Ilaria's Point of View
"Maraming salamat Ilaria at dito mo naisipang sumali," sabi ni couch Frank, ang couch ng archery.
"Gusto ko naman po na solo play, para maiba naman," sagot ko. Last year volleyball ang sinalihan ko.
Tumango naman si couch. "Dahil malapit na ang sport festival, araw-araw na ang practice. Hindi naman ako nangangamba na hindi ka makakasabay sa mga kasama mo dahil alam kong magaling ka."
Nginitian ko naman siya. "Huwag niyo naman po akong masyadong puriin, hindi naman po ako ganun sobrang kagaling."
"Tanggapin mo na, kami ngang mga couches laging hinihiling na sana ay piliin mo ang sport namin."
Wala akong permanent na sinasalihang sport, ayokong sumali sa mga club dahil malayo nga ang inuuwian ko, gagabihin ako sa daan delekado pa naman ang dinadaanan ko kapag gabi. Marami rami pa namang mga kabataang nagtatambay kapag umuuwi ako at lahat ng mga kabataan kilala ako, minsan tinutulungan akong buhatin ang mga gamit ko kahit magagaan naman.
Sumasali lang ako sa sport kapag malapit na ang sport festival, for fun at for my grades dahil magbibigay sila ng mga extra grades kapag sumali kami sa mga sports. Hindi naman siya mandatory, 'yung gusto lang namang sumali.
"Kung ganun po maraming salamat," sabi ko na lang.
"'Wag mong minamaliit ang kakayahan mo, naging MVP ka nga last year." Well, di ko naman inaasahan na maging MVP basta iniisip ko lang maglalaro lang ako dahil gusto ko ang ginagawa ko. "Sige, na magbihis ka na doon para makapag practice ka na."
"Sige po,"
Third Person's Point of View
Habang naglalakad papunta ng locker room si Ilaria may isang dalaga ang masama ang tingin sa kanya, siya si Gianna ang pinakamagaling sa archery club.
"Ano bang nakita ni couch sa kanya? Mukhang di naman magaling, anong magagawa niya sa team? Magpaganda?" Inis na sabi niya, hindi niya maikakaila na maganda talaga si Ilaria, alam niyang wala siyang laban pagdating sa pagandahan pero kung usapang archery naman ay sigurado siyang mas may maibubuga siya dito.
"Shh, wag ka ngang maingay, maraming fans 'yang si Ilaria," saway sa kanya ng kaibigang si Danica. "Siguradong maraming mangbabash sa 'yo kapag narinig nila ang sinasabi mo."
Napairap naman si Gianna. "Isa pa 'yan, bakit mas marami siyang fans? Eh mas magaling naman ako."
"Pero MVP 'yan sa sport festival, alam mo namang hindi sila basta basta pipili lang ng MVP dahil lang sikat ito."
Hindi na lang nakapagsalita si Gianna dahil tama naman ang sinabi ng kaibigan. Hindi basta basta nag pagpili sa magiging MVP, hindi lang basta magaling sa sport marami pang category.
"Hahamunin ko siya, titignan ko kung karapat dapat talaga siyang maging MVP," sabi niya.
"Sigurado ka ba? Huwag kang padalos dalos sa desisyon mo dahil mapapahiya ka lang sa ginagawa mo," paalala ng kaibigan.
"Siya ang mapapahiya sa akin," mayabang na sabi niya at tumayo ng makitang kumabas na ng locker room si Ilaria.
Napahinto si Ilaria sa paglalakad ng may humarang sa daan niya. "Hinahamon kita."
Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo niya sa sinabi nito. "What?"
"Sabi ni couch magaling ka kaya hinahamon kita, maglaban tayo ng archery tignan natin kung magaling ka nga ba talaga."
'Oh, iyon pala ang ibig sabihin niya pero bakit gusto niya akong hamunin? At parang tingin ko galit na galit siya sa akin, ano bang ginawa ko sa kanya?'
"Pasensya na pero wala ako sa mood na makipaglaban sayo," sabi niya, lalagpasan na sana niya ito pero pinigilan siya nito.
"Kinakausap pa kita 'wag kang bastos," inis na sabi nito.
"Sinabi ko nga kasing wala ako sa mood."
Ngumisi naman ito. "Bakit natatakot ka bang matalo kita?" She want to provoke her but she's not that stupid para patulan ito.
"Why should I? Sinabi ko wala ako sa mood, ano ang hindi mo maintindihan?" Tinatamad siyang makipagduel, nandito siya para magpractice hindi para makipaglaban.
Tumawa naman ito. "Duwag ka pala, siguro binayaran mo ang sport council para maging MVP ka."
Hindi niya mapigilang mainis dito hindi dahil sa pang iinsulto nito sa kanya, naiinis siya dahil wala naman siyang ginagawa pero ganito siya nito tratuhin.
"Fine, let's duel," sagot niya.
"Papayag din pala dami pang arte," mataray na sabi nito. "Pero swempre hindi ito simpleng laban lang dapat may kapalit sa matatalo."
"Okay," sang ayon niya.
"Kung sinong manalo sa atin lahat ng gusto niya susundin, kahit ano pa ito. For example yung gusto ko ay umalis ka sa archery club, gagawin mo ng walang alinlangan, at ganun din sayo kung anong gusto mo gagawin ko ng walang alinlangan," paliwanag nito, nakangisi pa ito sa kanya.
Sumang ayon naman si Ilaria sa sinabi ni Gianna.
Sa kabilang dako, hindi nila alam na kanina pa nanunuod si couch Frank.
"Hindi mo ba sila pipigilan, couch?" Tanong ni Henry, ang manager ng archery.
"Hindi muna, gusto kong makita ang laban nila," sagot ni couch Frank.
Nagpunta sa shooting area sina Ilaria at Gianna at dahil maraming nakarinig sa pag uusap ng dalawa nanuod sila ng laban at nagpustahan kung sino ang mananalo. Maraming bumoto kay Ilaria at ganun din kay Gianna.
"May limang arrow kayo para tumira sa 90 meters na target, kung sino ang mas malaking score siya ang mananalo," sabi ng isang member.
"Dahil senior mo ako, ako ang mauunang tumira," sabi ni Gianna.
"Okay," simpleng sagot niya lang at umupo sa upuang nasa tabi niya.
Nag umpisa ng tumira si Gianna, naka tatlong 10 siya at dalawang 9.
"Beat that," mayabang nasabi ni Gianna.
Tumayo na siya sa inuupuan niya at pumwesto, agad siyang kumuha ng isang arrow sa lagayan niya pagkatapos mabilis na tumira wala pa mang sigundo ng matira niya ang una ay kumuha agad ito ng arrow at mabilis na tumira, ganun din ang ginawa niya sa ibang mga arrow.
Natahimik ang mga nanunuod na kanina pa nag chi-cheer at halos mapanganga sa nakita nila, ganun din si Gianna hindi siya makapaniwala sa nakita.
"All perfect 10," anunsyo ng isang member.
Lahat ng tira ni Ilaria ay puro 10 at hindi lang iyon dahil lahat ng mga iyon ay nasa red dot, kaya hindi makapaniwala ang mga nanuod sa nasaksihan nila.
"Omg! Ang galing talaga ni Ilaria."
"Sabi ko na siya ang mananalo, kaya Idol ko siya."
"Crush ko na yata siya."
Iba't ibang kumento ang maririnig sa mga nanunuod.
"I won," sabi ni Ilaria kay Gianna.
Napakuyom naman ito ng kamao, hindi niya matanggap na natalo siya ng bago nilang member. "Edi panalo ka," inis na sabi niya. "So, anong gusto mong ipagawa sa akin?"
"Wala pa akong naiisip sa ngayon, pwede bang mamaya na lang kapag may naisip na ako?" sabi niya.
Napataas naman ng kilay si Gianna. "Kanina pa tayo naglalaban di ka pa rin makaisip?" Nag shrug lang si Ilaria. "Dapat mag isip ka na ngayon kung hindi, hindi ko na gagawin ang sasabihin mo."
"Bakit naman? It's our deal, isa pa hindi pa naman natatapos ang araw na ito, mahaba pa ang oras. Pag iisipan ko muna kung anong ipapagawa ko sayo."
Gusto pang magreklamo ni Gianna pero maraming nanunuod kaya sumang ayon na lang ito sa sinabi niya.
"Ang galing mo talaga, idol," sabi ng isang babaeng member ng makaalis si Gianna. "I'm Claire by the way."
"Ilaria," pakilala niya rin at nakipag kamay dito.
"Kilala na kita, kaming lahat," sagot nito. "Wala yatang hindi nakakakilala sayo dito maliban siguro sa bago."
Napangiti lang ito, maraming beses na niyang narinig ito pero hanggang ngayon nahihiya pa rin siya kapag naririnig ito.
"Oo nga pala, pagpasensyahan mo na si Gianna ganun talaga iyon, ayaw niyang malamangan," binulong nito ang huling sinabi.
Napatango naman si Ilaria, naiintindihan na niya kung bakit ganun bigla ang pakikitungo nito sa kanya.
Ilaria's Point of View
"Balita ko may humamon sayo," bungad sa akin ni Harper pagdating ko ng canteen.
"At saan mo naman nahagilap iyan?" Tanong ko habang umuupo.
"Saan pa ba? Edi sa mga fans mo," sagot nito sa akin. "Alam mo naman pagdating sayo mabilis ang balita." Napailing naman ako. "So, sino iyong nanghamon sayo?"
"Huwag na nating pag usapan iyon, hindi naman yun ganun ka importante," sabi ko.
Ayoko kasing pinag uusapan ang isang tao dahil lang sa ginawa nila. I know she have a reason why she do that, hindi ko kailangang i-judge ang isang tao dahil lang sa pinapakita nila. Mali ang ginagawa nila but it doesn't mean kailangan mo na agad silang husgahan.
Harper understand what I mean, may pagka chismosa siya pero hindi siya namimilit. Good thing naman ang mga chinichismis niya, hindi naman niya ipagkakalat if wala siyang true source, aalamin niya muna ang totoo bago niya sabihin sa akin at sa akin lang naman niya sinasabi ang chismis niya.
"Kumusta ang practice mo?" Pag iiba niya ng topic.
"It's fun, marami akong mga naging kaibigan doon," sabi ko.
"Uy, 'wag mo akong ipagpalit sa kanila ah," may halong pagtatampo sa boses niya.
"Of course. They are my friends but you're my best friend."
"Aww, ang sweet talaga ng besty ko."
MABILIS lumipas ang araw dumating na ang hinihintay ng lahat ang sport festival. Maaga akong dumating sa school para makapaghanda sa laban namin pero may mas maaga sa aming mga maglalaro dahil madami dami na ring mga estudyanteng manunuod ng laban.
"Good morning," bati ko kay Harper ng makita ko siya sa canteen.
"Good morning," hyper na sabi niya.
"Ang saya mo yata?" Tanong ko.
"OMG, I have kwento to you," kinikilig na sabi niya pero hindi niya natuloy ng may nagsalita.
"Good morning," napatingin kami sa nagsalita, si Jonathan. "Binili ko kayo ng almusal." Nilapag niya sa lamesa ang Starbucks na hawak niya.
"Wow, himalang binili mo rin ako," sabi ni Harper.
"Bakit ayaw mo?" Tanong ni Jonathan.
"Swempre gusto, libre kaya ito," sabi niya at kinuha ang para sa kanya.
Umupo si Jonathan sa tabi ko. "Good luck sa laban mo mamaya," sabi niya sa akin.
"Thanks ikaw din," sabi ko, basketball player siya at siya ang captain.
"Alam niyo mas sweet pa kayo sa kinakain ko," singit ni Harper kaya napatingin ako sa kanya. Hindi gaya dati na may inggit akong nakikita sa kanya pero ngayon parang wala na lang sa kanya.
"Magpaligaw ka na rin para naman hindi ka na bitter diyan," sabi ni Jonathan.
"Hindi ako bitter no," dipensa ni Harper. "And don't worry malapit ng mangyari ang sinasabi mo." Ang laki ng ngiti niya, para bang may magandang nangyari sa kanya kanina.
Kita kong biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Jonathan pero agad ding nawala.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Oo nga pala iyon ang gusto kong i lkwento," kinikilig na sabi niya. "May nakilala akong gwapo, taga manila—" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil sa kilig. "Sobrang gwapo niya besty, tapos mukhang mayaman at sobrang bago."
Napansin kong parang may binubulong si Jonathan pero di ko narinig.
"Tsk, mayaman at mabango naman ako."
"Felix Carlo Quinn ang pangalan niya, diba ang susyal," napatili pa ito. "Kapag naging asawa ko siya magiging Harper Quinn na ang apilido ko. Hindi na mabaho ang apilido ko." Makadagdag kasi ang apilido niya na super hate na hate niya kaya kapag nagpapakilala siya puro first name niya lang.
"Mas maganda kaya apilido ko sa kanya," singit ni Jonathan.
"Paki ko," sagot ni Harper. Hindi ko mapigilang matawa kaya napatingin sila sa akin. "Bakit?"
"Wala, wala," umiiling na sabi ko.
'Kung ako sa'yo Jonathan gumalaw ka na baka maagawan ka pa'
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Harper," napatingin sina Harper, sa sumigaw.
Para namang nagliwanag ang mukha ni Harper ng makilala kung sino. "OMG, hi Felix." Nilagay niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya na para bang nagpapa cute.
"Hello, mga kaibigan mo?" Tanong ni Felix.
"Siya lang," tinuro niya si Ilaria. "She's Ilaria my best friend at itong lalaking ito manliligaw niya."
"Hi," sabi ni Ilaria.
"Ikaw sino yang mga kasama mo?" Tanong ni Harper ng mapansing may kasama ito.
"Kaibigan ko, si Nathaniel," tinuro niya ang lalaking nasa tabi niya, medyo matangkad ito ng konti dito. "Jherson," tinuro niya ang isang lalaki na tingin ko mas bata sa kanila dahil nakasuot ito ng pang high school uniform. "And this is Callum." Tinuro niya 'yung lalaking kanina ko pa napapansin na nakatingin sa akin pero hindi ko lang pinapansin. Hindi ko alam kung bakit sobra itong makatingin sa akin, may atraso ba ako sa kanya? Nag meet na ba kami?
"Hi," masayang bati ni Harper sa kanila habang ako tango lang ang binigay. Itong si Jonathan naman kanina pa masamang nakatingin kay Felix kaya hindi ko maiwasang mapangisi.
"Pwede bang makitabi?" Tanong ni Felix.
"Ang daming vacant dito pa kayo tatabi," sabi ni Jonathan pero bigla siyang napadaing ng sikuin siya ni Harper.
"Oo naman pwede kayong umupo," masayang sabi ni Harper.
"Thanks," sabi ni Felix then umupo siya sa tabi ni Harper, tinikom ko ang bibig ko para hindi ako matawa sa reaksyon ni Jonathan.
'Di pa kasi umamin eh'
Mukhang mag eenjoy ako sa araw na ito.
To be continued...
Ilaria's Point of ViewMatagal pa naman mag umpisa ang laro ko kaya naisipan namin na maglibot muna at puntahan ang mga booth na ginawa ng mga student.Kita ko ang saya sa mukha ni Harper habang kasama si Felix parang silang dalawa nga lang na nag de-date. Yung mga kaibigan ni Felix ay may kanya kanya naman silang ginawa like bibili sila ng mga natitipuhan nilang mga pagkain."Ang saya ni Harper no?" sabi ko kay Jonathan. "Bagay sila ni Felix.""Tsk, anong bagay? Hindi nga sila bagay eh," sabi niya, may himig ng inis ang boses niya. Pigil tawa pa rin ako dahil ayokong mahalata niya na niloloko ko siya."Bakit mo naman nasabi na hindi sila bagay?" Tanong ko.Hindi agad siya nakapagsalita, kita sa mukha niya na nag iisip siya ng sasabihin. "Kasi....""Kasi?" Tanong ko."Kasi mukhang babaero iyong Felix," mabilis na sagot niya."Paano mo naman nasabi na babaero ito?" Tanong ko."Kasi panay ang kaway at nginingitian ang mga babae," sagot niya."Ganyan ka rin diba? Edi babaero ka din?" Tan
GIANNA"So, sa school ni Gianna ang location ng sport festival?" tanong ni Dad kay Brianna, my twin and golden child ng parents ko."Yes, dad," sagot nito."Kung ganun makakalaban mo pala si Gianna," sabi ni Mom."Kaya nga excited na akong makalaban siya," sabi nito habang nakangisi, nasa harapan ko lang kasi siya kaya nakikita ko."Kung ganun kailangan mong galingan Gianna, baka mapahiya ka sa sarili mong school kapag natalo ka ni Brianna," sabi ni Dad.Napahigpit na lang ako sa kutsarang hawak ko, pinipigilan kong magalit dahil siguradong paparusahan nila ako. Lagi naman silang ganyan, mas pabor sila kay Brianna dahil mas maganda, matalino at magaling daw siya sa akin.Kambal kami pero iba ang trato nila kay Brianna dahil ng pinanganak kami, mahina ang puso niya. Hindi nila ako kayang alagaan habang inaalagaan si Brianna kaya pinaalaga nila ako kina lola. Nung 10 years old ako doon lang ako kinuha pero iba ang trato nila sa akin kesa kay Brianna, prinsesa ang tingin nila dito habang
Tapos na ang school festival pero hindi maalis kay Callum ang magandang dalagang nakita niya sa school na pinuntahan nila. Hindi naman siya 'yung tipong nagagandahan sa isang babae kung tutuusin ay sobrang cold niya sa mga ito pero ng makita niya ang dalaga biglang bumilis nag tibok ng puso niya. Ito ba ang sinasabi ng mommy niya na 'love at first sight?'. Hindi siya naniniwala doon at sobrang naki-cringe siya kapag sinasabi ng mommy niya na na love at first sight ito sa daddy niya pero ngayon naniniwala na siya. Totoo nga iyon biglang bibilis ang tibok ng puso at magiging slowmo ang paligid mo kapag nakita mo ang babaeng magpapatibok ng puso mo. "Anak, ayos ka lang?" Nagising siya sa pagkakatulala ng marinig niya ang mommy niya. "I'm okay, Mom," sagot niya at tinuloy ang kinakain niya. "Hindi ako naniniwala," Kilala nito ang anak niya, alam niya kung kelan ito nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. "Sabihin mo sa akin ang problema mo." Umiling naman siya. "Don't mind me mom." Na
ILARIAKakatapos ko lang mag linis nag bahay kaya nagpahinga na muna ako sa sofa namin bago ako magluto ng hapunan ni Tatay. Bakasyon namin ngayon kaya dadalhan ko siya ng makakain niya sa farm kung saan siya nagta-trabaho para mainit pa ang kinakain niya, doon na rin ako tumatambay dahil presko doon at wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya mas magandang doon na lang ako, nakakausap ko pa ang mga ka-trabaho ni tatay kapag nagpapahinga sila."KUMUSTA iha, bakasyon mo na?" Tanong no Manong Jerry, ang security guard dito sa farm kung saan nagta-trabaho si tatay."Ayos lang po ako," sagot ko. "Opo, bakasyon na namin kaya lagi niyo na naman akong makikita.""Abay gusto ko iyan para lagi akong ganahang mag trabaho dahil nakakakita ako ng maganda," biro ni Manong Jerry. Ganyan talaga iyan, kung 'di mo siya kilala pagkakamalan mo siyang manyak dahil sa mga salita niya pero mabait at marespeto siya sadyang mapagbiro lang talaga siya na na mi-misunderstood ng ibang tao."Sige po, pasok na
ILARIA"Waynne samahan mo akong pumunta ng bayan," bungad sa akin ni Silas. Waynne ang tawag niya sa akin in short ng first name ko Elowaynne, ayaw niya akong tawaging Ilaria dahil marami na raw tumatawag 'nun sa akin kaya nag isip niya ng ibang name na siya lang ang tatawag sa akin ng ganun tapos ako Silas ang tawag ko sa kanya, second name niya iyan ang gusto niya eh.Binaba ko muna ang binabasa ko bago ko siya sinagot. "Anong gagawin mo sa bayan?""Pupuntahan ko lang si Mayor may kailangan lang kaming pag usapan," sagot niya, hindi na ako nagtanong pa dahil masyado ng private iyon."Sige, paalam lang ako kay tatay," sagot ko.Pinayagan naman agad ako ni tatay dahil may tiwala naman siya kay Silas. Sumakay kami gamit ang kabayo, marunong naman akong magkabayo dahil tinuruan ako ni Tito Lucio, tatay ni Silas pero gusto ni Silas na iisang kabayo lang kami para daw mas mabilis kami."Mabuti naman at pumayag ka sa imbitasyon ko," sabi ni Mayor habang nakikipagkamay kay Silas."You're my
"Kailangan ko ng umuwi, hindi ako pwedeng gabihin," paalam ko sa kaibigan ko na si Calista."Huwag muna," sabi niya."Pero baka mapagalitan nila ako,""Graduation party naman ito, maiintindihan naman nila iyon."Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya, graduation party naman namin wala naman sigurong masama kung gagabihin ako kahit ngayong araw lang. Pumayag ako na magtagal muna, natuwa naman siya sa sinabi ko dahil lagi na lang akong umuuwi ng maaga.Sobrang nag enjoy din ako sa party kaya hindi ko namalayan na madaling araw na pala."Hatid na kita," sabi ni Calista ng magpaalam ako sa kanya. Pumayag naman ako dahil wala na akong masasakyan sa ganitong oras.Malapit lang naman ang bahay ko sa bahay nila kaya mabilis lang kaming nakarating."Maraming salamat," sabi ko sa kanya. "Mag ingat ka sa daan.""Oo, sige na alis na ako, inaantol na rin naman ako."Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. Dahan dahan akong pumasok dahil ayokong mag ingay pa, siguradong t
Ilaria"Tay, pasok na po ako," paalam ko kay Tatay."Sige mag iingat ka," sabi niya.Madaling araw pa lang umalis na ako ng bahay, malayo kasi ang pinapasukan kong university sa bahay namin, hindi pwede ang motor or bike dito dahil makitid at delekado ang daanan kaya ang magagawa ko lang ay ang maglakad. Wala naman problema sa akin ito dahil sanay na rin naman ako dahil magdadalawang taon ko na itong ginagawa.It's been a year na rin pala ng mahanap ko ang totoong tatay ko at masasabi ko na super worth it ang paghahanap ko sa kanya dahil isa siyang mapagmahal na tatay na kahit na mahirap kami ginagawa naman niya lahat para maibigay ang gusto ko kahit pa hindi ko naman hinihiling. Malayong malayo ito sa nakalakihan ko pero mas masaya ako ngayon kaya kung papipiliin man ako itong buhay na ito ang pipiliin ko dahil kahit na mahirap lang kami dito ko naman naranasan ang maging masaya.Nagpakita na ang araw ng marating ako sa school, dumiretso muna ako ng locker ko para magpalit ng black s