Sabi nila 'hindi matitiis ng isang ina ang kanyang anak' pero paano kung mismong nanay mo kinamumuhian ka dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa?
View MoreILARIA"Waynne samahan mo akong pumunta ng bayan," bungad sa akin ni Silas. Waynne ang tawag niya sa akin in short ng first name ko Elowaynne, ayaw niya akong tawaging Ilaria dahil marami na raw tumatawag 'nun sa akin kaya nag isip niya ng ibang name na siya lang ang tatawag sa akin ng ganun tapos ako Silas ang tawag ko sa kanya, second name niya iyan ang gusto niya eh.Binaba ko muna ang binabasa ko bago ko siya sinagot. "Anong gagawin mo sa bayan?""Pupuntahan ko lang si Mayor may kailangan lang kaming pag usapan," sagot niya, hindi na ako nagtanong pa dahil masyado ng private iyon."Sige, paalam lang ako kay tatay," sagot ko.Pinayagan naman agad ako ni tatay dahil may tiwala naman siya kay Silas. Sumakay kami gamit ang kabayo, marunong naman akong magkabayo dahil tinuruan ako ni Tito Lucio, tatay ni Silas pero gusto ni Silas na iisang kabayo lang kami para daw mas mabilis kami."Mabuti naman at pumayag ka sa imbitasyon ko," sabi ni Mayor habang nakikipagkamay kay Silas."You're my
ILARIAKakatapos ko lang mag linis nag bahay kaya nagpahinga na muna ako sa sofa namin bago ako magluto ng hapunan ni Tatay. Bakasyon namin ngayon kaya dadalhan ko siya ng makakain niya sa farm kung saan siya nagta-trabaho para mainit pa ang kinakain niya, doon na rin ako tumatambay dahil presko doon at wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya mas magandang doon na lang ako, nakakausap ko pa ang mga ka-trabaho ni tatay kapag nagpapahinga sila."KUMUSTA iha, bakasyon mo na?" Tanong no Manong Jerry, ang security guard dito sa farm kung saan nagta-trabaho si tatay."Ayos lang po ako," sagot ko. "Opo, bakasyon na namin kaya lagi niyo na naman akong makikita.""Abay gusto ko iyan para lagi akong ganahang mag trabaho dahil nakakakita ako ng maganda," biro ni Manong Jerry. Ganyan talaga iyan, kung 'di mo siya kilala pagkakamalan mo siyang manyak dahil sa mga salita niya pero mabait at marespeto siya sadyang mapagbiro lang talaga siya na na mi-misunderstood ng ibang tao."Sige po, pasok na
Tapos na ang school festival pero hindi maalis kay Callum ang magandang dalagang nakita niya sa school na pinuntahan nila. Hindi naman siya 'yung tipong nagagandahan sa isang babae kung tutuusin ay sobrang cold niya sa mga ito pero ng makita niya ang dalaga biglang bumilis nag tibok ng puso niya. Ito ba ang sinasabi ng mommy niya na 'love at first sight?'. Hindi siya naniniwala doon at sobrang naki-cringe siya kapag sinasabi ng mommy niya na na love at first sight ito sa daddy niya pero ngayon naniniwala na siya. Totoo nga iyon biglang bibilis ang tibok ng puso at magiging slowmo ang paligid mo kapag nakita mo ang babaeng magpapatibok ng puso mo. "Anak, ayos ka lang?" Nagising siya sa pagkakatulala ng marinig niya ang mommy niya. "I'm okay, Mom," sagot niya at tinuloy ang kinakain niya. "Hindi ako naniniwala," Kilala nito ang anak niya, alam niya kung kelan ito nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. "Sabihin mo sa akin ang problema mo." Umiling naman siya. "Don't mind me mom." Na
GIANNA"So, sa school ni Gianna ang location ng sport festival?" tanong ni Dad kay Brianna, my twin and golden child ng parents ko."Yes, dad," sagot nito."Kung ganun makakalaban mo pala si Gianna," sabi ni Mom."Kaya nga excited na akong makalaban siya," sabi nito habang nakangisi, nasa harapan ko lang kasi siya kaya nakikita ko."Kung ganun kailangan mong galingan Gianna, baka mapahiya ka sa sarili mong school kapag natalo ka ni Brianna," sabi ni Dad.Napahigpit na lang ako sa kutsarang hawak ko, pinipigilan kong magalit dahil siguradong paparusahan nila ako. Lagi naman silang ganyan, mas pabor sila kay Brianna dahil mas maganda, matalino at magaling daw siya sa akin.Kambal kami pero iba ang trato nila kay Brianna dahil ng pinanganak kami, mahina ang puso niya. Hindi nila ako kayang alagaan habang inaalagaan si Brianna kaya pinaalaga nila ako kina lola. Nung 10 years old ako doon lang ako kinuha pero iba ang trato nila sa akin kesa kay Brianna, prinsesa ang tingin nila dito habang
Ilaria's Point of ViewMatagal pa naman mag umpisa ang laro ko kaya naisipan namin na maglibot muna at puntahan ang mga booth na ginawa ng mga student.Kita ko ang saya sa mukha ni Harper habang kasama si Felix parang silang dalawa nga lang na nag de-date. Yung mga kaibigan ni Felix ay may kanya kanya naman silang ginawa like bibili sila ng mga natitipuhan nilang mga pagkain."Ang saya ni Harper no?" sabi ko kay Jonathan. "Bagay sila ni Felix.""Tsk, anong bagay? Hindi nga sila bagay eh," sabi niya, may himig ng inis ang boses niya. Pigil tawa pa rin ako dahil ayokong mahalata niya na niloloko ko siya."Bakit mo naman nasabi na hindi sila bagay?" Tanong ko.Hindi agad siya nakapagsalita, kita sa mukha niya na nag iisip siya ng sasabihin. "Kasi....""Kasi?" Tanong ko."Kasi mukhang babaero iyong Felix," mabilis na sagot niya."Paano mo naman nasabi na babaero ito?" Tanong ko."Kasi panay ang kaway at nginingitian ang mga babae," sagot niya."Ganyan ka rin diba? Edi babaero ka din?" Tan
Ilaria's Point of View"Maraming salamat Ilaria at dito mo naisipang sumali," sabi ni couch Frank, ang couch ng archery."Gusto ko naman po na solo play, para maiba naman," sagot ko. Last year volleyball ang sinalihan ko.Tumango naman si couch. "Dahil malapit na ang sport festival, araw-araw na ang practice. Hindi naman ako nangangamba na hindi ka makakasabay sa mga kasama mo dahil alam kong magaling ka."Nginitian ko naman siya. "Huwag niyo naman po akong masyadong puriin, hindi naman po ako ganun sobrang kagaling.""Tanggapin mo na, kami ngang mga couches laging hinihiling na sana ay piliin mo ang sport namin."Wala akong permanent na sinasalihang sport, ayokong sumali sa mga club dahil malayo nga ang inuuwian ko, gagabihin ako sa daan delekado pa naman ang dinadaanan ko kapag gabi. Marami rami pa namang mga kabataang nagtatambay kapag umuuwi ako at lahat ng mga kabataan kilala ako, minsan tinutulungan akong buhatin ang mga gamit ko kahit magagaan naman.Sumasali lang ako sa sport
Ilaria"Tay, pasok na po ako," paalam ko kay Tatay."Sige mag iingat ka," sabi niya.Madaling araw pa lang umalis na ako ng bahay, malayo kasi ang pinapasukan kong university sa bahay namin, hindi pwede ang motor or bike dito dahil makitid at delekado ang daanan kaya ang magagawa ko lang ay ang maglakad. Wala naman problema sa akin ito dahil sanay na rin naman ako dahil magdadalawang taon ko na itong ginagawa.It's been a year na rin pala ng mahanap ko ang totoong tatay ko at masasabi ko na super worth it ang paghahanap ko sa kanya dahil isa siyang mapagmahal na tatay na kahit na mahirap kami ginagawa naman niya lahat para maibigay ang gusto ko kahit pa hindi ko naman hinihiling. Malayong malayo ito sa nakalakihan ko pero mas masaya ako ngayon kaya kung papipiliin man ako itong buhay na ito ang pipiliin ko dahil kahit na mahirap lang kami dito ko naman naranasan ang maging masaya.Nagpakita na ang araw ng marating ako sa school, dumiretso muna ako ng locker ko para magpalit ng black s
"Kailangan ko ng umuwi, hindi ako pwedeng gabihin," paalam ko sa kaibigan ko na si Calista."Huwag muna," sabi niya."Pero baka mapagalitan nila ako,""Graduation party naman ito, maiintindihan naman nila iyon."Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya, graduation party naman namin wala naman sigurong masama kung gagabihin ako kahit ngayong araw lang. Pumayag ako na magtagal muna, natuwa naman siya sa sinabi ko dahil lagi na lang akong umuuwi ng maaga.Sobrang nag enjoy din ako sa party kaya hindi ko namalayan na madaling araw na pala."Hatid na kita," sabi ni Calista ng magpaalam ako sa kanya. Pumayag naman ako dahil wala na akong masasakyan sa ganitong oras.Malapit lang naman ang bahay ko sa bahay nila kaya mabilis lang kaming nakarating."Maraming salamat," sabi ko sa kanya. "Mag ingat ka sa daan.""Oo, sige na alis na ako, inaantol na rin naman ako."Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. Dahan dahan akong pumasok dahil ayokong mag ingay pa, siguradong t
"Kailangan ko ng umuwi, hindi ako pwedeng gabihin," paalam ko sa kaibigan ko na si Calista."Huwag muna," sabi niya."Pero baka mapagalitan nila ako,""Graduation party naman ito, maiintindihan naman nila iyon."Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya, graduation party naman namin wala naman sigurong masama kung gagabihin ako kahit ngayong araw lang. Pumayag ako na magtagal muna, natuwa naman siya sa sinabi ko dahil lagi na lang akong umuuwi ng maaga.Sobrang nag enjoy din ako sa party kaya hindi ko namalayan na madaling araw na pala."Hatid na kita," sabi ni Calista ng magpaalam ako sa kanya. Pumayag naman ako dahil wala na akong masasakyan sa ganitong oras.Malapit lang naman ang bahay ko sa bahay nila kaya mabilis lang kaming nakarating."Maraming salamat," sabi ko sa kanya. "Mag ingat ka sa daan.""Oo, sige na alis na ako, inaantol na rin naman ako."Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. Dahan dahan akong pumasok dahil ayokong mag ingay pa, siguradong t...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments