Share

Chapter 3

Ilaria's Point of View

Matagal pa naman mag umpisa ang laro ko kaya naisipan namin na maglibot muna at puntahan ang mga booth na ginawa ng mga student.

Kita ko ang saya sa mukha ni Harper habang kasama si Felix parang silang dalawa nga lang na nag de-date. Yung mga kaibigan ni Felix ay may kanya kanya naman silang ginawa like bibili sila ng mga natitipuhan nilang mga pagkain.

"Ang saya ni Harper no?" sabi ko kay Jonathan. "Bagay sila ni Felix."

"Tsk, anong bagay? Hindi nga sila bagay eh," sabi niya, may himig ng inis ang boses niya. Pigil tawa pa rin ako dahil ayokong mahalata niya na niloloko ko siya.

"Bakit mo naman nasabi na hindi sila bagay?" Tanong ko.

Hindi agad siya nakapagsalita, kita sa mukha niya na nag iisip siya ng sasabihin. "Kasi...."

"Kasi?" Tanong ko.

"Kasi mukhang babaero iyong Felix," mabilis na sagot niya.

"Paano mo naman nasabi na babaero ito?" Tanong ko.

"Kasi panay ang kaway at nginingitian ang mga babae," sagot niya.

"Ganyan ka rin diba? Edi babaero ka din?" Tanong ko.

"Hindi ah," mabilis na tanggi niya.

Hindi ko maiwasang mapangisi. "Nag seselos ka no?"

"Ha? Saan naman ako nagseselos?"

"Kina Harper at Felix."

Pilit naman itong tumawa. "Bakit naman ako magseselos sa dalawang iyon? Wala naman akong pakielam sa kanila."

"Talaga?" Tumango naman siya. "Kahit ligawan ni Felix si Harper?" Bigla naman itong natigilan sa sinabi ko kaya napailing na lang ako. "Huwag mo na kasing i-deny yang nararamdaman mo para kay Harper."

"A-Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw ang nililigawan ko diba?"

"Pumayag ba ako?" Hindi naman siya nakasagot. "Alam mo sa ilang buwan mong panliligaw mo sa akin ni minsan hindi ako nagpakita ng interest sayo pero pinipilit mo lang ang sarili mo sa akin at sa ilang buwan na iyon laging kayo ang magkasama kapag iniiwan ko kayo para pumunta ng library. Kayo lagi ang may quality time sa isa't isa."

"I-Imposible ang sinasabi mo, ang tagal ko ng kasama si Harper pero wala naman akong nararamdaman sa kanya pero ng makita kita agad tumibok ang puso ko sa'yo."

"Oo nga, wala kang nararamdaman sa kanya dahil hindi naman kayo nagkakasama noon pero nung lagi na kayong magkasama may nabubuo na diyan sa puso mo. Iyong sinasabi mong tumibok agad ang puso mo sa akin, hindi iyan dahil mahal mo ako, kundi paghanga lang gaya ng ibang lalaki. Bumabase ka lang sa panlabas na anyo kaya nasasabi mo na tumibok nag puso mo sa akin pero ang totoo paghanga lang nag nararamdaman mo sa akin di gaya kay Harper, dahil nakilala mo na siya ng lubusan at alam mo na talaga ang pag uugali niya." Hindi niya nakaimik sa sinabi ko para bang nag iisip siya kung totoo ang sinasabi ko. "Ibang iba ang tingin mo sa akin sa tingin mo kay Harper, paghanga ang nakikita ko sa mga mata mo kapag kinakausap mo ako pero kapag magkausap kayo ni Harper, nagniningning yang mata mo kulang na lang ay maging puso yang mata mo."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes, kapag nag ke-kwento siya alertong alerto ka na para bang ayaw mong may makaligtaan sa mga sinasabi niya," sabi ko.

Tahimik lang ako pero observant ako, kahit maliit na senaryo ay mapapansin ko kaagad kaya walang nakakapag sinungaling sa akin dahil agad kong napapansin ang paiba iba nilang kwento. Natututo akong mag observed dahil sa mga taong tinuring kong pamilya, ayokong maranasan ulit masaktan.

Bigla naman siyang natawa ng mahina. "Mukhang tama nga itong nararamdaman ko pero nalilito pa rin ako dahil alam ko sa sarili ko na ikaw ang gusto ko."

"So, na realize mo na noon pa lang?" I ask.

"Yeah," pag amin niya. "Pero isinasantabi ko dahil ikaw ang nililigawan ko. Kahit nanliligaw pa lang ako, gusto kong maging loyal sa isang babae, ayokong isipin nila na madali lang sa akin ang magpalit ng babae."

"Kung ang nililigawan mo ay walang problema kung titigil ka na sa panliligaw bakit kailangan mong isipin ang sasabihin ng iba? Matagal ko namang sinasabi sayo na hindi kita pinapayagang manligaw kaya hindi kita official manliligaw kaya malaya ka pa ring manligaw ng ibang babae, "

"I know pero alam ng mga school mate natin na nililigawan kita."

Natawa naman ako dahilan ng pagkunot ng noo niya.       "Don't worry, alam ng mga school mates natin na ikaw lang ang nagpupumilit na manligaw sa akin. Alam nila na wala akong balak na magpaligaw sayo, so don't worry about them."       Baka magulat siya kapag nalaman niya na sini-ship silang dalawa ni Harper. Maraming nag hihintay na ligawan ni Jonathan si Harper.

"Really?" He ask.

"Of course, kapag sinabi ko that's 100 percent true."

I saw the relief in his eyes.     "Mabuti naman."

"So, habang wala maaga pa umamin ka na kay Harper."

He frown.    "Paano? Mukhang may gusto na siya kay Felix."

"So? Susuko ka na lang ba dahil doon? Hindi ka man lang susubok? Hahayaan mo na lang ba na makuha siya ng ibang lalaki?"     Natahimik naman siya.     "Hangga't hindi pa sila may pag asa ka pa."

"Paano kung ligawan ni Felix si Harper?"

"Then be the man wins, patunayan niyo kay Harper kung sino ang karapat dapat sa kanya."     Nililigawan pa lang naman, kahit na magpaliwag siya sa maraming lalaki walang problema, hindi naman iyon cheating at hindi rin ito malandi dahil lang sa maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya, naka depende pa rin naman sa lalaki kung gaano ito katatag at ka patience para hintayin ang matamis na 'oo' ng isang babae.

"You're right, wala namang mawawala kung umamin ako sa kanya," sabi niya. "Thank you, kung di dahil sayo baka hindi ko pa rin na realize ang lahat."

I smiled.   "You're welcome."

"HOY ILARIA, ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin yung dare na ipapagawa mo sa akin," bungad sa akin ni Gianna.

"Oh. I forgot," simpleng sabi ko dahilan para mamula sa galit ang mukha niya.

"What?! Pinagloloko mo ba ako?!" Galit na sabi niya.

"No, I'm not joking around," depensa ko. "Nakalimutan ko talaga." Nawala talaga sa isip ko dahil hindi naman ako seryoso sa bagay na iyon kaya hindi tumatak iyon sa isip ko.

"Bakit mo nakalimutan?"

"Naging busy ako sa practice."

Napahilamos na lang siya dahil sa inis. "Edi ngayon sabihin mo na kung anong ipapagawa mo."

"Pwedeng mamaya na, malapit ng mag umpisa ang laban, tsaka wala pa akong naiisip."

Naikuyom na lang siya ng panga dahil sa inis pero kinalma niya ang sarili ng makitanh marami ng dumadaan. "Siguraduhin mo lang mamaya na may naisip ka ng dare sa akin."

"Yeah, yeah," sagot ko na lang at binalik ang atensyon ko sa pagpa-practice.

Hindi ko alam kung anong dare ba ang ipapagawa ko sa kanya, wala naman kasi talaga akong balak mag isip ng dare dahil wala naman akong ipapagawa sa kanya pero sa ugali ni Gianna hindi ito papayag na wala akong ipapagawa sa kanya, siguradong iisipin nun na minamaliit ko lang siya.

NAG UMPISA na ang laban namin, ang daming magagaling ngayong taon. Yung mga nakalaman ko sa volleyball last year mas maging magaling sila, hindi na sila gaya ng dati na madaling mabasa ang mga galaw nila pero ngayon magugulat ka na lang sa gagawin nila. Kung makakalaban ko pa sila ngayon baka mahirapan na akong kalabanin sila.

"Good luck besty," sabi sa akin ni Harper, katabi niya si Jonathan. Wala pang idea si Harper na may gusto si Jonathan sa kanya dahil hindi pa ito umaamin umaamin. Saka na raw kapag natapos na ang sport festival.

"Thanks," sabi ko at nagpunta ako sa bench na inuupuan ng mga teammates ko, habang naglalakad ako panay ang sigawan ng mga nanunuod at lamang doon ang sigaw ng mga sumusuporta sa akin. Kinawayan at nginitian ko sila pabalik, thankful naman ako sa mga suportang binibigay nila lalo na sa mga banners na ginagawa nila, mas maganda at ma-effort ang mga banners nila sobrang creative nila kaya tanggap na ni Harper na talo na ito sa kanila ng makita ang mga banners na ginawa nila.

"Goodluck team, just enjoy this play, 'wag kayong masyadong pa stress kahit na matalo kayo proud pa rin ako dahil binigay niyo pa rin ang best niyo para sa araw na ito," sabi ni couch Frank.

Napangiti naman ako sa sinabi niya, hindi siya gaya ng iba na sobrang pinipressure ang mga players nila pero siya chill lang at walang pakielam kung matalo basta makita niyang nag e-enjoy ang players niya.

Unang sumabak ang mga seniors, sobra akong namangha sa galing nila. Nakikita ko silang magpractice pero iba ang galing nila kapag nasa serious mode sila. After ng laban nila kami namang mga juniors, naunang sumabak ang mga regulars o 'yung mga players na member talaga ng archery. Mayamaya si Gianna na ang maglalaro, hindi ko maiwasang mapakunot ng noo ng makitang iba ang aura ni Gianna para bang may mali.

"Parang may iba kay Gianna," napatingin ako sa nagsalita, si Senior Anna.

"Napansin mo rin po iyon?" tanong ko.

"Oo naman, matagal ko ng kilala si Gianna kaya kilalang kilala ko na siya. Hindi siya ganito noon," sagot niya.

Hindi na ako nagsalita at binalik ang atensyon kay Gianna. Turn na niyang pumana, napatayo ako dahil iba ang klase ng pagpana niya, hindi tama ang ginagawa niya posible na ma injured siya kapag tinuloy tuloy niya ito.

"Don't do it," bulong ko, hinihiling na sana ma-realize ni Gianna na wrong move ang gagawin niya pero nadisappoint ako ng itinuloy niya pa rin ang ginagawa niya.

Lalapitan ko sana siya sa pangalawa niyang pana para pigilan  ito pero hinawakan ako sa kamay ni Senior Anna.

"Huwag mong ituloy ang binabalak mo," sabi niya.

"Pero Senior Anna..." reklamo ko.

"Alam ko ang gusto mong gawin pero ma di- diqualified siya kapag lumapit ka sa kanya." Bigla ko namang na realize ang ginawa ko, muntik ko ng masira ang laro ni Gianna pero kailangan kong pigilan ang ginagawa niya dahil baka di na siya makapaglaro pa.

"Mamaya mo na lang gawin ang gusto mong gawin, may oras ka pa naman para pigilan siya," dagdag ni Senior Anna.

Wala akong nagawa kundi ang umupo at maghinta, kailangan ko ring mag relax dahil ako na ang susunod na lalaban.

NANALO kami sa unang round, may isang oras pa kami bago mag umpisa ang second round. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng makasalubong ko siya Gianna, binilisan ko ang lakad para maabutan siya.

"Gianna," tawag ko sa kanya, humarap naman siya. "Mag usap tayo."

"Anong sasabihin mo?" inis na tanong niya.

"In private," dagdag ko ng mapansing dumadami ang mga taong dumadaan dahil papunta ito sa mga booth.

"Ano namang pag uusapan natin at tayong dalawa lang?" inis na sabi niya.

"Basta sumunod ka na lang." Nauna na akong lumakad, kahit hindi na ako tumingin sa likuran alam kong nakasunod siya sa akin.

"So, anong pag uusapan natin," tanong niya ng makarating na kami sa likod ng school, naka cross arm ito habang nakatingin sa akin.

"Yung ginawa mo kanina sa laro tigilan mo na iyan," seryosong sabi ko.

Napairap naman siya. "Bakit kita susundin at anong pakielam mo?"

"Sinasabi ko ito sa iyo dahil sa ginagawa mo pwede mong ikapahamak."

"It's none of your business, kung ano mang gusto kong gawin wala ka ng pakielam doon."

Napabuntong hininga naman ako, inaasahan ko naman na mahihirapan akong kausapin si Gianna dahil sa ugali nito pero kailangan ko siyang kumbinsihin na itigil iyon bago pa man niya pag sisihan.

"Alam ko iyon pero kailangan kitang pigilan sa ginagawa mo dahil hindi maganda ang ginagawa mo, pwede mong ikapahamak iyon." Kahit ayaw niya sa akin hindi ko naman maatim na manahimik na lang at panoorin siya na magsisi sa ginawa niya.

"Ang kulit mo rin ano? Ano bang hindi maintindihan sa 'wala kang pakielam'?"

No choice na ako kundi gawin ito. "Hindi ba't may dare pa akong ipapagawa sa 'yo? Iyon ang dare ko, tigilan mo ang ginagawa mo kanina."

Napahilamos na lang siya ng mukha dahil sa frustration. "Bakit mo ba ginagawa ito? Bakit mo ba ako pinapakielaman?"

"Dahil ayokong makita kang mag suffer dahil sa maling desisyon mo," sagot ko.

"Pero kailangan kong gawin iyon," naluluha na siya pero pinipigilan lang niya.

"Bakit kailangan mong gawin iyon, sobra bang importante nito?"

"OO! Importante ito kaya tigilan mo na ang pangingielam mo sa akin."

"Mas importante ba ito kesa sa sarili mo ha, sobrang importante ba nito para i- sacrifice mo ang kamay mo?" Ganun ba kaimportante iyon para mag sacrifice siya ng ganun? Hindi lang ito basta basta dahil hindi lang siya magkaka injury pwede ring hindi na siya makakapaglaro pa ng archery.

"Ito lang ang paraan ko, desperada na akong matalo siya!" sigaw niya kasabay 'nun ang pagbuhos ng luha niya.

Hindi ko naman maiwasang ikunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sinong gusto mong matalo?"

Pinunasan niya ang luha niya. "Wala ka ng pakielam doon."

"I know, pero gusto kong malaman para maintindihan kita," kalmadong sabi ko, ayokong sabayan ang frustration niya, 'di kami magkakaintindihan kung parehas kaming nagsisigawan. "Alam kong ayaw mo sa akin pero kahit ngayon lang ituring mo akong kaibigan mo, ilabas mo lahat  sa akin ang sama ng loob mo."

After I said that, bigla siyang humagulgul pagkatapos ay napaluhod na lang. Hinayaan ko lang siyang umiiyak, lumuhod din ako para pakalmahin siya.

"Bakit ganito ka sa akin, hindi naman maganda ang trato ko sa 'yo pero bakit ang bait mo sa akin?" humihikbing tanong niya sa akin.

"Dahil hindi naman kita kaaway, oo ayaw mo sa akin but it doesn't mean ayaw ko na rin sa 'yo. I know may dahilan kung bakit ayaw mo sa akin and it's understandable, may mga bagay talaga tayong kinakaayawan."

Kahit sobrang bait mo may mga tao pa rin na mag he-hate sa 'yo, hindi naman kasi mawawala iyon. Hindi naman natin sila mapipigilan kung ayaw talaga nila sa 'yo. Be the bigger person, intindihin mo na lang sila, kung ano man ang ayaw nila sa 'yo hayaan na lang sila kung alam mong wala ka namang ginagawa sa kanila.

She chuckled. "Naiintindihan ko na kung bakit maraming may gusto sa 'yo."

Nginitian ko siya. "So, pwede mo na bang sabihin sa akin ang dahilan?"

Napabuntong hininga naman siya at tumango.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status