ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Anna mula sa kanyang ina nang makapasok ito sa kanyang k’warto. Hindi nakaimik ang dalaga dahil sa labis niyang pagkabigla.
“Wala kaming ibang gusto sa ‘yo ng Dad mo kung ‘di ang ikabubuti mo lang tapos ito ang gagawin mo sa amin?” At hinampas sa kanyang mukha ang isang papel.
“Sinabi na namin sa ‘yo na hindi ka papakainin ng pagsusulat mong ‘yan pero ano ang ginawa mo?” tanong ng kanyang ina na galit na galit at tinuturo ang papel na hinampas sa kanyang mukha. “Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bihisan, buhayin at ibigay ang lahat ng kailangan mo ganito ang isusukli mo sa amin ng Dad mo? Nang dahil sa lintik na pagsusulat na ‘yan nagawa mo kaming suwayin!”
Napatingin si Anna sa sahig kung saan naroon ang sulat at nakita niya ang selyo ng UP-Diliman, kahit na hindi niya iyon basahin alam niya kung ano ang nilalaman noon. Nang sandaling iyon umalingawngaw sa kanyang alaala ang sinabi ng binata sa kanya noong nasa London ito.
“You should not let anyone dictate your life. The only one responsible for your life is you not anyone nor your family.”
Huminga nang malalim si Anna bago hinarap ang nanggagalaiti sa galit niyang ina.
“Mom, alam ko po ginagawa niyo ang lahat para sa akin ni Dad pero sa pagsusulat lang po ako masaya sana naman maunawaan niyo po ako,” mahinahong pagsusumamo ni Anna sa kanyang ina.
“Alam mo pala na ginagawa namin ang lahat para sa ‘yo kaya bakit mo kami kailangan na suwayin? Bakit kailangan mong ipagpilitan ang pagsusulat na ‘yan na wala namang ginagawang mabuti para sa ‘yo? Panira lang ang pagsusulat na ‘yan sa buhay mo!” saad ng kanyang ina sa mataas na boses.
Hindi matanggap at hindi na kaya ni Anna ang magtimpi. Masyado na siyang nasasaktan sa mga pinagsasabi ng kanyang ina.
“Panira? Talaga ba, Mom?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa kanyang ina.
“Oo! Panira talaga ‘yang pagsusulat na ‘yan sa buhay mo! Sa buhay nating lahat! Kung hindi dahil sa lintik at basurang pagsusulat na ‘yan hindi tayo magkakaganito!”
“Mom, hindi basura ang pagsusulat!” mariing tutol ni Anna at kasabay noon ay ang pagkawala ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. “Ito na nga lang po nagpapasaya sa akin pati ba naman ito gusto niyong alisin sa akin tulad ng ginawa mong pag-alis sa akin ng tatay?” garalgal na tanong niya. “Ano pa ba ang gusto mong alisin sa akin, Mom?”
“Hindi pa ba sapat na nandito na ang Daddy Hugo mo at gusto mo pa rin makasama ang wala mong k’wentang ama? Hindi pa ba sapat ang ibinibigay niya sa ‘yo at hindi mo magawang kalimutan ang palamunin mong ama?”
Napakuyom ng kamay si Anna sa masasakit at mapanirang salitang lumalabas sa bibig ng kanyang ina sa sarili at tunay niyang ama.
“Kaya ba nagawa mong iwan si Tatay dahil hindi niya maibigay ang mga bagay na kaya ngayon na ibigay ni Dad sa ‘yo?” tiim-bagang tanong ng dalaga na may mga malalalim na paghinga. “Mahal ka ni Tatay pero nagawa mo siyang ipagpalit para sa sarili mong kaginhawaan.”
“Bakit sa tingin mo mabubuhay ba ako ng pagmamahal? Mabubusog ba ako ng pagmamahal niya? Hindi ‘di ba? Hindi!” mariing sigaw ng kanyang ina. “Kung nagtiyaga tayo sa tatay mong walang k’wenta pare-pareho tayong mamatay sa gutom!”
“Bakit, Mom? Ano ba ang mahalaga sa ‘yo? Pera? Puro ka na lang pera pera! Wala kang ibang gusto kung ‘di pera!” walang pagtitimping sagot ni Anna sa kanyang ina.
Muli, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Anna dahilan para maibaling ang kanyang mukhang sa kabilang direksyon. “Alam mo ba pinagsasabi mo?” nanggagalaiting tanong ng kanyang ina.
Nabigla man ay mabilis na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili at hinarap ang kanyang ina nang buo at may lakas ng loob.
“Magmamaang-mangan pa ba tayo, Mom? Hindi ba’t inasawa mo lang naman si Dad dahil sa mayaman siya kung hindi siya mayaman tulad ni Tatay sa tingin mo ba aasawahin mo si Dad?” masamang loob na tanong ni Anna sa kanyang ina na siyang ikinabigla nito.
Dahilan para maiangat muli nito ang kamay at akmang sasampalin ang dalaga ngunit mabilis na pinigilan ito ni Anna
“Wala kang hiyang anak!” galit na sigaw ng kanyang ina.
Maingat na binaba ni Anna ang kamay ng kanyang ina. “Kailanman ay hindi po ako naging sakit ng ulo sa inyo pero nang dahil sa pagsusulat ko naging isang masamang anak ako para sa inyo,” nanlulumong saad ng dalaga na sobrang nasasaktan nang sandaling iyon. “Nang dahil sa takot niyo na mawalan ng pera ay kinontrol niyo ako at kayo ang nagdesisyon para sa akin kahit na ayaw ko. Ginawa niyo akong puppet, Mom. Hindi niyo ako itinuring bilang isang anak.”
Tinignan ni Anna ang kanyang ina sa mga mata nito nang diretso. “Pera lang po ba talaga ang mahalaga sainyo? Kahit na sarili kong kalayaan na makapagdesisyon para sa sarili ko ay gusto niyo kontrolin?”
“Oo! Pera na kung pera pero kung wala ang perang sinasabi mo matagal ka na sanang patay! Hindi mo na maaalala ang pagmamahal, maging masaya at mga gusto mo sa sandaling kumalam na ang sikmura mo o ang magkasakit ka! Sa mundong ito walang ibang mahalaga kung ‘di ang pera! Pera lang ang magliligtas, magpapasaya at bubuhay sa ‘yo sa mundong ito kung walang pera walang k’wenta ang buhay mo! Mamamatay kang dilat.”
Hindi makapaniwala si Anna sa mga lumalabas sa bibig ng kanyang ina na siya niyang labis na ikinapanlumo. Naputol ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa nang biglang bumukas ang pinto.
“What’s happening here?” tanong ni Hugo nang makita niyang namumula ang mukha ni Anna at umiiyak ito.
Hindi sumagot si Anna at kinuha ang kanyang maleta at isa-isang kinuha ang kanyang mga damit at inilagay sa maleta.
“Anna, why are you packing your things?” nagtatakang tanong ng kanyang Dad na hindi naiintindihan ang nangyayari ngunit nagpatuloy sa pag-impake ng gamit si Anna.
Hinablot ng kanyang ina ang braso ng dalaga dahilan para maibaling ang tingin ni Anna rito.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” mariing tanong ng kanyang ina na may kasamang panlalaki ng mga mata nito.
“Nag-iimpake.” Sabay binawi ni Anna ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng kanyang ina.
“At sa tingin mo saan ka pupunta?”
“Kung hindi niyo magawang tanggapin ang pagsusulat ko. Aalis na lang ako sa bahay na ito,” desididong saad ni Anna.
Muli, hinatak ng kanyang ina ang kanyang kamay nang pagkalakas-lakas dahilan para mapaharap siya rito at isang malakas na sampal ang dumapong muli sa kanyang mukha.
“Wala kang utang na loob! Ito ba ang isusukli mo sa akin matapos ko gawin ang lahat sa ‘yo? Lahat ginawa ko para maibigay lahat ng pangangailangan mo tapos ito ibabayad mo sa akin?” sigaw ng kanyang ina sa abot ng kanyang makakaya.
Binawi ni Anna ang kanyang kamay at pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.
“Kung hindi niyo magawang tanggapin o respetuhin ang kagustuhan ko, ako na lang ang aalis nang matahimik na ang buhay nating lahat.” Sabay sara sa maleta at binitbit iyon palabas ng kanyang k’warto ngunit bago siya makalabas ng pinto ng kanyang k’warto ay hinarang siya ni Hugo.
“If you want to leave then leave everything you have. Everything that your Mom and I bought to you, leave it,” seryosong saad ni Hugo na nakikipagtitigan sa mata sa mata kay Anna. “You will not bring any things that came from our money.”
Napahugot nang malalim na paghinga at napatiim-bagang si Anna nang sandaling iyon. Napapikit siya ng kanyang mata ngunit mabilis niya rin iyon idinilat nang maikumpas niya ang kanyang sarili.
“Fine.” At binitawan ni Anna ang maletang hawak niya. Maging ang susi ng kanyang kotse, cellphone, mga alahas at maging ang suot niyang damit tanging bra at panty na lang ang kanyang suot.
“I bought this on my prize that I received through writing,” malamig na saad ni Anna na tinuturo ang kanyang suot na underwear at binuksan ang maleta niya saka kinuha ang puting bestida na binili sa kanya ng kanyang tatay noong ika-labing limang kaarawan niya. “I think I have the rights to get this dress that my father had gifted for me.” Sabay isinuot ang bestida.
Nang matapos ay inalis niya ang kamay ni Hugo na nakaharang sa daan at naglakad papunta ng hagdan ngunit bago pa man siyang magsimula na makababa ay nagsalita si Hugo.
“If you’re going to leave this house, we will never accept you if you came to us. Forget that we are your family.”
Napapikit si Anna sa kanyang narinig mula kay Hugo. Bigla namang umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi sa kanya ng binata sa London.
“You should not let anyone dictate your life. The only one responsible for your life is you not anyone nor your family.”
Napahugot nang malalim na paghinga si Anna at saka idinilat ang kanyang mga mata. “Don’t worry I won’t bother this family anymore,” lakas loob niyang sabi saka ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad pababa ng hagdan.
“Tandaan mo, Anna, kapag lumayas ka sa pamamahay na ito kalimutan mo na ako bilang ina mo!” sigaw ng kanyang ina.
Hindi sumagot o lumingon si Anna at dire-diretsong naglakad palabas ng pamamahay na iyon ngunit sinundan pa pala siya ng kanyang ina.
“Sinasabi ko sa ‘yo wala ka na talagang babalikan!”
Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa isa-isang pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang mukha labis siyang dinudurog nang sandaling iyon.
“Anna!”
Hindi niya nilingon ang sumisigaw niyang ina at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalayo siya sa lugar na iyon. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at napahagulgol na habang naglalakad papalayo sa kanyang pamilya. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig o isipan nang sandaling iyon, ang tanging alam niya lang ay labis siyang nasasaktan sa mga nangyayari.
***
SUNOD-SUNOD na pag-doorbell ang narinig ni Bien, ang pen buddy ni Anna, dahilan para dali-dali siyang naglakad palabas ng kanyang k’warto.
“Sandali lang!” sigaw ng binata.
Natigil ang pag-doorbell nang buksan niya ang pinto at laking gulat niya ng bumungad sa kanyang harapan si Anna na animo’y wala sa sarili.
“Anna? Anong ginagawa mo rito?” nagtataka niyang tanong sa dalaga.
Inangat ni Anna ang kanyang ulo at tumingin kay Bien.
“Bien…” mahinang tawag ni Anna sa binata na may pagmamakaawa sa kanyang tinig.
Nang sandaling marinig ni Bien ang boses ng dalaga ay alam niyang may mali na rito kung kaya’t hindi na siya nagtanong pa at pinatuloy ang dalaga sa kanilang pamamahay.
“Maupo ka muna. Ikukuha kita ng maiinom,” wika ni Bien na inalalayan si Anna hanggang sa makaupo ito sa sofa.
Hindi naman umimik si Anna at nanatiling parang wala sa sarili. Kumuha si Bien ng coca-cola sa fridge at inaabot iyon sa dalaga.
“Heto, inumin mo nang gumaan ang pakiramdam mo.”
Kinuha naman ng dalaga ang cola na inabot ni Bien ngunit ‘di niya iyon binuksan imbes ay hinawakan niya lang iyon at pinagulong-gulong sa kanyang palad. Nanatiling walang kibo si Anna at patuloy sa paglaro ng lata ng cola sa kanyang palad. Napakunot-noo ang binata sa aksyon ng dalaga kung kaya kinuha nito ang cola sa kamay ng dalaga at saka binuksan at muling ibinalik sa dalaga. Napatingala si Anna at tinignan ang kanyang pen buddy nang walang kabuhay-buhay
Napahugot nang malalim na paghinga si Bien at inilapit ang malamig na lata ng cola sa pisngi ni Anna na namumula. “Wala akong alam kung ano ang nangyari sa ‘yo pero alam ko makakagaan sa pakiramdam kung iinom ka ng matamis. Kaya inumin mo na ‘to habang malamig pa,” wika ng binata at binigyan ng isang maliit na ngiti ang dalaga.
Tinignan ni Anna ang cola na hawak ni Bien nang ilang segundo ngunit ‘di niya pa rin iyon kinukuha sa pagkakahawak ng binata kung kaya kinuha nito ang kamay ng dalaga.
“Inumin mo na.”
Muli, tinignan ni Anna ang kanyang hawak-hawak.
“Sige na, inumin mo na.” Muling sabi ni Bien at doon na napagdesisyunan na rin ng dalaga na sumimsim ng kaunting cola.
Pinagmasdan lang siya ng binata na animo’y binabasa at sinusubukang alamin kung bakit bigla itong pumunta sa kanilang bahay at wala sa sarili.
“Anna,” tawag niya sa dalaga para makuha nito ang pansin. “Bakit ka pala naparito?”
Inangat ni Anna ang kanyang tingin dahilan para magtagpo ang kanilang paningin ni Bien. Hinintay ng binata ang magiging sagot ng dalaga ngunit nanatili pa rin itong tahimik. Naghintay pa ang binata ng ilang saglit ngunit nanatili pa ring walang kibo ang dala at nang akmang magsasalita na siya ay nakita niya na lang na isa-isang bumagsak ang mga luha ni Anna.
Tumakbo ang pag-aalala sa kanyang katawan at mabilis na tumabi sa dalaga at inalo ito. “Anna, ano bang nangyari?” nag-aalala niyang tanong ngunit nanatiling walang kibo si Anna at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Naguguluhang pinagmamasdan ni Bien si Anna doon niya rin napagtanto na napakasimple ng itsura nito nang sandaling iyon. Iginala niya pa ang kanyang mga mata at hindi niya nakita ang paborito nitong hikaw at relo na hindi maaaring suot-suot nito sa tuwing aalis. Tinignan niya muli ang mukha ng dalaga kung saan namumula at may bakat ng kamay doon niya na napagtanto ang nangyari dito.
“Nag-away na naman ba kayo ng Mom mo?” tanong ni Bien.
“Lumayas na ako sa amin.”
“Ha? Ano?” gulat na bulalas ni Bien. “Bakit? Ano bang nangyari?”
Humarap si Anna sa binata na may labis na sakit, pait at lungkot sa mga mata nito.
“Bien, bakit? Bakit hindi ako maintindihan ni Mom? Ginawa ko naman lahat ang gusto niya. Sinunod ko lahat ng mga sinasabi niya. Wala akong hiningi sa kanya na kahit na anong kapalit pero bakit ang hirap niyang tanggapin ang pagsusulat ko? Bakit kailan niyang yurakan at tapakan ang tanging bagay na nagpapaligaya sa akin? Bakit?” Sunod-sunod na d***g ni Anna kay Bien.
Hinimas ni Bien ang likod ni Anna para pakalmahin ito ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Ramdam ng binata ang bigat na dinadala ng kanyang kaibigan kung kaya’t ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig at hinaplos ang buhok nito.
“All my life naging sunod-sunuran ako kay Mom. Ibinigay ko ang lahat para mapasaya siya. Nag-aral akong maigi para sa maging proud siya sa akin. Lahat ng achievements ko inalay ko para sa kanya para maging masaya siya pero bakit noong kaligayahan ko na ang hinihingi ko hindi niya magawang tanggapin?”
“Bakit, Bien? Ang simple lang naman ng hinihingi ko kay Mom, iyon ang maging masaya rin siya sa tanging bagay na nagpapasaya sa akin. Sa pagsusulat na nga lang ako nagiging malaya ipinagkakait pa niya sa akin. Bakit andali lang sa kanila na talikuran ako nang dahil lang sa kagustuhan kong magsulat? Bakit?” nasasaktang tanong ni Anna sa pagitan ng kanyang pagsinok.
Nasasaktan ang binata para kay Anna alam niyang wala siya sa posisyon para makialam sa pamilya nito ngunit bilang isang nagmamalasakit sa dalaga ay gusto niyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya.
“Nauunawaan ko ang nararamdam mo, Anna. Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon,” saad ni Bien na patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ng dalaga para kumalma ito.
Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Anna kung kaya inalis ni Bien ang pagkakayakap niya rito at inaangat ang mukha nito na nakayuko at pilit na itinatago sa kanya ang mga luhang patuloy na umaagos sa kanyang mga mata. Pinunasan ng binata ang mga luha ni Anna at ikinulong ang mukha nito sa kanyang mga palad dahilan para magtagpo ang kanilang mga mata.
“Talikuran ka man ng lahat, tandaan mo na nandito lang ako laging nasa tabi mo handa akong tumulong. Hindi kita iiwan pangako.” At isang banayad na halik ang iginawad ni Bien sa mga labi ni Anna.
8 YEARS had passed… “One iced Americano,” nakangiting order ni Anna. “What’s size do you like?” tanong ng barista. “A venti.” “Your name is?” “Anna.” “That would be a hundred and sixty.” Binuksan ni Anna ang kanyang bag para hanapin ang kanyang wallet ngunit kahit na anong halughog niya sa kanyang bag ay hindi njya makita ito. “Where did I put my wallet?” tanong niya sa kanyang sarili na patuloy na hinahalughog ang kanyang bag. “I’ll pay for her coffee. A venti iced Americano with four shots of expresso without water for me, please,” magalang na sabi ng lalaki na sumiksik sa harapan ni Anna. “What is your name?” “Bien,” nakangiting sagot ng binata. Napatingin si Anna sa lalaking nasa kanyang harapan. “Bien?” Humarap ang binata kay Anna na may ngiti sa mga labi nito. “Good morning, Doopie!” nakangiting bati nito sa dalaga. Napayakap naman si Anna kay Bien sa labis na pagpapasalamat sa pagsalba sa kanya sa kahihiyan. “You’re my real lifesaver talaga!” wika ni Anna na may
LUMINGON ang binata at nakita niya ang babae sa loob ng café na nakasunod pa rin ng tingin sa kanya. Sumakay siya ng kotse at tumingin sa labas ng kanyang bintana na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin ang dalaga sa kanya kahit na nakasakay na siya sa kotse. Pinagmasdan niya ito hanggang sa nakita niyang hinalikan ito ng lalaking kasama nito. Inalis niya ang kanyang tingin at humarap sa kanyang driver. “Let’s go,” malamig niyang utos. Sumunod naman ang driver at sinimulang buhayin ang makina ng kotse. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa dalaga at nakita niya ang malawak nitong mga ngiti dahilan para humigpit ang hawak ng binata sa kanyang kape. Ngunit mabilis niya ring ikinalma ang sarili sa pamamagitan nang paghinga nang malalim at sabay inilayo ang kanyang mga tingin dito. “I think you’re happy now,” malamig nitong saad sa kanyang isipan. “Anna.” *** “AT HETO NA! Ang couple ng DRB! Bienna!” hiyaw ni Krystal na hype na hype ang energy. Natigil ang pagtatawanan namin ni B
AIRPORT, “Sorry, Bien. Gusto man kitang isama pero—” “No need to feel sorry, Anna,” saad ni Bien at hinawakan sa magkabilang mga balikat ni Anna. “There’s no need to be sorry, Anna. This is also a good thing that happened. I need to finish my book and get started on yours. We can concentrate on our writing while we are separated,” paliwanag ng binata. Napayuko si Anna na tila nalungkot sa sinabi ni Bien. Iba ang naging dating nito sa kanya na para bang isa siyang malaking distraction para sa binata. Alam niya namang kailangan nang matinding focus sa pagsusulat pero iba lang talaga ang naging dating sa kanya ng rason ni Bien. Pakiramdam niya ay gusto nito na malayo sila sa isa’t isa. “Anna,” tawag ni Bien sa kanyang atensyon sabay hinawakan sa kanyang baba para iangat ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga paningin. “Don’t be depressed and anxious. I just want you to finish your novel while you’re on vacation. This is a once-in-a-lifetime opportunity that should not be giv
BINALOT nang katahimikan ang buong biyahe ni Jax hanggang sa makarating ng airport. Saktong pagkapasok niya ay narimig niya ang pag-page sa mga pasahero na aalis papuntang Kauai. “Final call for boarding, final call for boarding for the last remaining passengers. The last remaining passengers on Philippine Airlines flight JJ013 bound to Kauai. Please board in aircraft through Gate 3. This is your final call for boarding, all board, please.” Nang marinig niya ang anunsyo ay dire-diretso ang kanyang lakad papuntang Gate 3. “You’re boarding pass, Sir?” Ibinigay ni Jax ang kanyang boarding pass sa staff at nang ma-check iyon ay pina-assist siya ng staff sa isang flight attendant papunta sa first-class suite. “This way, Sir,” nakangiting wika ng babaeng flight attendant na magalang na itinuro ang daan papunta sa first-class suite na tahimik lang na sinundan ng binata. *** ABALA naman si Anna sa pag-ayos ng kanyang pagkakaupo nang bigla niyang maamoy ang isang pamilyar na pabango. Na
NAPADILAT si Anna sa kanyang pagkakatulog na may malakas na pagkabog sa kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita at nanatiling nakadilat ang kanyang mga mata na hindi man lang kumukurap. “Tatay…” mahina niyang usal. Ilang saglit siyang naging ganoon hanggang sa huminahon ang kanyang puso at magawan niya ng maikumpas ang kanyang sarili. Sa kabila na naikumpas niya na ang kanyang sarili ay hindi niya nagawang mapigilan ang sarili sa lungkot na kanyang nararamdaman—ang labis na pangungulila sa kanyang tunay na ama. Kumawala ang munting butil ng luha sa gilid ng kanan niyang mata na mabilis niyang pinunasan para hindi makita ng sinuman. Napalingon ang dalaga sa labas ng bintana ng eroplano na kasulukuyang nababalot nang matinding kadiliman. Naibaling sa iba ang atensyon ni Anna nang makita niya ang sarili niyang repleksyon sa salamin dahilan para mapakuyom siya ng kanyang kamay. “Pangako, Tatay, hahanapin kita,” determinadong saad ni Anna sa kanyang repleksyon kung saan kitang-kita niy
WALANG SINAYANG na panahon si Anna at ginalugad niya ang buong resort na labis niyang ikinasaya. Kahit saan siya magpunta ay hindi siya binigo ng isla na patuloy na mamangha at mas lalong mapaibig nito. “Kung narito lang sana si Bien, tiyak na mag-e-enjoy siya tulad ko,” wika ni Anna sa kanyang sarili. Umahon siya sa dagat at kinuha ang kanyang balabal at nagtungo sa isang cottage kung saan naroon ang kanyang laptop. “Now, let’s start to write,” masaya niyang saad at nagsimula ng tumipa sa kanyang laptop. *** NAPAHUGOT nang malalim na paghinga si Jax habang binabasa ang mga papeles na nasa kanyang lamesa. Yamot at gigil ang nangingibabaw sa kanya nang sandaling iyon dahilan para mas lalong kabahan ang manager at punasan ang kanyang noong pinagpapawisan nang malamig. “Manny,” tawag ni Jax sa manager na umiigting ang panga. “Yes, Sir?” nahihirapang tugon nito kay Jax na napalunok nang malalim dahil sa labis na takot na nararamdaman. Ibinaling binata ang kanyang tingin kay Manny a
NARAMDAMAN ni Anna ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat dahilan para mapatigil ito sa kanyang pagtitipa sa kanyang laptop at napatingin sa paligid na binabalot na pala ng dilim. Sa labis na konsentrasyon na ginawa ng dalaga sa kanyang pagsusulat ay hindi niya na halos namalayan ang oras. Napainat ng kanyang mga braso at daliri ang dalaga na ngalay na ngalay buhat nang matagal na pagtitipa. Maging ang kanyang p’wet at likod ay napagod din dahil sa matagal na pagkakaupo. “Sheez! Gaano na ba ako katagal na narito?” tanong niya sa kanyang sarili at napatingin sa oras sa kanyang laptop. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang oras. “What? 6:30 na?” hindi makapaniwala niyang usal. Napasapo na lamang siya sa kanyang noo at natawa sa kanyang sarili. “I think I’ve had enough for the day. I need to get some rest,” nakangiti niyang sabi. Nagsimula na si Anna na magligpit ng kanyang gamit at bumalik na sa kanyang cabin. Nang makarating siya sa kanyang cabin ay pinuno niya ang b
HALOS mag-isang oras din bago natapos si Anna sa kanyang paliligo kung hindi pa nakaramdam ng gutom ay hindi pa ito aahon sa pagkakababad sa bath tub. Nagmadali itong magbihis dahil sa labis na gutom na kanyang nararamdaman lalopa’t hindi pa siya kumakain ng hapunan kung saan lampas na lampas na siya sa oras ng pagkain. Napahimas si Anna sa kanyang tiyan dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura. “Shit! Gutom na gutom na talaga ako,” ungot niyang angal dahilan para dali-dali siyang lumabas ng cabin para pumunta sa dining area ng resort nang maagaw ang kanyang paningin ng makukulay na ilaw at malakas na tugtugan. “Anong meron?” nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kung saan nanggagaling ang malakas na tugtugan maging ang makulay na ilaw na mukhang nagkakaroon ng kasiyahan. Habang naglalakad siya papalapit sa kung saan may kasiyahan ay mas lalong naging malinaw at malakas ang musika sa kanyang tainga. Nang tuluyan na siyang makalapit ay tuluyan s
“HOW’S Jax doing? Hope that the talk goes smoothly between him and his dad,” hiling ni Anna na may halong pag-aalala.“Anna…”Naibaling ni Anna ang kanyang pansin sa kanyang ama na tumawag sa kanya dahilan para kaagad siyang lumapit.“Tatay…” mahina niyang sambit sa kanyang ama saka ito niyakap.Matapos ang ilang saglit na yakapan ay pinakawalan niya ito at dahan-dahang sinuring mabuti ang kabuuhan ng ama na nakaupo sa wheel chair. Ilang buwan din na rin ang lumipas nang unang magkita silang muli at masasabi niyang mas bumabagsak ang katawan ng kanyang ama.“Sweetie…” mahinang sambit ng kanyang ama nang abutin ang kanyang pisngi at marahan nitong hinaplos dahilan para makakawala si Anna sa malalim nitong iniisip. “I know what you are thinking.”Hindi nakaimik si Anna dahilan para mapayuko ito ngunit kaagad na pinigilan ito ng ama at ikinulong ang mukha nito sa dalawa nitong mga kamay.“I know you want me and your mom to get along, but you know that it will never happen. Your mom is no
LUMIPAS ang mga araw at unti-unti nang nagiging maayos ang lahat para kina Anna at Jax."I'm happy that you are here by my side, Anna," mahina ngunit sinserong saad ni Jax habang nakayakap kay Anna na bahagyang humigpit.Napangiti si Anna sa kanyang narinig. Hindi niya sukat akalain na may pag-asa pa silang dalawa ni Jax na magkaayos at makasama nang sandaling iyon dahil kung babalikan niya ang mga panahong para wala siyang halaga kay Jax ay napakalayo na nito sa kung paano siya tratuhin nito ngayon. Hindi niya maipagkakailang sa bawat aksyon na ginagawa at pinapakita nito ay labis ang tuwa at kilig na kanyang nararamadaman. Tila ba para siyang dalagang bago lamang sa isang relasyon, sobrang tamis at napakaalaga kasi ng binata sa kanya."You don't how happy I'm too," maikling tugon ni Anna na may ngiti sa kanyang labi.Hindi naman magawang hindi matuwa ni Jax sa kanyang narinig at hinarap ang dalaga paharap sa kanya at saka ito niyakap nang mahigpit."I know I can't undo things that h
BIGLANG napangisi si Alexander habang nakaupo na nataong nakita ni Lax.“What are you planning, dad?” seryosong tanong ni Lax dahilan para maibaling ng matanda ang kanyang atensyon sa panganay na anak.“What are you saying, Lax?” pabalik na tanong nito na nagmamang-maangan sa tanong ng anak nito.Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Lax sa naging tugon ng kanyang ama. “Why are you doing this?”Hindi umimik ang matandang lalaki at nakipagtitigan lang kay Lax ngunit matapos ang ilang saglit ay napailing ito at tumawa nang mahina.Napahugot naman nang tahimik na paghinga si Lax na napapikit ng mata na agad namang idinilat at nakita ang ngiti sa mukha ng kanyang ama.“I don’t understand you, Dad. Why are you doing this? Why are you turning Jax into a monster? Why do you want him to hate you? Why are you subjecting him to so much trauma? Why are you doing this, Dad? I don’t really understand you at all.” Sunod-sunod na tanong ni Lax na labis na naguguluhan at hindi maunawaan kung ano ba
"WHERE is she?" bungad na tanong ni Jax nang sandaling makapasok siya ng kabahayan habol ang hininga at labis na nag-aalala"We don’t have any news as of now, but authorities are searching for the kidnappers location," sagot ni Lax."Fuck! I thought everything will be okay since Viv has been already put in her place," mariing saad ni Jax na napakuyom ng kanyang kamay. "But why this is happening? Who the hell doing this-"Hindi nagawang matapos ni Jax ang kanyang sasabihin nang mapansin ang pagkagulat sa mga mukha ng kanyang mga kapatid. Bahagya itong napakunot ng noo."Dad, what are you doing here?" mahinang usal ni Lax nang makita ang kanilang amaTila naman nanigas ang katawan ni Jax nang marinig ang inusal ng kapatid.Dad?Ngunit sa kabila ng kanvang pagkabigla ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang sarili. Gusto niyang makatiyak kung talagang naroon ang lalaking kanyang kinamumuhian. Sa bawat segundo ng kanyang pagkilos ay kasabay noon ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hind
MATAPOS sabihin iyon ni Anna ay tinalikuran niya si Bien ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may sinabing muli ang binata.“Why? Why don’t you give me another chance? Is it because of that monster?” malakas na sigaw nito. “What makes us different that you keep forgiving and giving him chances over and over again? Why? Is it because you love being tortured by—”Hindi nagawang matapos ni Bien ang kanyang sasabihin nang isang malakas na sampal muli ang dumampi sa pisngi nito.“How dare you talk to him in that way?” galit na sigaw ni Anna. “How dare you judge him based on what you've heard when you don't know anything about him?”Napapalatak si Bien sa labis na pagkadismaya. “Why would knowing him change the fact that he hurt you? You're defending the wrong man, Anna!”“Enough, Bien! I've had enough of your bullshit! It's none of your business if I choose to stay and love the man you've been judging. I'm content with what I have right now, so stop trying to bargain with me because I wo
UNTI-UNTI ng nagiging maayos ang lahat sa buhay nina Anna at Jax. Pumayag na rin si Jax na mag-undergo siya ng rehabilitation para sa kanyang PTSD, hindi man naging madali ang nagging proseso ngunit pilit na kinakaya ni Jax hindi lamang para sa kanyang sarili kung ‘di para na rin sa kanyang pamilya.“I'm pleased to see that you're making excellent progress in your rehabilitation, Mr. Tuazon,” wika ni Dr. Castro.Napayuko si Jax at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Well, thanks to the person who’s been always supportive, caring and continuing loving me without boundaries. She is the one pushed me to face my fears with courage and I’m so blessed that she’s the one by my side.”Hindi umimik si Dr. Castro at pinagmasdan lamang ang binata at hindi nito maitatanggi na malaki na rin ang pinagbago nito maging ang pananaw nito sa mga bagay-bagay at natutuwa siya para dito.“That’s good to hear, Mr. Tuazon.” Ngunit gusto pa rin ng doctor kung hanggang saan limitasyon nito sa kasaluyang si
ILANG araw na binagabag ng kanyang isipan si Jax. Nag-isip siya nang nag-isip ng mga paraan kung paano niya itatama ang lahat ng kanyang pagkakamaling nagawa kay Anna. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang itama ang lahat.“If I could only...”Ngunit bago pa man ni Jax matapos ang kanyang sasabihin ay mabilis niyang iniling ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang kanyang iniisip at kaagad na ikinumpas ang kanyang sarili.“This isn’t the time for excuses. I need to genuinely make things right with Anna,” determinadong saad ni Jax sa kanyang sarili.Tumayo si Jax sa kanyang kinauupuan at mabilis na umuwi ng bahay para harapin ng buo si Anna. Bagamat puno man nang mga agam-agam ang kanyang isipan at takot ang kanyang puso sa maaaring maging tugon ni Anna sa kanyang pagharap ay pilit niyang nilabanan iyon lalo nang umalingawngaw muli ang mga katagang binitawan ni Tox sa kanya ng gabing iyon.“You’ll not be able to overcome that fear that keeps eating you if you will not make a way t
HUMINGA nang malalim si Anna nang matanaw ang isang pamilyar na imahe sa hindi kalayuan."Tatay..." mahina niyang sambit.Naramdaman ni Anna ang usang magaan na pagdampi ng kamay sa kanyang balikat dahilan para mapatingin siya kay Napoleon."How is he been doing?" tanong ni Anna na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha.Isang malalim na butong-hininga ang pinakawalan ni Napoleon bago sinagot ang tanong ni Anna."His health has taken a turn for worse," malungkot na saad ni Napoleon na mas lalong ikinapag-alala ni Anna.Ibinaling ng dalaga ang kanyang tingin sa kanyang ama na nakatanaw sa malayo."The medication is the only thing keeping him in a stable condition."Hindi alam ni Anna ang kanyang gagawin para matulungan niya ang kanyang ama. Alam niyang dahil sa ginawa ng kanyang ina kaya nagkaganoon ang kanyang ama. Gusto niya sisihin ang kanyang ina ngunit hindi rin nito mababago o magagamot ang kondisyon na meron ang kanyang ama."What am I going to do?" mahina niyang tanong sa kan
"THIS IS OUTRAGEOUS! Dad, you need to intervene! I refuse to spend another moment in this godforsaken place! I won't rot away here!" paghihisterikal na sigaw ni Vivienne habang kausap ang ama."Honey, calm down. You don't have to worry. I will do my best—""I don't want to hear promises, Dad! I want you to get me out of here right now!""I'm doing my best, honey, just be patient for-"Muling pinutol ni Vivienne ang pagsasalita ng kanyang ama at muling sinigawan ito."Crap the bullshit, Dad! If you don't want me to lose my mind, get the hell out of me here!" pagwawalang sigaw ni Vivienne na animo'y mawawalan na sa katinuan at labis na itong nilalamon ng pagkawalang-taros nang sandaling iyon. Huminga ito nang malalim para muling ikumpas ang sarili. "If you are really care for me, Dad, do everything you can to get the hell out of me here. Do everything...by any means."Kitang-kita ng ama ang pagkawalang-taros ng anak at labis na dinudurog ang kanyang puso sa kanyang nasasaksihan nang san