Share

04

NAUPO ako sa aking upuan sa dulo, katabi ng bintana. Nakatingin pa rin ang iba sa akin, pinag-chichismisan tungkol sa karangyaan ng pamilya ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinuha ang aking cellphone saka tinuon ko na lang ang atensyon do'n habang hinihintay ang prof namin.

Binuksan ko ang F******k ko. Hindi na ako nag-taka na maraming nag-aadd friend sa akin. Pili lamang ang in-accept ko dahil 'yon ang sabi ni mommy, at karamihan doon ay mga kamag-anak namin at mga kaibigan ni kuya Cloud.

At sa hindi inaasahan na may nag-pop out na message sa Messenger ko. Nangunot ang aking noi dahil hindi ko naman siya kakilala. Binuksan ko ang message niya at in-open saglit ang profile picture. Babae siya at friend niya si kuya Cloud. Muli kong tiningnan ang message no'ng Priya Angel Oliveros.

Priya: Hello sa'yo!

Hindi na ako nagtataka pang may nag-memessage sa akin. Hindi ko rin naman ito pinapansin dahil baka magalit si Mommy sa akin. Karamihan ay mga lalaki na gustong makipagkaibigan sa akin. 'Yung iba ay bina-block ko na lang pero minsan si Mommy ang nag-b'block sa kanila dahil ayaw niyang may lalaki na nag-memessage sa akin.

Hindi ko na pinansin ang message no'ng Priya Angel. Pinatay ko na lang ang aking cellphone at kinuha ang aking libro para magbasa.

"Sir, marami 'tong irereport namin. Baka naman p'wedeng by group na lang?" Suhestiyon ni Nadia matapos sabihin ang report namin. Nagsihiyawan din ang lahat, sinang-ayunan ang sinabi niya.

"Sinabi ko ba kasing individual?" Sarkastiko ring saad ni Sir Chavez. Nagsihiyawan muli ang mga kaklase ko dahil sa narinig mula sa kaniya. "Pero hindi by group, kundi by partner ang gagawin niyo at kayo na rin pumili ng partner niyo. Wala nang oras kaya kayo na lang. See you tomorrow."

'Tsaka na siya umalis matapos ang mahabang paliwanag. Nagpasalamat ang iba kong kaklase sa kaniya. Bumuntong-hininga na lang ako dahil alam kong walang lalapit sa akin upang maging partner. Ayos na rin 'yon. Walang sagabal. Kakausapin ko na lang ang professor namin na individual na lang para sa akin.

Akma sana akong tatayo sa pagkakaupo upang sundin si sir ngunit nakita ko ang pink na bag na tumambad sa aking harap. Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"M-may partner ka na ba?" Tanong ni Trinity, isa siyang nerd kung tawagin. Tahimik, may thick glasses na suot, malalaki ang mga uniform.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Wala pa. Gusto mo tayo na lang?" Alam kong matalino siya kaya sumangayon agad ako.

Marunong naman akong makipagkaibigan, depende na lang kung iba ang pakiramdam ko sa taong 'yon.

"Hala! Talaga?!"

"Oo. Magkita na lang tayo sa kubo na malapit sa amin. Ayos lang ba sa'yo? Bawal kasi ako lumabas, eh," mabilis na paliwanag ko.

Hindi ako pinapalabas ni Mommy kapag may mga gagawin sa school namin. Kaya kung may report man kami o kaya practice, palagi kong sinasabi na sa bahay na lang namin ito gawin, o kaya minsan, si Mommy mismo ang kumakausap sa professors ko.

Gano'n sila kahigpit na minsan ay nakakasakal na. Ngunit hindi ko rin sila masisisi, gusto lang din naman nila akong protektahan.

"Oo naman! Ayos na ayos!" Masayang sagot niya.

Ngumiti ako at tuluyang tumayo 'tsaka ko sinuot ang bag sa aking likod.

"Mauuna na ako. See you later," Ngiting saad ko at kumaway sa kanya. Now, she's also waving her hands like a child. She's cute naman.

Mula sa lunch at recess, wala akong naging kasabay hanggang sa mag-uwian. Nagtungo ako sa room nila Fraysia para sunduin na siya. Ngunit pagdating ko ro'n ay hindi pa tapos ang klase nila.

Naupo muna ako sa bench na malapit sa room nila para hintayin siya. Kinuha ko ang aking sinulat na notes na irereport namin. Re-review'hin ko muna para mamaya kaunti na lang ang i-review ko.

Ngunit napa-angat agad ako ng tingin sa classroom nila nang nakita ko ang lalaki na lumabas ng klase. Uwian na pala nila, tumayo ako at lumapit sa room nila upang do'n hintayin si Fraysia.

Ngunit sa pagtayo ko, hindi ko inaasahan na nabunggo ko 'yung lalaki kanina na unang lumabas ng klase.

"Pasensya na, Ate," paumanhin niya at bahagya pang tinungo ang kanyang ulo.

"Pasensya rin," nakangiting tugon ko.

Akala ko'y may sasabihin pa siya dahil nakatitig lamang siya akin. Ang singkit at kulay brown-ish na mga mata ay nagsasabing namamangha siya sa akin. Natawa ako dahil naka-awang pa ang labi niya. Ginulo ko ang kanyang buhok at 'tska ko nilingon ang gawi ni Fraysia na noo'y nakabusangot.

"Oh. Bakit? Anong nangyari sa mukha mo?" Natatawa kong bungad sa kanya.

"Ate, ba't mo siya kinakausap?" Nakabusangot niyang tinuro ang lalaking kausap ko. 

Nilingon ko ang lalaki na noo'y nakanguso na siyang nakatitig sa amin.

"Bakit naman?" Baling ko kay Fraysia, hindi inaalis ang ngiti ko.

"Eh, kasi, Ate, inaasar ako niyan! Mukha raw akong kabayo dahil sa tali ko," Pag-sumbong niya sa akin.

Kaya naman pala nakalugay na siya ngayon. Nilingon ko muli ang lalaki. Ngumiti ako sa kanya noong nakita ko na bakas sa mukha niya ang takot.

Lumapit ako sa lalaki at hinawakan siya sa balikat.

"N-nag-jojoke lang po ako," mahinang usal niya. Naramdaman ko na kinakabahan siya kaya natawa ako.

"May gusto ka ba sa kanya?" Bulong ko na kami lang ang nakakarinig.

Ang kaba niya sa mukha ay mas lalong dumoble. Namilog ang mga mata kasabay no'ng mapupula niyang mga labi, namula ang pisngi at tenga kaya alam ko na ang sagot kahit na hindi niya sabihin.

"Sus! Eh, bakit ka kinakabahan?"

"Ate, h-hindi ako kinakabahan." Tumanggi pa.

"Naku! Nauutal ka nga!" Ngiwi ko sa habang tumatawa. Ang mestizo niyang balat at noo'y namula ay mas dumoble pa ito.

"A-ate, hindi." Mabilis niyang tanggi.

Magsasalita pa sana ako ngunit isang malalim na boses ang aking narinig mula sa likuran ko dahilan para matigilan ako.

"Rasher."

Nag-angat ng tingin 'yung batang lalaki sa aking likod. Mabilis akong tumayo at  nilingon ang may ari sa malalim na boses na 'yon.

Ang kanyang magandang ilong, mapupulang labi, morenong kutis ay ikina-dagundong ng aking hangal na puso. Ang kanyang kulay asul na t-shirt at jeans ay halos humapit sa hubog na matipuno niyang katawan. Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin noong nagtama ang paningin naming dalawa.

"K-kuya…" lumapit 'yung Rasher sa kanya.

Kuya niya pala.

"May ginawa ba siya sa 'yo?" tanong no'ng lalaki kay Rasher.

Masama ba ako sa paningin niya? Napanguso ako. Naramdaman ko naman na may humawak sa aking kamay.

"Ate, tara na," anyaya niya sa akin.

Tumango lang ako at agad kaming tumalikod ngunit wala pa akong hakbang noong narinig muli ang malalim niyang boses.

"Pumapatol sa bata."

Nangunot ang noo ko dahil sa narinig. Nakaramdam ako ng inis sa aking katawan dahil sa sinabi niya. Taas-noo ko siyang hinarap kahit bakas sa mukha ko ang takot.

I need to escape from this cage. A cage where my fear envelops me.

"H-hindi ko pinapatulan 'yang kapatid mo. K-kinakausap ko lang siya."

Nakaya ko. Nakaya kong kumausap sa may malaking pangangatawan.

Malaking pag-lunok ang iginawad ko matapos kong sabihin 'yon. Pero dahil din sa aking sinabi ay hindi man lang siya natinag. Nanatiling walang emosyon ang mga mata, his lips were in thin line that made my heart beat faster. Nainis siya.

"Ate." Hindi ko pinansin si Fraysia sa paghila niya ng kamay ko.

"Wala akong ginagawa sa kanya. Nakita mo ba na may ginawa ako sa kanya?!" Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko.

Hingal na hingal ako dahil sa kaba ko sa dibdib ngunit siya ay hindi man lang nasindak sa sigaw ko. Sino ba naman ang masisindak sa sigaw ko kung sobrang hina ito.

"Ate, tara na. Malaki ang katawan niyan," usal ni Fraysia, patuloy niyang hinihila ang kamay ko, dahil na rin sa takot.

Ngunit naguumapaw pa rin ang inis ko kaya naman lumapit ako sa lalaking 'yon. Nanatiling blanko ang ekspresyon niya. Hindi ko na mapigilan pa. Agad ko siyang sinuntok sa kanyang braso at saka sinigawan siya ng, "Takkim!"

Kitang kita ko na hindi siya nasindak sa aking sinabi ngunit ang gilid ng labi niya ay bahagyang umangat.

Dahil hindi siya nasindak, mabilis kong hinawakan si Fraysia sa kamay at agarang tumakbo. Sobrang bilis ng pintig ng aking puso. Parang ako pa ang nasaktan sa pagsuntok ko sa kanya.

"A-ate," Hihingal hingal na saad ni Fraysia sa akin noong nakalabas kami ng school.

"Kilala mo ba 'yon?"

"Opo, kuya po ni Rasher," tugon niya.

Pinatong ni Fraysia ang magkabilang kamay niya sa kaniyang tuhod at yumuko ito habang hinahabol ang hininga.

"Grabe ate, ang tapang mo ro'n!" Hindi makapaniwalang saad niya.

Natawa ako at kinuha ang baunan kong tubigan 'tsaka ko binigay ito sa kaniya. Inabot niya naman ito at binuksan 'tsaka uminom.

"Swabe ba? P'wede na ba ako sa karate?" Natatawa kong usal.

Pinunasan niya muna ang kanyang labi bago nang matapos uminom bago ito sumagot, "Opo! Grabe hindi ko inaasahan 'yon! Akala ko papatulan niya tayo dahil malaki ang mga braso niya."

"Kaya nga, eh." Tumawa ako nang malakas. Binigay niya naman sa akin ang tubigan ko at saka ko inubos ang natira niyang tubig.

"Kahit kilala ko po 'yung kuya ni Rasher, hanggang ngayon po ay natatakot pa rin ako sa kanya," muli niyang usal.

Sasagot sana ako nang saktong may pumarada na kotse sa harapan namin. Pinasok ko na ang tubigan ko sa bag at lumapit sa kotse noong bumukas ang pintuan ng driver's. Si kuya Franco ito at dala niya ang nagtatakang reaksyon.

"Ayos lang ba kayo? Para kayong galing sa karera," Nagtataka niyang tanong.

"May malaking tao po kasi ro'n na umaway kay Ate. Para po siyang kapre. Magkasing-tangkad po kayo," Si Fraysia ang sumagot sa tanong no'ng kanyang Kuya.

Kumunot pa lalo ang noo ni kuya Franco dahil sa balitang narinig. Nilingon niya ako at akmang hahawakan ako upang tingnan kung may sugat ba akong natamo ngunit mabilis akong umatras.

"Ayos lang po ako. Siya nga po 'yung sinuntok ko, eh," mayabang kong sabi sa kaniya. Nakita ko naman na natigilan siya sa aking sinabi.

"Opo! Ang galing nga po ni Ate. Sinuntok niya 'yung lalaki sa braso. Ang laki pa naman no'ng mga braso niya!" Sabat ni Fraysia na tuwang tuwa dahil sinuntok ko 'yung lalaki. "Pero alam mo kuya! Ang gwapo niya! Gwapo po siya kuya. Malalaki 'yung mga braso at ang gwapo niya—"

"Tama na," Pagputol ni kuya Franco sa kanya. Umigting ang panga niyang bumaling siya sa akin. "Sino ang lalaking 'yon? Kilala mo ba?"

"H-hindi po, pero kilala po siya ni Fray."

Nilingon niya ang kapatid.

"P-pero, kuya, malaki po ang katawan niya, baka hindi niyo po kayanin."

Tumango ako kay kuya Franco. Totoong malaki ang katawan noong lalaki, at hindi ko rin alam kung kakayanin ba ni kuya Franco kung magsusuntukan sila.

"Tara. Puntahan natin siya."

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Sa sinabi niyang 'yon, naisip ko bigla si mommy. Kapag nalaman niyang may kasuntukan si kuya Franco dahil sa akin, baka kung ano na namang mga bodyguards ang makakasama ko sa loob ng classroom. Baka pagtawanan na naman ako ng mga kaklase ko.

Akma siyang papasok ng school ngunit agad kong hinawakan ang pulsuhan niya upang pigilan siya.

"Hala! Kuya Franco, h'wag na po. Hindi naman niya ako binastos. Ginawa ko lang po 'yon kasi akala niya inaaway ko 'yung kapatid niya," paliwanag ko.

"Baka kung anong gawin niya sa 'yo, Natasha—"

"Hindi po! Kaklase naman po ni Fraysia 'yung kapatid naman nung si lalaking malaki ang katawan."

Bumuntong-hininga siya. Mabilis ko namang binawi ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Umuwi na lang po tayo dahil may mga activities pa po akong gagawin," saad ko. "H'wag niyo na lang po sabihin ito kay mommy o kaya kay papa."

"Pero sa susunod, sabihan niyo agad ako kapag may lumapit na naman sa inyo," pagpapaalala niya sa amin ngunit nasa akin ang paningin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status