Clea Mair's Pov
"Miss Clea, dumating na po ang mga bagong nating products."
"Miss Clea, tumawag po ang customs and they wanted to discuss something about the shipment that we are going to receive next month,"
"Miss Clea, I got three new appointments for the possible investors that we are targeting this month."
"Miss Clea..."
Ilan lamang iyan sa mga gawain na personal kong inaasikaso sa trabaho na akong nahanap isang linggo pa lamang ang nakakaraan matapos ibigay ng aking ama ang kalayaan na hiningi ko sa kanya.
Isa ako sa mga manager na siyang nagta-trabho sa Jyn Food Chain Corporation. At ako ang naka-assigned sa paghahanap ng mga possible investors para lalo pang lumago ang kumpanya, hindi lang sa buong Hexoria, kundi maging sa buong mundo.
At naka-assigned ako sa mismong commisary ng naturang kumpanya kung saan dito pino-proseso ang karamihan sa mga produkto ng restaurant ng mga Jyn.
Maliban sa paghahanap ng investors, isa din sa trabaho ko ang personal na pakikipag-usap sa mga tauhan ng customs para sa mga ingredients na ini-import pa namin sa iba't-ibang bansa.
Syempre, malaking kumpanya ang JFCC kaya naman sinisiguro ko na walang makakapuslit ang mga bagay na walang kinalaman sa kumpanya.
Sa ngayon kasi ay naglipana na ang mga grupong ginagamit ang mga papasok at papalabas na shipment sa bansa para gumawa ng mga ilegal na bagay tulad ng pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot o armas. O kaya naman ay ang ilegal na paglalabas o pagpapapaso ng mga undocumented refugee sa bansa para gamitin sa mga ilegal na transaksyon ng mga grupong naka-base sa bansa namin.
At masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko.
Maayos ang trato sa akin ng mga katrabaho ko. Maganda din ang pasweldo sa akin kaya naman tinanggihan ko na ang allowance na ipinapadala sa akin ng mga magulang ko para sa pambayad ng apartment na inuupahan ko at ako na mismo ang nagbabayad nito galing sa sarili kong bulsa.
Nakabili na din ako ng sarili kong sasakyan at nagagawa ko na ding sumuporta sa isang foundation na itinatag ko upang turuan ang ilang mga kababaihang iniwan ng kanilang mga asawa na magkaroon ng sarili nilang pangkabuhayan.
Alam kong masyado pa itong maliit para maipagmalaki ko sa mga magulang ko pero ang mga ito ay isang patunay na hindi naging mali ang desisyon kong pansamantalang humiwalay sa palasyo.
Kaya naman hindi nawawala ang saya ko sa bawat araw na sumasalubong sa akin.
"Miss Clea," tawag sa akin ni Lenon, ang assistant ko na talaga namang kasama ko na mula pa noong magsimula ako sa pagiging office encoder sa kumpanyang ito hanggang sa ngayon na isa na akong manager.
"May problema ba, Len?" Yeah, he preferred to call him Len because he is actually gay. And he became my best friend since then.
"Well, you could really say that it is a problem," Iniabot niya sa akin ang isang folder na agad ko namang kinuha at binuksan. "Nagbigay ng notice ang Andrius Port na magsasara ang kanilang pantalan dahil magkakaroon sila ng matinding rehabilitation. At tinatansya nila na aabutin iyon ng halos isang taon kaya pinapayuhan na nila tayo na maghanap ng mapaglilipatan ng mga stocks natin."
Problema nga naman iyon.
Sa mga port na mayroon sa bansang ito, isa ang Andrius Port sa mayroong pinakamagandang pasilidad na kayang mag-stock ng mga pagkain.
Sa tulong ng kanilang mga warehouse, hindi kailanman nasiraan ng kahit anong pagkain ang JFCC at isa iyon sa naging dahilan kung bakit hindi nagpapalit ng binabagsakang port ang mga produkto namin.
Pero ngayon ay mukhang kakailanganin na namin maghanap ng bagong port at warehouse.
"Make a new report for this issue," sambit ko tsaka ibinalik sa kanya ang folder. "Then, ipadala mo agad sa main office together with the possible solution with this issue."
"Then, anong port ang posible nating ipalit sa Andrius Port?" tanong niya.
Agad kong kinuha ang isang map sa kabuuan ng Axia Region kung saan naka-indicate ang mga port na maaari naming kausapin upang ilipat ang mga produkto na naka-store sa warehouse ng Andrius Port.
"I was thinking that maybe we can talk to the Henan Port or Scente Port."
Ang dalawang iyon lang kasi ang malapit sa ruta na dinadaanan ng mga barko na siyang nagdadala ng mga produkto namin.
Isinulat niya ang mga sinabi ko. "Sige, ako na ang bahala dito," sambit niya. "Sasabihan na lang kita kapag may desisyon na sila."
Tinanguan ko na lang siya pagkuwa'y lumabas na siya ng opisina ko.
Habang ako naman ay nananatili pa ding nakatingin sa mapa ng Axia Region.
Ang Scente Port ay bagsakan ng mga chemical na siyang ginagamit sa iba't-ibang klase ng cleaning products kaya kahit na makakuha kami ng go signal sa main office para mag-apply sa isa sa mga warehoue doon ay hindi pa din naaayon ang mga produkto namin doon.
Habang ang Henan Port naman ay bagsakan ng iba't-ibang produkto ngunit masyadong mahigpit ang lugar na ito kaya naman iilan lang ang kumpanya na nakakagamit ng port na ito.
Kaya kailangan ko pa ding maghanap ng ibang port na mas magiging magandang kapalit kahit pa pansamantala lang hangga't hindi pa natatapos ang rehabilitation na ginagawa ng Andrius Port.
Ngunit mukhang imposible na makahanap pa ako ng ibang pantalan dahil ang ilan sa mga nasa area kung saan dumadaan ang barko na siyang nagdadala ng produkto namin ay hindi nakikipagtransaksyon sa iba pang pantalan na mayroon doon.
Bumuntong hininga ako at agad na hinanap ang listahan ng mga taong maaari kong hingan ng tulong upang kahit paano ay magkaroon ako ng pagkakataon na makaharap ang nagma-manage sa Henan Port.
Iyon lang kasi ang nag-iisang pinakagandang choice na maroon kami.
Nang makita ko ang hinahanap ko ay agad akong nag-send ng email sa mga taong iyon nang sa gayon ay masimulan na nila ang paghingi ng appointment sa Henan Port.
Sana lang ay maayos namin ito nang maaga bago pa man umuwi sa bansa si Mister Jyn para sa kanyang taunang pag-i-inspeksyon.
Muli akong bumuntong hininga.
Hindi din talaga madali ang trabaho ko.
Clea Mair’s Pov“Wait… what?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng kausap ko sa telepono. “Si Mister Henan mismo ang haharap sa amin para sa plano kong pagre-rent ng isa sa mga warehouse sa port niya?”“Yes, ma’am,” sambit ni Iona, isang empleyado ng Henan Port na siyang nakilala ko sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng JFCC. “Since he was in town, he decided to see your proposal personally in two days.”“In two days?”Oh my god! Hindi ko naman inaasahan na ang pinakamay-ari pa pala ng port ang siyang makakausap ko para sa plano namin. Akala ko ay isa lamang sa katiwala ng may-ari.Kaya naman labis-labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon.“Well, JFCC is a big and famous company so when Mister Henan learned that you are trying to apply for one of our warehouses, he suddenly decided to be the one who will see your proposal,” dagdag pa niya. “Kaya paghandaan mong mabuti, okay? Maselan si Mister Henan.Hindi kailangan ng mahabang presentation. Just a brief but in detail.”
Clea Mair’s PovGeez!I can’t believe this! Kung kailan may importante akong meeting sa araw na ito ay tsaka pa ako tinanghali ng gising!Seriously, Clea Mair?Pinaghandaan kong mabuti ang lahat ng materials na gagamitin ko para sa magiging meeting na ito dahil crucial moment ito para sa JFCC tapos magpapa-late lang pala ako?Grabe!Sana lang ay umabot pa ako. Siguradong isang malaking kahihiyan sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ko kapag hindi ko magawang makuha ang deal na ito. Aba, para ko na ring sinabi na hindi ko deserve ang ilang beses kong promotion dahil lang sa pagkaka-late ko sa importanteng meeting na ito. Napatingin ako sa phone na ginagamit ko para sa trabaho ko nang mag-ring ito.The number was a bit familiar. Kaya naman agad kong sinuot ang bluetooth earphone ko at sinagot ang tawag.“This is Clea Mair, JFCC Commissary Manager,” pakilala ko sa caller. “How may I help you?”“Hi, Miss Mair,” bati ng nasa kabilang linya. “I am Leon, Mister Henan’s secretary.”Bahagya akon
Clea Mair’s Pov“Nice to meet you, Mister Andrel Henan.” I offered my hand in front of him. “Thank you for letting this meeting happen despite your sudden change of schedule.”Sa totoo lang, pwedeng-pwede niyang i-cancel ang meeting na ito pero nag-effort pa siyang dalhin ako dito para lang matuloy ang meeting namin.He accepted my hand and shook it. “I should be the one thanking you for agreeing to meet me all the way here.” He let go of my hand and we sat facing each other.I put my things in the vacant seat beside me and looked at him.“Let’s eat first,” he said and called the server. “I am sure, Leon didn’t offer you anything to eat while you were traveling.”Well, kanina pa nga ako nagugutom at hindi ko naman magawang magsabi sa mga staff niya na sumundo sa akin dahil nahihiya ako kaya hindi ko na tatanggihan ang offer niya.Isang staff ng SweetHeart ang lumapit sa amin. “Welcome to Sweetheart. This is our menu.” Inilapag niya ang menu sa harap namin at agad iyong kinuha ni Miste
"No!" mariin kong tanggi nang sabihin sa akin ng mga magulang ko na kailangan kong magpakasal sa isang pamilya na sumusuporta sa kanilang pamumuno nang sa gayon ay lalo pang lumalim ang ugnayan ng dalawang pamilya. "Naiintindihan ko ang gusto niyong iparating. At alam kong responsibilidad ko din na isipin kung ano ang higit na makakabuti para sa pamilya natin. Pero patawarin nyo ako ngunit hindi ko magagawa ang gusto niyo."Kingdom of Hexoria, iyan ang tawag sa bansa na siyang tinitirhan namin.Maliit lamang ang lupain na ito at napapalibutan ng malalakas na alon na nagmumula sa timog na bahagi ng karagatang pasipiko.Iba't-ibang malalaking bansa din ang sumakop dito noong unang panahon hanggang sa tuluyan itong nagkaroon ng kalayaan isang daang taon na ang nakakalipas.At mula noon, ang pamilya Azaria na ang nagpaunlad nito mula sa pamumuno ng aking yumaong lolo, ama ng aking ama, na siyang unang hari ng aming kaharian nang makuha nito ang opisyal na kalayaan.Isa sa kultura na na-ad