My Island (The Strict CEO)

My Island (The Strict CEO)

last updateLast Updated : 2024-05-12
By:   SleepyGrey  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
89Chapters
8.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literature has earned a lot of attention in her literary journey, where she also met her pen partner, Bien Fausto. Both of them are novelists who are dedicated to their craft, but everything changes when Anna discovers a paradise in Kauai and loses herself to a man named Jax. A messed-up situation that will change the way things were used to be. How will these unintentional events affect their lives? Will Anna be able to recover from her mistake, or is this the beginning of a new chapter in her life with another man?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

NAPUNO ng napakaraming ilaw ang event hall ng Novotel London West kung saan daan-daang mga kilala at mga baguhang manunulat ang naroon para sa gaganaping Romantic Novelists’ Association’s Winter Party and Industry Awards ceremony. Lahat ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kapwa manunulat ay isang binata ang pinagkumpulan ng mga kababaihan. “Woah! This still blows my mind!” manghang saad ng isang dalaga na hindi maalis ang tingin sa binata. “You’re J. Alexander!” “I had no idea the person behind the super romantic and heart-wrenching story “Chased” was such a young handsome man who is now standing in front of us!” nakangiting wika ni Charlotte, isa sa mga sikat na batang manunulat. “I’m completely engrossed in your story, Alexander. Your talent for capturing women’s hearts is truly impressive,” puri ng isang babae. Ngunit sa kabila ng mga papuri na natatanggap ni Jax ay nanatiling siyang walang kibo. Isa sa mga babaeng nasa kanyang harapan ay biglang inangkla ang braso sa kan...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-06-19 10:39:51
1
user avatar
Rivelyn Destua
next chapter please ang ganda ng story
2023-02-05 09:14:15
1
89 Chapters
Chapter 1
NAPUNO ng napakaraming ilaw ang event hall ng Novotel London West kung saan daan-daang mga kilala at mga baguhang manunulat ang naroon para sa gaganaping Romantic Novelists’ Association’s Winter Party and Industry Awards ceremony. Lahat ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kapwa manunulat ay isang binata ang pinagkumpulan ng mga kababaihan. “Woah! This still blows my mind!” manghang saad ng isang dalaga na hindi maalis ang tingin sa binata. “You’re J. Alexander!” “I had no idea the person behind the super romantic and heart-wrenching story “Chased” was such a young handsome man who is now standing in front of us!” nakangiting wika ni Charlotte, isa sa mga sikat na batang manunulat. “I’m completely engrossed in your story, Alexander. Your talent for capturing women’s hearts is truly impressive,” puri ng isang babae. Ngunit sa kabila ng mga papuri na natatanggap ni Jax ay nanatiling siyang walang kibo. Isa sa mga babaeng nasa kanyang harapan ay biglang inangkla ang braso sa kan
last updateLast Updated : 2022-01-24
Read more
Chapter 2
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Anna mula sa kanyang ina nang makapasok ito sa kanyang k’warto. Hindi nakaimik ang dalaga dahil sa labis niyang pagkabigla. “Wala kaming ibang gusto sa ‘yo ng Dad mo kung ‘di ang ikabubuti mo lang tapos ito ang gagawin mo sa amin?” At hinampas sa kanyang mukha ang isang papel. “Sinabi na namin sa ‘yo na hindi ka papakainin ng pagsusulat mong ‘yan pero ano ang ginawa mo?” tanong ng kanyang ina na galit na galit at tinuturo ang papel na hinampas sa kanyang mukha. “Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bihisan, buhayin at ibigay ang lahat ng kailangan mo ganito ang isusukli mo sa amin ng Dad mo? Nang dahil sa lintik na pagsusulat na ‘yan nagawa mo kaming suwayin!” Napatingin si Anna sa sahig kung saan naroon ang sulat at nakita niya ang selyo ng UP-Diliman, kahit na hindi niya iyon basahin alam niya kung ano ang nilalaman noon. Nang sandaling iyon umalingawngaw sa kanyang alaala ang sinabi ng binata sa kanya noong nasa London ito. “
last updateLast Updated : 2022-01-24
Read more
Chapter 3
8 YEARS had passed… “One iced Americano,” nakangiting order ni Anna. “What’s size do you like?” tanong ng barista. “A venti.” “Your name is?” “Anna.” “That would be a hundred and sixty.” Binuksan ni Anna ang kanyang bag para hanapin ang kanyang wallet ngunit kahit na anong halughog niya sa kanyang bag ay hindi njya makita ito. “Where did I put my wallet?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy na hinahalughog ang kanyang bag. “I’ll pay for her coffee. A venti iced Americano with four shots of expresso without water for me, please,” magalang na sabi ng lalaki na sumiksik sa harapan ni Anna. “What is your name?” “Bien,” nakangiting sagot ng binata. Napatingin si Anna sa lalaking nasa kanyang harapan. “Bien?” Humarap ang binata kay Anna na may ngiti sa mga labi nito. “Good morning, Doopie!” nakangiting bati nito sa dalaga. Napayakap naman si Anna kay Bien sa labis na pagpapasalamat sa pagsalba sa kanya sa kahihiyan. “You’re my real lifesaver talaga!” wika ni Anna na may
last updateLast Updated : 2022-06-01
Read more
Chapter 4
LUMINGON ang binata at nakita niya ang babae sa loob ng café na nakasunod pa rin ng tingin sa kanya. Sumakay siya ng kotse at tumingin sa labas ng kanyang bintana na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin ang dalaga sa kanya kahit na nakasakay na siya sa kotse. Pinagmasdan niya ito hanggang sa nakita niyang hinalikan ito ng lalaking kasama nito. Inalis niya ang kanyang tingin at humarap sa kanyang driver. “Let’s go,” malamig niyang utos. Sumunod naman ang driver at sinimulang buhayin ang makina ng kotse. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa dalaga at nakita niya ang malawak nitong mga ngiti dahilan para humigpit ang hawak ng binata sa kanyang kape. Ngunit mabilis niya ring ikinalma ang sarili sa pamamagitan nang paghinga nang malalim at sabay inilayo ang kanyang mga tingin dito. “I think you’re happy now,” malamig nitong saad sa kanyang isipan. “Anna.” *** “AT HETO NA! Ang couple ng DRB! Bienna!” hiyaw ni Krystal na hype na hype ang energy. Natigil ang pagtatawanan namin ni B
last updateLast Updated : 2022-06-02
Read more
Chapter 5
AIRPORT, “Sorry, Bien. Gusto man kitang isama pero—” “No need to feel sorry, Anna,” saad ni Bien at hinawakan sa magkabilang mga balikat ni Anna. “There’s no need to be sorry, Anna. This is also a good thing that happened. I need to finish my book and get started on yours. We can concentrate on our writing while we are separated,” paliwanag ng binata. Napayuko si Anna na tila nalungkot sa sinabi ni Bien. Iba ang naging dating nito sa kanya na para bang isa siyang malaking distraction para sa binata. Alam niya namang kailangan nang matinding focus sa pagsusulat pero iba lang talaga ang naging dating sa kanya ng rason ni Bien. Pakiramdam niya ay gusto nito na malayo sila sa isa’t isa. “Anna,” tawag ni Bien sa kanyang atensyon sabay hinawakan sa kanyang baba para iangat ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga paningin. “Don’t be depressed and anxious. I just want you to finish your novel while you’re on vacation. This is a once-in-a-lifetime opportunity that should not be giv
last updateLast Updated : 2022-06-03
Read more
Chapter 6
BINALOT nang katahimikan ang buong biyahe ni Jax hanggang sa makarating ng airport. Saktong pagkapasok niya ay narimig niya ang pag-page sa mga pasahero na aalis papuntang Kauai. “Final call for boarding, final call for boarding for the last remaining passengers. The last remaining passengers on Philippine Airlines flight JJ013 bound to Kauai. Please board in aircraft through Gate 3. This is your final call for boarding, all board, please.” Nang marinig niya ang anunsyo ay dire-diretso ang kanyang lakad papuntang Gate 3. “You’re boarding pass, Sir?” Ibinigay ni Jax ang kanyang boarding pass sa staff at nang ma-check iyon ay pina-assist siya ng staff sa isang flight attendant papunta sa first-class suite. “This way, Sir,” nakangiting wika ng babaeng flight attendant na magalang na itinuro ang daan papunta sa first-class suite na tahimik lang na sinundan ng binata. *** ABALA naman si Anna sa pag-ayos ng kanyang pagkakaupo nang bigla niyang maamoy ang isang pamilyar na pabango. Na
last updateLast Updated : 2022-06-04
Read more
Chapter 7
NAPADILAT si Anna sa kanyang pagkakatulog na may malakas na pagkabog sa kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita at nanatiling nakadilat ang kanyang mga mata na hindi man lang kumukurap. “Tatay…” mahina niyang usal. Ilang saglit siyang naging ganoon hanggang sa huminahon ang kanyang puso at magawan niya ng maikumpas ang kanyang sarili. Sa kabila na naikumpas niya na ang kanyang sarili ay hindi niya nagawang mapigilan ang sarili sa lungkot na kanyang nararamdaman—ang labis na pangungulila sa kanyang tunay na ama. Kumawala ang munting butil ng luha sa gilid ng kanan niyang mata na mabilis niyang pinunasan para hindi makita ng sinuman. Napalingon ang dalaga sa labas ng bintana ng eroplano na kasulukuyang nababalot nang matinding kadiliman. Naibaling sa iba ang atensyon ni Anna nang makita niya ang sarili niyang repleksyon sa salamin dahilan para mapakuyom siya ng kanyang kamay. “Pangako, Tatay, hahanapin kita,” determinadong saad ni Anna sa kanyang repleksyon kung saan kitang-kita niy
last updateLast Updated : 2022-06-05
Read more
Chapter 8
WALANG SINAYANG na panahon si Anna at ginalugad niya ang buong resort na labis niyang ikinasaya. Kahit saan siya magpunta ay hindi siya binigo ng isla na patuloy na mamangha at mas lalong mapaibig nito. “Kung narito lang sana si Bien, tiyak na mag-e-enjoy siya tulad ko,” wika ni Anna sa kanyang sarili. Umahon siya sa dagat at kinuha ang kanyang balabal at nagtungo sa isang cottage kung saan naroon ang kanyang laptop. “Now, let’s start to write,” masaya niyang saad at nagsimula ng tumipa sa kanyang laptop. *** NAPAHUGOT nang malalim na paghinga si Jax habang binabasa ang mga papeles na nasa kanyang lamesa. Yamot at gigil ang nangingibabaw sa kanya nang sandaling iyon dahilan para mas lalong kabahan ang manager at punasan ang kanyang noong pinagpapawisan nang malamig. “Manny,” tawag ni Jax sa manager na umiigting ang panga. “Yes, Sir?” nahihirapang tugon nito kay Jax na napalunok nang malalim dahil sa labis na takot na nararamdaman. Ibinaling binata ang kanyang tingin kay Manny a
last updateLast Updated : 2022-06-06
Read more
Chapter 9
NARAMDAMAN ni Anna ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat dahilan para mapatigil ito sa kanyang pagtitipa sa kanyang laptop at napatingin sa paligid na binabalot na pala ng dilim. Sa labis na konsentrasyon na ginawa ng dalaga sa kanyang pagsusulat ay hindi niya na halos namalayan ang oras. Napainat ng kanyang mga braso at daliri ang dalaga na ngalay na ngalay buhat nang matagal na pagtitipa. Maging ang kanyang p’wet at likod ay napagod din dahil sa matagal na pagkakaupo. “Sheez! Gaano na ba ako katagal na narito?” tanong niya sa kanyang sarili at napatingin sa oras sa kanyang laptop. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang oras. “What? 6:30 na?” hindi makapaniwala niyang usal. Napasapo na lamang siya sa kanyang noo at natawa sa kanyang sarili. “I think I’ve had enough for the day. I need to get some rest,” nakangiti niyang sabi. Nagsimula na si Anna na magligpit ng kanyang gamit at bumalik na sa kanyang cabin. Nang makarating siya sa kanyang cabin ay pinuno niya ang b
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more
Chapter 10
HALOS mag-isang oras din bago natapos si Anna sa kanyang paliligo kung hindi pa nakaramdam ng gutom ay hindi pa ito aahon sa pagkakababad sa bath tub. Nagmadali itong magbihis dahil sa labis na gutom na kanyang nararamdaman lalopa’t hindi pa siya kumakain ng hapunan kung saan lampas na lampas na siya sa oras ng pagkain. Napahimas si Anna sa kanyang tiyan dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura. “Shit! Gutom na gutom na talaga ako,” ungot niyang angal dahilan para dali-dali siyang lumabas ng cabin para pumunta sa dining area ng resort nang maagaw ang kanyang paningin ng makukulay na ilaw at malakas na tugtugan. “Anong meron?” nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kung saan nanggagaling ang malakas na tugtugan maging ang makulay na ilaw na mukhang nagkakaroon ng kasiyahan. Habang naglalakad siya papalapit sa kung saan may kasiyahan ay mas lalong naging malinaw at malakas ang musika sa kanyang tainga. Nang tuluyan na siyang makalapit ay tuluyan s
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status