na tatlong araw lang sila rito dahil may pasok pa si Rain. Nagpunta sila kuya rito para bisitahin ang ibang lupa namin pero nang narinig ito ni Rain ay gusto niya ring sumama para lang sa dagat. Binagsak ko ang aking sarili sa malambot kong kama. Tumingin ako sa drawing ni mama na ginuhit ko noong natuto akong gumuhit. Ginawa ko itong frame dahil wala talaga akong picture niya. Hinayaan kong tumulo ang aking luha. It's been 16 years and yet I still miss you every single day and wishing that you are here to gui
NAG-ANGAT siya ng tingin dahil sa aking sinabi. Hindi siya umimik, bagkus nilingon niya si Fraysia na nakatingin din sa kanya dahilan upang namula ang pisngi. Napangiti ako dahil sa nakita. "Pumasok na kayo, Fray," utos ko at pumasok na sa passenger seat. Nakita kong sumunod si Fraysia kay Rain noong siya ang unang pumasok. Pumasok din agad si kuya Franco sa driver's seat at nagsimulang mag-maneho. "Kuya, ihatid mo siya mamaya, ha," ani ko kay kuya Franco. Tumango at ngumiti siya bilang sagot. Binaba ko ang visor mirror upang ayusin ang aking buhok. Nilingon ko ang dalawa na nasa likod. Si Rain ay busy sa ginagawa niya sa kanyang cellphone, habang si Fraysia ay pinapanood ang ginagawa ni Rain. Napangiti na lang ako at muling binalik ang paningin sa daanan. Nakarating kami ng school na kaunti pa lang ang pumapasok. Pinag-buksan agad kami ni kuya Franco ng pintuan no'ng nakapag-park siya sa gilid. "Are you coming with us inside?" Tanong ko sa kay Rain nang makitang bumaba rin siy
BIGLA ay natigilan siya sa aking sinabi at napaisip. "Oo nga 'no. Napaisip tuloy ako, wala kayang asawa o girlfriend si Axis?" "Hindi ko alam. Ngayon ko nga lang siya nakita rito sa Isla de Luna," pagkutya ko. "Mukha siyang matanda kaya malamang may asawa na siya." "Alam mo bang pitong taon agwat niya sa atin?" Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang binulong sa akin. "Really?" Hindi makapaniwalang usal ko. "Oo, 'te!" Nag-angat ako ng tingin sa gawi ni Axis nang makita ko siyang mag-seserve ng pagkain sa table na nasa likod ni Trinity.Pitong taon ang agwat namin. Magkasing edad lang sila ni kuya Thunder. Nagkibit-balikat lang ako at akmang ibababa ang paningin ko sa aking pagkain nang hindi ko inaasahan na nagkatinginan kami, at natanaw ko ang dilim sa kanyang mga mata. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa takot."H-hindi ka ba interesado sa kanya?" Biglang tanong naman ni Trinity sa akin dahilan upang balutin ako ng kaba. Hindi dahil sa tanong na 'yon kundi dahil nakatingin si
NAIWAN akong nakatitig sa kanyang likuran at hindi makapaniwala sa kanyang binitawang salita. Nakaramdam ako ng hiya dahil pinahiya niya ako sa maraming tao na nanonood sa amin, pinagtatawanan nila ako. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking pisngi dahil sa hiya."Natasha—" Mabilis akong tumalikod at agad nang bumalik sa kotse. Ang pisngi ko ay nag-init nang sobra.Wala siyang karapatan na sabihin 'yon lahat sa akin dahil wala siya sa aking p'westo. Kung alam niya lang kung gaano ko kaayaw na may sumusundo at hatid sa akin. Narinig kong tinanong ako ni Fraysia ngunit agad na pina-tahimik siya ni kuya Franco. Mabilis na nangilid ang aking luha ngunit mabilis ko rin itong pinigilan. Kung alam niya lang kung gaano ako nasasakal sa kamay ng Mommy ko, na pati ang kurso ko ay dapat siya rin ang magdedesisyon. "How about you, anak?" Tanong ni Papa sa akin habang nag-aalmusal kami. "Malapit ka na grumaduate ng high school. Anong balak mong course? Kailangan ay dapat may naisip ka na
"NASANAY ka na ba na may nagsusuot sa 'yo ng seatbelt? Nasanay ka ba na si Franco?" Muli siyang nag-tanong na ikina-inis ko lalo. Nagkatinginan kami ni Fraysia ngunit sinenyasan ko na lang na h'wag na siyang pansinin pa. Kaya muli niyang tinuon ng pansin ang pinapanood ni Rain. Bumuntong-hininga naman ako at hindi siya sinagot. Nang makitang hindi ko siya pinansin ay natahik na lang siya.Sampong minuto lang ang tagal na hanggang sa Mount Cam kung ang gamit mo ay kotse. Tumigil lang kami sa gilid kung saan hindi makakaabala sa daanan. Agad akong lumabas ng kotse at bumungad sa akin ang masarap na hangin. Napangiti ako, tila nawala ang inis ko dahil sa nakikitang tanawin. "Hoy pangit! Nandito ka rin pala?" Boses ni Rasher ang bumungad sa amin. "Pakialam mo?" Masungit na usal ni Fraysia sa kanya noong nakababa na siya. "Ba't hindi kita nakita kanina? Hindi ba dapat kasama ka sa mga baka? Tumakas ka na naman ba?" Siya lang ang humalakhak sa sinabi niya. Pati ang kuya niya ay hindi