Share

Chapter 6

ILARIA

Kakatapos ko lang mag linis nag bahay kaya nagpahinga na muna ako sa sofa namin bago ako magluto ng hapunan ni Tatay. Bakasyon namin ngayon kaya dadalhan ko siya ng makakain niya sa farm kung saan siya nagta-trabaho para mainit pa ang kinakain niya, doon na rin ako tumatambay dahil presko doon at wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya mas magandang doon na lang ako, nakakausap ko pa ang mga ka-trabaho ni tatay kapag nagpapahinga sila.

"KUMUSTA iha, bakasyon mo na?" Tanong no Manong Jerry, ang security guard dito sa farm kung saan nagta-trabaho si tatay.

"Ayos lang po ako," sagot ko. "Opo, bakasyon na namin kaya lagi niyo na naman akong makikita."

"Abay gusto ko iyan para lagi akong ganahang mag trabaho dahil nakakakita ako ng maganda," biro ni Manong Jerry. Ganyan talaga iyan, kung 'di mo siya kilala pagkakamalan mo siyang manyak dahil sa mga salita niya pero mabait at marespeto siya sadyang mapagbiro lang talaga siya na na mi-misunderstood ng ibang tao.

"Sige po, pasok na po ako mamaya na lang po ulit tayo mag kwentuhan," sagot ko.

"O siya iha," sabi niya at binuksan ang gate.

Malayo ang farm sa mismong gate kaya naman naglalakad pa ako papunta doon, minsan kapag may mga na tsye-tsyempuhan ako na mga employee na nakasakay sa golf cart sinasakay nila ako.

Maaga pa naman bago magtanghalian sina tatay kaya naman umupo muna ako sa usual spot ko kapag nandito ako. Mas maganda sana kung may kubo or tree house man lang dito pero ayos lang din naman kahit wala nagdadala rin naman ako ng picnic mat para may maupuan kami ni tatay.

Maaga akong dumating bago sila mag lunch break kaya nagbasa na muna ako ng libro na dinala ko para may paglibangan ako habang naghihintay kay tatay. Masarap magtambay dito dahil malilim at napakapresko, kung meron nga sanang tree house dito pwede akong magtambay doon at matulog kapag hapon kapag inaantok ako"

"KUMUSTA ang pag aaral mo?" tanong ni Nanay Ising, isa sa ka trabaho ni tatay.

"Ayos lang po," sagot ko.

"Naku masyadong humble itong si Ilaria," singit ni tatay. "Laging dean lister 'yan kaya sobrang proud na proud ako sa kanya."

"Wow, napaka swerte mo naman sa anak mo," sabi naman ni tatay Ernesto.

"Swempre anak ko iyan eh mana lang sa akin," pagmamalaki ni tatay kaya napangiti naman ako, tuwang tuwa talaga ako kapag nakikita kong masaya siya habang pinagmamalaki ako.

Nagkwentuhan pa kami bago sila magpaalam ng matapos ang lunch break nila kaya niligpit ko na ang pinagkainan namin ni tatay at inilagay sa gilid pagkatapos kinuha ang libro at nagbasa ulit. Mas gusto kong magtambay dito kesa sa bahay mas presko dito at nabubusog pa ako dahil pwede akong kumuha ng mga prutas na tanim dito dahil lagi akong nandito kapag bakasyon na meet ko na ang may ari ng farm. Sobrang bait nila sa mga employee nila, pamilya na ang turing nila dito kaya kahit ilang prutas pa ang kuhanin at iuwi ng mga nagta-trabaho dito hindi sila nagagalit, isa pa sa sobrang dami ng mga bunga ng mga tanim dito hindi naman mauubos.

Naging ka close ko na nga sila lalo na si Tita Aurelia, sobrang kalog niya kasi at parang teenager kapag makipag usap sa akin kaya sobrang gaan ng loob ko sa kanya.

"Hi," Napahinto ako sa pagbabasa ng biglang may nagsalita, tumingala ako para makita ko ang mukha nito. Hindi ko maiwasang mapa kunot ang noo ko dahil pamilyar siya sa akin.

"Ahm, hello?" Awkward kong sabi.

Natawa naman siya ng mahina. "You seem to have forgotten me."

"Hehe, sorry makakalimutin talaga ako sa mga taong nakakasalamuha ko lalo na kung panandalian lang." Ewan ko ba, hindi ko maalala kung anong itchura ng mga taong nakakausap ko kapag hindi ko close.

"It's okay, magpapakilala na lang ulit ako, I'm Callum Adler, the MVP of basketball team nung school festival."

Dahil sa sinabi niya bigla ko namang naalala kung saan ko siya nakita. "Oh, yah natatandaan ko na, ikaw yung gwapong captain ng basketball team na tinitilian ng mga babae."

Natawa naman siya. "So iyan ang palatandaan mo sa akin kaya naalala mo ako."

"Well, halos mabingi kasi ako sa tili ng mga babae nung sport festival tapos bukang bibig ka lagi ng mga teammates ko na kesyo ang gwapo mo raw, sana mabuntis mo sila para may anak silang gwapo."

Mas lalo naman siyang matawa. "Nice."

"Mukhang sanay na sanay ka sa mga ganung bagay ah."

"Araw araw ko ng naririnig iyon kaya hindi na bago sa akin."

"Sabagay totoo naman kasi ang mga sinasabi nila." Gwapo naman kasi talaga ito lalo na sa malapitan kaya hindi na ako nagtataka kung bakit baliw na baliw ang mga babae sa kanya.

"So, gwapo pala ako sa paningin mo?"

"Oo bakit? Gwapo ka naman kasi talaga," pag amin ko, hindi naman masamang humanga ka sa itchura ng isang tao.

Umiling naman ito. "Sabi ko nga iba ka sa mga ibang babae."

"Ano?" tanong ko ng hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Wala, don't mind it."

"By the way, may parents ka rin ba na nagta-trabaho dito?" Tanong ko, ngayon ko lang kasi siya nakita dito.

"Parang ganun na nga," sagot niya na kinakunot ng noo ko. "Well, my parents is the owner of this farm." Nanlaki ang mata ko sa dinagdag niya.

"Anak ka nina Tita Aurelia?" Gulat na tanong ko.

"Tita ha? Yes, anak nila ako,"

"Bakit di mo sinabi sa akin, ang casual ko pa namang kausapin ka,"

"Ayos lang naman, hindi naman ako ang boss dito, isa pa hindi ka naman employee dito kaya ayos lang na casual mo akong kausapin."

"Pero anak ka pa rin ng boss ng tatay ko."

"Ayos lang kasi talaga, tayo na nga lang ang magkasing edad dito tapos magalang ka pa sa akin." Sabagay, kaming dalawa lang naman ang magkasing edad dito. "Isa pa first time ko lang dito kaya wala pa akong kilala pero dahil nakuta kita dito at least may pamilyar na mukha sa akin."

Tumango naman ako. "'Yung parents mo ba hindi pupunta dito?"

Umiling siya. "Ako muna ang pinapaasikaso nila dito dahil in the future ako na rin ang hahawak dito kaya tine-train na nila ako ngayon pa lang."

"Wow, sana all tagapag mana," biro ko na kinangiti niya.

"Lagi ka ba dito?" Tanong niya.

"Yes, kapag bakasyon ko lagi akong nakatambay dito, mas presko kasi dito kumpara sa bahay namin."

"Then alam mo na ang pasikot sikot dito?"

"Oo naman, nililibot din kasi ako dito ng parents mo kapag nandito sila."

"Oh great," masayang sabi niya. "Kung ganun pwede bang ikaw na lang mag libot sa akin dito para naman may ka kwentuhan ako habang nag lilibot?"

"Sure," sagot ko pagkatapos niligpit ko ang mga libro ko. "Tara na."

THIRD PERSON' POINT OF VIEW

Masayang inilibot ni Ilaria si Callum, nag eenjoy kasi itong maglibot pero hindi niya magawa kapag wala siyang kasama, mas masaya kasi kapag may kasama siya. Habang abala si Ilaria sa pag tuturo ng mga lugar si Callum naman ay na kay Ilaria lang ang atensyon, hindi naman kasi totoong first time niya lang dito dahil nung bata siya dito siya tumira kaya memorize na niya ang lugar, gusto lang niyang makasama si Ilaria kaya nag sinungaling siya dito.

"Heto ang favorite spot ko kasi dito nakatanim ang favorite fruit ko," sabi ni Ilaria, tinignan niya ang mga tanim, mga grapes. Napangiti naman siya dahil parehas sila ng favorite fruit, dito rin siya madalas magtambay noong bata siya para makakaim siya mh maraming ubas.

"Favorite ko rin 'yan," sagot niya.

"Wow, magkakasundo pala tayo." Nilibot pa ni Ilaria si Callum sa iba pang mga tanim at nang nailibot na nila lahat bumalik sila sa tambayan niya. "Kapag may mga tanong ka pa tanongin mo lang ako." 

"Then friends na ba tayo?"

Tumango naman si Ilaria. "Oo friends na tayo."

ILARIA

Isang linggo na ang lumipas ng makilala ko si Callum at sa isang linggong iyon mas nakilala ko siya, nalaman kong sa akin lang siya makulit at sobrang cold niya sa iba dahil nung pinakilala ko siya kay Harper hindi man lang niya ito pinapansin kahit pa nung kinakausap siya nito. Sinabihan ko naman siya na 'wag magsungit pero ayaw talaga eh masungit talaga siya sa ibang tao, sa akin lang talaga siya mabait at makulit.

"Congrats sa inyo," sabi ko kina Harper at Jonathan.

"Thank you," masayang sabi ng dalawa.

Were celebrating because Harper and Jonathan is now official, naging sila rin after ilang months ng ligawn stage nila at last naging sila rin. Makakahinga na ako ng maluwag dahil panatag na ako na magkakatuluyan ang dalawa, akala ko kasi mabubuwag ang ship ko dahil sa biglang pagsulpot ng girl best friend ni Jonathan. Sobrang sweet kasi ng huli sa babae kaya hindi maiwasang mag selos ni Harper, hindi naman kasi niya magawang komprontahin si Jonathan dahil hindi pa naman niya ito sinasagot kaya kinimkim niya na lang ito. Kung hindi ko pa nahata ang pag iwas ni Harper kay Jonathan baka hindi na magkaktuluyan ang dalawa.

"Harper," tawag ko ng makita ko siya sa garden ng bahay nila. Gusto ko na kasi siyang kausapin tungkol sa pag iwas niya kay Jonathan, hindi kasi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakakausap.

"Oh, Besty naparito ka?" tanong niya.

Umupo muna ako sa tabi niya bago sumagot. "Napapansin ko kasi lately ang pag iwas mo kay Jonathan, nag away ba kayo?"  Umiling naman siya. "Then why?"

"Nagseselos kasi ako," pag amin niya.

Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo. "Kanino?"

"Sa best friend ni Jonathan."

"Bakit ka naman magseselos sa kanya, they best friend."

"Oo nga pero 'di ko maiwasan na mag selos kasi sobrang sweet ni Jonathan sa best friend niya at tingin ko hindi lang best friend ang tingin nung babae dito kasi sobrang clingy niya pag dating dito lalo na kapag kasama na nila ako, para bang pinapakita niya sa akin na mas lamang siya sa akin kasi mas nauna siyang nakilala ni Jonathan." Kita mo sa mga mata niya ang lungkot, ngayon ko lang siya makitang ganito dahil masiyahing tao talaga siya.

"Pero bakit iniiwasan mo si Jonathan?"

"E kasi mukhang may gusto rin naman siya doon sa best friend niya."

"Sinabi niya ba?" Umiling naman siya. "Hindi naman pala, bakit nasabi mong may gusto niya dito."

"Sobrang sweet at napaka maalaga niya kasi sa best friend niya."

"Sweet at caring naman talaga si Jonathan sa mga taong malalapit sa kanya, best friend niya ito kaya normal lang na maging ganun siya dito. Na try mo na ba siyang kausapin?"

"Hindi pa."

"Dapat kausapin mo siya, sabihin mo sa kanya 'yang nararamdaman mo sa kanya para malaman niya kung anong gagawin niya."

"Hindi naman kasi kami kaya hindi ko masabi sa kanya na nag se-selos ako."

"Nililigawan ka niya so kailangan malaman din niya ang nararamdaman mo, trabaho niya na i-secure ang nararamdaman mo sa kanya lalo na siya lang pinayagan mong manligaw sa 'yo."

"Talaga?"

"Yes, para ma clear 'yan misunderstanding 'dyan sa utak mo."

After that kinausap ni Harper si Jonathan, naging aware naman ito sa nararamdaman ni Harper, nilinaw niya na ganun talaga ito sa best friend niya dahil parang kapatid na ang turing niya dito dahil bata pa lang sila ay magkakilala na sila at nilinaw nito na wala itong nararamdan dito.

Kinausap na rin ni Jonathan ang best friend niya na tigilan na ang ginagawa niyang pang aasar kay Harper kung hindi niya gagawin ipapauwi siya nito ulit sa america. Mabilis naman iyong sinunod ng best friend niya, hindi naman talaga ito seryoso tinitignan lang daw nito kung totoong mahal ni Harper si Jonathan kasi ayaw niyang masaktan ito, gusto lang nitong makasiguro na mabait at mahal ito ng magiging girl friend nito. Wala ring dapat ikatakot dito si Harper dahil may fiancé na ito at magpapakasal na sila next month kaya nauwi ito sa pilipinas.

Napakalaking misunderstood lang talaga ang nasa isip ni Harper, kung di ko pa talaga siya kinausap talagang lulubog na ang ship ko.

"Next celebration naman natin dapat engagement niyo na ha?" Biro ko sa kanila.

"Kakasagot ko lang sa kanya Besty, engagement agad iniisip mo."

"Naman, gusto ko kayo ang ending eh."

"Ewan ko sa 'yo," naiiling na sabi niya. "Huwag na nga muna nating isipin 'yan let's enjoy muna tayo, cheers."

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status