"No!" mariin kong tanggi nang sabihin sa akin ng mga magulang ko na kailangan kong magpakasal sa isang pamilya na sumusuporta sa kanilang pamumuno nang sa gayon ay lalo pang lumalim ang ugnayan ng dalawang pamilya. "Naiintindihan ko ang gusto niyong iparating. At alam kong responsibilidad ko din na isipin kung ano ang higit na makakabuti para sa pamilya natin. Pero patawarin nyo ako ngunit hindi ko magagawa ang gusto niyo."
Kingdom of Hexoria, iyan ang tawag sa bansa na siyang tinitirhan namin.
Maliit lamang ang lupain na ito at napapalibutan ng malalakas na alon na nagmumula sa timog na bahagi ng karagatang pasipiko.
Iba't-ibang malalaking bansa din ang sumakop dito noong unang panahon hanggang sa tuluyan itong nagkaroon ng kalayaan isang daang taon na ang nakakalipas.
At mula noon, ang pamilya Azaria na ang nagpaunlad nito mula sa pamumuno ng aking yumaong lolo, ama ng aking ama, na siyang unang hari ng aming kaharian nang makuha nito ang opisyal na kalayaan.
Isa sa kultura na na-adopt ng aming mga ninuno noon sa mga bansang sumakop sa amin ay ang pagturing sa mga tulad kong babae bilang mahihinang nilalang na walang ibang kayang gawin kundi ang maging asawa lamang.
Hindi ganoon kalakas ang boses naming mga babae sa bansang ito at patuloy pa din kaming minamaliit ng mga lalaki.
At naging tradisyon na sa aming pamilya na ang papel lamang ng isang prinsesang tulad ko ay ang maging kasangkapan na siyang magbubuklod ng mga pamilya sa ilalim ng kasal.
Itinanim sa aming mga utak na upang makatulong kami sa aming pamilya at mapanatili ang impluwensiya nito bilang pinuno ng bansa ay kailangan naming magpakasal sa mga pamilyang kayang suportahan ang palasyo.
Kaya natural sa amin ang mga arranged marriage.
Pero hindi ako sang-ayon sa bagay na iyon.
Para sa akin, ang dalawang tao ay dapat mayroong pagmamahal sa isa't-isa bago pumasok sa isang relasyon. At dapat ay naiintindihan nila ang isa't-isa bago pumasok sa sagradong seremonya ng kasal.
Hindi lamang ito isang politikal na paraan upang maselyuhan ang pagkakaisa ng mga pamilya.
Higit pa ito sa ano pa mang kasunduan kaya dapat ay hindi ito minamadali.
Isa pa, hindi din ako sang-ayon na hanggang ngayon kung kailan kinikilala na sa buong mundo ang pagiging kapantay ng mga lalaki ang kababaihan ay patuloy pa din kaming minamaliit sa bansang ito.
Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin sa mga mata ng aking ama. "Hindi ko pinili na maging parte ng pamilyang ito ngunit nagpapasalamat ako na kayo ang naging mga magulang ko," panimula ko. "At alam kong wala pa din akong maipagmamalaki sa inyo dahil wala pa akong napapatunayan para sa sarili ko. Pero..." Muli akong huminga ng malalim. "Taliwas sa aking paniniwala ang pagpasok sa isang kasal kung saan walang pagmamahal na nararamdaman ang dalawang taong sangkot dito."
"Nakakalimutan mo ba na hindi din namin mahal ng iyong ina ang isa't-isa nang kami ay ikasal?" tanong sa akin ng aking ama. "Ngunit nang magsimula ang aming pagsasama ay unti-unti naming nakilala ang isa't-isa na siyang naging dahilan kaya nabuo ang pagmamahal namin."
"Pero hindi lahat ay maswerteng tulad nyo," sambit ko. "Hindi ba't, arranged marriage din ang naging dahilan ng pagsasama nila Kuya Cloven at Ate Allucia. Pero hanggang ngayon ay aminado silang dalawa na hindi pa din nila mahal ang isa't-isa na siyang dahilan ng mapipinto nilang paghihiwalay."
"Pero, anak..."
"Hindi ko po sinasabi na tatalikuran ko ang aking tungkulin bilang prinsesa ng bansang ito," sabi ko bago pa ako putulin ng aking ina. "Gusto ko lang pong ibigay nyo din sa akin ang kaparehong kalayaan na ibinigay nyo kay Ate Rye."
"What?"
"Gusto kong maging independent," mariin kong sambit. "Gusto kong maging isang normal na mamamayan nang sa gayon ay matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Gusto kong maging tulad ni Ate Rye upang patunayan na hindi lamang kami isang kasangkapan sa isang kasal. Gusto kong maging isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito."
Hindi sila nagsalita. Nanatili lamang na tahimik ang aking ama at nakatingin sa akin habang ang aking ina ay naghihintay din sa sasabihin nito sa akin.
"Sabihin mo sa akin, Clea Mair," sabi ng aking ama. "Kapag nagawa mo ang sinasabi mo at napatunayan mo ang sarili mo bilang isang mabuti at maaasahang prinsesa ng bansang ito, ang kasunod ba nito ay ang paghingi mo ng karapatan upang manahin ang trono?"
Mabilis akong umiling. "Hindi ko kailanman inisip na makiagaw sa pamumuno sa bansang ito, mahal kong ama," sambit ko. "Nais ko lang imulat ang inyong mga mata na sa panahon ngayon, hindi nyo na maaaring maliitin ang kakayahan ng mga babae. Nais kong patunayan sa inyo na kung ano ang lakas, talino at diskarte ng isang lalaki ay makikita nyo na din ito sa mga babae."
Muli ay nabalot ng katahimikan ang buong silid.
Alam kong isang kapahangasan ang ginawa kong ito ngunit kung mananatili lamang akong walang imik ay hindi kailanman magbabago ang pananaw ng aming bansa sa kinalakihang paniniwala.
Bumuntong hininga ang aking ama. "Kung ganoon ay hinahayaan kitang gawin ang iyong gusto."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ta-talaga?"
Tumango siya. "Alam kong hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Siguradong aawayin mo lang din ako kapag hindi kita pinagbigyan kaya mas mabuti na ang ganito."
Hindi ako makapaniwala na agad kong mapapapayag ang aking ama sa unang beses kong pagkausap sa kanya.
Tama talaga ang aking desisyon na ilabas na agad ang aking hinain nang sa gayon ay mapag-usapan din agad.
"Maaari kang lumabas ng palasyo at manirahan sa labas bilang isang normal na mamamayan," dagdag niya. "Maaari kong saluhin ang iyong titirhan ngunit kailangan mong maghanap ng sarili mong trabaho upang tustusan ang iyong pagkain at pambayad ng mga bills gayong sinabi mo naman na gusto mong maging independent."
"H-hindi ba parang sobra naman---"
"Huwag kang mag-alala, mahal kong ina," nakangiti kong sabi. "Sapat na sa akin iyon."
"Kung ganoon ay gusto ko ding maging malinaw sayo na hindi mo maaaring gamitin ang mga pribilehiyo na mayroon ang isang prinsesa," dagdag pa ng aking ama. "Maliban na lamang kung nasa isang sitwasyon ka kung saan nanganganib na ang buhay mo, nagkakaintindihan ba tayo?"
Mabilis akong tumango. "Makakaasa po kayo."
Ngumiti siya pagkuwa'y tumayo sa kanyang kinauupuan. "Kung ganoon ay humayo ka at tanggapin mo ang kalayaan na aking ibinibigay sayo. At ipinapanalangin ko na sa iyong pagbabalik ay nakamtan mo na ang mga bagay na nais mong patunayan sa iyong sarili."
Clea Mair's Pov"Miss Clea, dumating na po ang mga bagong nating products.""Miss Clea, tumawag po ang customs and they wanted to discuss something about the shipment that we are going to receive next month,""Miss Clea, I got three new appointments for the possible investors that we are targeting this month.""Miss Clea..."Ilan lamang iyan sa mga gawain na personal kong inaasikaso sa trabaho na akong nahanap isang linggo pa lamang ang nakakaraan matapos ibigay ng aking ama ang kalayaan na hiningi ko sa kanya.Isa ako sa mga manager na siyang nagta-trabho sa Jyn Food Chain Corporation. At ako ang naka-assigned sa paghahanap ng mga possible investors para lalo pang lumago ang kumpanya, hindi lang sa buong Hexoria, kundi maging sa buong mundo.At naka-assigned ako sa mismong commisary ng naturang kumpanya kung saan dito pino-proseso ang karamihan sa mga produkto ng restaurant ng mga Jyn.Maliban sa paghahanap ng investors, isa din sa trabaho ko ang personal na pakikipag-usap sa mga tau
Clea Mair’s Pov“Wait… what?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng kausap ko sa telepono. “Si Mister Henan mismo ang haharap sa amin para sa plano kong pagre-rent ng isa sa mga warehouse sa port niya?”“Yes, ma’am,” sambit ni Iona, isang empleyado ng Henan Port na siyang nakilala ko sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng JFCC. “Since he was in town, he decided to see your proposal personally in two days.”“In two days?”Oh my god! Hindi ko naman inaasahan na ang pinakamay-ari pa pala ng port ang siyang makakausap ko para sa plano namin. Akala ko ay isa lamang sa katiwala ng may-ari.Kaya naman labis-labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon.“Well, JFCC is a big and famous company so when Mister Henan learned that you are trying to apply for one of our warehouses, he suddenly decided to be the one who will see your proposal,” dagdag pa niya. “Kaya paghandaan mong mabuti, okay? Maselan si Mister Henan.Hindi kailangan ng mahabang presentation. Just a brief but in detail.”
Clea Mair’s PovGeez!I can’t believe this! Kung kailan may importante akong meeting sa araw na ito ay tsaka pa ako tinanghali ng gising!Seriously, Clea Mair?Pinaghandaan kong mabuti ang lahat ng materials na gagamitin ko para sa magiging meeting na ito dahil crucial moment ito para sa JFCC tapos magpapa-late lang pala ako?Grabe!Sana lang ay umabot pa ako. Siguradong isang malaking kahihiyan sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko kapag hindi ko magawang makuha ang deal na ito.Aba, para ko na ring sinabi na hindi ko deserve ang ilang beses kong promotion dahil lang sa pagkaka-late ko sa importanteng meeting na ito.Napatingin ako sa phone na ginagamit ko para sa trabaho ko nang mag-ring ito.The number was a bit familiar. Kaya naman agad kong sinuot ang bluetooth earphone ko at sinagot ang tawag.“This is Clea Mair, JFCC Commissary Manager,” pakilala ko sa caller. “How may I help you?”“Hi, Miss Mair,” bati ng nasa kabilang linya. “I am Leon, Mister Henan’s secretary.”Bahagya akong k
Clea Mair’s Pov“Nice to meet you, Mister Andrel Henan.” I offered my hand in front of him. “Thank you for letting this meeting happen despite your sudden change of schedule.”Sa totoo lang, pwedeng-pwede niyang i-cancel ang meeting na ito pero nag-effort pa siyang dalhin ako dito para lang matuloy ang meeting namin.He accepted my hand and shook it. “I should be the one thanking you for agreeing to meet me all the way here.” He let go of my hand and we sat facing each other.I put my things in the vacant seat beside me and looked at him.“Let’s eat first,” he said and called the server. “I am sure, Leon didn’t offer you anything to eat while you were traveling.”Well, kanina pa nga ako nagugutom at hindi ko naman magawang magsabi sa mga staff niya na sumundo sa akin dahil nahihiya ako kaya hindi ko na tatanggihan ang offer niya.Isang staff ng SweetHeart ang lumapit sa amin. “Welcome to Sweetheart. This is our menu.” Inilapag niya ang menu sa harap namin at agad iyong kinuha ni Miste
Clea Mair’s Pov“So?” Tinaasan ko ng kilay si Miracle nang makauwi dito sa bahay na inuupahan niya.Pinauna niya ako dito dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin at agad ko siyang sinalubong para komprontahin.“Why are you here?” tanong ko sa kanya. “Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin?” Itinuro ko ang sarili ko. “You know that I always worry about you, right?”Bumuntong hininga siya at naupo sa sofa. “I am here because of a secret mission from Dad,” she said. “It is related to Asper Reign Dahlia.”Kumunot ang noo ko. “What?”Tumangu-tango siya. “Walang nakakaalam ng ginagawa ko dito dahil personal itong utos ni Daddy,” aniya. “Siya iyong may-ari ng shop kung saan kayo nagkita noong ka-meeting mo kanina.”Naupo ako sa tabi niya. “Then, why didn't you even try to call me?” Hinawakan ko ang mga balikat niya at niyugyog siya. “I am trying to reach you more than you can, but you are always out of reach!”“Hey!” sigaw niya tsaka tinabig ang mga kamay ko. “Hindi lang si Asper
Clea Mair’s PovJust like I planned, I went to SweetHeart together with Miracle. And I do her request and choose to sit at the corner to avoid getting seen by the people who enter the shop.I ordered some cakes and latte for my breakfast and took out my laptop to construct a possible draft for the contract that we were going to do.Mas mabuti na iyong may naumpisahan ako para mamayang pagdating ni Mister Henan ay magiging madali ang usapan namin.Napatingin ako sa labas ng shop at kumunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Tinitigan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na siya nga ang boss ko.What is he doing here?I was about to go out and greet him when a woman clung to his arm.Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Asper Reign Dahlia.What the hell?Pumasok sila ng shop at dumeretso sa counter. Miracle entertained them for a while and after giving them some cake and drinks, they immediately went out.Agad naman ak
Clea Mair’s Pov“We managed to create a draft for our contract,” I said after showing him the screen on my laptop. “But there are still a lot of things that need to be finalized.”Nagbe-brainstorm pa lang kasi ng mga mapagkakasunduan ng dalawang panig. Draft pa lang ito dahil ang official contract ay gagawin mismo ng mga abogado ng JFCC at HSL. Siguro tama na din itong nag-bigay siya ng oras para malaman ang mga demand nila at mga kailangan namin para sa warehouse ng port niya.“We can send it first to our legal team.” Nakatitig lang siya sa screen ng laptop ko at ini-scroll iyon. “Hingin natin ang advice nila para dito nang sa gayon ay maasikaso agad natin habang narito pa ako.”Kumunot ang noo ko. “Are you going to stay here long?”Tumango siya at sa pagkakataong ito ay inilipat na niya sa akin ang kanyang tingin. “Aside from fishing, may ilang personal meeting ako pinupuntahan dito kaya hindi pa ako makakabalik sa Teur City.”“Oh.” Ibig sabihin ay kailangan ko pang magtagal dito. P
Andrel Raven’s Pov“Conducting any mafia transaction in this city is clearly illegal, isn’t it?”Walang emosyon akong bumaling sa grupong nakaharang ngayon sa pagitan ng port na siyang sadya ko at sa grupo ko.“We all agreed that, right?” dagdag niya. “Leave Yain City out of mafia transactions and make it a haven for all of us away from the Hexorian Government.” Tumingin siya sa akin. “Have you forgotten that agreement, Henan of Havran?”I sighed. “I never forgot the agreement that I co-authored, Jyn of Rioghail.” I am aware that he is staying in this city, trying to lay low away from the Azaria Clan because of their conflict.But I didn’t expect that he would come after me as if he didn’t know that I am one of the mafia bosses operating in this country to agree to leave Yain City out of any mafia transactions.“Then?” Itinuro niya ang barkong palapit ngayon dito. “What was that about? I was told refugees are boarding the ship and will enter this country undocumented.”“Havran is not
Clea Mair’s POV“Have you heard the latest rumor?” Bumaling ako kay Lenon nang pumasok siya sa office ko.Kakabalik lang namin ni Andrel mula Yain City. Dito na niya ako dineretso sa office dahil naisipan kong pumasok ng maaga ngayon para matapos ang lahat ng kakailanganing tapusin.At heto nga ang bungad sa akin ng secretary ko. Mukhang chismis ang gusto niyang almusalin ngayon.“What rumor?”Inilapag niya muna sa mesa ko ang mga dalang papeles at naupo sa katapat kong upuan. “The famous CEO of Henan A.R. Lines, Mister Andrel Raven Henan, is finally settling down.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What? What do you mean?”Tumangu-tango siya at umakto na para bang kinikilig sa balitang nasagap.Andrel has a lot of admirers in and out of the country. He was like a celebrity and people have always been intrigued about his life. They have been following every news story about his life which is why he is known quite a bit playboy back then.And they never talk bad about him. They treat
Andrel Raven’s POV“Boss…” tawag sa akin ni Leon paglabas ko ng silid kung saan mahimbing nang natutulog si Clea. “We already prepared everything.”Tumango ako at nauna nang lumabas ng penthouse.Agad naman siyang sumunod sa akin hanggang tuluyan kaming makarating sa labas ng hotel kung saan naghihintay ang sasakyan ko.Sumakay kami doon at mabilis itong pinaandar papunta sa destinasyon ko.“Na-inform na namin ang Rioghail sa sitwasyon, Boss,” sambit ni Quiel na nagmamaneho ng sinasakyan namin. “They only send Dashyu to observe.”I couldn’t help but massage my temple as I heard that name. “Just him?”Tumango siya. “Iyon lang naman ang lagi nilang pinapadala kapag may problema dito sa Yain City dahil mas madalas siyang nandito.”Sa dinami-dami ng tauhan ng Rioghail, ang lalaking iyon pa ang ipinadala para i-observe ang interegation na gagawin namin para sa kung sinong grupo ang nagtangkang magdala ng gulo dito sa Yain City.Rioghail and my group are not friends. As much as possible, we
Clea Mair’s PovI enjoyed hanging out with Maya and Cheya. Kahit na puro pagkain lang naman ang inatupag namin sa buong maghapon.Parang hindi nabubusog ang dalawang iyon dahil maya’t-maya ang aya sa akin na bumili ng pagkain.Ilang food park ang pinuntahan namin at bawat dish na bago sa paningin at pandinig nila ay agad nilang tinitikman.At habang namamasyal kami sa time square sa plaza ng Yain City, napagkwentuhan namin kung paano nila nakilala si Andrel.“Andrel was our brother’s best buddy when he started venturing into this city,” Maya said.Naupo muna kami sa isang bench na nasa tapat ng malaking fountain dito upang makapagkwentuhan habang kumakain ng ice cream.“And we got introduced to each other when he launched his first business here,” she added.“We were actually scared of him when we first met him,” sambit ni Cheya.Kumunot ang noo ko. “Dahil intimidating ang dating niya?”Umiling sila.“We heard a lot of bad things about him from our brother’s bodyguard,” sabi ni Maya. “
Clea Mair’s POVJust like what the twins planned, we visited food parks around the area since we only had limited time for the day and we had so much fun trying every new dish we saw in each stall there.May ilan pa nga doon na pumayag na ibigay sa akin ang recipe ng dish nila kaya siguradong magiging abala ko pagbalik sa apartment ko.Nang mabusog ay nagdesisyon na ang dalawa na dumeretso kami sa SweetHearts para kumain ng desserts. Inalis na nila sa plano ang pagpunta sa bar dahil kaunting oras na lang ang mayroon kami bago bumalik sa hotel.“Woah,” manghang sabi ni Cheya nang makapasok kami sa loob ng SweetHearts.Wala masyadong tao ngayon, siguro ay dahil office and school hours.Pero hindi ko inaasahan na makikita dito si Asper Dahlia. Tahimik siyang nakaupo sa counter at nagtutupi ng tissue habang ang kasama niya sa loob ng counter ay agad na tumayo para asikasuhin sina Cheya at Maya na lumapit doon.Kilala niya ako. Ilang beses na kaming nagkaharap dahil madalas siyang ipatawag
Clea Mair’s POV“Clea!” Mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Cheya nang makarating kami sa hotel kung saan kami tutuloy.Sinabi ni Andrel na isang linggo nang nasa Yain City ang kambal. They are originally from Wilde City and they planned to relocate here because of business opportunities. And now, they are already in the process of opening their very first owned bar.“I missed you so much.” She sounded like a kid who hadn't seen her mother in a very long time. “Mabuti naman at dinala ka na dito ni Andrel.” Kumalas siya ng yakap sa akin. “Akala ko ay matatagalan ka pa bago makabalik.”“I heard you pestered Andrel just for him to take me back here,” natatawa kong sabi at bumaling kay Maya na nasa gilid namin. “You should have called me.”“We didn’t know your schedule so we were reluctant to contact you,” sagot niya. “Ayaw naman namin na makaabala sayo.”“Yeah,” bulong ni Leon nakatayo sa tabi ni Andrel. “Kaya ako ang inaabala niyo.”Nag-iwas ng tingin ang kambal nang bigyan sil
Clea Mair’s POVI got back from my normal routine since my parents didn't really want me to get involved with what was going to happen at the palace.Isa pa, wala din naman akong maitutulong sa kanila.Maliban sa wala akong hawak na kahit anong impluwensya ay mahirap nang makuha ang atensyon ni Hector. Sa pagiging immature ng kapatid kong iyon, siguradong iisipin niya na pinagtutulungan namin siya ni Miracle na posibleng magresulta ng kontra sa inaasahan namin.Kaya nagpo-focus na lang ako sa sarili kong buhay.“Are you free tonight?” Andrel asked as soon as I answered his call.“Hmm. Wala naman akong ibang plano after work hours,” sagot ko. “Do you want to hangout later?”“Pack some clothes for the whole weekend. I’ll pick you up later at your apartment.” sabi niya na ikinakunot ng noo ko.“Should I file for a leave?” I asked. “Where are we going?”Saglit siyang hindi sumagot pagkuwa’y narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Cheya has been bothering me to bring you back to Yain City
Clea Mair’s POVDad started changing the succession law in our country. At sa kabutihang-palad, karamihan sa mga miyembro ng House of Lords ay pabor sa plano niyang ito kaya naging mabilis ang proseso ng pagpapalit ng batas.At nang tuluyang mabago ang batas tungkol sa pagmamana ng trono, agad na in-announce ni Dad ang pagbibigay ng pagkakataon kay Miracle na patunayan ang sarili niya upang maging karapat-dapat na kapalit ni Hector bilang tagapagmana.Of course, marami pa din ang nagbigay ng negative reaction tungkol dito. Ilan sa mga iyon ay kabilang mismo sa angkan namin dahil nga kailanman ay hindi sila papayag na magkaroon ng mataas na posisyon sa palasyo ang isang babae, kahit pa si Miracle ito na marami nang napatunayan para sa sarili niya.At ang ilan pa ay mga mismong ministro na nasa panig ni Hector.Dahil sa mga kaganapang ito, magulo ang sitwasyon sa palasyo ngayon kaya sinabihan ako ni Mommy na huwag na munang umuwi doon.Nai-inform naman nila ako sa mga nagaganap at hindi
Clea Mair’s POVHalos hindi ako makakilos dahil sa pagsalubong ng yakap ni Andrel sa akin.At dahil din doon ay ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya, maging ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya na para bang tinakbo niya ang malayong distansya papunta dito.Idagdag pa ang higpit ng yakap niya na para bang takot siyang pakawalan ako.“Andrel…” Hinaplos ko ang likod niya at doon unti-unting lumuwag ang yakap niya sa akin. “Is there something wrong?” Tuluyan akong kumalas ng yakap at hinawakan siya sa braso tsaka tinitigan ang kanyang mukha.I can’t explain his expression. Mixed emotions were lingering in his eyes but I can only name one. Fear.“Hey…” Hinawakan ko ang pisngi niya nang akma niya iiiwas ang mukha sa akin. “What is it? Why are you acting like this?”“N-nothing…”“He was worried.”Napalingon kami kay Leon na nakatayo na lang pala sa likuran ni Andrel habang nakasandal sa pader.“Leon!”“We immediately reported to him that you went out of the apartment,” Leo
Clea Mair’s POVDahil sa pagkakalapit ni Boss Jyn at Asper Dahlia ay tuluyan nang nagkaliwanagan sina Miracle at Rajiv. Though, hindi pa naman sila tuluyang nagkakabalikan pero may intindihan na sila.Kaya alam kong sa tulong ni Rajiv ay siguradong papayag si Miracle na tumulong sa planong ito.“But let’s be honest here, Dad…” Lumipat na kami sa office niya dahil mas private ito at masisiguro namin na walang makakarinig sa kung ano ang pag-uusapan namin. “You don’t really have any intention of giving Miracle the throne, right?”Bumuntong hininga si Dad. “Gustuhin ko mang ibigay sa kanya o hindi, sigurado naman akong hindi din niya tatanggapin.”“So, you will just open a path to the next woman heir and use this situation to mask the real intention of this plan,” I said. “Use Miracle to gather everyone to your side without any intervention from your siblings who were also eyeing the throne.”Yeah, that is his real reason.Kung kakayahan lang ang pag-uusapan, pare-pareho kaming walang ma