|| WARNING: R18 MATURE CONTENT (SPG) || Isang babae na nagdesisyon na mamuhay ng mag-isa, malayo sa kontrol ng kanyang mga magulang, ang makakakilala sa isang mafia boss na walang ibang ginawa kundi kontrolin ang lahat ng tao o bagay na nasa kanyang paligid. Ngunit paano kung mahulog ang loob nila sa isa’t-isa? Papayag kaya ang babaeng ito na muling kontrolin ng iba ang kanyang buhay lalo pa’t alam niyang gulo lamang ang dala nito sa kanyang buhay? Gusto niyong mabasa ang kwento nila?
Lihat lebih banyak"No!" mariin kong tanggi nang sabihin sa akin ng mga magulang ko na kailangan kong magpakasal sa isang pamilya na sumusuporta sa kanilang pamumuno nang sa gayon ay lalo pang lumalim ang ugnayan ng dalawang pamilya. "Naiintindihan ko ang gusto niyong iparating. At alam kong responsibilidad ko din na isipin kung ano ang higit na makakabuti para sa pamilya natin. Pero patawarin nyo ako ngunit hindi ko magagawa ang gusto niyo."
Kingdom of Hexoria, iyan ang tawag sa bansa na siyang tinitirhan namin.
Maliit lamang ang lupain na ito at napapalibutan ng malalakas na alon na nagmumula sa timog na bahagi ng karagatang pasipiko.
Iba't-ibang malalaking bansa din ang sumakop dito noong unang panahon hanggang sa tuluyan itong nagkaroon ng kalayaan isang daang taon na ang nakakalipas.
At mula noon, ang pamilya Azaria na ang nagpaunlad nito mula sa pamumuno ng aking yumaong lolo, ama ng aking ama, na siyang unang hari ng aming kaharian nang makuha nito ang opisyal na kalayaan.
Isa sa kultura na na-adopt ng aming mga ninuno noon sa mga bansang sumakop sa amin ay ang pagturing sa mga tulad kong babae bilang mahihinang nilalang na walang ibang kayang gawin kundi ang maging asawa lamang.
Hindi ganoon kalakas ang boses naming mga babae sa bansang ito at patuloy pa din kaming minamaliit ng mga lalaki.
At naging tradisyon na sa aming pamilya na ang papel lamang ng isang prinsesang tulad ko ay ang maging kasangkapan na siyang magbubuklod ng mga pamilya sa ilalim ng kasal.
Itinanim sa aming mga utak na upang makatulong kami sa aming pamilya at mapanatili ang impluwensiya nito bilang pinuno ng bansa ay kailangan naming magpakasal sa mga pamilyang kayang suportahan ang palasyo.
Kaya natural sa amin ang mga arranged marriage.
Pero hindi ako sang-ayon sa bagay na iyon.
Para sa akin, ang dalawang tao ay dapat mayroong pagmamahal sa isa't-isa bago pumasok sa isang relasyon. At dapat ay naiintindihan nila ang isa't-isa bago pumasok sa sagradong seremonya ng kasal.
Hindi lamang ito isang politikal na paraan upang maselyuhan ang pagkakaisa ng mga pamilya.
Higit pa ito sa ano pa mang kasunduan kaya dapat ay hindi ito minamadali.
Isa pa, hindi din ako sang-ayon na hanggang ngayon kung kailan kinikilala na sa buong mundo ang pagiging kapantay ng mga lalaki ang kababaihan ay patuloy pa din kaming minamaliit sa bansang ito.
Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa mga mata ng aking ama. "Hindi ko pinili na maging parte ng pamilyang ito ngunit nagpapasalamat ako na kayo ang naging mga magulang ko," panimula ko. "At alam kong wala pa din akong maipagmamalaki sa inyo dahil wala pa akong napapatunayan para sa sarili ko. Pero..." Muli akong huminga ng malalim. "Taliwas sa aking paniniwala ang pagpasok sa isang kasal kung saan walang pagmamahal na nararamdaman ang dalawang taong sangkot dito."
"Nakakalimutan mo ba na hindi din namin mahal ng iyong ina ang isa't-isa nang kami ay ikasal?" tanong sa akin ng aking ama. "Ngunit nang magsimula ang aming pagsasama ay unti-unti naming nakilala ang isa't-isa na siyang naging dahilan kaya nabuo ang pagmamahal namin."
"Pero hindi lahat ay maswerteng tulad nyo," sambit ko. "Hindi ba't, arranged marriage din ang naging dahilan ng pagsasama nila Kuya Cloven at Ate Allucia. Pero hanggang ngayon ay aminado silang dalawa na hindi pa din nila mahal ang isa't-isa na siyang dahilan ng mapipinto nilang paghihiwalay."
"Pero, anak..."
"Hindi ko po sinasabi na tatalikuran ko ang aking tungkulin bilang prinsesa ng bansang ito," sabi ko bago pa ako putulin ng aking ina. "Gusto ko lang pong ibigay nyo din sa akin ang kaparehong kalayaan na ibinigay nyo kay Ate Rye."
"What?"
"Gusto kong maging independent," mariin kong sambit. "Gusto kong maging isang normal na mamamayan nang sa gayon ay matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong maging tulad ni Ate Rye upang patunayan na hindi lamang kami isang kasangkapan sa isang kasal. Gusto kong maging isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito."
Hindi sila nagsalita. Nanatili lamang na tahimik ang aking ama at nakatingin sa akin habang ang aking ina ay naghihintay din sa sasabihin nito sa akin.
"Sabihin mo sa akin, Clea Mair," sabi ng aking ama. "Kapag nagawa mo ang sinasabi mo at napatunayan mo ang sarili mo bilang isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito, ang kasunod ba nito ay ang paghingi mo ng karapatan upang manahin ang trono?"
Mabilis akong umiling. "Hindi ko kailanman inisip na makiagaw sa pamumuno sa bansang ito, mahal kong ama," sambit ko. "Nais ko lang imulat ang inyong mga mata na sa panahon ngayon, hindi nyo na maaaring maliitin ang kakayahan ng mga babae. Nais kong patunayan sa inyo na kung ano ang lakas, talino at diskarte ng isang lalaki ay makikita nyo na din ito sa mga babae."
Muli ay nabalot ng katahimikan ang buong silid.
Alam kong isang kapahangasan ang ginawa kong ito ngunit kung mananatili lamang akong walang imik ay hindi kailanman magbabago ang pananaw ng aming bansa sa kinalakihang paniniwala.
Bumuntong hininga ang aking ama. "Kung ganoon ay hinahayaan kitang gawin ang iyong gusto."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ta-talaga?"
Tumango siya. "Alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Siguradong aawayin mo lang din ako kapag hindi kita pinagbigyan kaya mas mabuti na ang ganito."
Hindi ako makapaniwala na agad kong mapapapayag ang aking ama sa unang beses kong pagkausap sa kanya.
Tama talaga ang aking desisyon na ilabas na agad ang aking hinain nang sa gayon ay mapag-usapan din agad.
"Maaari kang lumabas ng palasyo at manirahan sa labas bilang isang normal na mamamayan," dagdag niya. "Maaari kong saluhin ang iyong titirhan ngunit kailangan mong maghanap ng sarili mong trabaho upang tustusan ang iyong pagkain at pambayad ng mga bills gayong sinabi mo naman na gusto mong maging independent."
"H-hindi ba parang sobra naman---"
"Huwag kang mag-alala, mahal kong ina," nakangiti kong sabi. "Sapat na sa akin iyon."
"Kung ganoon ay gusto ko ding maging malinaw sayo na hindi mo maaaring gamitin ang mga pribilehiyo na mayroon ang isang prinsesa," dagdag pa ng aking ama. "Maliban na lamang kung nasa isang sitwasyon ka kung saan nanganganib na ang buhay mo, nagkakaintindihan ba tayo?"
Mabilis akong tumango. "Makakaasa po kayo."
Ngumiti siya pagkuwa'y tumayo sa kanyang kinauupuan. "Kung ganoon ay humayo ka at tanggapin mo ang kalayaan na aking ibinibigay sayo. At ipinapanalangin ko na sa iyong pagbabalik ay nakamtan mo na ang mga bagay na nais mong patunayan sa iyong sarili."
Andrel Raven’s POV“Dude…” Tinapik ni Jasper ang balikat ko. Nakatayo kami ngayon sa glass window ng Intensive Care Unit kung saan naka-confine ang kapatid niya. “I heard what you have done for my sister. Thank you. It means a lot to all of us.”“No problem, dude,” I said. “We might not see each other often and your sister might not even know me, we are still family.”My mother, the former empress of the Reveni Empire, is part of the Dahlia Clan. She is the eldest sister of the Duke of Axia Region of the Hexoria Kingdom. That makes Asper and her four siblings, Jasper, Kezia, Easter, and Aasiyah, my cousins.I have contacts with Jasper and Easter because they are using my company to transport their goods to other countries. We go hang out whenever we have free time and sometimes I even go to their house to visit their parents.Just a little gesture to continue our connection with their family since that is what my mother wants. Gusto niyang manatili na malapit kami sa pamilya niya kahi
Clea Mair’s POVIsang linggo na ang nakalipas nang huli kaming magkita ni Andrel. Yes, he is updating me on what is happening to him at Yain City but having him here definitely feels different.According to one of his messages, his cousin is in a coma and still in a critical condition. Ginagawa naman ng mga doctor ang makakaya nila para iligtas iyon pero naiintindihan ko kung bakit hindi pa din nawawala ang pag-aalala niya.Kaya naman mananatili pa din siya doon hanggang sa maging stable ang lagay nito o kung palarin man ay hanggang sa tuluyan na itong magising.Miracle and Rajiv were also out of reach. Kahit ang mga tauhan ni Miracle ay wala ding alam sa mga nangyayari dahil pinagbawalan sila nito na pumasok ng Yain City.Sinabihan lang sila nito na magbantay sa border ng siyudad at siguruhin na walang sinumang delikadong tao ang makakapasok doon.Then, they went silent.I kept calling but it was always straight to their voicemail. I just want to know if they are okay since the last
Clea Mair’s POVMiracle and Rajiv immediately left the bar after they received a call from their friends staying at Yain City. Hindi ko alam ang detalye pero bakas sa mga mata ni Miracle ang matinding pag-aalala kaya posibleng hindi maganda ang nangyari doon.Ipagdadasal ko na lang na kung anuman ang nangyari ay sana malampasan nila iyon.Hindi namin kasama si Andrel sa gabing ito dahil mayroon siyang importanteng meeting kasama ang isa sa executive ng company niya kaya nang iwan ako ng dalawa ay inaasahan ko nang mag-isa lang akong uuwi ngunit agad kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na kotse na nakaparada hindi kalayuan sa entrance ng bar.Nilapitan ko iyon at eksaktong lumabas na ang driver at si Andrel ang sumalubong sa akin.Sumilip ako sa loob ng sasakyan at himala yatang hindi niya kasama ngayon si Leon. At ito din ang unang beses na nakita ko siyang nasa driver seat ng sasakyan niya.Madalas kasi na nagpapa-drive lang siya kay Leon o ‘di kaya sa iba niyang kaibigan na
Clea Mair’s POVI failed.Naupo ako sa gutter ng kalsada kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andrel at nakapangalumbaba na tumingin sa langit.“I went there hoping to convince them to come clean with my sister but it looks like they don’t have any plan on doing that.” Bumuntong hininga ako at yumuko.Inaasahan ko pa na makikipagtalo sila sa akin. Kaya nga dinala ko si Andrel nang sa gayon ay makayanan kong makipagsabayan sa kanila pero kabaligtaran ang nangyari.They remained silent while I kept urging them to tell Miracle. They don’t budge at all, as if they are going to take it to their grave.“But that is not right.” I sighed again and lifted my head.Doon ko nakitang nakatayo na pala si Andrel sa harap ko. “Let’s go?” He offered his hand and I immediately took it.Tinulungan niya akong makatayo pagkuwa’y binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.I hopped in and immediately fastened my seatbelt.Nakasakay na din siya pagkatapos ko at agad nang pinaandar ang sasakyan niya.“Is it tru
Clea Mair’s POVMasamang tingin ang ibinibigay sa akin ng mga magulang ko ngayong kaharap nila kami ni Andrel dito sa office nila,Hindi ako nagpasabi na uuwi ako at lalong hindi ako nag-inform sa kanila na kasama ko si Andrel. Nalaman lang nila na narito kami sa mismong oras na pumasok kami ng palasyo.Kaya hindi na nakakapagtaka na ganito ang ibinibigay nilang tingin.Kahit sabihin na wala kaming advance appointment, hindi nila maaaring ipagtabuyan si Andrel o kaya ay hindi harapin dahil isa pa din siyang miyembro ng imperial family ng Reveni Empire.And he was involved with the conditions that his brother laid out to my parents in exchange for going forward with our wedding.So, they don’t really have any choice.Mom sighed and looked at me. “Why are you here, Clea?” she asked. “I told you to stay away from here for a while, right?”Mainit pa din ang isyu tungkol sa mga kumakalat na picture namin ni Andrel at dahil ang angkan ko mismo ang nagpakalat noon ay pinalalayo muna nila ako
Clea Mair’s POVWe have been receiving a deadly glare from the people of the palace as soon as I enter together with Andrel. Well, most of it is actually towards Andrel who doesn’t even bother to care about them. I guess he also expected it since he is aware that my clan does not like him.“Sorry kung ito ang sumalubong sayo,” bulong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa office ng mga magulang ko. This is not an official meeting so we don’t have to use the throne hall. Pribado ang sadya ko sa kanila kaya mas makakabuti kung doon din kami sa pribadong silid mag-uusap.“Don’t worry about it,” he said. “I am quite used to this kind of treatment from your clan.”“Oh.” Hindi nga naman nag-aabalang makibagay ang Azaria Clan sa mga dayuhang tulad niya na mayroong higit na maimpluwensya at makapangyarihan kaysa sa kanila.Kapag mayroon silang pagkakataon ay lagi nilang ipinaparamdam sa mga ito na hindi sila tunay na kabilang sa mamamayan ng Hexoria at may kakayahan silang paalisin ang
Clea Mair’s PovGoing to a bar after work became our nightly routine because of Miracle. Lagi niya akong tinatawagan bago mag-out sa work para ayain na magbar at dahil bumabawi din kami sa mga nakaraang taon na hindi kami nagkasama ay hindi ko din naman matanggihan.Siguro ay naiintindihan ni Andrel ang sitwasyon ko kaya mula noon ay hindi na niya ako inaaya pa sa ibang lugar. Instead, he also coming along with us. Kaya kahit paano ay mayroon pa din kami ng oras sa isa’t-isaAlso, I think this is the only thing I can do for Miracle.To be honest, I can sense something is going on with her.Hindi niya ugali na magpakalasing gabi-gabi. Pero ayaw niyang magsalita at dinadaan na lang niya sa biro ang lahat. Maging si Rajiv ay tikom din ang bibig at sinabihan akong hintayin na lang na si Miracle mismo ang magsabi sa akin.At nagsisimula na akong mag-alala.Is it something to do with our parents’ plan?Tingin ko ay iyon lang naman ang makakapagbigay ng matinding stress sa kanya eh.I mean,
Clea Mair’s POVI am not in the mood to socialize with others, which is why I decided to stay in our room. But Miracle seems to be enjoying the night.After she drank two bottles of hard drinks, she went down and socialized on the dance floor.It looks like even the other customers know her because they are keeping their distance from her. Walang mga lalaking nagtatangkang lumapit sa kanya.May mga bouncer din na nakapwesto hindi kalayuan sa dance floor kaya tingin ko ay hindi ko kailangan na mag-alala sa kanya.Habang ako naman ay nag-e-enjoy na lang sa pag-inom ng alak.Maliban sa mga lady’s drink na in-order ni Miracle kanina, nag-order pa ako ng iba. Halos lahat yata ng mix drinks nila ay in-order ko. Hindi naman sa nagpapakalasing ako, pero gusto ko kasing matikman lahat ng drinks nila dito.Iyon kasing mga napuntahan namin ni Andrel ay hindi masyadong nagse-serve ng drinks lalo na sa mga tulad kong mababa ang alcohol tolerance.Well, ganoon din ang policy nila dito. Na-exempted
Clea Mair’s POV“Are you sure about this?” tanong ko kay Miracle nang dalhin niya ako sa isang high end bar na hindi kalayuan sa apartment ko.Ngayon lang ako nakapunta dito pero mukhang siya ay madalas dito dahil halos lahat ng staff ng bar na nakakasalubong namin ay binabati siya.“Bakit? Hindi ka ba papayagan ni Andrel na magpunta sa ganitong lugar?” balik niya sa akin.“It is not about Andrel,” I said. “Isa ang bar sa ipinagbabawal ng mga elders na puntahan ko.”Bumaling siya sa akin at tumaas ang kilay niya. “We rarely see each other and I want to bond with you, Clea. Are you going to choose those fucking elder’s rules over me?”Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong kapatid ko pero mukhang wala akong magagawa kundi ang samahan siya dito.May point naman kasi talaga siya. Minsan lang kami magkaroon ng oras para makapag-bonding at hindi ko dapat ipagpalit ang pagkakataon na ito dahil lang ipinagbabawal sa akin ng mga elders na pumunta sa mga ganitong lugar.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen